CHAPTER- 15 MRS. CAZZARO Ⅰ
That Proffesor Is My Husband
*KINAUMAGAHAN...
Nagising na lang ako dahil sa mainit na hangin na dumadampi sa leeg ko at isang pamilyar na amoy na nanunuot sa ilong ko.
Unti-unti kong minulat ang mata ko at nagulat na lang ako na nakadantay ako kay Akiro habang yakap-yakap siya.
Habang siya naman ay mahigpit ang hawak sa bewang ko at nakasiksik ang mukha sa leeg ko.
Did we cuddle whole night?
Nang marealize ko ang posisyon ay mahina ko siyang tinulak at dahan dahang kumalas sa bisig niya. Nang makaalis ako agad niyang niyakap ang unan na nasa tabi niya.
Sa ganyang posisyon malaya ko siyang pinagmasdan. Magulong buhok, nakapikit ang singkit niyang mga mata kaya mas kita ang mahahabang pilik mata niya, makakapal na kilay at mapulang labi na bahagyang nakaawang, at braso na perpekto ang pagkakahulma. Gwapong gwapo parin siya kahit tulog.
Mahina akong natawa nong nagkasalubong ang kilay niya na tila ba'y may kaaway sa gitna ng pagtulog niya. Asawa ko na talaga ang lalaking to.
Nang makuntento ako sa pagtitig sa kanya. Huminga ako ng malalim bago tinungo ang banyo.
Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin. Gulo-gulo at sabog na buhok, namumungay na mata, nakatabinging damit at nakasimangot na mukha.
Ang unfair! Bakit siya ang maayos parin tingnan kahit tulog! Samantalang ako parang basang sisiw.
Padabog akong kumuha ng tuwalya at naghalungkat ng damit sa bag ko. Napili kong suotin ang isang pink bandage crop top na pinarisan ko lang ng maong jacket at cargo pants.
Saglit kong sinulyapan si Akiro na tulog padin may binubulong-bulong pa ito, umiiling akong pumasok sa banyo. Pagod na pagod?
Nagshower ako ng isang oras sa banyo. Isang oras yeah, ganun kaming mga babae ka tagal maligo o sadyang ako lang?
Nang makuntento na ako sa ayos ko lumabas na ako ng CR habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya.
Natigil ako sa pagpapatuyo ng buhok dahil sa lalaking nakaupo sa gilid ng kama at nakasimangot na nakatitig saakin. Habang nakataas ang makakapal na kilay. Yung kilay na para ng magsusuntukan sa sobrang pagkasalubong.
"What?" taas kilay na angil ko.
“Really?” di makapaniwalang tanong niya habang seryosong nakatingin saakin. “ One and f-cking thirty minutes in the shower?”
Nahihiya naman akong yumuko. “Eh, ano naman.”
Di siya sumagot at umiiling niya lang akong tinitigan bago pumasok sa banyo. Ganun ako katagal?
Napatigil lang ako sa pag-iisip nang mag ring ang phone ko.
Keira Calling.....
"Hello Keira?"
“Te! Oh ano! ginawa niyo ba?”may panunudyo sa boses niya.
“Anong ginawa? Ano naman gagawin namin?” takang tanong ko habang nag-iisip.
“ Ano ba naman yan, slow!” reklamo niya sa kabilang linya. “ Pero may ginawa nga kayo kagabi?” usisa niya pa.
Nag-isip muna ako saglit. “Oo meron naman.” patango tangong sabi ko inipit ko ang phone sa tenga ko habang naglalagay ng lotion sa braso.
Bahagya kong nilayo ang phone sa tenga ko nung tumili siya ng pagkalakas lakas sa kabilang linya.
“Ginawa niyo?”parang baliw niyang tanong. “ Y-yung HONEYMOON!?”
Bahagyang nanlaki ang mata ko at nabitawan ang hawak lotion.
Wala ako sa sariling nagpalinga linga at sinilip ang pinto ng CR bago umupo sa dulo ng kama.
"Anong honeymoon ka jan!" namumulang singhal ko naalala ko yung maling akala ko kagabi. Nakakahiya!
“ Sabi mo may ginawa kayo? Ayieee!”
“Meron nga! pero di naman honeymoon!” naiinis kong sagot
“ Ay? talaga? Ano bang ginawa niyo?”
“Natulog malamang! Utak mo talaga Keira!”
“ Ay tulog lang? Ano ba yan!?” may panghihinayang sa boses niya. Siya pa talaga may ganang manghinayang huh?
“Punta daw kayo dito sa cottage, te. Dito daw tayo mag- aagahan.” dagdag niya pa.
Bumuntong hininga ako. “Sige..susunod kami. ”
“Wala ba talagang nangyari te?” pangungulit niya pa.
Napahilot ako ng sintido."WALA NGA!" sigaw ko sa sobrang inis pinatay ko na ang phone.
Tamang tama pagkababa ko ng Phone lumabas si Akiro na nakatapis lang ng tuwalya magulo ang basa niyang buhok at may tumutulo pang tubig mula sa buhok niya.
Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa dibdib pababa. Ang aga ng temptasyon, Noemi.
"Enjoying the view?" may pagyayabang sa boses niya.
Yun ang naging hudyat para mapaiwas ako ng tingin.
"Aren't you enjoying the view?" nanunudyong tanong niya ulit, nahigit ko na lang ang hininga ko ng dahan-dahan siyang lumapit saakin.
“A-anong g-gagawin m-mo?” utal kong tanonv
Sa sobrang lapit niya mas kitang-kita ko ng malapitan ang kabuohan niya. Nagmumukha akong maliit na bata dahil sa tangkad niya ang braso at dibdib niyang perpekto ang pagkakahulma. Ang amoy niya na para bang nang aakit.
" Just answer me, Baby. Are you enjoying the view?" tanong niya habang nakatingin ng diretso sakin.
Nahigit kona lang ang hininga nang kunin niya ang kamay ko at inilapat sa matigas niyang dibdib pababa sa tyan niya. Grabe ang tigas naman nito.
"Answer me? Hmmm..." malambing na bulong niya sa tenga ko ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya doon.
Gusto kong sumagot pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.
"I bet, silence means yes.” bulong niya ulit sa tenga ko tumindig ang balahibo ko nong dumampi ang labi niya sa sensitibong parte ng tenga ko. “Just tell me if you want this, you can touch it wherever you want." bahagya niyang inihaplos ang kamay ko sa abs niya "I'm your husband after all. " sabi niya at tinanggal na ang kamay ko doon.
Tumalikod na siya at dumiretso sa Closet.
“S-sa c-cottage d-daw t-tayo k-kain.” utal utal kong sani sa kanya.
Tumango lang siya habang may mapaglarong ngiti sa labi. Di ko maiwasan na tulala at tila hindi maproseso ang nangyari kanina. Nakatitig lang papalayo niyang bulto.
Hindi ko talaga malaman minsan kong ano ang tumatakbo sa utak niya.
Nang makabalik ako sa matinong pag iisip ay tinapos ko ang aayos ko. At nauna ng pumunta sa cottage. Sa nangyari kanina wala akong lakas ng loob para makasabay siya.
Pagkarating ko sa cottage kompleto na sila at kami na lang ni Akiro ang hinihintay.
“Good Morning po.” bati ko kina Lolo Yoshi.
“Good Morning! Where's Akiro?”
“ Papunta na po dito. Nagbibihis na po kasi nong iniwan ko. ”
Bigla naman silang nagkatinginan nina Tita Ayumi at Tito Sirius pagkatapos marinig ang sinabi ko.
“Just remember..Wag niyo muna kami bigyan ng apo ng Lolo Lucio niyo.” seryosong sambit niya na siyang kinalaki ng mga mata ko. “ You're still studying, Ija. ”
“Yes, dear. You and Akiro is still young marami pa dapat kayong ma-achieve.” dagdag naman ni Ma'am Ayumi.
Natahimik ang mesa ng biglang makita ang bulto ng lalaking nakapamulsang nakatayo gilid sa mesa namin. Kakarating lang at mukhang di namin naramdamdan ang presensya.
“Of course, We won't do it.” kalmadong ani niya. “Just remember it's freaking arrange marriage.”
“Watch your mouth, Akiro. We're eating. Yes it's arrange marriage and you agree to it.” saway ni Lolo Yoshi.
“Yes, i agree for it because you don't want me to—”
“You don't have any choice Akiro Seveiros. ” may pagtatapos sa boses ni Lolo Yoshi.
Di na sumagot si Akiro sa Lolo niya at kumain na lang minsan napapasulyap na lang ako sa kanya. Dinig na dinig ko kasi ang lagitnit ng ngipin niya na tila nagtitimpi.
Laman ng usapan ang pagpapaalala kay Akiro na alagaan daw ako dahil magsasama kami sa isang bahay!
Napag-usapan din nila na kinabukasan na ang flight namin pauwi ng pinas. Kaya pagkatapos naming mag umagahan nagsimula na akong mag impake.
******
Kinabukasan bumiyahe na kami pabalik ng pinas. Sa private plane kami ni Lolo lahat nakasakay. Buong biyahe katabi ko si Akiro na wala man lang imik na nagbabasa. Kaya minsan tumatabi ako kina Keira at Ken para makipagkulitan.
Napansin kong mejo masigla na si Ken di kaya noong mga nakaraan na sobrang tamlay. BAKA MAY MOOD SWINGS LANG TONG BUGNUTIN NA TO.
*******
Pagdating namin ng pinas nagpahinga muna ako ng dalawang araw at nag-impake na ng natitira kong gamit dito sa mansyon ni Lolo.
Ngayong araw kasi kami lilipat ni Akiro sa bagong bahay namin.
Nagpatulong ako sa mga kasambahay namin na mag impake at syempre isasama ko si Tasha.
Nang matapos akong mag impake nagpatulong ako sa mga tauhan ni Lolo na ilagay sa compartment ang lahat ng maleta at gamit ko.
Pagkatapos kong maipasok at maayos ang lahat ng gamit ay nagpaalam ako kay Lolo at Mom.
"We will visit you often, baby. Don't worry magka separate naman ang kwarto niyo ni Akiro and he promised na wala syang gagawing masama sayo. He respects you.” ani ni Mom.
Salamat naman at magkaiba kami ng kwarto.
"I'll missed you apo, if we can't visit you just visit us instead hmm?" malumanay na sabi ni Lolo.
"Okay lo, No se preocupe." sensirong sabi ko.
*No se preocupe- Don't worry
Hinalikan ko sila sa pisngi bago magpaalam, at sumakay na sa kotse habang akay-akay si Tasha.
"Cuídese! Adíos." pahabol ni Lolo.
Umandar na ang kotse at si Señor Arnaldo ang nagmamaneho. Ilang oras din ang biyahe namin kaya nakatulog ako nagising lang ako ng maramdaman kong huminto na kami.
"Señorita, We're here." sabi ni Señor Arnaldo.
Tinulungan niya akong ibaba ang mga gamit ko ng makapasok ako isang Malaking Gold na Gate.
“Good Morning, Ma'am.” sabay na bati ng dalawang guard na sa paningin ko e nasa 40s na.
“Morning din po.” bati ko bago pumasok sa gate
Namangha ako sa nakita sa loob ng malaking gate na yun. Napakaganda at napakalaki ng espasyo at lalo na ang bahay. Bat ang laki nito e dalawa lang naman kami ang titira dito.
May pool—malaking pool din kaliwa at napakalawak na garden sa harap lang yun at alam kong hanggang sa likod yun. Magkano kaya to? sobrang laki nito!
Naputol lang ang pagmuni-muni ko nang may asong kumahol sa harap ko. Isang Siberian Husky, maliit pa siya at sa tantsa ko e nasa 4 months palang. Ang cute niya may red dog tag siya sa leeg na bumagay sa kulay niyang itim at puti.
Kay Tasha siya nakatingin at kumakahol si Tasha e tahimik lang siyang pinagmamasdan habang nasa bisig ko.
Binaba ko si Tasha at tinanggal ang tali nito. Agad naman silang nagtakbuhan na dalawa sa Garden na animo'y matagal ng magkakila. Siguro di naman sila mawawala.
Bumuntong hininga ako at tinungo ang malaking pintuan ng bahay. Kakatok na sana ako nang may babaeng lumabas roon. Naka maid siyang uniform, nakatirintas ang mejo may kahabaan na buhok, morena, at may katangkaran din. Nakangiti niya akong nilapitan.
"Magandang Umaga, Ma'am Noemi ako nga po pala si Lory isa sa kasambahay niyo dito ni Sir Akiro." pormal niyang pakilala may kakaibang accent ang pananalita niya. Baka taga probinsya siya?
Tumango si Señor Arnaldo na tila humihingi ng pahintulot na pumasok sa bahay at tango din ang sagot ko sa pagsangayon. Agad kong binalingan si Lory na nakatitig saakin
“Ang ganda niyo naman, Ma'am.” ani niya.
Nahihiya akong yumuko." Thank you. Nice to meet you po, ilan po ba kayo dito?” pag iiba ko sa usapan.
"Tatlo po si Jessa kasama ko Ma'am tapos si Manong Tesyong naman ang driver niyo po. Tanggalin niyo na po yung "po" pakiramdam ko ang tanda ko na. ”
"Ahh..sige p—" bigla kong naalala ang aso " Teka? kaninong aso yung kanina?" tanong ko.
"Kay Sir po yun. Saige po pangalan niya.” sabi niya.
"Asan ba si Akiro?" sunod kong tanong.
"Yung asawa mo po? Ahh.. maagang pumunta sa Gym, Ma'am. Kaya nga iniwan muna dito si Saige. Dati sinasama niya ho yan e." sabi niya mejo nailang naman ako sa word na ASAWA MO.
Isa kasi si Lory sa mga maid ni Akiro sa bahay ng parents niya kaya no wonder alam niya na habit ni Akiro.
"Pasok na po tayo Ma'am.” aya niya.
Sinulyapan ko muna saglit yung dalawang aso na naglalampungan sa garden. Mukhang close na sila sana kami din ni Akiro.
Pumasok ako sa bahay at ang ganda ng loob may limang room daw dito pag ku-kwento ni Lory. Habang naglalakad e sinasabi ni Lory sakin kung ilang rooms ang nandito. Sabi niya sa taas tatlo yung room yung isa masters bedroom which is doon yung kwarto ni Akiro, yung katabi naman akin, yung isa sa mga guestroom.
Yung sa baba namang room dalawa, sa isang room doon matutulog sila ni Lory at Jessa. May maliit na kubo sa labas at doon daw matutulog si Manong Tesyo dahil di sya komportable sa aircon. Ewan ko kung bakit. Kaya yung sa ibabang room na bakante gagawing bodega na lang yun.
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang malaking Wedding Picture namin ni Akiro sa gitna katabi ng hagdan. Tipid akong nakangiti sya naman ay seryosong nakatingin sa camera.
“Di naman po mahirap pakisamahan si Sir, Ma'am. Mabait naman yun kaso seryoso lang .” ani niya at ngumiti saakin.
" Ay Ma'am! kumain na po ba kayo?" anong ni Lory sakin.
"Di pa.."
"May breakfast na po sa kitchen, iinitin ko na lang po."
“Okay lang ako na lang tsaka magluluto din ako ng soup, sobrang gutom talaga ako.” nahihiyang sabi ko.
"Ako na po Ma'am." presenta niya.
"Ako na lang ho, marunong naman ako magluto paki-ayos nalang ho yung gamit ko sa kwarto." sabi ko sabay ngiti.
Tumango naman sya at pumasok sa kwarto. Habang ako hinubad ko ang jacket ko isinabit sa isang upuan at dumiretso sa kusina.
Naisipan kong magluto ng sopas. Inabot ako ng isang oras sa pagluluto
Nang matapos kong magluto ng sopas ay ininit ko ang niluto ni Lory. Nagsalin na ako ng sopas sa mangkok at umupo na sa mesa. Gutom talaga ako at malayo layo din ang binayahe namin.
Akma akong susubo nang biglang bumukas ang malaking pinto at bumungad doon si Akiro na hinihingal naka-muscle shirt at jogging pants lang siya. May nakasalampak na airpods sa tenga habang pawis na pawis.
TO BE CONTINUED....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top