Chapter Two

Hello dears! Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa sa first chapter at maraming salamat din sa pag iintay!


Last chapter, may iniwan akong question: "Dapat bang magkatabi si Gab at Avy sa byahe papuntang beach outing?"


Marami-rami ang sumagot ng no, pero nagwagi pa rin ang team YES. Yay! :D


At the end of this chapter, may new question po ulit ako. Don't forget to comment your answer! :)


And now, let's proceed to chapter two....



Chapter Two


Hay ang init!!

            Summer na talaga. Kahit saan ako pumwesto sa bahay eh sobrang init.

            Kinuha ko ang purse ko at naglakad ako palabas ng bahay. Maka-bili nga muna ng ice cream. Init na init na ako!

            "Oh saan ang punta mo?" tanong sa akin ng kuya kong si Alvin na ngayon ay naka-hilata sa sofa namin at nanunuod ng T.V.

            "Dyan lang sa tapat. Kina Alex. Bibili lang ako ng ice cream."

            Tinignan niya ako saglit atsaka ibinalik ang tingin sa TV.

            "Wala kang plano magsuklay? Mamaya makita ka ng crush mo."

            Inirapan ko lang si kuya pero hindi ko siya sinagot.

            Sino namang crush ang makakasalubong ko? Si Alex? Eh jusko, pareho kami ng crush oo. Maharot pa sa akin 'yun kahit hindi halata.

            Nang makalabas ako ng gate ng bahay namin, napahinto ako.

            Naalala ko kasi si Gab.

            Dito pa rin kaya sa area na 'to sila nakatira? Doon pa rin kaya sa dating bahay nila?

            Madalas ako noon sa kanila. Malaki kasi ang bahay nila at doon sa sala nila, meron silang isang malaking TV. Kada hapon, pareho kaming nasa tapat ng TV at naka-abang sa paborito naming anime na palabas. Tapos ipaghahanda pa kami ng yaya niya ng meryenda. Pagka-tapos nung palabas, ihahatid ako ni Gab sa amin habang naka-angkas sa bisikleta niya.

            Halos ganun lang araw-araw ang routine namin. Sobrang simple. Pero nakaka miss.

            Naglakad ako papunta sa kabilang kanto. Doon sa tindahan kung saan kami madalas tumambay ni Gab dati.

            Ang tagal ko na ring hindi nakakapunta rito. Simula kasi nang magbukas sina Alex ng tindahan sa tapat namin, doon na ako madalas bumibili.

            Ayoko na rin kasing maalala nun si Gab.

            Nang makarating ako sa tindahan, napansin kong medyo nabago na ang itsura nito. Medyo mas lumaki na ang pwesto nila. At kung dati, puro mga grocery items lang ang paninda, ngayon, nagtitinda na rin sila ng mga school supplies.

            Pero napangiti pa rin ako nang makita ko ang fridge ng ice cream.

            "Avy?"

            Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Ate Lyn na naka-dungaw sa tindahan.

            "Ate Lyn!"

            "Avy! Naku ikaw bata ka! Ang tagal mong 'di bumili rito ah?" sabi niya habang ngiting-ngiti sa akin. "Ano ang sa'yo?"

            "Ahmm," napatingin ako doon sa fridge ng ice cream habang naka-ngiti.

            "Okay alam ko na!" natatawa-tawa naman niyang sabi. "Naging dalaga ka na, ayan pa rin ang gusto mo. Hala sige mamili ka na roon!"

            Napatawa na rin ako kay Ate Lyn, "thank you po!"

            Nilapitan ko 'yung fridge at binuksan ito. Nine years ago, nandito rin ako nun.

            Kung saan ko siya unang nakilala.

            Sabi nila, hindi mo na masyadong maaalala ang mga bagay na nangyari sa'yo nung bata ka pa. Pero nakakatawang isipin na malinaw pa sa memory ko ang nangyari nung araw na nakilala ko si Gab.

            Ang sarap balikan.

            Pumikit ako at kinapakapa ko ang mga Cornetto ice cream doon atsaka ako kumuha ng isa. Pagdilat ko, yung Buco Pandance With Me na flavor na naman ang nakuha ko.

            Napangiti ako, "hinuhunting mo ba ako?" bulong ko sa sarili ko.

            Two times in a row ko na kasi nakukuha ang flavor na 'to eh. Mukhang magkakaroon na ako ng new favorite.

            Nakarinig ako ng mahinang tawa kaya napa-angat ang tingin ko.

            Halos mabitiwan ko ang ice cream na hawak ko nang makita ko si Gab sa harap ko.

            What....what....what the—-!!!

            Nginitian niya ako at lumapit siya sa akin.

            De joke lang. Sa fridge siya lumapit at hindi sa akin. Pero dahil nakatayo ako sa tabi ng fridge, parang sa akin na rin siya lumapit.

            Kumuha siya ng isang ice cream. Katulad ng sa akin. Nginitian niya ulit ako at naglakad na siya papalapit kay Ate Lyn para magbayad.

            Agad kong sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko.

            Sabi na eh! Dapat sinusunod ko ang advice ni kuya! Ba't hindi ba ako nagsuklay?!

            Nahihiya-hiya rin akong lumapit kay Ate Lyn para magbayad.

            Nginitian kami ni Ate Lyn.

            "Parang kelan lang ah..." panimula niya.

            Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba....at excitement?

            Sige lang Ate Lyn, ituloy mo 'yan. Ipaalala mo sa kanya na minsan may isang Avy sa buhay niya! Na ako ang first ever friend niya. Na dito kami unang nag meet at after nun ay halos araw-araw na rin kaming nandito.

            Ipaalala mo sa kanya ang lahat.

            "Hey Gab!"

            Pare-pareho kaming napalingon doon sa tumawag kay Gab. Isang babaeng petit na maputi. Mahaba ang buhok na naka-pusod ng mataas. Maganda. Nakaka-insecure.

            "Ang tagal mo," sabi niya pagkalapit niya kay Gab.

            "Bumili lang ako ng Cornetto."

            "Tara na!"

            Humawak sa braso ni Gab yung babae at sabay silang lumabas ng tindahan at naglakad palayo.

            "Nag-away ba kayong dalawa ni Gab?" tanong ni Ate Lyn.

            Napa-simangot ako, "sino pong Gab? Wala po akong kilalang Gab."

            Napa-iling na lamang siya, "kayong mga bata kayo, ang babata niyo pa, mga ulyianin na kayo. Hindi niyo naalala ang isa't-isa samantalang dati halos hindi kayo mapaghiwalay."

            Hindi na ako sumagot.

            Siya lang ang hindi nakakaalala. Ako, hanggang pagpapanggap na lang.


~*~


            "I'm positive! Jowa niya yung nakita mo!" sabi ni Alex habang may pa-kumpas-kumpas pa ng pamaypay niyang color pink.

            Hinampas ko siya sa braso. "Salamat sa suporta at pagpapalakas ng loob ha? Salamat talaga! Tunay kang kaibigan!" sarcastic na sabi ko sa kanya.

            Kainis 'tong taong 'to!  Kailangan ko ng moral support galing sa kanya tas lalo pa akong dina-down! Best friend ko ba talaga ang isang 'to?

            Ilang araw na kasing hindi mawala sa isip ko yung na lumapit kay Gab. Kung makahawak pa siya sa braso niya! Bakit sila ba ha?! Nakakainis!

            Na-te-tempt na talaga akong mag send ng friend request sa kanya sa Facebook para i-check ang relationship status niya. Kaso nahihiya ako.

            Hay bwiset.

            "Tanungin ko na lang mamaya kung may jowa siya? Ano bet?" offer ni Alex.

            "Ikaw tumigil-tigil ka ha!"

            Napa-buntong hininga na lang ako at napatingin sa paligid.

            Ngayon na ang araw ng alis naming para sa summer outing. Nandito kami ngayon sa waiting shed sa labas ng dati naming school at inaantay ang mga ka-batch mates namin. 5:15am pa lang. 5:30am ang usapan na call time kaya naman kami pa lang ni Alex ang nandito. Ang aga ko rin kasi siyang sinundo sa kanila.

            Sorry naman. Excited lang.

            Maya maya lang din ay nagsi-datingan na ang mga ka-batch mates namin. Paulit-ulit na kamustahan at selfies pa ang naganap bago kami isa-isang pumasok sa coaster na pinahiram sa amin ng school. Salamat kay Greg na apo ng may ari ng school.

            Pinili namin ni Alex ang seat sa gitna para hindi masyadong nakakahilo. Four hours pa naman ang byahe at mahihiluhin si Alex. Baka mamaya eh bigla siyang mag waterfalls sa akin. Ayoko naman mangyari yun.

            In-occupy ko ang seat sa tabi ng bintana at si Alex naman ay sa tabi ng aisle.

            "Wait, mag re-restroom muna ako. Mahaba-habang byahe ito," sabi ni Alex sa akin matapos niyang ilagay ang mga gamit namin itaas.

            "Sige go."

            Narinig kong nagsabi si Alex kay Greg na mag re-restroom muna siya. Hinayaan naman siya kasi hindi pa rin kami kumpleto.

            Wala pa nga si Gab eh.

            Sana naman pumunta siya. Sabi ni Alex sasama na raw si Gab kasi na-cancel ang training nila this summer. Pero kabado pa rin ako na baka mag back out siya. Kaya nga ako excited eh kasi kasama siya. Hindi ganoong ka-saya pag wala siya.

            Hay. Sabi nila pag in love ka raw, lagi kang inspired. Laging masaya. Pero mahirap din pala. Kasi minsan naka-depende sa taong yung ang kasiyahan mo. Iniisip mo, dati naman okay lang sa'yo kung wala siya o hindi. Masaya ka pa rin. Pero ngayon, pag wala siya, parang may kulang. Parang sa kanya na naka-salalay ang happiness mo.

            At hindi ko alam kung magandang bagay ba 'yun o hindi.

            "Hi Avy!"

            Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang isa sa mga kabarkada ni Gab na si Bench.

            Naupo siya sa tabi ko.

            "Dito na lang ako. Buti wala kang katabi."

            "Diyan naka-upo si Alex," sabi ko sa kanya.

            "Makakahanap na rin ng ibang upuan yun!"

            Medyo napa-simangot ako. Kainis naman 'tong isang 'to oh. Hindi naman kami close, bakit tumabi pa.

            "Doon ka na lang sa kabilang side. Wala pang nag o-occupy doon!" tinuro ko yung seats sa right side namin.

            "Eh ayoko doon. Alone ako."

            Ba't ba ang kulit nito? Ayoko siyang katabi. Ang kulit-kulit kasi niya eh!

            Nakita kong palapit na si Alex and I gave him a meaningful look. Ibinalik niya ang tingin niya sa akin at alam kong nagkaintindihan kami.

            Ganyan naman talaga pag mag best friend eh. Sa tingin pa lang, nagkakaintindihan na.

            "Excuse me Bench, dyan ako nakaupo," sabi ni Alex kay Bench using his most manly voice. Alam kong gusto niyang ma-intimidate si Bench sa kanya. After all, hindi naman nito alam na bading itong si Alex.

            "Doon ka na lang sa harapan. Tumabi ka kay Tisha o kay Greg," sabi naman ni Bench.

            "Okay!" mabilis na sagot ni Alex sabay punta doon sa harap.

            Ay anak ng tupa! Pumayag?!

            Akala ko pa naman hindi siya aalis dito hangga't hindi lumalayas si Bench sa upuan niya!!

            Inilabas ko ang phone ko at tinext ko siya.


            Me: "Bwiset ka!! Ba't ka pumayag?!"

 

            Maya maya lang din ay nag reply siya.


            Alex: "Alam mo namang may lihim akong hart hart kay Greg eh! Wag kang magulo bruha!! Hindi lang ikaw ang may karapatang lumandi. Love ya! Mwa!"

 

            Napa-iling na lang ako.

Grabe talaga ang isang 'to! Basta sa kalandian, kayang-kaya akong ipagpalit!

            "Uy pareng Gab! Nandyan ka na pala!"

            Bigla akong napatingin sa may aisle at nakita ko nga si Gab na papalapit sa amin.

            "Uy musta na?" bati niya kay Bench.

            Napa-yuko agad ako at nag panggap na busy sa phone ko. Pero deep inside, gusto ko nang ngumiti ng malawak.

            Yes! Dumating na siya!!

            "Eto pogi pa rin!" dinig kong sagot ni Bench. "Dyan ka na sa kabila para makapag-kwentuhan tayo!"

            "Sige, sige."

            Medyo nilingon ko sila at nakita kong inilalagay na ni Gab ang gym bag na dala niya sa taas. Naupo siya sa kabilang side namin ni Bench.

            "Uy yung crush ko nandyan na rin!" bulong ni Bench sa akin.

            Napatingin ako sa tinutukoy niya at nakita ko si Sheila, yung class muse ng section nila.

            "Hi Gab!" bati ni Sheila.

            "Uy!" tumango naman si Gab sa kanya.

            "May naka-upo dyan?" tanong ni Sheila habang tinuturo niya yung seat sa window side.

            "Wala."

            "Alright! Dyan na ako!" inilapag ni Sheila ang gamit niya doon sa may upuan at lumabas siya saglit. Nadinig kong nagpapaalam siya para mag rest room.

            Ba't ba ang lapitin ni Gab sa magaganda? Lahat na lang ba ng babaeng umaaligid sa kanya eh maganda?

            Ano naman ang laban ko? Hindi naman ako kagandahan.

            Mas lalo kong naramdaman ang bad trip ko. Hindi ko na nga katabi si Alex, makikita ko pang si Sheila ang katabi ni Gab.

            "Pre palit tayo ng upuan!" dinig kong sabi ni Bench kay Gab.

            Naka-pako pa rin ang tingin ko sa phone ko pero napaayos ako bigla ng upo dahil sa narinig ko.

            Oh my gosh.

"Ako na lang dyan! Sige na please? Alam mo namang matagal ko nang type si Sheila eh."

            "A-ayos lang," dinig kong sagot ni Gab.

            Ayos lang? AYOS LANG!!!

            OH. MY. GOSH.

            "Yun oh! You're the best Gab!" masayang sabi ni Bench.

            For the first time na tuwa ako dito kay Bench! You're the best Bench!

            "Sorry Avy, si Gab na lang katabi mo," sabi naman sa akin ni Bench.

            Nginitian ko lang siya pero ramdam ko ang panginginig ng labi ko.

            Tumayo na si Bench at ako naman agad na ibinalik ang tingin ko sa phone ko. Nang maramdaman kong in-occupy na ni Gab ang seat sa tabi ko, halos magkarera sa bilis ang tibok ng puso ko.

            Nangyayari ba talaga ito?!

            Nilingon ko siya at bigla rin siyang napatingin sa akin.

            My heart skipped a beat.

            He gave me a smile and a nod tapos ipinasok na niya ang earphones sa tenga niya.

            Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana at pilit kong pinapakalma ang nagwawala kong puso.

            Four hours na byahe ito. Four hours. Kung hindi ko pakakalmahin ang puso ko, baka sa ospital ako dumiretso instead na sa beach.

            Eh kasi naman! Katabi ko siya! For four hours!! Katabi ko siya!!!

            Inilabas ko ulit ang phone ko para itext si Alex at mag labas ng kakiligan.


            Me: "Bakla, tumingin ka sa pwesto ko."

 

            Inangat ko ang tingin ko kay Alex at hinintay ko siyang lumingon sa akin. Nang lumingon siya, nagtama ulit ang mga tingin namin at pareho kaming napa-ngiti sa isa't-isa.

            Umayos ulit siya ng upo at ako naman, tumingin sa bintana. Maya maya lang, naramdaman kong nag vibrate ang phone ko.


            Alex: "WAAAAAAAAAAAAAAAAHH!!!!!!!! OMG!!! OMG!!! OMG!!! PAANO KAYO NAGKATABI HA?! PAANO?! OMG!!! I'M SO KILIG FOR YOU! YOU GO GIRL!!! ♥♥♥"

 

            Pinigilan ko ang pag-ngiti ng malawak dahil sa text ni Alex. Mas lalo ko kasing naramdaman ang kakiligan ko eh. Kainis!

Ni-replyan ko siya.


            Me: "NANGINGINIG AKO GIRL!! HINDI KO ALAM KUNG ANO IKIKILOS KO!!! WHAT TO DO?! FOUR HOURS NA BYAHE TO!!"

            Alex: "Ask him kung GIRLFRIEND ba niya yung kasama niya!"

            Me: "NO! Hindi ko kaya!!!"

            Alex: "Ay ang arteeeeee!"

 

            Maya maya lang din ay umandar na ang sinasakyan naming coaster.

            "Selfie naman tayo guys!" sabi ni Bench mula sa kabilang side. Pareho kaming tumingin ni Gab sa phone niya at nag smile kami.

            "Tag ko na lang kayo sa Instagram," sabi ni Bench.

            Nginitian ko siya.

            First photo namin 'yun ni Gab after so many years!

            Pwede ko naman i-crop si Bench.

 

            Sa first two hours ng byahe, puro kulitan at tawanan ang naganap sa amin. Nagpa-contest pa itong si Greg. May mga hinanda siyang trivia questions tas kung sino ang maka-sagot, bibigyan niya ng chichiryang tig-pi-piso na usually na nabibili sa sari-sari store.

            Gusto ko sanang maki-sali kaso medyo nahihiya-hiya ako. Mamaya mali pala ang sagot ko. Nakakahiya naman sa katabi kong grumaduate ng High School na first honorable mention.

            Si Gab naman, patawa-tawa lang sa tabi ko pag may mga nakakatawang sagot ang mga ka-batch mates namin. May times na inaasar pa niya ang mga ito.

            At may times na nagkakatinginan pa kami habang nagtatawanan.

            Pero bukod doon, hindi kami naguusap.

            Masyado akong nahihiya na mag start ng conversation sa kanya. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

            "Hi Gab, naalala mo ba nung mga bata pa tayo?"

            Ang sarap i-bring up. Kung may lakas lang sana ako ng loob.

            "Okay next question!" sabi ni Greg mula sa unahan. "What is the first product ever sold with a barcode?"

            "Grabe namang hirap ng tanong na 'yan!" sabi ni Alex mula sa unahan.

            "Oo nga! Ni hindi naturo sa Araling Panlipunan natin dati 'yan eh!" dagdag pa ni Bench.

            "Tig pi-pisong chi-chichirya na nga lang ang prize eh ang mga question naman lakas maka brain damage!"

            "Oo nga!"

            "Next question please!"

            "Ang makasagot ng tanong ko, sa kanya na ang bag ng Cheetos na 'to!" sabi ni Greg at itinaas yung malaking bag ng Cheetos.

            Mas kumontra ang mga kaklase ko. Mahirap daw sagutin ang tanong ni Greg.

            "Juicy fruit gum," bulong ni Gab sa akin.

            Napalingon tuloy ako bigla sa kanya at medyo lumapit siya sa akin.

            "Juicy fruit gum 'yung sagot. Dali sagutin mo para sa'yo yung Cheetos," nginitian niya ako.

            Teka, para akong matutunaw.

            Itinaas ko ang kamay ko.

            "Yes Avy?"

            "Juicy Fruit Gum?"

            "Tama! Sabi sa inyo hindi mahirap eh!" sabi ni Greg habang inaabot sa akin ang bag ng cheetos!

            "Genius si Avy!" sabi naman ni Alex. "Best friend ko 'yan eh!"

            Natawa na lang ako sa kanya.

            In-open ko yung Cheetos at tinignan si Gab.

            "Share dapat tayo."

            Ngumiti siya ng malawak at kumuha doon sa bag ng cheetos.

            Kinikilig ako!!!


~*~

            Napagod na rin ang mga kasamahan ko sa paglalaro at mukhang wala na silang energy lahat. Nanahimik na bigla sa bus at mukhang tulog na ang karamihan.

            Nilingon ko si Gab. Naka-suot siya ng shades at naka-pasak na ulit sa tenga niya ang earphones niya. Hindi ko alam kung tulog siya o hindi.  Ako naman, hindi ako makaramdam ng antok. Paano ba naman ako aantukin kung katabi ko ang taong gusto ko?

            Tinetext ko si Alex pero mukhang tulog din ang isang yun dahil hindi nag re-reply.

            Kaya naman para malibang ako, naglaro na lang ako sa phone ko.

            After a while, naramdaman kong umuusog si Gab papalapit sa akin.

            Nilingon ko siya. Halos bumabagsak na ang ulo niya.

            Malamang tulog na ang isang 'to.

            Napa-lunok ako.

            Onti na lang, babagsak na ang ulo niya sa balikat ko.

            Ay gulay!

            Medyo umusog ako ng onti palapit sa kanya.

            Syempre kawawa naman siya. Baka magka-stiff neck siya. Willing naman akong ipahiram ang balikat ko kung matutulog siya. Nakakahiya lang na ako pa mismo ang maglalagay dito. Baka may makakita pa at paratangan akong crush ko si Gab.

            Hahayaan ko na lang na mahulog ang ulo niya sa balikat ko.

            "Gab!"

            Biglang napamulat ng mata si Gab at tinignan si Troy—isa sa mga kabarkada niya. Napa-urong ako bigla palayo sa kanya at ibinaling ko ang tingin ko sa bintana.

            Narinig kong may tinanong si Troy sa kanya. Ako naman, napa-simangot ako.

            Sayang!

 

~*~


"Eto na ang beach!" masayang-masaya na sabi ni Alex at parang batang excited na excited nang makababa kami sa coaster.

            "Mag bihis ka na tas swimming na tayo!" dagdag pa niya habang tinutulak-tulak ako papasok sa transient house kung saan kami tutuloy.

            At dahil excited na nga itong si Alex, dali-dali na akong nagpalit ng swim suit. Two piece na pinatungan ko ng cover up at shorts.

            Nang makapag-palit na ako, nagpaalam na ako sa tatlo kong ka-room mates at sinabing mauuna na muna ako sa beach. Nakita ko naman si Alex na nandoon na nag-aantay sa garden ng transient house. Naka-suot na siya ng board shorts na floral ang design at kulay dilaw tapos naka-topless na ang loko. May suot pang shades.

            Lalaking-lalaki kung pumorma.

            Pero lingid sa kaalamanan ng iba, maharot pa sa akin 'yan.

            "Ang hot mo Alex," sabi ni Trisha na naka-swim suit na rin.

            Nginitian lang siya ni Alex at mukhang kinilig pa si Trisha.

            Nilapitan ko siya.

            "Sa ginagawa mong 'yan, marami kang paiiyakin na babae pag nalaman nilang mas maganda pa ang shade ng color ng lipstick mo sa kanila."

            "Well.." sagot niya sabay irap pa.

            Maldita talaga.

            Dumiretso na kami ni Alex sa beach at nakita pa namin ang iba naming mga ka-batchmates na nandoon na rin. Mukhang pare-pareho lang din excited na mag swimming sa dagat.

            "Avy!!"

            Nakita ko si Greg na tumatakbo papalapit sa akin.

            "Sa'yo na lang," sabi niya sabay abot sa akin ng isang Cornetto ice cream.

            "Uh, bakit mo ako binibigyan?"

            "Wala lang."

            Nginitian niya ako at nagpaalam na siya sa amin ni Alex.

            "At ikaw lang ang binigyan ganun? Hindi ako included?" sabi ni Alex. "Type ka siguro nun."

"Ewan ko sa'yo! Imposibleng type ako nun!"

            "Ay sus! Ang haba ng hair ni ateng! Cumu-Cornetto si Greg ohh!"  ginulo-gulo ni Alex ang buhok ko at hinampas ko siya sa braso nang tumigil na.

            Habang naglalakad kami, busy kong kinakain ang ice cream na ibinigay ni Greg at busy naman si Alex mag reklamo dahil wala pa raw siyang nakikitang hunk na lalaki.

            "Speaking of lalaki, andyan na ang papable mo," ngumuso si Alex sa isang direksyon at napatingin naman ako doon.

            Nakita kong naglalakad si Gab kasama sina Bench, Troy at iba pa niyang mga ka-barkada.

            Naka-suot siya ng checkered na blue and white na board shorts at plain white shirt. Naka shades din siya. Balot na balot siya. Pero gulay! Ba't ang hot niya tignan.

            Parang dumoble ang init ng panahon.

            Ang hot. Pero ang presko

            Alam kong magulo.

            Magulo rin ang nangyayari sa feels ko ngayon. Unexplainable.

            Nag lean forward si Troy kay Gab at mukhang may sinabi itong nakakatawa dito dahil nakita ko na lang na tumatawa si Gab.

            Mas lalong nagwala ang puso ko.

            "Te yung ice cream natutunaw na!" bulong ni Alex sa akin.

            Napatingin ako sa ice cream ko at nakita kong natuluan na ang flipflops ko.

            "Ay shocks naman! Ang lagkit!" sabi ko.

            "Kasing lagkit ng tingin mo sa boys?" pang-asar na tanong ni Alex.

            "Excuse me 'no! Wag mo akong i-gaya sa'yo!"

            Hindi kaya yung boys ang tinitignan ko!

            Si Gab lang kaya! Si Gab lang!

            Naki-join kami ni Alex doon sa grupo ng mga kaklase namin na nag su-swimming na sa dagat. Maya maya lang din ay sumama na rin sa amin ang iba pa naming ka-batchmates.


To be continued...


~*~


Question for the next chapter:


Sino kaya ang dapat gumawa ng next move?

Gab

or

Avy?


Comment your answers! :)


Next update will be on May 21 :)



****


Tapos na po ang voting period sa question ko! Excited na ba kayong malaman sino kina Gab and Avy ang gagawa ng next move? Hindi ko muna i-announce para ma excite kayo lalo! XD Abangan na lang sa next chapter! ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: