Chapter Three

Chapter Three

 




"Uy tumigil ka! Nababasa ako!" sigaw ni Tisha sa amin ni Sheila.

            Natawa kami lalo ni Sheila.

            "Natural mababasa ka! Nasa beach tayo!" sabi ni Sheila at pinagpatuloy namin ang pambabasa kay Tisha.

            Nag su-swimming na kami ngayon sa dagat. Medyo mataas ang araw kaya naman ang sarap mag tampisaw. Yun nga lang, goodluck sa mga balat namin. For sure, negra na ako pag ahon ko.

            Okay lang naman. Babalik naman sa dati ang kulay ko. Ang mahalaga, mag enjoy ako ngayon.

            Pero nasaan kaya si Gab?

            Tumingin ako sa paligid. Hindi ko siya ma-spot-an. Saan kaya nag-suot yun? Wala ba siyang plano mag swimming? Nag punta pa siya sa beach!

            Ayaw ba niya mangitim?

            Feeling ko naman gwapo pa rin siya kahit maitim siya eh.

            Crush ko pa rin siya kahit maitim siya!

            Sana naman lumabas na siya.

            "Tulala na naman ang isang 'to."

            Napa-lingon ako sa gilid ko at nakita ko si Alex na nakatayo doon sa tabi ko.

            Magsasalita pa sana ako kaya lang ang magaling na bakla, pinagsasasabuyan na ako ng tubig.

            "Wag ka nang mag daydreaming!" natatawa-tawang sabi ni Alex habang patuloy pa rin sa pagsaboy sa akin ng tubig. "Sino na naman ang inisip mo!"

            "Oy tumigil ka! Ano ba! Pumapasok sa ilong ko yung tubig!"

            Tinawanan lang ako ni Alex at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Napapaatras naman ako ng patalikod.

            Evil friend!! Evil friend talaga siya!

            Hindi pa rin ako tinantanan ni Alex at ipinagpatuloy niya ang ginagawa niya. Biglang umalon ng malakas kaya naman napatumba na lang ako. At doon lang nahinto ang bruha.

            "Alex, nakakainis ka talaga!" sigaw ko.

            Nag peace sign si Alex sa akin.

            Sisigawan ko pa sana siya nang biglang may nag lahad ng kamay sa gilid ko.

            "Okay ka lang?"

            Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Gab na nasa gilid ko at naka-lahad ang kamay para tulungan akong tumayo.

            Si Gab.

            Sa gilid ko.

            Naka-lahad ang kamay.

            Mahabaging langit! Anong ba ang mabuting nagawa ko para swertehin ako nang ganito?!

            Inabot ko ang kamay niya and the moment na magdikit ang mga palad namin, parang kinuryente ang buong katawan ko.

            Ba't ganito?! Ba't ganito ang feeling?!

            Inalalayan niya akong tumayo at nang makatayo na ako, binitiwan na niya ang kamay ko.

            Ay bitin. Pwedeng kahit ilang segundo pa?! Ba't ang bilis!

            Nginitian niya lang ako at naglalakad na siya papunta kina Greg.

            Palayo sa akin.

            "Oh ano, magagalit ka pa sa'kin?" sabi ni Alex na ngayon eh nasa gilid ko na at sinisiko-siko ang braso ko.

            "Alex, yung puso ko nalaglag sa dagat," halos pabulong ko namang sabi sa kanya.

            "Ay, 'di mo na mahahanap 'yun. Tinangay na ni Gab."

~*~

 

Posible palang maging masaya ka nang buong araw dahil lang sa isang simpleng gesture ng isang tao.

            Lalo na kung 'yung taong 'yun eh crush mo pa.

            Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Paulit-ulit kong nire-replay sa utak ko ang nangyari kanina.

            Bwiset na Gab 'yan. Simpleng pag-alalay niya lang sa akin, grabe na kung magpakilig! Ano bang meron siya? Ba't ganito na lang ang epekto niya sa akin?!

            Sabay-sabay kaming nag dinner na magkaka-batchmates. And as usual, nagkakanda-haba na naman ang leeg ko sa paghahanap kay Gab. Yun nga lang, doon siya nakaupo sa kabilang side. Malayo sa kinauupuan ko.

            At nakakainis kasi na-disappoint ako.

            After mag dinner, nagka-yayaan naman sina Sheila na mag laro ng truth or dare.

            "Sali na rin kayo, Avy, Alex!" sabi ni Sheila.

            "Oo ba! Game ako!" sagot naman ni Alex.

            Nag-aalinlangan akong sumagot sa kanila.

            Kasi naman, ayan ang pinaka-ayaw kong laro. Masyado akong awkward na tao. Alam kong mag-mumukha akong ewan sa mga dares nila at hindi ko naman kayang sumagot ng truth.

            Paano kung masyadong personal ang itanong nila? Yung tipong hindi ko kayang sagutin?

            Kagaya na lang ng 'who is your crush?'

            Ayoko ngang ipaalam sa kanila na si Gab! For sure aasarin nila ako nang husto. Tas maiilang na ako kay Gab. Tas maiilang na rin si Gab sa akin.

            Edi mas lalong magkakaroon nang gap sa aming dalawa?

            "Uy, ano sali ka ba?" tanong ni Alex sa akin.

            "E-eh kasi..."

            "Gab! Uy, sali kayo sa amin! Truth or dare!" biglang sigaw naman ni Tisha kay Gab at sa mga kabarkada niya.

            Lumapit sila sa amin.

            Oh god!

            "Go!" sabi ni Greg. "Masaya yan! Game kami!"

            Napatingin ako kay Gab. Kasabay nun ay ang pag lingon niya sa direksyon ko kaya nag tama ang mga tingin namin. He smiled at me.

            Sheet of paper!

            "Wag ka nang humindi!" bulong ni Alex sa akin. "Go na!"

            At bago pa ako maka-angal, hinila na ako ni Alex.

            Patay.

 

~*~

 

"Oh ikaw na Alex!" sabi ni Troy, isa sa mga kabarkada ni Gab. Huminto kasi ang bote sa tapat ni Alex.

            Medyo naka-hinga ako ng maluwag.

            Paano katabi ko lang si Alex! Muntik na ako!

            "Truth or dare?" tanong ni Tisha.

            "Dare!" sabi naman ni Alex.

            Syempre si Alex pa ba? Never 'yan mag t-truth!

            "Kiss mo si Greg!" sabi ko. Inunahan ko na ang iba na makapagbigay ng dare kay Alex.

            Pero mukhang natuwa naman yung iba sa dare ko at kinantyawan si Alex.

            "Whooo! Go Alex!" sabi ni Sheila.

            "Teka, hindi ko kayang humalik ng lalaki!" sabi naman ni Alex na parang hesitant pa sa pag gawa nang dare ko.

            Ang sarap niyang tadyakan! If I know, deep inside namamatay na 'yan sa kilig!

            "Walang ganon! Dare yun pre! Gawin mo!" pag-u-udyok naman ni Bench.

            "Sige na nga!" at lumapit si Alex kay Greg at kunyari pa siya parang napipilitan siya.

            Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag ngiti ko nang malawak.

            Eh kasi naman kinikilig ako para sa kaibigan ko!

            "Pre wag kang mababakla sa akin ha?" sabi ni Alex kay Greg. "Pag natapos 'to, sana magka barkada pa rin tayo."

            "Lokong 'to! Baka ikaw ang ma-bakla 'tol!" sabi naman ni Greg.

            "Hindi ah!" at ngumisi si Alex.

            Jusko ba't ang galing umarte nang isang 'to?!

            Hinawakan ni Alex si Greg sa chin at hinalikan ang pisngi nito. Lahat kami naghihiyawan, nagpapalakpakan at nagtatawanan.

            Diring-diri si Greg pero ang lawak naman nang ngiti nitong si Alex.

            "Ang tunay na lalaki, hindi umaatras sa kahit anong dare!" proud na proud na sabi ni Alex.

            Sarap talagang tadyakan nang isang 'to!

            Kung alam lang ni Greg ang totoo na grabeng na-enjoy ni Alex ang dare na 'to!

            "Parang ako ata ang na-dare at hindi si Alex!" sabi ni Greg habang pinupunasan ang pisngi niyang hinalikan ni Alex.

            Mas lalo kaming natawa.

            "Okay tama na. Pa-ikutin na ulit ang bote!" sabi ni Gab at ini-spin niya na ito.

            Naka-ramdam na naman ako nang kaba.

            Wag ako, wag ako, wag ako, wag ako, wag ako, wag ako. Please. Wag ako, wag ako, wag ako, wa—!!!

            "SI AVY!" sabay-sabay nilang sabi.

            SABI NA EH! May kapalit yung kakiligan ko kanina sa beach! Hindi naman pwedeng kiligin ako nang walang kapalit!

            I knew it!!

            "Truth or dare?" naka-ngising tanong sa akin ni Gab.

            Ba't ikaw pa ang nag tanong? At ba't naka-ngisi ka ha?

            Hindi mo ba alam na ang gwapo mo habang naka-ngisi ka ng ganyan? At naba-blangko ang utak ko dahil sa ngiti mo kasi bwiset ka, ang gwapo mo, at iba ang epekto mo sa akin at...dear god! Yung mga paru-paro, ini-invade na naman ang stomach ko.

            "Uy! Truth or dare raw!" sabi naman ni Alex sabay siko sa akin.

            "T-truth!" sabi ko.

            Ay sheet! Ba't truth ang nasabi ko?!

            "Okay! Ako ang magtatanong!" sabi ni Bench.

            Parang ayoko atang marinig ang tanong niya.

            "Ano ang pinaka-worst na nangyari sa'yo?" tanong niya.

            Itong isang 'to talaga walang filter yung mga tanong!

            "Pwedeng mag dare na lang?" tanong ko rin.

            "Hindi! Sagutin mo!" sabi naman ni Tisha.

            So napagtulungan ako rito?!

            Napalunok ako, "hindi na ako natatandaan ng best friend ko," halos pabulong kong sabi.

            Napatingin ako kay Gab at nakita kong nawala ang ngiti sa labi niya.

            Bigla akong tinulak ng mahina ni Alex, "oy! Tandang-tanda kaya kita!" natatawa-tawa niyang sabi.

            "Ay oo nga pala!" sabi ko naman then I faked a laugh.

            Pero parang may nakabara sa lalamunan ko kaya napalunok ako.

            Ano ba 'yan. Ba't feeling ko maiiyak na naman ako?

            "Eh yung totoo Avy! Bawal imbento!" sabi naman ni Sheila.

            Totoo kaya 'yun. Nasa tapat ko ngayon ang pinaka-unang best friend ko at hindi na niya ako naalala.

            Masaklap.

            "Sige na nga ito na!" sabi ko at pinilit kong ngumiti. "Nung elementary ako, inutusan ako ng mga pinsan ko na pakainin yung bulldog nilang si Bruno. Ginawa ko naman. May natira kaming pork chop sa handaan nun at yun ang pinakain ko. Eh naka-kain si Bruno ng isang chunk ng taba doon sa pork chop na pinakain ko. Kinabukasan, patay na siya."

            "Ooowww, animal cruelty," pang-aasar ni Greg sa akin.

            "Oy iniyakan ko 'yun 'no! At hindi ko talaga sinasadya 'yun!"

            Iniyakan ko 'yun. Iniyakan ko nang husto si Bruno kahit ayoko sa kanya. At si Gab ang nag comfort sa akin. Sabay kami nag dasal doon sa puntod ni Bruno—-sa bakuran ng mga pinsan ko kung saan nila ito inilibing. Tapos nun, inilibre niya ako nang ice cream para maging okay na ako.

            Mukhang kuntento naman sila sa sinabi ko kaya ipinagpatuloy na nila ang pag papaikot ng bote.

            Pero ako, parang nawala na ako sa mood. Hindi ko alam kung bakit. Pero feeling ko, na-depress lang ako. Ang sarap sipain talaga ni Bench. Hindi marunong mamili ng matinong tanong.

            Nag excuse na ako sa kanila. Sabi ko doon muna ako sa loob. Si Alex naman mukhang naka-halata rin kaya naman sinundan niya ako.

            "Bumalik ka na doon. Okay lang ako 'no. Papahangin lang," sabi ko kay Alex habang naglalakad-lakad kami.

            "Eh ayoko na doon. Naka-isang kiss na naman ako kay Papi Greg!" sabi niya sabay kindat.

            Natawa na lang ako sa kanya.

            "Speaking of, kita mo ba yung pinost na photo ni Bench sa Instagram?" tanong ni Alex.

            "Ano 'yun?"

            "Ay te tignan mo dali! I-open mo! Kikiligin ka!"

            Sinunod ko naman ang sinabi niya. Kinuha ko 'yung phone ko at tinignan ko yung pinost na photo ni Bench.

            Yung selfie naming tatlo sa bus. Si Bench, ako...at si Gab.

            "Oh my gosh!" sabi ko. "Teka, teka i-s-save ko!"

            Ini-screencap ko yung photo. After nun, cinrop ko ito—kasama si Bench. Para kunyari kami lang ni Gab ang nasa photo.

            "Aba matinde! Crop lord si ateng!" sabi ni Alex.

            "Wag ka ngang magulo diyan."

            Ngiting-ngiti akong nakatingin sa photo naming dalawa. Ang haggard ng itsura ko rito. Parang nagmamantika pa ang mukha ko. Pero okay lang. Ang gwapo naman ni Gab dito eh.

            "Ah, Avy."

            Napatalon kami pareho ni Alex dahil sa gulat nang may magsalita sa likuran namin. Agad akong napatago nang phone nang makita ko si Gab na nasa likuran ko.

            "B-b-bakit?"

            May inabot siya sa aking isang seashell.

            "E-eh? P-para saan 'to?" takang-taka kong tanong sa kanya.

            Nagkibit balikat lang siya.

            "Punta na ako doon," tinanguan lang niya ako at umalis na siya.

            Nagkatinginan kaming dalawa ni Alex.

            "Anong—?"

            "Wag mo 'kong tanungin. May pagka-weird yang crush mo."

            Napatingin ako sa seashell na ibinigay sa akin ni Gab.

            Anong meron?

           

~*~

 

            Halos 30 minutes kaming nagikot-ikot at nagpahangin ni Alex. Kung anu-ano nang kwento ang nabubuo namin sa kung bakit ako biglang inabutan ng shell ni Gab.

            "Baka akala nag ki-kissing-kissing tayong dalawa tas nag jealous siya kaya ayun, umentrada sa atin at inabutan ka ng mahiwagang kabibe!"

            Hinampas ko nang mahina si Alex sa braso.

            "Lawak nang imagination mo! Tsaka tigilan mo nga yang kissing-kissing na sinasabi mo. Iniimagine ko pa lang, gusto ko nang masuka!"

            "Pero te seriously, may pagka-weird nga talaga si Gab."

            Nagkibit balikat lang ako at tinignan ang shell na ibinigay niya sa akin.

            Weird man pero at least may ibinigay siya sa akin.

            "Uy nandito pala si Alex at Avy eh."

            Napalingon kami pareho ni Alex sa nagsalita at nakita namin si Greg at Troy na papalapit sa amin.

            Napahawak si Alex sa braso ko. Halatang nagpipigil ng kilig ang bruha.

            "Uy, sama kayo? Magiinuman kami," yaya ni Greg.

            "Hindi ako umiinom eh," sagot ko naman.

            "Ikaw Alex? Tara na!"

            Tumingin sa akin si Alex, "eeh si Avy.."

            Nginitian ko siya, "sige na, sumama ka na sa kanila! Babalik na rin ako sa transient house. Inaantok na ako eh.

            "Sure?"

            "Sure na sure!"

            "O-osige."

            Nag wave sa akin sina Alex at umalis na yung tatlo.

            At dahil naiwan na lang akong mag-isa, naisipan ko na lang na dumaan muna sa tindahan na 'di kalayuan sa transient house na tinutuluyan namin.

            Makabili na lang ng Cornetto nang kahit papaano eh gumaan ang loob ko.

            "Torpe mo pre!" dinig kong sigaw ng isang lalaki habang papalapit ako sa tindahan.

            Wait, boses ni Bench 'yun ah?    

            "Eh kasi naman, nanghihingi lang ako ng pabor Bench. Sige na!" sabi nung kausap ni Bench.

            Napahinto ako bigla sa paglalakad.

            Tama nga ako. Si Bench yung nagsasalita at sa harap niya ay doon nakatayo....si Gab.

            Nakatalikod sa akin si Gab at hindi niya ako kita pero napatingin sa akin si Bench.

            Akala ko babatiin niya ako pero binalik niya ulit ang tingin niya kay Gab.

            "Alam mo Gab, bakit hindi na lang ikaw ang gumawa? Ang dali lang naman niyan eh! Hanggang kelan ka ba magpapaka torpe?" tanong ni Bench kay Gab at halata na sa tono nito na naiirita na siya.

            Napa-iwas ako bigla ng tingin sa kanila. Hindi dapat ako makinig sa usapan nila. Baka private ito. Something na hindi ko dapat marinig.

            O baka masaktan lang ako sa maririnig ko.

            Gab likes someone.

            Parang kumirot ata ang puso ko.

            Gusto ko nang umalis sa kinalulugaran ko. Pero hindi ko magawang mapakilos ang mga paa ko. Para akong napako sa kinatatayuan ako.

            Curious ako.

            Sino ang babaeng yun.

            "Sige na Bench. Last na 'to. Paki-abot sa kanya ang bibilhin kong Cornetto. Basta wag mong sabihin kay Avy na sa akin galing ha?"

            W-what—?

            Napalawak ang ngiti ni Bench, "hindi ko na kailangan sabihin. Nasabi mo na."

            "Huh?"

            Biglang napalingon si Gab sa akin at nagtama ang paningin namin. Parehong nanlalaki ang mga mata namin dahil sa gulat.

            Biglang napaiwas ng tingin sa akin si Gab. Napakamot siya sa may batok niya and I also heard him cussed.

            At ako? Hindi ko alam ang i-re-react ko. Ayaw mag register sa utak ko ng mga nangyayari.

            Tama ba ang dinig ko? Sinabi ba niya ang pangalan ko? Hindi ko ba na-misunderstood ang mga narinig ko? Tama ba ang hinala ko?

            Tama ba?

            Gusto niya ba ako?

            Hindi ba ako nag a-assume ngayon?

            Pero imposible. Si Gab—? Sa akin—-?

            No.

            Pero yung sinabi niya kay Bench—-?

            Pero imposible!

            "Grow some balls, dude!" sabi ni Bench kay Gab at tinapik niya ito sa braso.

            Naglakad papalapit sa akin si Bench.

            "Avy," bati nito sa akin na may kasama pang kindat. Hindi siya huminto sa harapan ko instead tuloy-tuloy lang siyang naglakad at iniwan kaming dalawa ni Gab doon.

            Yung puso ko parang nagkakarera na sa bilis ng tibok. Ang hirap huminga. Hindi ako makapag-isip ng matino.

            Ano na ang nangyayari?

            Nakita kong papalapit si Gab sa akin. He's giving me a shy smile. Gusto kong ngumiti pero nanginginig ang buong katawan ko.

            Lord, totoo po ba 'to? Hindi po ba ako nananaginip?

            I heard him cleared his throat at nakita kong namumula ang tenga niya.

            Pero hindi ko na masyadong binigyang pansin yun dahil feeling ko eh buong mukha ko naman ang namumula.

            "Uhm, gusto mo ng ice cream?" tanong niya at ibinaling niya ang tingin doon sa tindahan na nasa likuran namin. Ibinalik niya ulit ang tingin niya sa akin at nginitian niya ako. "Libre kita."

            I can't seem to find my voice kaya naman isang tango na lang ang naisagot ko sa kanya.

            Tumango rin siya, "t-tara..."

            Nangangatog ang tuhod ko habang naglalakad kami papasok ng tindahan. I can feel butterflies in my stomach. Ilang beses din akong napa-buntong hininga para pakalmahin ang nagwawala kong puso.

             In-open ni Gab ang fridge ng ice cream at tinignan niya ako.

            "Kuha ka na," naka-ngiting sabi niya sa akin.

            Titig na titig siya sa mata ko samantalang ako eh nangangatog na sa kinalulugaran ko.

            Yung feeling na, nasa state of shock ka pa sa nangyayari, tapos para pang nagkakarera sa bilis ang takbo ng puso mo, tas nakiki-epal pa ang mga paruparo sa tyan mo, and then, ngingitian ka niya ng ganyan. Ngiting nakakatunaw. Ngiting makalaglag panga. Ngiting mapapa "OMG ang gwapo talaga niya!!!" ka na lang.

            Pwede na akong mamatay ngayon.

            De joke lang. Sayang ang moment.

            "Avy?"

            "A-ah e-eto na."

            Kumuha ako ng ice cream sa fridge ng hindi tinitignan kung ang dinarampot ko. Nakatingin lang ako kay Gab at ngayon pa lang lumalabas ang ngiti sa labi ko.

            Actually parang feeling ko ang lawak ngayon ng ngiti ko at pwede nang mapunit ang bibig ko. Pero hindi ko mapigilan ang pag ngiti ng malawak. Nag s-sink in na kasi sa akin ang mga nangyayari. At gusto kong tumakbo at magtititili.

"Pareho tayo," sabi ni Gab.

            "E-eh?"

            "Nung flavor na nakuha," paglilinaw niya sa sinasabi niya.

            Napatingin ako sa hawak niya. Yung Buco Pandance With Me. Kapareho ng hawak ko.

            "A-ah, o-okay," sabi ko naman.

            Napatingin sa sahig si Gab, "uhmm, b-bayaran ko muna."

Tumalikod siya at nagpunta doon sa bantay ng tindahan para magbayad. Habang tinitignan ko siya na nagaabot ng pera doon sa lalaking bantay ng tindahan, may bigla akong na-realized.

Sabi niya pareho kami ng flavor na nakuha.

Ibig sabihin hindi rin siya tumingin nung kumuha siya ng Cornetto sa fridge?

Ibig sabihin ginagawa pa rin niya yung madalas na style namin noon?

Ibig sabihin....naalala niya?

~*~

 

Nakaupo kami ngayon ni Gab sa isang bench sa garden ng transient house na tinutuluyan namin habang tahimik kaming kumakain ng Cornetto.

            Kanina ko pa gustong mag start ng conversation kaso hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

            Nakakatawang isipin, ang tagal kong pinangarap 'to. Pag ini-imagine ko ang scene na 'to, ang dami kong bagay na ikinukwento kay Gab. Pero ngayong nangyayari na talaga ito, speechless ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Kinakabahan ako na ewan.

            Pero ramdam ko ang saya.

            "Kamusta ka na, Avy?" tanong niya sa akin kaya napalingon naman ako sa kanya. Nakangiti na naman siya sa akin.

            Sa loob ng isang oras, ilang beses na akong natunaw nang dahil sa ngiti ni Gab.

            "E-eto, kumakain ng ice cream," sagot ko naman sa kanya.

            Dapat pabiro kong sasabihin yun pero naging tunog sarcastic ang dating. Gusto kong sampalin ang sarili ko.

            Ano ba Avy, relax!

            Tumawa ng mahina si Gab, "oo nga 'no? Ang weird ng tanong ko."

            "H-hindi ah! Ako yung weird!"

            Lupa, buka! Lamunin mo na ako! Now na!

            Gusto ko lang naman ng matinong conversation kay Gab, ba't hindi ko pa magawa?!

            Pareho kami ulit natahimik dalawa.

            Ang awkward.

            Narinig ko ang pag buntong hininga ni Gab.

            Oh no. Negative sign ba ang pag buntong hininga? Na turn-off na ba siya sa akin? Ayaw na ba niya?

            "Avy..."

            Nilingon ko siya, "b-bakit?"

            "Sorry ah? Mukha siguro akong ewan ngayon. Ninenerbyos kasi talaga ako."

            "H-ha?"

            "Tama nga siguro si Bench, sobrang torpe ko talaga," napakamot siya sa likod ng ulo niya at ako naman eh biglang nag-init ang mukha ko.

            "Avy, may gusto sana akong sabihin," pagpapatuloy niya.

            Napalunok ako. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na parang lalabas na 'to sa dibdib ko.

            "Kasi, the truth is—-"

            "—Avy!"

            Pareho kaming napalingon ni Gab sa tumawag sa akin at nakita naming si Sheila at Tisha na papalapit sa akin.

            Nakakainis!!!!

            Hinawakan ni Sheila ang braso ko, "Avy, lahat ng girls kailangan sa loob. May gagawin tayong laro!" masiglang sabi niya at kinindatan pa niya ako.

            "N-naguusap kami ni Gab," sabi ko sa kanya.

            Please, umalis na kayo. Please wag panira ng moment! Minsan na lang 'to mangyari sa buhay ko! Naman kasi!

            "Gab, pahiram muna si Avy ah? Please!" sabi naman ni Tisha habang ngiting-ngiti kay Gab.

            Napatango lang si Gab, "s-sige." He gave us a half-hearted smile, "enjoy."

            Tumayo si Gab at tinignan niya ako at ngumiti ng tunay, "good night, Avy."

            Naglakad na paalis si Gab at hinila naman ako ng dalawa.

            Feel ko talagang manapak ngayon. Seriously.

            "Tara na Avy!" pagmamadali ni Sheila.

            Yumuko na lang ako at inilagay ko ang kamay ko sa loob ng bulsa ko bago pa tuluyan akong makapanapak dahil sa sobrang inis.

            Moment na yun, nawala pa.

            Bigla kong nakapa yung shell na ibinigay sa akin ni Gab kanina kaya naman napahinto ako sa paglalakad.

            "Ah, wait lang," sabi ko sa kanila at bago pa sila makahirit dalawa eh tumakbo ako palayo sa kanila.

            Nakita ko si Gab na naglalakad palabas ng garden at hinabol ko siya.

            "W-wait Gab!"

            Napahinto si Gab sa paglalakad at nilingon ako.

            "Oh, Avy."

            "Uhmm kasi, h-hindi pa ako nakakapag thank you sa treat mo. Salamat pala sa Cornetto," nginitian ko siya.

            Gusto kong duktungan ng tanong na kung ginawa rin ba niya ang style ko. Kung naalala pa ba niya yun? Kung natatandaan pa ba niya ako?

            Pero hindi ko magawang itanong.

            Natatakot ako na baka hindi na niya talaga ako natatandaan.

            Naramdaman ko na ipinatong ni Gab ang kamay niya sa ulo ko at ang lapit-lapit na niya sa akin.

            Napalunok ako bigla.

            "Basta ikaw, Avy," ngiting-ngiti niyang sabi sa akin.

            "T-thanks talaga."

            "Avy!!! Tara na!!!" dinig kong sigaw ni Tisha.

            "Inaantay ka na nila," naka-ngiti pa ring sabi ni Gab sa akin.

            Tumango ako, "sige, bye."

            "See you tomorrow."

            "Ah wait, Gab."

            "Hmm?"

            "Bakit mo nga pala ako inabutan ng shell kanina?"

            "Oh." Napaiwas si Gab ng tingin at napahawak sa may batok niya. "Uhmm, kasi kaninang truth or dare sa akin tumapat yung bote nung pag alis mo. Tapos ayun, dare ang pinili ko. Sabi nila bigyan ko raw ng shell yung pinaka-magandang babae dito, so..."

            Ibinalik ni Gab ang tingin niya sa akin and he gave me a shy smile.

            Mas lalong nag init ang mukha ko.

            Mainit pa sa panahon.

            Pakiramdam ko nangangamatis ako ngayon sa pula ng mukha ko.

            "Good night Avy," sabi ni Gab sa akin.

            "G-good night."

            Tumalikod na ako sa kanya.

            Pero hindi ko maitago ang malawak na ngiti sa labi ko.

To be continued...

  


*****


Aly's Note:


Hello dears! Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa nito :)


Doon sa question sa last chapter: Sino ang dapat gumawa ng next move? Gab or Avy?


Karamihan ng sumagot ay si Gab! At kung hindi niyo nahalata masyado ang move ni Gab sa chapter na 'to... ehem... yung shell.. ehem XD


Ito naman ang question natin para sa next chapter:


"Dapat na bang maglakas-loob si Avy na tanungin si Gab kung naalala siya nito?"


Yes

or

No?


Don't forget to comment your answer! :)


Next update will be on June 4 <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: