CHAPTER- 21
«NOEMI's POV»
KINAGABIHAN...
Nasa kwarto parin ako at iniisip ang huling simabi ni Vio saaken.
"I know him, better than you"
So? magkakilala sila ni Akiro? Paano? Kailan? Saan? Baket?
Baket ko nga ba pinoproblema to? Haystt...
Napahinto ako sa pag iisip ng kumatok i Lory.
"Ma'am baba na po, kakain na" sigaw niya mula sa labas.
Agad naman akong lumabas at tinungo ang hapag malas ko lang kaharap ko na naman tong mayabang to. Inirapan ko siya ng palihim at nagsimula ng sumandok.
Woah! peyborit kong dinuguan is hereee!!!
Habang sumasandok ako napapansin kong nakatingin lang sya sakin, kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Tinitingin tingin mo?" masungit kong tanong.
Di siya sumagot bagkus ngumisi lang at nagsandok na din.
Di niya ba talaga makalimutan yung nangyare kahapon piste!
Pagkatapos namin kumain umupo ako sa sofa para magpahinga, siya naman naka pandikwatrong pang lalake sa kabilang dulo ng sofa at may binabasa.
Naka pantulog sya, itim na pares ng pantulog na may mga design na mga buwan. Naka specs din siya habang nagbabasa.
Bat ang kyut niya tingnan sa damit na yan.
Tahimik ko lang syang pinagmamasadan ng magsalita siya.
"Stop staring, i might think that you're...." pambibitin na saad niya habang nasa papel parin nakatuon ang mata.
"Na ano? pinagnanashan kita? In your dreams!" singhal ko sa kanya.
"I didn't say anything, it came from you" sabi niya sabay tingin sakin.
Baket ko nga ba sinabi yun! Haystt...
Inirapan ko lang siya at padabog na tumayo at tinungo ang kwarto ko.
Ilang oras na akong naka talukbong dito at pinipilit na matulog pero di talaga ako dinadalaw ng antok, kaya napagpasyahan ko na lang manood ng Kdrama.
Di nagtagal nakaramdam ako ng uhaw kaya bumaba muna ako para uminom ng tubig.
Pagkababa ko patay na lahat ng ilaw maliban sa mga ilaw sa labas.
Akma akong iinom ng tubig ng may napansin akong parang may humahalungkay sa kusina.
Nanginginig kong in-on ang switch...
"Wahhhhhhh!!!!" sigaw ko.
"Ay! anakan mo ko!" gulat sigaw ni Lory.
"Piste ka Lory! Nakakagulat ka!" singhal ko sabay hawak sa dibdib ko.
E sino bang hindi magugulat, naka daster syang puti tapos may pa mask pa sa mukha! Kinabog pa ako sa pag iiskin care!
"Pasensya na Ma'am, baket gising pa po kayo?" tanong niya habang naghihiwa ng cheese.
"Di ako makatulog, nanonood lang ako ng Kdrama, nauhaw ako kaya ito iinom sana ako kaso ginulat moko!" sabi ko sabay ismid.
"Pasensya gyud Ma'am, ako dili man ako makatulog kaya nanonood din ako ng Kdrama Ma'am, gwapo kaayo kay ni Hiyong Vin!" sabi niya sabay hagikhik.
Teka? sinong Hiyong Vin?
"Sinong Hiyong Vin?" nagtatakang tanong ko.
"Yung sa Kras Land.. ano nga yun" sabi niya na tila nag iisip.
Hayeopp, Hyun Bin pala yun!
"Hyun Bin kasi yun Lory! Sa Crash Landing On You!" naiinis kong sabi.
"Ayy Oo nga pala Ma'am, Gwapo kaayo grabi!!!" sabi niya habang nagpapalaman ng Sandwich.
Di ko siya pinansin at uminom na lang ng tubig, pagkatapos kong uminom ng tubig nag salin ulit ako sa baso para dalhin sa kwarto ko.
"Teka? gabi na ah? bat mag sa-sandwich kapa?" tanong ko.
Di naman sa dinadamotan ko siya nakakapagtaka lang kasi, di naman si Lory kumakain nyan tuwing gabi.
"Kay sir to ma'am, may ginagawa kasi si ya eh, magpupuyat yata, tinext ako dalhan ko daw siya ng Sandwich at Kape"
Ahh siguro yung para sa class niya yun, maybe activity siguro.
Aakyat na sana ako sa hagdan nang may naisip ako. WHAHAHAHA..
"L-lory! may dinuguan pa jan?" tanong ko habang pinipigilan ang tawa.
"Meron Ma'am asa Ref" sagot niya.
"A-ah Okay pwede mo bang kunin yung laptop ko sa kwarto ipapasa ko sayo yung kdrama na pinapanood ko maganda yun, may pogi din doon" utos ko.
"S-syur gyud kayo ma'am pogi ma'am?" tanong niya at tumango naman ako.
Minsan talaga di mo maintindihan si Lory magsalita kasi Cebuana siya. Minsan gusto ko na lang na may naka attach na CEBUANO TO TAGALOG TRANSLATOR. Minsan nagtatagalog siya ng buo minsan may halong cebuano.
"S-sige Ma'am " paalam niya at agad agad na tinungo ang kwarto ko.
Ako naman kinuha ko ang dinuguan sa ref, mejo tumigas na kaya ininit ko muna at pinalaman sa sandwich.
Inaasar asar mo ko ah! Tingnan natin ganti ko to sayo!
Pagkatapos kong ipalaman ang dinuguan sa tatlong piraso ng sandwich at inayos katulad ng pagkakaayos ni Lory.
Pagkabalik ni Lory bitbit niya na ang Laptop ko, kinuha niya din ang Phone niya at pinasahan ko siya. Nang matapos ko siyang pasahan nagpaalam na akong babalik sa kwarto ko at nagtatalon talon.
Tingnan natin kong ano ang magiging reaction niya HAHA...
Binuksan ko ng kunti ang pintuan ko at sumilip, nakita kong inabot ni Lory yung tray na may sandwich ( with dinuguan filling) at Coffee.
Kinuha naman ito ni Akiro at isinira ang pintuan niya. Di man lang nag thank you bastos!
Isinara ko ang pintuan ko sabay lock at pinagpatuloy ang panonood ng marinig kong may sumisigaw sa labas.
Itinapat ko ang tenga ko sa pintuan at nakinig.
"LORY!!!!" boses ni Akiro yun ah!
May narinig akong umaakyat sa hagdan alam kong si Lory yun. Mas dinikit ko ang tenga ko sa pintuan para madinig ang pinag uusapan nila.
"What did you put here in my sandwich?" mejo napaigtad ako dahil sa lakas ng boses niya.
"C-cheese at Ham po s-sir" utal na utal na sagot ni Lory na may halong takot at kaba.
Kaya mejo nakaramdam ako ng guilt.
"WHY DOES IT HAVE -T-THIS GROSS THING OR W-WHAT EVER HERE!" dumagongdong ang sigaw niya.
"S-sorry sir, ba-baka nalito lang ako" mahinang sabi ni Lory.
Lory sorry, pasahan na lang kita ng mga movie ni Hiyong Vin pambawi.
"Now you're sorry, I've been bitten it already?" kalmadong sabi ni Akiro halatang pinipigilan ang galit.
"S-sorry po gyud talaga s-sir" rinig kong sabi ni Lory.
"Bring me another one, just make sure that sandwich don't have this gross thing" kalmadong sabi niya.
Narinig ko ang yabag ni Lory pababa, aalisin ko na sana ang tenga ko sa may pintuan ng may nagsalita.
"I know its you"
Nanindig ang balahibo ko kaya agad agad akong lumundag sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Maya maya'y dinalaw na rin ako ng antok.
KINAUMAGAHAN....
Papungas pungas akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock ko. Humikab ako at inistretch ng bahagya ang mga braso ko.
Habang iniistretch ang braso ko may nahagip ako na nakaupo sa study table ko. At iniwas ang tingin.
T-teka Si Akiro? Impossible nilock ko yun eh! baka nag ha- hallucinate lang ata ako.
Binalik ko ang tingin ko at halah!!! andoon parin siya.
W-wag mo sabihing andito talaga siya? Mierda!
Natinag ako ng naglakad siya papunta sa dereksyon ko.
"Why did you do that huh?" tanong niya.
Akma kong itatalukbong ang kumot ko nang hablotin niya ito at inilayo sakin.
"H-huh? a-ano?" tanong ko.
*IN THE OTHER SIDE.
Maang-maangan pa!
Pumasok sa isip ko ang paglalagay ko ng dinuguan sa sandwich niya kagabi kaya napatakip ako ng bibig.
"Remember now?" tanong niya.
Umayos siya ng upo sa kama ko at nagsalita.
"So why did you do that?" tanong niya ulit.
Akma akong sasagot ng tumunog ang Phone ko. Tiningnan ko muna si Akiro bago sinulyapan ang Phone ko si Ken tumatawag at agad agad ko ding sinagot. Life Saviour ka talaga ken!
"Hello Ken?"
["Hello, Morning Mi? Musta na?"]
"Morning, Okay lang, kakagising ko lang"
["Nagising ba kita? bat ba kakagising mo lang e mag -7 na baka malate ka"]
Gagi! Oo nga pala!
"Oo nga pala, Ken,Bye pakamusta na lang kay Keira"
["Sige, bisitahin ka nalang namin sa week end"]
"Sige Ken, ingat!"
["Ingat din labyo"] at nawala na ang linya.
Ilabyo daw? siraulo!
Nabalik naman ako sa sitwasyon na to dahil titig na titig si Akiro sakin.
"Nagawa ko yun kasi-"
"Get your ass up and ready, you're going to be late" putol ni Akiro sa sasabihin ko at lumabas na ng Kwarto ko.
Akala ko ba may tinatanong pa siya sakin? Tapos bigla bigla ayun concern baka malate ako.
Pagka alis niya nagshower na ako at nagbihis na. Ginagawa ko rin ang Skin Care Routine ko at lumabas bitbit ang bag ko.
Pagkababa ko nasa hapag na si Akiro pero di pa nagsisimulang kumain. Hinihintay niya ba ako?
Tahimik lang kaming kumakain na dalawa, pagkatapos kong kumain lumabas ako at nakita ko din si Manong Tesyong na may inaayos sa Kotse.
"Manong Tesyong? di paba tayo aalis malalate na po ako eh" sabi ko.
"Pasensya na Ma'am nasiraan ang Kotse, kay sir ka na lang sumabay sinabihan ko na sya kanina." sagot ni Manong.
Sasagot sana ako nang lumabas na ang duccati ni Akiro. Nahihiya naman akong tumungo sa kanya. Nakatayo lang ako sa tabi niya ng suotan niya ako ng Helmet na syang kinagulat ko.
Inalalayan niya din akong makasakay sa motor niya.
Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa ginagawa niya, basta pakiramdam ko lang masaya ako na para bang pinapahalagahan niya ko.
Nang pinaandar niya na automatic na kumapit ako sa bewang niya . Bago kami lumabas ng gate nagsalita siya.
"Hold on tight, you might fall"
Di ko alam kong tungkol ba yun sa motor o may iba bang kahulogan yun.
Nang makarating sa school pumarada siya sa gilid mejo wala pang tao, tinulungan niya akong tanggalin ang Helmet ko.
"T-thank you, I-ingat ka" sabi ko at tatalikod na sana ng higitin niya ang braso ko paharap sya kanya.
Tinitigan niya ang mukha na wari'y may sinasaulo at nagulat ako ng halikan niya ang noo ko.
"Study well, Don't forget to eat your lunch" sabi niya at sumakay na sa motor niya.
Tulala lang akong nakatunghay sa motor niyang papalayo.
DID HE JUST KISS ME?
A/N:
Thank you, Syrellie Maratas and mariaisabelleconcepc for giving a overwhelming comment and message, I appreciate it!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top