CHAPTER- 2

That Professor Is My Husband

"Your abuelo wants to meet you as soon as possible. He's your grandfather, your mom's dad. He will give you enough time to ready yourself to meet him." Akmang tatalikod na sana ito ng may kinuha siya sa bulsa at binigay sa akin.

There's a brown envelope with cash in it. Di ko sana kukunin, kaso nagpumilit siya.

"Take that, it's for you." Tiningnan niya ang palibot ng bahay namin at inayos ang salamin niya. "I can't believe na sa ganitong bahay ka nakatira, but hope that small amount can help. We will fetch you if you're ready. Nos Vemos De Nuevo." See you again, paalam niya sabay talikod.

Sumunod naman ang mga tauhan nito at sumakay sa galanti nilang sasakyan.

Isinara ko ang pintuan at binuksan ang envelope. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang laman nun. Small amount? Small amount pa ba to?

"Ate Noemi, ano yan?" sigaw ni Keira nang makita kung ano ang hawak ko ngayon.

"Kei, ba't ka sumisigaw? Ano yan?" tanong niya at nagugulat, napatingin sa akin. "Teka, pera yan ah," sabi niya sabay sipat ng hawak ko. "Pero ba't ang dami naman nyan? Saan galing yan?"

"Doon sa manong kanina sa labas, gusto daw ako ma-meet ng lolo ko, ang tatay daw ni Mama. Tapos biglang binigay to, tulong daw." Sagot ko. "Sabi niya, small amount daw pero ba't ganto?" Napanguso ako.

"Naniwala ka naman?" naniningkit na tanong ni Ken.

Napabuntong hininga ako. "Ewan ko Ken, alam niya full name ng Mama ko, kaya baka nga totoo. Sabi niya, bibigyan daw niya ako ng oras para maghanda na ma-meet yung lolo ko. Atsaka nong nagkukwento si Mama ay nababanggit niya rin naman si Lolo," nag-iisip ko namang sagot.

"Teka ate? Gets mo yung ibang pinagsasabi niya kanina? Ako, hindi eh!" sabi naman ni Keira sabay kamot ng batok.

"Oo Keira, nakakaintindi ako kasi minsan si Mama, nagsasalita siya ng Spanish words sa bahay dati, kaya familiar na sakin ang language na yun. Mga basic words lang naman yun at saktong alam ko din," sagot ko naman.

Minsan kasi nadudulas si Mama kapag kausap ako. Tuwing nagsasabi siya ng mga ganoong salita, tinatanong ko siya kung ano yun. Kaya nakasanayan ko na rin minsan na intindihin ang sinasabi niya tuwing nadudulas siya.

"Ate, andami naman ng pera na yan. Ano gagawin natin jan bukod sa pagbili ng paninda natin?" tanong ni Keira, di alam ang gagawin.

"Ewan." Ikling sagot ko.

First time lang kasi naming nakahawak ng pera. Bente mil ata yun. Di naman kami mahilig sa materyal na bagay kaya di namin alam kung ano gagawin doon.

"Ibibili natin ng paninda ang iba at bibili rin tayo ng mga bagong damit at gamit dito," sabi ni Ken habang nagkakamot sa ulo. "Yung iba, itago na muna sakaling kailanganin natin."

Kaya noong araw din na yun, bumili kami ng maraming paninda at damit namin. Ang saya namin kasi napuno ng paninda yung maliit na tindahan namin at nakakakain na kami ng masarap na ulam.

Hanggang sa isang araw, ay sinundo na ako ni Manong.

"Ate Noemi, balik ka. Balikan mo kami ha! Mamimiss kita, ate," paalam ni Keira sabay yakap sa akin.

"Ano kaba Keira? Babalik ako," sagot ko sabay yakap din sa kanya pabalik.

"Ingat ka, mi. Pagbalik mo, andito parin kami ni Kei." Paalam ni Ken sabay halik sa noo ko.

Nagyakapan kami bago ako sumakay sa kotse.

Sobrang emosyonal ako kasi ilang taon ko narin silang kasama. Parang magkakapatid narin kaming tatlo e. Kaya masakit sakin na iwan sila kahit sandali. Naging sandalan namin ang isa't isa simula noong kami-kami na lang ang magkakasama sa buhay. Sobrang mamimiss ko sila.

Pagkatapos ng mahabang biyahe, huminto kami sa isang malaking bahay. Di lang malaki, sobrang laki nito kaya sobra-sobra rin akong namangha. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bahay.

Naalala ko pa ang kwento noon sakin ni Mama na sobrang laki daw ng bahay nila.

Kinuha ng isang lalaki ang mga bag ko na may lamang mga personal kong gamit at iginiya ako papasok sa bahay na yun.

Wow! Sobrang laki naman nito, para lang yung sa mga napapanood ko. Mansyon ba yun?

"Sir Arnaldo, gusto ni Señor makita ang kanyang apo, paakyatin mo daw dito," sabi ng isang babaeng naka-uniporme na pang nurse.

Arnaldo pala ang pangalan ng mamang to.

"Señorita, gusto ka makita ng iyong lolo, halika, come here, just follow me," sabi niya naman kaya sumunod ako.

Bawat lakad ko ay di ko maiwasang mamangha. Sigurado akong napakamamahalin ng mga gamit dito. Inilibot ko ang paningin ko at nahagip ko ang isang malaking portrait. Andoon ang Mama ko. May katabi siyang isang babae at ang nasa likod naman nila ay mag-asawa, at sigurado akong yun ang Lolo at Lola ko. Napaka ganda nga ni Mama noon.

Huminto kami sa tapat ng isang mataas na hagdan. Tinulungan ako ng mamang si Arnaldo sa pag-akyat roon. Pakiramdam ko, napakaliit ko dahil sa lawak at laki ng hagdang ito.

Umakyat kami sa hagdang yun at huminto sa isang malaking pinto.

"Dito ka na muna, Señorita. Sasabihan ko lang si Señor na nandito ka na," sabi niya. Tumango naman ako at pumasok na siya.

"Buenos Dias Señor." Good morning, mister.

"Mi nieta está aquí?" Does my grand daughter is here?

"Sí señor, ella está aquí." Yes, mister, she's here.

"Déjala entrar, quiero verla." Let her come in, I want to see her.

Rinig kung usapan nila. Maya-maya pa, lumabas na si mamang Arnaldo at sinabihang pumasok ako.

Pumasok ako sa malaking pintuan, nag-dire-diretso ako sa paglalakad papunta sa isang kama na may nakaharang na isang malaking kurtina.

Napaka elegante naman nito. Bahay ba talaga ng Mama ko to?

Hinawi ko ang kurtina at nakita ko ang isang maputi at maputlang matanda. Mukhang nasa 70's na ito at di maipagkakailang napaka galante niya tingnan kahit matanda na. Hubog parin ang katawan nito kahit na may katandaan na.

Nakahiga siya sa kama at may mga aparatong nakakabit sa katawan niya. Tumayo ako di kalayuan sa kama niya ng biglang lumutang ang mata niya.

"Mi nieta?" My grand daughter?

Tumango ako. Tinawag niya ang isang nurse na ayusin ang unan upang itaas ang ulo niya at pinaalis ito.

Binukas niya ang dalawang nanginginig niyang kamay at sinabing...

"Come here apo, lolo wants to hug you," sabi niya sa emosyonal na tono.

Sumunod naman ako at niyakap siya. Napaka gaan sa pakiramdam ng yakap niya; nararamdaman ko ang pangungulila niya. Totoo nga yung kasabihan na lukso ng dugo. Kaya di ko naiwasang umiyak. Mahabang panahon akong naghintay ng yakap.

Yakap na mula sa aking totoong pamilya. Pamilya na dati ko pa inaasam-asam na makamit.

"You look like your mother. You're so beautiful," sabi niya habang hinahaplos ang buhok, at ako naman ay nakayakap parin sa kanya.

Kumalas ako sa yakap at tiningnan siya. May pagkakahawig nga sila ni Mama.

"Sí, gusto en conocerlo. I'm your Lolo." Yes, nice to meet you, I'm your grandfather.

Pagkatapos ng araw na yun, parang ayoko ng umalis sa tabi ni Lolo. Nakikinig ako sa mga kwento niya tungkol kina Mama at kay Lola.

Sinabi lahat sa akin ni Lolo ang dahilan sa paglayas ni Mama noong pinagbuntis niya ako. Takot siya na magalit daw si Lolo at Lola sa kanya at masira ang reputasyon ng pamilya nila. Nang umalis si Mama, nagkasakit daw si Lola at yun ang naging sanhi ng pagkamatay niya.

Si Lolo naman ay mahina na dulot rin ng katandaan at sakit sa puso. Gusto niya, bago siya mawala, ay makita niya ako at ipamana ang kanyang ari-arian sa akin. Dahil wala na siyang ibang apo bukod sa akin, siya ang nagdesisyon na ipasa sa akin ang lahat ng ito.

Ang kasama daw ni Lolo dito sa bahay ay ang bunsong kapatid ni Mama, si Tita Nefelie, na siya munang namamahala sa kompanya.

Napag-alaman ko rin na ang kompanya namin ay ang paggawa ng alak at isa ito sa pinakamalaking nag-susupply ng alak sa buong bansa, pati na rin sa ibang bansa.

Sa akin daw ipapamana ang kompanya kapag sapat na ang aking kaalaman kung paano ito pamamahalaan.

Pinag-aral ako ni Lolo sa isang malaking paaralan, at tinuring ko na rin na isang ina si Tita Nefelie sa mga nagdaang taon. Sobrang bait ni Tita Nefelie wala pa siyang anak, kaya gusto niyang tawagin ko siyang Mommy. Sa tagal ng panahon, nasanay na rin akong tawagin siyang Mommy araw-araw.

Nasa tabi ko siya palagi tuwing namimiss ko si Mama, tuwing gusto kong may isang ina na dadamay sa akin. Ngunit kahit na ganoon, hinding-hindi ko makakalimutan si Mama.

Sila ni Ken at Keira naman ay wala na sa probinsya; pinapa-aral din sila ni Lolo sa parehong paaralan kung saan ako nag-aaral. May allowance sila at galing din iyon kay Lolo. Pinatira sila ni Lolo sa isang rest house namin at meron din silang kasamang kasambahay. Tuwing weekends, pumunta ako roon upang kamustahin sila.

Nahanap daw ako ni Lolo kasi pina-imbestigahan niya lahat ng mga kasambahay na umalis sa kanila dati. Alam niyang isa doon ay lalapitan ni Mama, kasi malalapit si Mama sa mga kasambahay nila. Kaya alam niyang may lalapitan ito sa oras ng kagipitan.

Naghire si Lolo ng tauhan para hanapin si Mama, pero inabot ng buwan at taon. Pero wala—wala paring balita.

Isang araw, may nagbalita sa amin ni Lolo, isa sa mga tauhan niya. Patay na raw ang Mama ko. Isang aksidente daw iyon sa isang factory at kasama daw si Mama sa mga empleyado roon. Wala silang nakuha na bangkay ni Mama. Dahil rin sa malakas na pagsabog, wala nang makitang matinong bangkay puro lasog-lasog at hindi na makilala kung sino. Doon, gumuho ang mundo ko. Hindi sana ako maniniwala na wala si Mama, ngunit bakit ganito?

Grabe ang panghihinayang ko ni hindi ko man lang siya nakita kahit sa huling pagkakataon. Sobrang masama ang loob ko sa kanya kasi hindi niya tinupad ang pangako niya, ang pangako niyang babalikan niya ako, pero wala. Pero kahit ganun, miss na miss ko siya at mahal na mahal ko siya. Mama ko pa rin siya, ngunit wala na siya iniwan niya na ako.

Dahil doon, tinanggap na rin namin ni Lolo na wala—wala na talaga si Mama.

Pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng inggit sa mga kaklase kong may nanay na kasama. Tuwing meeting, kumain, sumundo, at higit sa lahat, ang nagsabit ng medalya sa akin tuwing graduation ko. Gusto kong ipakita sa kanya na tinupad ko ang pangako ko at patuloy ko itong tutuparin kahit hindi niya tinupad ang kanya.

NOEMI ALONDIA GUERRERO

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top