CHAPTER- 16 MRS.CAZZARO Ⅱ
That Proffesor Is My Husband
“Stop staring will you?” taas kilay na saway niya sakin at tumalikod na.
Ang aga aga suplado.
Wala ako sa sariling napainom ng tubig at pinagpatuloy ang naudlot kong pagkain.
Pagkatapos kong kumain hinugasan ko ang pinagkainan ko at napagpasyahang pumasok sa kwarto ko. Habang naglalakad ako napadaan ako sa kwarto ni Akiro nakaawang ang pintuan non kaya bahagya akong sumilip.
Nakatagpi lang siya ng tuwalya at nagpapatuyo ng buhok amoy na amoy ko rin ang panlalaking pabango niya mula dito. Ba't ang bango ng lalaking to!?
Nagulat ako ng bigla syang bumaling ng tingin sa direksyon ko kaya kumaripas ako ng tumakbo papunta sa kwarto ko. Nahuli pa nga!
Naputol ang pag-iisip ko ng buksan ko ang kwarto ko. Plain white lang yung pintura may Queen Size na Bed may walk in closet at may malaking salamin.
Kailangan ko ata ayusin tong kwarto na to para naman magkabuhay.
“Ma'am, nalagay ko na po lahat yung mga damit niyo sa closet.” imporma ni Lory sakin.
“Salamat!” magiliw na pasasalamat ko.
Nagpaalam sya sa akin nalalabas na dahil maghahanda na siya ng pagkain para sa pananghalian.
Ako naman napag-isipan kong maligo pagkalabas ko ng shower nagpatuyo ako ng buhok at nagbihis na. Nagsuot lang ako ng white spaghetti strap at pinarisan ng maong shorts. Sobrang init kasi sa labas at balak ko maglibot libot.
Pagkatapos ng routine ko sa katawan lumabas na ako at napag-isipang tumungo sa garden may dalawang upuan naman kaya pumwesto ako doon. Nakita ko din sina Tasha at Saige na kumakain.
Habang nagmumuni muni ako bigla na lang nag video call si Keira. Kaya agad agad ko din itong sinagot.
“Zzupp, ate!” bati niya sakin sabay wagayway ng kamay.
“Wala naman naka-upo lang”
“Ganda ng background mo te ah! Nasaan ka?”
“Nasa bahay ni Akiro. Nasa garden ako ngayon.”
“Bahay “NIYO” you mean,kaya pala! Kamusta ka na jan te? maganda bahay niyo no?”
“Okay naman, maganda naman. Nasaan si Ken?” pag-iiba ko ng usapan.
“Si Kuya? Teka.”
Bigla na lang nagkagulo gulo ang kuha ng camera. Nagulat na lang ako ng itapat ni Keira ang camera kay Ken na nag-pupush up.
Maalaga talaga si Ken sa katawan at tuwing umaga di niya nakakalimutang mag exercise para ma maintain ang pangangatawan niya.
“Kuya! si Ate oh!”
Sigaw ni Keira at Ken gulat namang tumingin si Ken kay Keira bago sumulyap sakin. Tila may hinahanap siya pero noong di niya nakita dumiretso na sya sa camera.
Mi? Kamusta?” nakangiting tanong niy pero may bakas ng hiya.
“Okay naman buhay pa humihinga pa naman.”
“Good, Mabuti yan ipagpatuloy mo lang yan bata.” pang-aasar niya. Aba't ano nakain nito't inaasar ako.
“Anong bata? di na ako bata!” singhal ko.
“Okay, sabi mo e.” pagsang ayon niyahabang nakangisi.
“Nakakainis ka! ”
“Biro lang ito naman.” bahagya siyang natawa.
“Oo na di kana bata may asawa kana e. ” may pait sa boses niya.
Naputol ang usapan namin nang tinawag ni Keira si Ken
Kuya! may tumatawag sa phone mo!”
Tawag ni Keira sa kanya maya maya'y si Keira na ang nasa harap ng camera.
Nagkwentohan kami tungkol sa bahay at di mawawala ang pang-iinis niya saakin. Di talaga makokompleto ang araw niya kapag di ako pinipikon ng isang to.
“Dalaw na lang kayo dito pag may time kayo ni Ken. I will text you the address. ”
“Sige te! Bye ingat! pagkasabi niya naputol na ang linya.
Nag stay pa ako sa garden ng ilang minuto bago nag libot libot. Grabe ang laki nito para sa samin. Di ko ata malilibot to ng isang araw lang. Pagkatapos ko maglibot nilapitan ko ang dalawang naglalampungan na aso at kinuha na. Mejo mainit narin kasi kaya ipapasok ko na sila.
Naglalakad ako patungong maindoor bitbit tong dalawang malilikot na aso ng makasalubong ko si Akiro. Binaba ko ang dalawang aso at nagtakbuhan naman sila papasok.
Binalingan ko ng tingin si Akiro nahuli ko syang nakatitig sakin na para bang pinag aaralan ang buong katawan ko.
Nang mahuli ko syang nakatingin sa akin nag-iwas agad sya ng tingin. Nakita ko rin ang bahagyang pag pula ng tenga nya. Anong nangyayari sa kanya?
Tinalikuran ko sya at tumingin ako sa wall clock 11:30 na pala. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Lory.
“Ma'am? Ano po ang gusto niyong ulam?” tanong niya sakin.
Bahagya akong nag isip.“Dinuguan sana. Namiss ko na kumain non.” sagot ko.
Dati kasi nong nasa probinsya kami may suki kami ng karenderya kung saan kami bumibili ng ulam at gustong gusto ko yung dinuguan nila. Matagal tagal narin nong huli ako kumain non.
“Sige po, magluluto po ako. Buti nalang at namalengke na kami kahapon. Balak ko din mag luto non, Maam e. Ulam sana namin nina Jessa. ”
“Eh yung lalaking yun? sabay nguso ko kay Akiro na nilalaro si Saige at Tasha. “Ano gusto niyang ulam?”
“Ewan ko po Ma'am tinanong ko si Sir hindi naman sumagot.”
Tumango lang ako at tinulungan si Lory na magluto.
Nagluto lang kami ng dinuguan, pinakbet at adobo. Tinulungan ko din syang maghain sa mesa. Binalingan ko ng tingin si Akiro nasa kandungan niya si Tasha habang hinihimas ang balahibo nito.
“Sige Lory ikaw na muna maghain tatawagin ko lang si Akiro.” paalam ko kay Lory tumango naman sya bilang pagsang-ayon.
Agad akong tumungo sa direksyon ni Akiro at kinalabit sya. Sa unang kalabit di pa sya nag respond.
“Hoy! Kakain na!” sigaw ko sa kanya dahil sa pikon.
“I'm full.” ikling sagot niya.
“Sayang masarap pa naman ang Adobo.” pagpaparinig ko at naramdaman ko na bahagya syang natigilan.
Tumalikod ako at nagsalita.
“Lory, napadami yung luto natin no?” tanong ko kay Lory bahagya kung nilakasan ang boses ko para dinig niya.
“Oo nga ma'am e. Napadami di natin to mauubos ayaw naman ni Sir kumain.”
“Hayaan mo na ibalot mo na lang yung iba tas ibigay mo sa kay Manong Tesyong.” utos ko.
“Opo—
“I'll eat.” putol ni Akiro kay Lory.
“Akala ko ba busog ka?” taas kilay na tanong ko.
“I said. I was full but I didn't say I wouldn't eat.” sagot niya at dumiretso na sa lamesa.
Pilosopo pa!
Busog daw pero parang luluwa na yung mata kakatitig sa adobo.
Sadandok na sana sya ng pagkain nang may naalala ako.
“ Did you wash your hands?” taas kilay na tanong ko.
Nahihiya syang nag iwas ng tingin at naghugas ng kamay. Akala niya ata nakalimutan kong nakipagharutan siya sa aso tapos sasandok agad. Gutom na gutom.
Sumimangot naman sya at tiningan ako ng masama habang pabagsak na umupo sa mesa. Tinitingin tingin nito akala ko ba busog sya. Makasandok atat na atat parang di nakakain eh.
Nag mailagay na lahat ni Lory ang pagkain sa hapag tiningnan niya ako.
“Now? Can i eat?” sarkastikong tanong niya.
“Oo pede na ho, Sir.” sarkastikong sagot ko.
Nagsandok na ako ng kanin at ulam habang kumakain ako napansin kong di sya kumakain at nakatitig lang sa hapag.
“Akala ko ba kakain ka?” tanong ko.
“What's that black thing there?” tanong niya habang nakaturo sa dinuguan.
“Di yan bagay ,ulam yan.” puna ko.
“I mean— Fine, what's that?” tanong niya habang nandidiring nakatingin sa dinuguan.
“Dinuguan masarap yan gusto mo?” tanong ko at akmang lalagyan sya sa plato.
“I don't like that. ” tumaas pa ang boses niya at bumuntong hininga. “That digunu— Nevermind.”
“Remove that gross thing here.” utos niya kay Lory.
At dahil nga ayaw niya non at di sya kakain hangga't di yun inaalis. Kaya ayun inalis ko naman pero kinain din namin nina Lory. Di pa ata nakatikim ng dinuguan yun eh.
Di na naman na ako nagreklamo kasi malay ko naman na ayaw niya.
Pagkatapos naming kumain tinulungan ko si Lory magligpit ng kusina. Pumasok ako sa kwarto ko may malaking bintana sa veranda kaya binuksan ko ito.
Grabe! Ang lawak talaga ng garden at ang ganda.
Habang mangha na mangha ako natuon ang pansin ko kay Akiro na pinaglalaruan ang dalawang aso. Sa mukha niyang seryoso palagi di ko maisip na may ganito din pala siyang side.
I hope sana magkasundo kami kahit di niya ako ituring na asawa niya basta maging close lang kami.
Alam kong di niya gusto ang set up namin at ako din pero pipilitin kong pakisamahan siya alagaan at pagsilbihan sya na parang asawa ko kahit hindi ganun ang turing niya sakin.
Habang nakatitig ako sa kanya bahagya syang sumulyap sa direksyon ko kaya nagtama ang paningin namin. Walang sungit na makikita sa mata niya malamlam lang ito nakatitig sakin.
Bigla nalang kumabog ang dibdib ko. Anong nangyayari sakin?
Nag iwas ako ng tingin at umalis sa veranda habang sapo ang dibdib ko. Ano kaya to? Mag kaka heart attack ata ako!
A/N : No. 45 falling!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top