CHAPTER- 1
That Professor is My Husband
I was just 10 years old when Mama left me with Tita Yssabelle. Si Tita Yssabelle ay isa sa mga kasambahay nila Mama sa mansion.
"Anak, dito ka muna kay Tita. Be a good girl here, okay?" malambing na sabi ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko.
"Why, Mama? Where are you going? Of course, I can. I'm already a good girl here," sagot ko, confused.
Napatigil ako nang biglang umiyak si Mama at niyakap ako nang mahigpit.
"Mama, please don't cry. What's wrong? Why are you leaving? If it's important, it's okay. I'll wait for you here promise," sabi ko habang tinaas ang maliit kong kanang kamay.
"Mama needs to look for something. Babalik si Mama, promise. Mag-aral ka nang mabuti dito. Always remember, I love you," sabi ni Mama sabay halik sa noo ko.
"Opo, Mama. I love you, too. I'll wait for you," sabi ko nang matapang, kahit na tumutulo na ang mga luha ko.
It was the first time Mama ever said goodbye like that.so emotional. Bata pa ako, pero alam kong may kakaiba. Lagi kaming magkasama, at ngayon, she was leaving without any clear reason.
Umalis si Mama, at gabi-gabi mula noon, nasa labas ako ng bahay, umaasang baka bumalik siya. Pero wala. Ilang araw, buwan, at taon ang lumipas wala pa rin si Mama.
"Mimi, alas-onse na. Matulog ka na, baka may multo pa diyan," sabi ni Kenzo.
Si Kenzo ay anak ni Tita Yssabelle. Four years older siya sa akin, habang ang bunso naman si Keira ay mas bata sakin ng dalawang taon.
"Ken-ken, mamaya na. What if bumalik si Mama habang tulog ako? Baka di ko siya makita," sagot ko habang yakap-yakap ang sarili, nakatingin sa mga bituin sa langit.
"Ma, bakit ang tagal mo? Di ba nangako ka?" bulong ko sa sarili.
Bumuntong-hininga si Kenzo at umupo sa tabi ko.
"Mimi, two years ka nang naghihintay. Bukas birthday mo na. Kung babalik siya, sana dati pa." Mahina niyang sabi.
"Baka ano?" tanong ko.
"Baka di na siya babalik," sagot niya nang diretso.
"HINDI! Babalik si Mama! Nangako siya!" sigaw ko, nanginginig na ang boses ko habang pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala.
"Pasensya na, Mimi. Ayokong masaktan ka kakahintay. Ang sabi ni Tita Nathalia, mag-aral ka nang mabuti. Malay mo, kung masaya siya sa'yo, baka bumalik siya." Hinagod ni Kenzo ang likod ko para pakalmahin ako.
Pero mas lalo akong naiyak. "Paano kung... hindi na siya babalik?"
Lumipas ang mga taon, at sa murang edad, natuto kaming tumayo sa sariling paa. Si Kenzo, ako, at si Keira na lang ang natira matapos pumanaw si Tita Yssabelle sa sakit na lung cancer. Hindi niya pinaalam sa amin na may sakit siya dahil mas inuna niya ang pag-aaral namin kaysa pagpapagamot.
Naalala ko pa ang huling araw na kasama namin si Tita Yssabelle. Nakahiga siya sa kama, namumutla, at bakas sa mukha niya ang matinding panghihina. Pero kahit hirap na hirap na siya, pilit pa rin siyang ngumingiti samin.
Nasasaktan akong makita siya sa ganitong kalagayan-parang iniinda lang niya ang sakit para hindi kami mag-alala. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak sa isang sulok habang pinapanood ko sila.
Lumapit si Kenzo kay Tita Yssabelle, pilit pinipigilan ang mga luha. Nakayuko siya habang tahimik na kinakausap si Tita. May binulong si Tita sa kanya, at agad kong nakita ang pagbabago sa ekspresyon niya-naging matigas ito, pero hindi nakatakas ang luha na dahan-dahang pumatak mula sa kanyang mata.
"Hindi, 'Nay. Ayoko. Hindi ko siya hahanapin," madiing sabi ni Kenzo. "Magpapagamot tayo. Gagaling ka. Hahanap ako ng paraan," dagdag pa niya sa matigas na boses, halata ang panginginig nito.
Dahan-dahan akong lumapit kay Kenzo at mahigpit ko siyang niyakap, na para bang sa yakap na iyon ay mababawasan ang bigat ng lahat ng nararamdaman niya.
"Ken..." mahinang bulong ni Tita. Ngumiti siya nang kaunti, kahit halatang pagod na. "Hindi kita pipilitin, anak," sabi niya mahina. "Basta mag-aral kayo nang mabuti. Alagaan mo ang kapatid mo, pati na rin si Noemi. Mahal na mahal ko kayong tatlo. Kayo ang naging lakas ko sa natitirang mga araw ng buhay ko."
Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Kenzo, anak, pasensya na kung hindi mo nakilala ang tunay mong tatay... Pero alam ko, darating ang araw na magkikita rin kayo. Sana, pag dumating ang panahong iyon, mapatawad mo siya."
Ngumiti siya, bagaman hirap na hirap na. "Tandaan niyo... Mahal na mahal ko kayo."
At sa huling salita niya, unti-unting bumagal ang kanyang paghinga, hanggang sa tuluyan na itong huminto.
Bumalot sa maliit naming bahay ang hagulgol at iyakan. Paulit-ulit namin siyang tinatawag, nagbabakasakaling magising pa siya. Pero wala... Wala na siya.
Sobrang sakit ng pagkawala niya. Siya na itinuring kong pangalawang ina-wala na. Wala na si Tita Yssabelle, ang gumigising sa amin tuwing umaga, nag-aalaga, at gumagabay sa amin.
Ngayon, 14 na ako. Si Kenzo ay 18, at si Keira ay 12. Kahit bata pa kami, natuto na kaming magtulungan. Nagpapatakbo kami ng maliit na tindahan na naiwan ni Tita para may pangkain at pang-aral.
Nasa sala kami ngayon, nagkukuwentuhan habang hinihintay ang mga mamimili.
"Alam mo, Ate Mimi," sabi ni Keira habang ngumunguya ng tinapay. "Sabi ni Nanay, mayaman daw 'yung tatay ni Kuya Kenzo. Pero di natin alam kung nasaan."
Kaya pala iba ang hitsura ni Kenzo-may foreign features kasi siya. Alam ko rin na isang gabing pagkakamali ang dahilan ng pagkakaroon ni Tita kay Kenzo, pero hindi niya pinagsisihan iyon. Mahal na mahal niya si Kenzo.
"Ken, wala ka bang planong hanapin 'yung tatay mo?" tanong ko.
"Hindi na. Kung gusto niya akong makita, siya ang maghanap. Wala akong balak maghabol," matigas na sagot niya.
"Ikaw, Ate Noemi? Wala ka bang balak hanapin si Mama o Papa mo? Sabi ni Nanay, mayaman daw ang mga magulang mo, lalo na si Tita Nathalia," tanong ni Keira.
Sabi ni Mama, may halong Espanyol siya, at ang tatay ko naman ay half-American. Pero hindi ko alam ang pangalan ng Papa ko-ni apelyido, hindi ko alam. Ang gamit kong apelyido ay kay Mama.
"Hindi na siguro, Keira. Masaya ako kasama kayo. Importante, magkakasama tayo," sagot ko, at ngumiti sila.
Masaya kaming nagkukuwentuhan nang biglang may kumatok sa pinto.
"Keira, pakibuksan na lang," sabi ni Kenzo.
Tumakbo si Keira papunta sa pintuan at ilang sandali lang ay bumalik siya, tila natataranta.
"Ate Noemi! May mga tao sa labas, mukhang mayayaman. Hinahanap daw si Mama mo," bulalas niya.
Napakunot-noo ako. Bakit hinahanap nila si Mama?
Tumayo ako at pumunta sa pinto. May mga lalaking naka-suit at naka-shades.
Lumapit ang isa sa kanila, isang matangkad na lalaki na mukhang nasa 50s na.
"Señorita, ikaw ba si Noemi?" tanong niya, sabay turo kay Keira. "She told me your mom is Nathalia Martina Guerrero. Am I correct?"
Paano niya alam ang buong pangalan ni Mama?
"Yes, sir," sagot ko. "I'm her daughter. Why?"
Binaba niya ang shades niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Di maipagkakaila. You look exactly like her during her teenage years. Both of you are beautiful," sabi niya, dahilan para mamula ang mukha ko.
"What do you need from me, sir?" tanong ko, pilit pinipigilan ang kaba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top