Chapter One

Aly's Note:


Hello dears!


Yay! May bago akong story! Short story po ito (mga five chapters) about summer romance <3 I've teamed up with Cornetto sa pag gawa ng story na 'to and ayun, sana po masuportahan niyo.


Don't forget to read my note at the end of the chapter! May question po ako doon :)


Enjoy reading! <3



***


Chapter 1


"Hay ang init!" sabi ng kaibigan kong si Alex habang naglalakad kami papunta sa cafeteria ng university namin. Inilabas niya ang pamaypay niyang color pink atsaka pinaypayan ang sarili.

            "Ang gwapo-gwapo mo, color pink ang kulay ng pamaypay mo!" natatawa-tawa kong bulong sa kanya.

            "Quiet ka lang. Alam mo namang ikaw lang ang nakakaalam na maganda ako eh!" naka-ngiting sabi niya sabay kindat sa akin.

            Napailing na lang ako habang ngingiti-ngiti. Nang i-deretso ko ulit ang tingin ko, nakita ko siya.

            Kasama niyang naglalakad ang mga kabarkada niya. Nakikipag-biruan. Nagtatawanan. Naka-ngiti siya ng malawak.

            Magkakasalubungan kami. Lahat ng ingay sa paligid ko parang nawala. Nakatuon na lang sa kanya ang atensyon ko.

            Ang ganda pa rin ng ngiti niya. Ang saya pakinggan ng tawa niya. Lumingon siya sa akin. Nakangiti pa rin siya.

            My heart skipped a beat. I feel butterflies in my stomach. Ang lapit na niya sa akin.

            Malapit na.

            Pero hindi sila huminto ng mga kasama niya sa paglalakad. Nilagpasan niya ako. Sinundan ko pa rin siya ng tingin kahit nakalagpas na siya. Kinakausap niya na ngayon yung kabarkada niya na babae. Nakangiti siya dito.

            Parang feel kong hilahin ang ilang strands ng buhok nung babae.

            "Huy! Yung leeg mo umiikot na ng 180 degrees!"

            Napabalik bigla kay Alex ang atensyon ko at sinimangutan ko siya.

            "Sakeeet?" tanong niya habang naka-ngiti ng mapang-asar.

            "Ang alin?!" irita ko namang sabi.

            "Yung leeg mo! Mukhang nagka-stiff neck ka sa pag sunod mo ng tingin kay Gab eh!" natatawa-tawa naman niyang sagot.

            Hindi ko na siya sinagot. Mamaya masapok ko lang 'tong baklitang 'to eh.

            Napabuntong hininga na lang ako.

            Naranasan niyo na bang magkagusto sa isang taong hindi naman aware sa existence mo? Yung tipong nagigimbal ang mundo mo kapag makakasalubong mo siya. Grabe yung nagiging epekto sa'yo pag nakikita mo siyang nakangiti. Minsan nga masulyapan mo lang kahit ang likod niya eh kinikilig ka na.

            Ang unfair ng pakiramdam 'di ba?

            Kasi siya, sinakop ng existence niya ang halos kalahati ng mundo mo. Samantalang ikaw, ni katiting na tuldok eh wala kang pwesto sa mundo niya.

            Kaya nga nakukuntento ka na lang sa pag i-imagine. Ini-imagine mo na kinakausap ka niya, na close kayo, na may gusto rin siya sa'yo. Nakapagsulat ka pa ng story sa notebook mo na kayong dalawa ang bida. Yun nga lang hindi mo ipinapabasa sa iba kasi nakakahiya.

            Masaklap.

            Ganyang-ganyan kasi ang nararamdaman ko.


            Halos puno na ang cafeteria nang makarating kami ni Alex doon. Naki-singit na lang kami sa grupo ng mga nursing students na naka-pwesto sa isang long table. Buti na lang at patapos na rin sila kaya mayamaya rin ay naiwan na kaming dalawa ni Alex doon.

            "Two days na lang, start na ng summer vacation natin! Gusto ko na talagang mag beach!" sabi ni Alex habang kinakain ang adobong manok na in-order niya. "Uy go-gora tayo doon sa summer outing ng mga ka-batchmates natin nung highschool ah?"

            "Yes. Nagpaalam na po ako kay mama. Pumayag na siya." Nag lean forward ako kay Alex at medyo binabaan ko ang boses ko, "si ano ba... si Gab... ano... sasama ba?"

            Alex shrugged, "ewan eh. Greg invited him pero ewan kung sasama. Ang huling alam ko, baka hindi. Mukhang may summer practice sa dance troupe ang krash mo!"

            "Hindi ko siya crush!" mabilis kong sabi.

            "Eh ano? Love ganern?"

            "Ewan ko sa'yo. Ang advance mo mag-isip." Tumayo ako, "bibili lang akong Cornetto. Gusto mo ba?"

            "Sige go. Kung ano ang kukunin mo 'yun na rin ang akin."

            "Okay."

            Nagpunta ako sa may counter ng cafeteria kung saan sa tabi nito ay may fridge. Sinalubong naman ako ni Ate Eloisa, 'yung nagtitinda sa cafeteria.

            "Alam ko na ang gusto mo," nakangiti niyang sabi.

            Nginitian ko naman siya ng malawak.

            She opened the fridge, "ayan na."

            Tumingin ako sa kisame atsaka kumuha ng dalawang Cornetto cone ice cream doon. Tinignan ko kung ano yung flavor na nakuha ko. Buco Pandance With Me.

            "Uy, ngayon ko lang matitikman 'to," sabi ko kay Ate Eloisa.

            "At least na surprise ka ngayon!" natatawa-tawa naman niyang sabi.

            Binayaran ko na siya ata agad naglakad pabalik sa pwesto namin ni Alex. Pero bago pa ako makalapit, natanaw ko nang may isang grupo na naki-share sa table namin.

            Apat na lalaki sila at pare-parehong may itsura. Napatingin ako kay Alex at mukhang kinikilig na ang bruha.

            Nang makarating na ako sa table namin at naupo sa tapat ni Alex, tsaka ko lang na-realize kung bakit aligaga at kilig na kilig siya.

            Paano kasi hindi lang basta mga lalaking may itsura ang naki-table sa amin.

            Mga members sila ng dance troupe ng university namin. Sikat sa buong campus. At kasama rin nila si..

            "Anong inorder mo Gab?"

            Dinig kong sabi nung lalaki sa tapat ko.

            "Chopseuy lang at rice."

            Bigla kong naramdaman na may nag occupy ng seat sa tabi ko. Nagkatinginan kami ni Alex at sa ilalim ng table, sinisipa na niya ang paa ko.

            Shocks.

            Inabot ko kay Alex yung Cornetto niya.

            "New flavor," sabi ko while giving him a nervous smile.

            "Feeling ko enjoy kainin 'to," sagot naman niya sabay kindat sa akin.

            Feeling ko rin.

            Nanginginig ang kamay ko habang pini-peel off ko yung lid nung ice cream.

            Katabi ko siya. Katabi ko siya. Ilang inches lang ang layo namin sa isa't-isa.

            Yung puso ko lalabas na sa dibdib ko teka!

            Napatingin ako kay Alex and I saw that he is also trying his best to hide his smile.

            Iba talaga pag may best friend ka. Ramdam niya rin ang kakiligang nararamdaman mo!

            "Uy infairness ah! Masarap!" sabi ni Alex nang matikman niya ang ice cream.

            Tinry ko rin at tama nga siya, masarap nga! For a moment nakalimutan kong nasa tabi ko si Gab dahil naenjoy ko ang pagkain ng Cornetto.

            Pero for a moment lang talaga. Dahil bigla niya ako nasagi ng siko niya. At para akong nakuryente nang mag dikit ang mga balat namin.

            Shooooockkkksss!!!

            "Sorry," sabi niya sabay bigay ng mabilis na sulyap sa akin.

            Tumango lang ako sa kanya—kasi speechless ako—-at nilingon ko si Alex.

            May isinesenyas siya sa akin pero hindi ko ma-gets. Kinunutan ko siya ng noo.

            I heard Gab cleared his throat at nagulat ako nang mag-usog siya ng tissue sa harapan ko.

            Doon ko lang na-gets ang sinesenyas ni Alex.

            Oh my gosh!

            Agad kong kinuha yung tissue at pinunasan ang bibig ko na hindi ko alam kung saan parte may ice cream. Nakita kong napapalo sa noo si Alex at na-realized ko na lang na naka-lipstick nga pala ako at malamang eh nag smudge na ito sa gilid ng labi ko.

            "Malapit na next class natin. Tara na," yaya ni Alex.

            Walang sali-salita ay kinuha ko ang bag ko at mabilis kaming umalis ni Alex doon sa table.

            Agad akong dumiretso sa restroom at nakita ko nang kumalat yung lipstick. Itsura ko parang nakipaghalikan ako sa kapre. Ang malupit, yung ice cream na dapat na pupunasan ko eh nasa pisngi ko pala.

            Wow Avy. Ang saya. Ang galing-galing mo talaga!

            Minsan na lang magka-moment kay Gab sinira ko pa!

            Nag init ang mukha ko.

            Siya pa nag-abot sa akin ng tissue at ni hindi man lang ako nag thank you sa kanya!

            Wow lang talaga.

            Gusto ko nang maglaho na parang bula.

            "Ang sarap kasi ng Cornetto," pangaasar sa akin ni Alex nang makalabas ako sa restroom.

            Hinampas ko ang braso niya.

            Buset.


~*~


Napabuntong-hininga ako habang tinitignan ko ang Facebook profile ni Gab. Kanina pa ako nakauwi at wala akong ibang ginawa kundi i-stalk siya rito sa Facebook. Ang problema wala na akong makita sa mga posts niya kasi masyadong private ang account niya. Nagtya-tyaga na lang ako sa pagtitig sa profile picture niya na naka-side view pa siya.

            Nate-tempt na talaga akong mag send ng friend request sa kanya.

            Kaso baka mamaya hindi niya ako i-accept. Friends ba kami?

            Mula second year highschool ka-schoolmate ko na siya. Kaso mukhang hindi pa rin siya aware sa existence ko.

            Well, kahit kanina napansin niya ang ice cream sa pisngi ko—salamat sa Cornetto—eh malamang ngayon limot na ulit niya ako.

            Mukhang yun kasi ang hobby niya eh. Ang makalimot.

            Napatingin ako sa photo na nasa side drawer ko.

            It was taken years ago. Bata pa ako niyan.

            At sa tabi ko, nandoon si Gab.


Flashback — Year 2006    


            Summer of 2006. Nine years old pa lang ako nun. Pero kahit ganoon, tandang-tanda ko pa rin ang nangyari nung first day of summer vacation.

            Nandoon ako sa sari-sari store na madalas kong bilhan ng ice cream. Paano kasi, tinulungan ko si mama sa paglilinis ng kwarto ko. Iniligpit ko rin ang mga laruan kong nakakalat. Kaya naman binigyan niya ako ng pera pambili ng ice cream dahil good girl daw ako.

            Excited na excited kong binuksan ang fridge ng mga ice cream. Nakita ko pang ngumiti sa akin si Ate Lyn, yung nagbabantay sa tindahan. Hindi naman niya ako sinita kasi madalas ako rito.

            Pumikit ako at kinapa-kapa ko yung mga Cornetto ice cream. Kumuha ako ng isa at napangiti ako ng malawak sa nakuha ko.

            "Yay! Yung favorite flavor ko!" sabi ko habang nagtatatalon ako sa tuwa.

            "Ba't ka weird?"

            Napalingon ako sa harap ko at nakita kong may isang batang lalaki na naka-kunot ang noo habang nakatingin sa akin

            "Ba't ka weird?" paguulit niya sa tanong niya.

            "Eh ikaw ba't lukot ang noo mo!" ganti ko sa kanya sabay turo sa noo niya.

            Bigla siyang napahawak sa noo niya at inunat ito.

            "Hindi naman ah! Ikaw weird ka! Ba't ka nakapikit kumuha ng ice cream? Paano mo mapipili yung gusto mong flavor?"

            "Para surprise kung ano yung flavor na makukuha ko!"

            "Eh paano kung 'di mo gusto yung nakuha mo?"

            Nag kibit balikat ako, "edi better luck next time. Pero lahat naman ng flavor gusto ko eh."

            "Gab? Where's your ice cream?"

            Napalingon kami pareho nung batang lalaki sa isang magandang babae na lumapit sa kanya.

            Tinignan ako nung babae at nginitian niya ako.

            "Hello little one! What's your name?"

            "A-Avy po.."

            "Hi Avy! You're so cute!" at kinurot niya ang pisngi ko.

            Nilingon niya ulit yung batang lalaki at nakita naming kumukuha na siya ng ice cream. Pero ginaya niya ako. Nakapikit siya habang namimili at nang itinaas niya ang nakuha niya, pareho pa kami ng flavor ng Cornetto.

            "I want this one mom," sabi niya doon sa magandang babae.

            "Alright! Come on, let's pay your ice cream."

            Hinawakan niya sa kamay si Gab at nagbayad sila. Pagkatapos nun ay naglakad na sila palabas ng sari-sari store. Pero bago yun, lumingon muna sa akin si Gab.

            "Bye," nakangiti niyang sabi.

            Nginitian ko rin siya at nag wave ako sa kanya.

            Kinabukasan, sinama ako ng mga pinsan kong lalaki sa park malapit sa'min para mag laro. Kaso sinama rin nila yung aso nilang si Bruno. Eh ayaw ko kay Bruno dahil bad siya at lagi niya akong kinakahulan. Tapos hindi pa siya cute at lagi pang nakasimangot ang mukha.

            Hindi na lang ako sumali sa kanila. Naupo na lang ako sa dulo ng slide habang kumakain ng ice cream.

            "Excuse me, pwede ka bang umalis? Hindi ako makapag slide kasi nakaharang ka."

            Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko yung batang lalaki kahapon sa sari-sari store. Bigla siyang tumawa ng malakas habang tinuturo-turo ako.

            "Ang dami mong ice cream sa mukha!!" tawang-tawa niyang sabi at halos mamilipit siya doon sa sobrang pag-tawa.

            Pinunasan ko yung bibig ko gamit ang braso ko at mas lalo pang tumawa ng malakas yung batang lalaki.

            "Kumalat lalo!" sabi niya at nakahawak na siya sa tyan niya habang tumatawa.

            Sinimangutan ko siya at naramdaman kong nangingilid na ang luha ko.

            Ang salbahe naman kasi niya eh! Ba't ba niya pinagtatawanan ang mukha ko?! Porket malinis siya at bagong paligo?!

            Nung nakita niya ang expression ko, nahinto siya sa pag tawa.

            "Oy, joke lang. Na-cute-an lang ako sa'yo," sabi niya na parang kinakabahan dahil baka bigla na lang akong umiyak.

            Nakisiksik siya sa dulo ng slide at naupo sa tabi ko. May inilabas siyang panyo sa bulsa ng shorts niya.

            "Sabi ni mommy dapat palagi raw tayo malinis at maayos. Kaya pag lalabas ako pinapabaunan niya ako ng panyo para may pampunas ako."

            "Eh wala akong panyo."

            "Hindi naman ako madumi eh. Pwede mong gamitin yung akin."

            Pinunasan ni Gab ang pisngi ko at sa may baba ko atsaka niya ako nginitian.

            "Ayan wala nang ice cream. Malagkit ka lang tas mabaho ka."

            "Ba't ang salbahe mo?"

            "Bakit?! Pinunasan ko na nga ang mukha mo eh!"

            "Eh sinasabihan mo akong mabaho hindi naman tayo close!"

            Natigilan siya dahil sa sinabi ko.

            "E-edi maging close tayo. I'm Gab. Ikaw?"

            Tinuro ko ang sarili ko, "ako?"

            "Ano pangalan mo."

            "Ah.. Avy."

            Ngumiti siya, "Avy. Ikaw ang unang friend ko."

            At simula nun, hindi na kami mapag-hiwalay dalawa.

            Araw-araw, sa buong summer, lagi kaming magkalaro. Nagkikita kami sa sari-sari store tapos sabay kaming bibili ng Cornetto ice cream. Minsan uupo kami sa mahabang silya sa tapat ng tindahan at doon namin kakainin ang ice cream. Tapos sabay kami maglalaro. Minsan naman, sinasamahan kami ng yaya niya sa park. Sinusulit namin ang bakasyon dahil pag pasukan na, hindi na kami halos magkikita.

            Summer of 2007, ganun pa rin ang ginagawa namin. Kwentuhan, kung anu-anong kalokohan. Halos araw-araw kaming magkasamang dalawa. Nung binilhan si Gab ng daddy niya ng bike, lagi niya akong inaangkas doon at nililibot sa subdivision pati na rin sa park na malapit sa amin. Pag napagod na kami, pupunta kami sa usual spot namin sa park. Sa bench na nasa ilalim ng puno. Uupo kami doon tapos magkukwentuhan dalawa.

            Summer of 2008, 11 years old na kami, biglang hindi nagpakita si Gab sa akin. Araw-araw ko siyang inaantay sa tapat ng sari-sari store. May times pa nga na bumibili ako ng dalawang Cornetto para yung isa ay sa kanya. Kaya lang, natunaw na ang ice cream, hindi pa rin siya dumarating.

            Buong summer siyang hindi nag pakita sa akin. Ilang beses akong pumunta sa bahay nila pero walang tao. Hindi ko alam kung saan siya nag punta. Wala man lang siyang pasabi na aalis siya.

            Ni hindi man lang siya nag-paalam.

            Summer of 2009, wala pa ring Gab na nagpaparamdam sa akin.

            Summer of 2010, may nagbukas na sari-sari store sa tapat ng bahay namin. Doon na ako madalas bumili. Hindi ko na binabalikan pa yung tindahan na pinupuntahan namin ni Gab.

            Nawalan na rin kasi ako ng pag-asa.

            Buti na lang at nakilala ko si Alex. Sila ang may ari nung sari-sari store. Kaklase ko rin siya. Nag-click kami agad kasi iisa ang hilig naming dalawa. Paano nahuli ko siyang kinikilig sa asawa kong si Lee Min Ho. Grabe ang pagka-shock ko noon kasi hindi ko inakala na ang gwapong si Alex na crush na crush ng mga kaklase ko eh—-beki pala.

            Syempre dahil naawa naman ako nung humagulgol siya sa harap ko at nagmamakaawang itago ko ang sikreto niya, pumayag ako. At naging mag bffs kaming dalawa. Sabay pa kaming nag f-fangirl kay Lee Min Ho.

            School year 2010. Second year highschool na ako. Hindi ko na inaantay si Gab. Aaminin ko, noong panahon na yun, iniisip ko pa rin kung kamusta na kaya siya o kung ano na ang nangyari sa kanya. Ano na kaya ang itsura niya?

Naalala pa kaya niya ako?

Dalawang araw matapos mag start ang school year 2010, nasagot na agad ang huli kong tanong.

May transfer student sa school namin. Aware agad ang lahat kasi maliit lang naman ang school namin. Tatlong section lang per year level. Isa pa, halos lahat ng magkaka batch mates ay magkakakilala. Hindi rin madalas magkaroon ng transfer student sa amin.

At mas lalong hindi madalas magkaroon ng transfer student na matalino na, gwapo pa.

Sumama ako sa mga kaklase kong babae para silipin yung transfer student.

At kahit ilang taon na ang lumipas, kahit na ang laki ng pinagbago niya, kilalang-kilala ko pa rin siya.

It's Gab.

Abot tenga ang ngiti ko nun. Dumating si Alex at binulungan niya ako ba't ngiting-ngiti ako. Sinabihan ko siya na wag siyang magulo atsaka ko ibinalik ang tingin ko kay Gab.

My heart skipped a beat nang makita kong nakatingin din siya sa akin. Kaso nagulat ako ng tignan niya ako, his face is expressionless. Parang hindi niya ako kilala. Hindi na niya ako nare-recognize.

Naglakad siya papalapit. Pero lalabas lang pala siya ng room nila.

Nilagpasan niya ako.

Nung gabing yun, tinapon ko ang picture naming dalawa sa basurahan ko. Galit na galit ako.

Ang tagal niya akong pinag-antay. Ni hindi niya sinabi ang dahilan ng pag-alis niya. Matapos ang ilang taon, nagpakita rin siya sa akin.

Kaso limot na niya ako.

Kung sabagay mga bata pa kami nun. Hindi naman ata mahalaga ang friendship namin nun eh. Hindi importante. Okay lang kahit makalimutan.

Pero ewan. Naiiyak ako. Nakaka-hinayang.

The next morning, kinuha ko rin mula sa basurahan ang picture naming dalawa. Naisip ko baka hindi niya lang ako na-recognize. Siguro ipaalam ko na lang sa kanya na ako si Avy, ang kababata niya.

Yun nga lang hindi na ako nakakuha ng tyempo para kausapin siya. Lagi siyang napapalibutan ng kung sinu-sino. Ang dami niya agad friends. Friendly kasi siya at madaling kausap. Hindi tulad ko na sobrang mahiyain at introvert. Kaya naman si Alex lang ang naging ka-close ko.

Nakasali si Gab sa dance group ng school namin. Nanalo sila sa competition ng iba't-ibang schools. Sumikat siya. Mas dumami ang nagkaka crush sa kanya.

Habang ako, nakuntento na lang na suportahan ang dati kong best friend mula sa malayo.

Masarap siyang panuorin habang nagsasayaw. Nakikita ko kasi kung gaano siya kasaya. Nararamdaman ko. Napapangiti rin ako. Tapos ewan, dumating ang point na kinikilig na rin ako sa kanya. Yung ngingiti lang siya, buo na araw ko kahit hindi naman ako ang nginitian niya.

Umabot sa punto na naging fangirl na rin niya ako. Isa na ako sa mga babaeng palihim na nagkaka-crush sa kanya.

Isa sa mga humahanga sa kanya na hindi naman niya alam ang existence nito.

Ayoko nang isipin na na-demote ang position ko sa buhay niya. From being his best friend, isa na lang akong hamak na fangirl at may crush sa kanya ngayon.

Hanggang graduation ng highschool, ni hindi ko siya nagawang kausapin.

Pero dumating ang college. Iisang university na naman kami. Nakakabigla. Parang nan-jo-joke si tadhana.

Pero ewan, masaya ako sa joke na 'to ni tadhana.

Okay na naman kasi sa akin na tignan siya mula sa malayo. Na wag nang ipaalala sa kanya na minsang may isang Avy na nag exist sa buhay niya.

Kuntento na ako.

Kuntento nga ba talaga ako?


~*~


"Bakla! Ang tagal mo!" rinig kong sigaw ni Alex. "Magsisimula na silaaaa!"

            Natataranta akong lumabas sa restroom at tumakbo kami ni Alex papunta sa stage area.

            Last day of school. May school year end party ang College of Tourism at invitied ang dance troupe nina Gab para mag perform.

            Syempre, palalagpasin ko ba 'to?

            Marami nang tao sa baba ng stage na manunuod. Naki-siksik kami ni Alex doon hanggang sa mapunta kami sa medyo harap.

            "Yung banner?" tanong niya.

            "Ito na. Dala ko."

            Biglang tumugtog ang malakas na sounds sa stereo. Isa-isang naglabasan ang dance troupe members at napuno ng hiyawan ang buong paligid. Naki-hiyaw rin kaming dalawa ni Alex.

            Nakita ko agad si Gab. Nasa bandang gitna siya. Grabe na naman ang feels ko nang makita ko siyang nag p-perform.

            "Girl yung banner!" sigaw ni Alex sa tenga ko. Nakalimutan ko na kasing ilabas ang banner na ginawa ko.

            Agad kong itinaas ito habang nag ti-ti-tili.

            "Ma-g-gets ba niya na siya 'yan!" sigaw ulit ni Alex.

            Nag-kibit balikat lang ako at itinuon ko ang atensyon ko kay Gab.

            "Gab! Gab!!!" sigaw ko. Yun nga lang, halos hindi ko na rin marinig ang sarili kong boses sa lakas ng sounds at sigawan ng mga tao.

            "Gab!!"

            Natapos ang performance nila. Isa-isa silang pumunta sa harap ng stage at nag bow.

            Pero hindi pa rin siya lumingon sa akin.

            Tinignan ko si Alex at nginitian.

            "Ganun talaga," sabi ko sa kanya at ibinaba ko na ang banner na kanina ko pa hawak-hawak.

            Umakbay sa akin si Alex, "okay lang yan girl. May summer outing pa naman tayo eh."

            Tumango lang ako.

            "Tara sa bahay niyo! Mag-o-overnight aketch! I-marathon natin yung mga drama ni Lee Min Ho!"

            Medyo napangiti ako.

            "Sige na nga."

            Tinignan ko ang banner na hawak ko.

            Ini-lettering ko pa 'to kagabi. Isang malaking "I'LL SUPPORT YOU FOREVER" tapos sa gilid, nag drawing ako ng ice cream.

            Hindi nga niya talaga ma-g-gets ito.

            Hindi na niya naalala eh.

            Pero sana pareho pa rin kami ng paborito.

            Itiniklop ko yung banner na ginawa ko at iniwan ko sa isang upuan doon atsaka sabay kaming umalis ni Alex.

            Sa ganitong karaming crowd, ang hirap kunin ng atensyon ni Gab.

            Pero sana sa summer outing namin, kahit maliit na chance lang, kahit ilang segundo lang, mabiyayaan ako ng atensyon niya.


To be continued....


Next update will be on May 7 <3


Readers! Tingin niyo, dapat bang magkatabi si Avy at Gab papunta sa beach outing?


Yes?

No?


Comment your answers tas kung ano po ang pinaka maraming sagot, ayun ang gagawin ko next update! <3


***


VOTING IS ALREADY CLOSED <3


Marami rin ang bumoto ng "No" ... pero nanalo ang Team "Yes!" Yay!


Hintayin niyo po ang update ko sa May 7! <3

Ano kaya ang magiging moment ni Gab at Avy sa bus? Hmmm :))


Edited note:

May movie na rin itong That One Summer! This Time ang title starring James Reid and Nadine Lustre :)

Though hindi eksaktong tulad ng That One Summer since loosely based lang yung movie sa story ko, but still sana mapanuod niyo pa rin :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: