CHAPTER- 19 SCHOOL
«NOEMI's POV»
1WEEK LATER.....
It's been 3 weeks na rin na kasama ko si Akiro dito sa bahay mejo okay naman sya makisama. Lalabas lang talaga sya sa kwarto niya kapag kakain na o tutulongan akong paliguan ang dalawang aso.
2 days ago dinalaw namin si Lolo and nalaman ko na tin-transfer pala nila ako ng University. Sila naman Ken at Keira doon parin sa unang school ko. Doon na lang daw si Ken mag tatapos since 1 year na lang sya and si Keira naman doon padin.
Kasalukuyan akong nakaupo sa Dining at hinihintay si Lory na ihain ang agahan.Di na ako tumulong sa kanya kasi alam niyang maaga ang pasok ko.
Habang naghihintay ako agad din lumabas si Akiro sa kwarto niya nakasuot sya ng White Buttoned Long Sleeve na tinupi niya hanggang siko na may Tie din mejo di pa yun ayos at naka black slacks sya. Dagdag pa yung mejo messy niya na buhok.Woah? I admit it! Oo na gwapo na sya!
Pasulyap sulyap lang ako sa kanya habang kumakain. Habang siya naman ay tahimik lang na sumusubo. Nakaka bothered kasi yung tie nyang balingkinitan. Pagkatapos naming kumain tinawag ko sya.
"Akiro!" tawag ko at lumapit sa kanya.
Nilingon niya naman ako ng nakataas ang kilay, di ko sya pinansin bagkus inayos ko na lang ang Tie niya. Alam ko mag ayos ng tie, ako nag aayos ng tie noon ni Ken eh.
"Yan, goods! di na balingkinitan yung tie mo, sige na" sabi ko sabay tap ng dibdib niya.
Di yun tsansing huh? Ewan baka tsansing nga! HEHE tigas ng dibdib niya.
Mejo gulat pa sya na nakatingin sakin at sinulyapan ang tie niyang inaayos ko at mabilis din syang tumalikod at umakyat sa taas para kunin ang Backpack niya at ilang folder.
Habang ako pumasok din sa Kwarto ko para kunin ang Bag ko. Our uniform is so cute a color purple stripes skirt and white polo with a color purple stripes necktie!
Sa Kdrama ko lang napapanood yung mga nagsusuot ng ganito! Ngayun suot-suot kona!
Pagkababa ko dumeretso na ako sa labas, nakita ko si Manong Tesyong na kinakausap si Akiro na may sukbit na backpack sa likod niya.
"Sir, sasabay ka po samin?"
"Nope, I'm gonna use my duccati"
Woahh! may duccati pala sya.
Tumango lang si Manong Tesyong, inalalayan niya din akong sumakay sa kotse. Nauna ang kotse naming lumabas sa gate at huminto kami sa gilid para paunahin si Akiro.
Lumabas si Akiro sa gate sakay sa black niyang duccati. Ang hot niya tingnan habang nakasakay doon. Umandar na ang kotse namin habang si Akiro naman nasa unahan namin.
Mejo na disappoint ako sa part na lumiko sya hanggang sa di ko na siya matanaw.
E baket nga ba ako nadi-disappoint?
Ilang minuto din ang biyahe namin bago nakarating sa school ko, inalalayan ako ni Manong Tesyong pababa at nagpaalam na, susunduin niya naman ako mamayang hapon.
Nasa harap ako ng isang open na gate, wow! ang laki pala ng school na to. Sana andito si Keira, speaking of Keira sana di niya sundan sundan yung crush niya. Kasi noong andoon pa ako sa School niya napagkamalan pa ako ng lalakeng yun na ako ang may Crush sa kanya, Haystt!
Hininto ko na ang pag mumuni- muni ko at pumasok na sa gate. Ang lawak naman dito, ang lawak ng Field at ang taas ng buildings. At halata talagang mga mayayaman ang pumapasok dito.
Habang nililibot ko ang paningin ko, mejo na ilang ako dahil sa mga matang nakatuon sakin..
Teka! bat ba sakin kayo nakatingin ha! may muta ba ako? Di jok lang.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, may nakikita din akong mga babaeng nagbubulungan, tsss, mga marites!
Maya maya'y narinig ko na ang bell.
Teka? lakad lang ako ng lakad di ko alam kung nasaan ang room ko! Hayeop!
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may nabangga ako...
"Sorry po talaga" sabi ko habang pinupulot ang mga libro niyang dala.
Pagkatapos kong pulutin agad ko itong inabot sa kanya. Halah! isa pala to sa mga teacher dito.
Mejo matangkad sya, maputi din, may kalakihan ang katawan at kung titingnan mo ng maigi gwapo din ito mga nasa 30+ na siguro sya.
"Sorry po Sir" sabi ko habang inayos ang mga books niya.
"I-its okay, You look familiar, nagkita na ba tayo?" tanong niya.
Familiar? parang di ko naman sya nakita dati.
"A-amm..di po Sir, transferee po ako dito" sabi ko.
"A-ah, Sorry i thought nagkita na tayo" sabi niya at kinuha ang books niya sa kamay ko.
Matanong nga si Sir kung saan yung room ko.
"Sir, Can i ask po?"
"Yes?"
"Saan po ang Room 45 po?"
"Nasa second floor sya, Actually doon din ako papunta room 44 kasi ang first class ko samahan na lang kita" sabi ni Sir.
Sinamahan nga ako ni Sir papuntang room, habang naglalakad kami nagkaka-kwentohan kami. Di ko alam pero feeling ko napaka komportable ko sa kanya.
Diko namalayan nasa harap na pala ako ng Room ko.
"Ahh, Thank you po sir?"
"Sir Aleixous Gomez, actually teacher niyo ko sa math sa 4th period" sagot niya.
"Thank you po Sir Aleixous, BTW Noemi po" sagot ko.
"O-oh, Welcome Noemi" sabi niya sabay tap sa ulo ko.
Pagkatapos nun ay pumasok na ako sa room ko nasa loob na ang Prof. namin at nag di-discuss na.
"A-amm, Sorry Sir, I'm late" sabi ko sa prof. namin na mejo may katandaan.
Yung mukha niya mejo panot sya, di ako judgemental ah, Literal na panot siya, makapal ang kilay, nakasalamin sya at may mahabang bigote. Base sa mukha niya mga nasa 60's na sya.
"Oh, first day na first day late pa, Your name is?" masungit na tanong niya.
"Noemi Alondia Gu- Cazzaro po"_ sagot ko.
Muntik na ako magkamali, ewan ko ba kina Lolo bat apelyido ni Akiro ang pinagamit sakin!
"Ah, Newmey? Ang transferee?"
Mejo napangiwi naman ako sa pagka pronounce niya ng pangalan ko.
"NOEMI po sir, Opo"_ sagot ko.
"Oo Newmey, Introduce your Self"_ sabi niya.
Kailangan pa pala nito? Agad naman akong tumayo sa gitna at nagpakilala, Tahimik lang na nagmamasid ang mga classmate ko sakin.
"Oh, Newmey, I'm Prof. Josephio Alvarez your Prof. in Geography and once you went here late again kahit transferee kapa di kita papasukin, ityendisss?"
"Yes Prof. Sorry"
"Good, Doon ka sa tabi ni Escaver" turo niya sa tabi ng mejo payat at may kaputian na lalake.
Napapahiya naman akong yumuko at tinungo ang upuan ko. Umupo ako doon katabi ang isang matangkad, maputi, may kalakihan ang katawan at may pagka seryoso. Tahimik lang akong nakikinig minsan tinatanong din ako ni Prof. Alvarez.
Nagbigay si Sir ng Activity saamin at by pair yun. Mejo maingay kami dahil nga nag uusap kong sino ang magkakapartner.
Lumapit sakin ang matangkad, maputi, at payat na babae.
"Noemi right? pwede pair tayo?" tanong niya sakin kaya tumango naman ako.
Nagbulungan sila ng katabi kong lalake at maya maya'y umalis na ang katabi kong lalake. Nag switch pala sila ng upuan.
Maya maya'y...
"QUIET! di niyo ba kayang humanap ng partner ng tahimik ha?" sigaw ni Profm
"Kung tatahimik po kami paano kami hahanap ng partner prof.? tanong ng isa kung kaklase na lalake na may pagka nerd.
"Oo nga naman prof."
"Syempre tatanongin muna kung payag siya, eh kung tatahimik tayo paano natin sila matatanong"
"Si sir talaga oh!"
"QUIET! isa pang ingay jan! isa pang magsasalita at ingay, kahit first semester pa lang ibabagsak ko na kayo sa subject ko!" sigaw ni Sir.
Grabe highblood naman tong Prof. namin.
"Ano ba naman yan!"
"Nag ingay lang bagsak agad!"
Bulong bulongan ng mga Classmates ko, pinanlisikan kami ng mata ni Prof. kaya wala ng nagtangkang magsalita pa. Hanggang sa...
"May mga partner na ba lahat?" tanong niya samin. Pero wala paring nagsasalita.
"Aba't baket di kayo nagsasalita ha!"
Wala paring naglakas loob na magsalita.
"Sasagot kayo o ibabagsak ko kayo?" sigaw niya samin.
"Sabi niyo sir isa pang salita ibabagsak niyo kami sa subject niyo eh" lakas loob na sagot ng mejo chubby kong ka-klase.
"Oo nga, si Prof. talaga oh!"
"Tumatanda na talaga si Sir."
"Aba't sumasagot sagot pa kayo ah!" sigaw ni Prof.
Natampal ko na lang ang noo ko nangyayare, natapos ang First Period namin na puro singhal at sigaw.
Habang nag aayos ako ng notes ko tumabi sakin ang lalake kong classmate na katabi ko kanina kasama ang isa pang lalake na katabi naman ng babaeng tumabi sakin kanina noong nag by pair kami. Saket sa ulo diba? HAHA..
Pinapanood nila ang bawat galaw ko.
"Hiii Noemi!" bati ng kasama ko sa by pair kanina.
"H-hello" alanganing sagot ko.
"Mahiyain si Ganda" sabi ng katabi ko kaninang lalake boses pa lang alam na. Gagi! bading pala to!
"Don't be shy saamin gurl! Ako nga pala si Christian Josh, lalakeng lalake pangalan ko no? Kaso pangalan lang, just call me Cj" pakilala nung isang beki.
"I'm Xyvion,Just call me Vio "sabi naman ng katabi ko kaninang lalake.
Di talaga ako makapaniwala na bakla sya.
"And i'm Sync, Just call me Sy" bati ng babae sakin.
"Noemi Alondia" sagot ko.
"Ang ganda mo naman Dia girl! may half kaba?" tanong sakin ng nag ngangalang Cj.
"Dia? baket dia?" tanong ko.
"Inshort na lang sa name mo, ang haba ng noemi eh, nakakapagod sa dila" sagot niya.
"So ano gurl? may half ka ba?" dagdag ni Cj.
"Amm.. Oo spanish" sagot ko.
"Kaya pala ang white white mo and ang kinis kinis mo! ito namang si Sy darling namin eh, Half russian naman sya pareho sila ng half ni Beshi Vio ko" sabi ni Cj.
Ngiti lang ang sinagot ko sa kanila.
"Dia? Invite ka namin mamaya sa Lunch Break mamaya if want mo?" tanong ni Sy.
"Oo naman, I'm in" sagot ko.
Ng matapos ang 3rd period namin sumama ako sa kanilang mag Lunch.
"Dia, amm we want you to be our friend, you're nice even mejo tahimik ka lang. Can we?" tanong ni Sy.
"Oo naman, nice din naman kayo " sinulyapan ko si Cj na tinitingan ang gwapong lalake sa Room 24 daw "and funny" sagot ko.
Si Vio naman tahimik lang sa gilid na kumain. I notice na si Cj lang talaga ang maingay sa kanilang dalawa.
Di talaga ako makapaniwala na bakla tong dalawa, they look handsome and formal lalo na kapag naka serious face sila di mo talaga mapagkakamalang bakla.
Nalaman ko din na transferee itong si Vio dito noong 4th year high school. May high school building din kasi nasakop ng school nato but nasa kabilang building daw yun.
Nalaman ko din na pinsan pala ni Sy si Vio dahil magkapatid ang mom nila. Si Cj naman ay pinsan niya ang isang friend din nila. Gusto ko sana ma- meet kaso absent daw bukas pa daw sya papasok.
Naging komportable naman ako sa kanila dahil mababait naman talaga sila. Nang matapos ang klase ko kasama ko ang tatlo na naghihintay sa gate.
Hinihintay din nila ang mga sundo nila, habang naghihintay ako may nagpark na familiar na duccati sa harap ko.
Teka? Akiro?
"A-akiro? akala ko ba si Manong Tesyong susundo saakin?" tanong ko.
Di sya sumagot, at di din hinubad ang helmet pero alam kong sya yun. Bagkus bumaba sya sa motor niya at isinuot sakin ang Helmet.
May gentleman side din pala tong tinatago sa katawan.
*IN THE ON THER SIDE.
Sabihin mo kinikilig ka lang.
Di ah!
Tahimik niya akong nilalayan para makasakay, nagdadalawang isip pa ako kung hahawak ako sa bewang niya pero kumapit na lang ako sa damit niya.
Binalingan ko ng tingin ang tatlo, Sina Sy at Cj may paghihinalang tingin sakin habang si Vio ay busy sa Phone.
Kumaway ako sa kanila at kumapit na kay Akiro nong pinaandar niya na ang motor niya.
TO BE CONTINUED.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top