CHAPTER- 12

«NOEMI's POV»

*Kinabukasan

Napagpasiyahan muna namin na mag swimming at mag enjoy dahil huling araw na namin dito sa resort. Why not? nasa resort naman kami.

Kasalukuyan kaming nasa dalampasigan ngayon ni Keira at gumagawa ng Sand Castle. Namiss ko gumawa nito! Matagal tagal na din nong huli kaming nag beach.

Habang gumagawa kami ng sand castle ay naikwento ko sa kanya ang nangyari saakn kagabi.

"Talaga ate? Sinabi niya yun?" naiintrigang tanong niya.

“He will be my husband daw." sagot ko sabay tuon ng pansin sa pag bubungkal.

"Ate! Ate! may papandesal si Mayor oh!" anas niya sabay kalabit  sa akin.

"Hmm?pagtataka ko. wala namang Mayor na umattend sa debut ko ah!” nagtatakang ani ko habang nakatuon parin ang mata sa ginagawa.

"Tingnan mo kasi oh!" sabi niya sabay angat ng ulo ko.

Wearing a twin pair of sunglasses, black and blue board shorts while half naked. Damn! kitang kita ang mga nagtitigasang abs nila dahil sa araw na tumatama doon. Si Akiro at Hiro.

Mas kapansin pansin si Akiro sa klase ng tindig at aura niya. He looks so arrogant but yet cool, wearing his usual pair of cold blue eyes. Kahit na naka-sunglasses siya alam kong dito siya nakatingin.

Si Hiro naman ay ngiti-ngiti na sumulyap sa mga babaeng nakabikini na pinatitilian siya. Wtf? babaero.

"Ate, sino yung isa?"

"Si Hiro kapatid niya. Si Ken nga pala asan?" pag iiba ko ng usapan at umiwas ng tingin kay Akiro na alam kong saakin parin nakatitig. Problema non?

"Ayun tulog pa napagod ata." sabi niya habang nakatingin parin sa direksyon nila ni Akiro.

"Uyy, tigilan mo yang pag tingin tingin sa kanila!" pabulong na saway ko sa kanya.

"Pogi ng mapapangasawa mo ate! swerte mo!" sabi niya habay hagikhik.

"Pogi nga nakakainis naman.” sabi ko at umirap sa direksyon nila ni Akiro. Halika na nga! Gisingin na natin si Kuya mo tas kumain na tayo." aya ko sabay hatak sa kanya.

"Teka lang te! Picture tayo p-post ko lang sa IG ko!" pagpigil  niya.

"Ako na magpi-picture sayo" presenta ko.

Pagkatapos ko syang picturan, pinicturan niya rin ako at naisipan ko din na gawing story sa IG ko. Pagka-open ko ng IG ko may nag pop-up na notification.

czzro.hiro started following you.

Finallow ako ni Hiro! Syempre dahil di ako feeling peymus finallow back ko sya at post ng IG Story ko.

noemi_ggrro "Beach🌴"

Nagulat na lang ako paglingon ko palihim na pini-picturan ni Keira si Hiro.  Dumadamobs!

Woi! tigilan mo yan! Pag ikaw nahuli!" singhal ko sa kanya at tinakpan ang phone niya.

"Ina-appreciate ko lang yung biyaya tsaka yung isa sayo naman yun ate! kaya akin na lang yung isa." habang kumuha parin ng litrato.

"Tama na yan! Gisingin na natin si Kuya mo kakain na tayo." sabi ko sabay hatak na sa kanya papasok.

Pagkapasok namin sa kwarto nila ni Ken nadatnan namin si Ken na nakadapa sa kama at himbing na himbing pa ang tulog, wala pa itong saplot pang itaas ng biglang ginulat sya ni Keira.

"Kuya! Gising na!" Alog ni Keira kay Ken.

"Hmmm!" ungol na sagot ni Ken.

"Kakain na! Gising na!" sabi ni Keira .

"M-mamaya na! Inaantok pa ako! " sagot ni Ken.

"KUYA! ANDITO SI ATE NOEMI!!!" sigaw niya mismo sa tenga ni Ken na ikinibalikwas nito.

"G-good morning" bati ko.

Pagkatingin ko sa kanya doon ko lang na realize na nakaboxer lang sya at mukhang nagulat din sya kaya napatakbo agad ito sa loob ng banyo.

«KEN's POV»

"Kuya! Gising na!" sabay alog sakin..

Ano ba naman yan! Ang aga pa eh!

"Hmmm! tanging sagot ko inaantok pa talaga ako.

"Kakain na! Gising na! " dagdag niya pa.

"M-mamaya na! Inaantok pa ako! " naiinis na sabi ko.

"KUYA! ANDITO SI ATE NOEMI!!!" sigaw niya sa mismong tenga ko.

Teka sino? si mimi?

Napabalikwas naman ako ng bangon at nasa harap ko nga si Noemi, naka rash guard pa ito.

"G-good morning" bati niya at bumaba ang tingin.

Nagbaba din ako ng tingin at doon ko lang din napansin! Shit! nakakahiya nakaboxer lang pala ako! fuck!

Agad akong kumaripas ng takbo papuntang Cr at sinabunutan ang sarili ko.

"Fuck! Fuck! Nakakahiya" sigaw ko sabay umpog ng ulo ko sa pintuan.

"KUYA! HINTAYIN KA NA LANG NAMIN SA BEACH!" sigaw ni Kei.

Sumilip ako sa pintuan para kompermahing wala sila. Mukhang tahimik na kaya wala na sila lumabas naman ako at huminga ng maluwag.

Kumuha ako tuwalya at tutungo na sana sa banyo ng biglang bumukas ang pintuan. Sa sobrang kaba tinagpi ko ang tuwalya sa bewang ko.

"Kuya!” natatawang tawag sakin ni Kei. “ Nakahiya ka grabe epic!" pang aasar ni Kei na ikinangiwi ko naman.

"Ano? bumalik ka lang dito para asarin ako?" naiinis kong tanong.

"Kukunin ko lang phone ko naiwan eh! Sumunod ka agad sa Pool Area doon tayo mag aagahan. ” nakangising sabi niya sabay alis.

Bumuntong hininga lang ako at pumasok sa banyo tinanggal ko ang tuwalyang nakatagpi sakin kasama ang saplot ko at pumailalim na sa shower.

Nakapikit ko namang ninamnam ang tubig na dumadaloy sa katawan ko ng maalala ko na naman ang kahihiyan kong nangyare kanina.

"Shit! nakakahiya talaga!" singhal ko sa sarili.

Pagkatapos kung magshower lumabas na akong nakatagpi at hinalungkat ang dala kung bag.

Naisipan kung isuot ang white polo ko at pinarisan ng Beach Short. Kumuha din ako ng sunglasses at lumabas na.

Pustahan aasarin na naman ako non dahil nakita niya lang akong naka-boxer.

Ng palabas ako nakasalubong ko yung mapapangasawa ni Mimi. Tuwing maalala kung ikakasal na sya nasasaktan parin ako sobra sobrang nasasaktan. Eh ano naman ang magagawa ko yun na yun eh.

Tiningnan ko din sya tiningnan niya din ako ng matalim. Angas mo pre pag kinasal kayo ni Mimi at sinaktan mo sya pasasabugin ko yang nguso mo.

Tinigil ko ang pag iisip ko at nagsimula ng tumungo sa Pool Area nandoon na si Kei at Mimi naka upo at naghihintay pumwesto ako sa tabi ni Mimi.

"Woi! Ken! Cute ng boxer mo ah! " pang aasar bungad ni Noemi. Sabi ko na nga ba.

Cute ang may ari eh.lakas loob na sagot ko kahit sobrang nahihiya ako.

Bat nga ba naka boxer ka lang ha?" tanong niya.

"Baket hindi? Gusto mo lang ata akong nakitang nakahubad eh." pang aasar na sagot ko sabay ngisi.

Binatukan niya ako" Yuck! Ken!

Di ko naman alam na gigisingin niyo ko eh.”sagot ko sabay himas ng ulo ko.

"Napagod ka daw?" tanong niya.

"Oo eh, hinarana kaya kita kagabi nakalimutan mo na?" mejo malungkot na tanong ko kunware.

"Hindi ah! anong makakalimutan ,syempre hindi! matutupad mo na ang pangarap mo noong bata pa tayo yung gusto mo magkabanda" sabi niya sabay ngiti.

Damn! bat ang ganda niya pag ngumingiti.

"At kakantahan kita sa oras na malungkot ka man o masaya." sagot ko.

"At proud na proud ako sayo Ken. " sabi niya sabay yakap sakin na syang nagpabilis ng tibok ng puso ko. I love you mimi kung alam mo lang para sayo tong ginagawa ko. Kung sana ako na lang. Kung sana ako na lang yung lalakeng pakakasalan mo....kaso hindi ako eh.....

A/N : KEEP SUPPORTING #109F FALLING

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top