Chapter Four
Hi dears! Maraming salamat po sa pag-aantay ng update! Kinikilig ako sa mga comments niyo hahaha! May question po ako sa end ng chapter four. Comment your answers okay?
Enjoy reading! <3
Chapter Four
"Nakakainis kang bakla ka!!" sabi sa akin ni Alex habang walang humpay ang pag hampas niya sa braso ko. "Ang haba haba haba haba ng hair mo! Kinabog mo pa si Rapunzel! Gugupitan na talaga kita ng buhok!"
Hinawakan ni Alex ang ilang strands ng buhok ko. Tinabing ko naman ang kamay niya.
"Ano ba Alex ang ingay mo! Mamaya may makarinig sa'yo eh, edi na buko ka!"
Nandito kasi kami ngayon sa isang kubo na malapit sa tabing dagat. Ikinuwento ko kay Alex lahat ng nangyari kagabi at ayun, mas kinikilig pa siya sa akin.
Umirap si Alex sa akin, "edi keber kung mabuko!"
Napa-ngiti na lang ako habang i-iling-iling.
Alam kong may mga pagkakataon na sinasadya ni Alex na ipakita kung sino talaga siya. Siguro may parte rin sa kanya na gusto na niyang mabuko para naman hindi na siya magkukunwari pang straight.
Yun lang, alam ko ring natatakot siyang umamin.
Lima silang magkakapatid. At sa kanilang lima, siya lang ang nagiisang lalaki. Wala pa siyang first cousins sa side ng dad niya kasi nagiisa lang anak ang dad niya. Kaya naman siya ang paboritong apo. Nag iisang lalaki at natatanging magdadala ng pangalan ng pamilya nila.
Kawawang Alex.
"Pero girl, talaga naman, makukurot ko sa singit sina Sheila at Tisha! Ang galing umentrada eh! Kung kelang mag p-proclaim na ng undying love si Gab sa'yo tsaka naman umeksena yung dalawa! Naku! Kukulutin ko talaga ang hairlaley nila!"
Napa-ngiti ako ng malawak at itinulak ko si Alex, "ano ba! Hindi naman eh! Mamaya hindi naman siya magtatapat. Baka may sasabihin lang! Ayokong mag expect!"
Tinaasan ako ng kilay ni Alex, "ayaw mag expect? Pero ang ngiti mo maka-punit bunganga? Yung totoo?!"
"Hindi ako nag e-expect ah!"
"Wala akong sinasabi, wag kang defensive te!"
Inirapan ko si Alex. Pero ang lame dahil hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.
Kasi naman! Ano ba naman 'tong pinaguusapan namin? Kinikilig ako nakakainis! Ano ba! Mukha na talaga akong sira sa harap ni Alex.
"Uy si Gab parating!"
Agad akong napatayo at nilingon yung tinuturong direksyon ni Alex pero wala naman si Gab.
"Asan?!"
"Wala te, joke lang! 'Kaw naman, 'di na mabiro!" natatawa-tawa niyang sabi.
"Arggh nakakainis kang bading ka!!" at hinampas-hampas ko ang braso niya.
"Ayan ba ang hindi nag e-expect? Ayan baaaa—ouch! Ano bey! Wag masakit na ang hampas mo ah!"
"Kasi naman ang kulit mo!"
"Ate..."
Napatigil kami pareho ni Alex ng makarinig kami ng boses ng isang batang babae.
Napatingin kami dito at nakita namin ang isang batang babae sa gilid ko na nakatingin sa akin. Mga around 7 or 8 years old lang ata siya. Naka-suot siya ng color pink na shirt at puting shorts. Naka-pigtail ang buhok. Singkit, maputi. Sobrang cute!
At may hawak siya na Cornetto ice cream.
"May nagpapabigay po," sabi niya sabay abot sa akin nung ice cream.
"Sino?"
"Kuya Pogi raw ang name niya," sagot nito sabay turo doon sa isang lalaki na di kalayuan sa amin.
Si Gab.
Naka-shades siya, naka-color blue na shirt at itim na board shorts. At naka-ngiti siya sa akin.
"Ito pa po," sabi nung batang babae at may iniabot siya sa akin na kapirasong papel. "Ba-bye!" nag wave siya sa amin ni Alex at tumakbo na siya papalayo.
Tinignan ko yung naka-sulat sa kapirasong papel. Isang drawing ng smiley face at sa baba, may naka-sulat na "smile, Avy."
Mas lumawak ang ngiti sa labi ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Gab na naka-tingin sa akin. He gave me a two-finger salute atsaka siya naglakad papalapit kina Greg.
"Ang haba talaga ng hair!!" sabi ni Alex. "Naiimbyerna na talaga ako!"
"Wag kang mainggit!" ngiting-ngiti kong sabi habang pini-peel off ko yung lid nung ice cream.
"At walang kasawa-sawa sa Cornetto!" i-iling-iling niyang sabi.
"Ganun talaga Alex. Ganun talaga pag may deeper meaning na sa'yo ang isang bagay. Pag connected ka na rito. Hindi mo 'to pag sasawaan o magagawang bitiwan."
"Ang deep ha."
Itinaas ko yung ice cream at napangiti ako.
"Dahil dito kaya nakilala ko si Gab. Ito rin yung naging daan bakit sobrang saya ko kagabi—hanggang ngayon. Feeling ko talaga ito ang lucky charm ko."
Tumayo si Alex at naglakad palayo.
"Oh, saan ka pupunta?"
"Bibili na rin ng Cornetto! Baka sakaling makahanap din ako ng love life at hindi na ako naiinggit sayong bruha ka!"
At tuluyan na akong iniwan ni Alex habang ako naman eh tawa na nang tawa.
~*~
Naisipan na namang magpa-games nitong si Greg. He will divide us into two teams tapos may inihanda siyang mga trivia questions na dapat naming sagutin. Nasa kabilang side ang mga answers. Pero bago kami maka-punta sa kabilang side para kunin ang tamang answers, may mga obstacle course kaming dapat daanan like yung mga lumang gulong, sack race pati monkey bars. Kailangan naming masagot lahat ng question in five minutes. Paramihan ng tamang sagot.
Ayoko talagang sumali sa totoo lang. Napaka-lampa ko. Alam kong ako ang ikakatalo ng team na mapupuntahan ko at talaga nga namang ipapahiya ko ang sarili ko
Kaya lang inasar-asar na nila akong KJ at napapahiya na ako kay Gab kaya naman sumali na ako.
Namili ng team leader si Greg. Dapat si Bench at Gab kaso ayaw ni Gab kaya naman si Alex ang ginawang team leader.
Napunta ako sa team ni Alex at si Gab naman ay nasa team ni Bench.
"Okay guys pila na in random order. Unang tatakbo ang leader!" sabi ni Greg.
"Avy ikaw na ang pangalawa," bulong naman sa akin ni Alex.
"Bakit?"
"Kasi ikaw ang pinaka mabagal dito for sure. Tsaka mabagal din si Tisha," lumingon si Alex sa katapat ko.
Si Tisha ang number two sa kabilang team. Sa likod naman ni Tisha ay si Gab.
"Kinakabahan ako," bulong ko kay Alex.
"Kaya nga ikaw na ang number two para tapos na agad ang paghihirap mo. Why prolong the agony?"
Hindi na ako umimik.
"Relax, game lang 'to okay?" pag co-comfort sa akin ni Alex.
Tumango na lang ako.
Ewan ko ba ba't ganito ako. Ang dali kong kabahan sa lahat ng bagay. Parang dati lang nung sinubukan kong mag laro ng Clash of Clans. Isinali ako ni kuya sa clan nila tapos nagkaroon kami ng clan war. Eh sobrang kabado ako, kaya wala akong star na nakuha. After nun tuluyan na akong huminto sa paglalaro ng COC at nag Candy Crush na lang ulit ako. Sabi nga ni kuya para akong sira. Laro lang yun pero grabe ako kinabahan.
Feeling ko ipinaglihi ako ni mama sa kape.
"Okay, ready na ba kayo guys?" energetic na tanong ni Greg sa amin.
"Ready na!!!" we all shout in unison.
Ako, bulong lang. Gusto ko na talagang mag back out.
"Okay! Timer starts NOW!"
Dali-daling tumakbo si Bench at Alex sa table kung saan nakalagay ang mga questions. Nang mabasa nila ito, agad silang tumakbo doon sa mga obstacle course. Magkapantay lang ang bilis nung dalawa. Nagkatalo lang pagdating sa dulong table kung saan nakalagay ang mga answers. Paano si Alex ang tagal doon. Nakabalik na si Bench at si Tisha na ang tumatakbo, nandoon pa rin siya.
Anak ng isdang leader naman 'to!
"Alex double time!!" sigaw nung mga ka-team ko.
"Ayan na, ayan na, nalilito na si Alex!" pangaasar pa ni Greg dito habang nakatayo siya sa tabi ni Alex at nakangisi ng nakakaloko.
Anak ng palaka! Greg lumayo ka diyan! Nadi-distract si Alex sa ngiti mo!
Halos sabay nang bumalik si Tisha at Alex kaya naman ang kasabay ko nang tumakbo eh si Gab.
Bwiset na tadhana. May galit 'to sa akin! I'm positive!
"Good luck!" ngiting-ngiti na sabi ni Alex.
Palibhasa nalapitan ni Greg! Kainis!
Sabay kaming nakarating ni Gab sa table. Kaso pag dating sa obstacle course, ang laki na ng agwat niya sa akin. Paanong hindi, ang tangkad niya kaya! Ang lalaki ng hakbang niya! Nahiya naman ang flat five kong height sa kanya! Isa pa, athletic talaga si Gab kaya ang bilis tumakbo.
Nakalagpas na ako doon sa mga gulong at agad kong isinuot ang sako tsaka ako parang sirang nagtatatalon doon.
"Go Avy! Go Avy! Go Avy!" dinig kong cheer ng mga ka-team ko.
"Go Av—aaaahh!"
At sabay-sabay kaming napasigaw.
Paano na-out of balance ako at nag dive ako sa buhanginan . Naramdaman ko pang tumama ang tuhod ko sa isang bato.
"Avy!!"
Naramdaman kong may mga kamay na umalalay sa akin patayo at bumungad sa akin ang dalawang pares ng mata ni Gab na nag-aalalang nakatingin sa akin.
"Hey! Are you okay?"
Napalunok ako pero tumango ako.
Bwisit, ba't parang naluluha ako dahil sa kahihiyan.
Tinignan ni Gab ang tuhod ko.
"May sugat ka!"
"Wait, may first aid kid akong dala. Dalhin natin si Avy sa transient house."
"Avy!"
Nakita kong palapit si Alex.
"Uy ayos ka lang?" tanong niya at halata rin sa boses niya ang pagaalala.
Tinanguan ko lang din siya.
Kaya ayokong sumali eh. Yung mga ganitong eksena at pangyayari. Madalas pa naman akong asarin ni tadhana.
"Ituloy niyo na ang game niyo, K-kaya ko na sarili ko. Sa transient house na lang muna ako."
"Samahan na kita!" sabi ni Alex.
"Ah, Alex, si Gab na lang pasamahin natin kay Avy? Hindi pwede mawala ang leader eh," singit naman ni Bench. "Okay lang naman sa'yo 'no Avy?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Alex at alam kong nagkakaintindihan na kami sa mga tingin pa lang namin.
"Ah Bench, baka si Alex ang gusto kasama ni Avy," dinig ko namang bulong ni Gab kay Bench.
"H-hindi! Okay lang!" sabi ko. "I—I mean, leader si Alex eh."
"Oo nga! Alagaan mo na lang 'tong best friend ko!" sabi naman ni Alex kay Gab na medyo may halong pagbabanta sa boses.
Gusto kong matawa kay Alex pero pinigilan ko.
"Kaya mong maglakad?" tanong ni Gab.
"O-oo. Kaya ko naman."
Hinawakan ako ni Gab sa braso bilang pag alalay sa akin.
Bakit sa mga nababasa kong libro o napapanuod kong mga romance movies, pag inaalalayan ng lalaki ang babae eh naka-akbay si guy kay girl? Bakit ako sa braso niya lang hinahawakan?
Hindi naman sa nag rereklamo ako. Kasi hawak pa lang niya sa braso ko eh para na akong kinukuryente. Pero nasobrahan naman ata ang pagiging gentleman nitong si Gab.
At sabi nga nila, lahat ng sobra masama.
Ay naku Avy! Na-injured ka na nga, puro kalandian pa ang nasa isip mo!
"S-sorry ah, hindi ka tuloy nakasali doon sa game," sabi ko kay Gab.
"Ayos lang yun. Kaya na nina Bench 'yun," naka-ngiti niyang sabi sa akin.
Nang makarating kami sa transient house, pina-upo agad ako ni Gab doon sa sofa na nasa sala.
"Wait kukunin ko lang yung first aid kid na dala ni Greg," sabi niya at dali-dali siyang pumasok sa room nila.
Nang bumalik siya, binigyan niya ako ng isang basong tubig atsaka naman niya ini-ready yung panlinis ng sugat.
"Medyo mahapdi lang ito pero tiisin mo ah?" sabi ni Gab.
Tumango ako at hindi ko maiwasang mapa-ngiti.
Nangyari na 'to dati. Nangyari na ang sitwasyon na 'to.
Naglalaro kami ng habulan ni Gab sa playground nang madapa ako at magkasugat sa tuhod. Si Gab ang umalalay sa akin pauwi ng bahay. Si daddy ang naglinis ng sugat ko at iyak ako nang iyak pero nakabantay si Gab sa akin. Binubulungan niya ako na tiisin ko ang sakit para gumaling yung sugat ko.
"Lampa ka pa rin hanggang ngayon," naka-ngiting sabi ni Gab sa akin.
Natigilan ako bigla.
Hanggang ngayon?
Ibig sabihin alam niya na lampa ako noon?
Naalala niya ba ako? Naalala niya ba ang noon?
Natatandaan niya ba?
"Uy, ano na ang nangyari?"
Pareho kaming napalingon ni Gab kina Greg na kararating lang.
"Talo tayo pre. Cheater si Alex!" sabi ni Bench kay Gab.
"Hoy hindi ako cheater! Tapat ako!" depensa naman ni Alex. Nilingon niya ako, "kamusta ang sugat mo?"
"Ah ito nalinis na ni Gab."
"Ikaw talaga hindi ka marunong mag ingat!"
"Sorry na friend!" natatawa-tawa kong sabi sa kanya. "Nag-alala ka naman sa akin eh!"
"Uy uy uy si Alex nag alala kay Avy! Iba na yan!" pangaasar ni Greg kay Alex.
"Para kiligin si Avy. May crush kasi siya sa akin!" pag sakay naman ni Alex sa biro ni Greg sabay kindat pa sa akin.
Natawa na lang ako sa kanya habang i-iling-iling.
Lakas talaga ng tama nito.
"Pasok ko lang 'to sa loob," sabi ni Gab at tuloy-tuloy siyang naglakad papasok sa room nila. Sinundan naman siya ni Bench. Si Greg naman, sinamahan sina Sheila at yung iba pa naming mga ka-batchmates na girls sa kitchen para tumulong sa paghahanda ng pagkain.
"Someone is jelly!" natatawa-tawang sabi ni Alex sa akin.
Hinampas ko siya ng mahina, "ikaw talaga! Malay mo hindi naman talaga siya jelly!"
"Asus! Hindi mo nakita yung fes niya te! Naka-simangot ng bongga si pogi! Jelly yun!" naupo si Alex sa tabi ko at ipinulupot niya ang braso niya sa braso ko. "Kung pagselosin kaya natin siya? What do you think?"
Hinatak ko yung braso ko sa pagkakapulupot sa braso ni Alex, "ayoko! Paano kung walang effect? Edi ako ang nasaktan?"
Pinitik ni Alex ang noo ko, "wag kang manhid girl. Halata naman na gusto ka niya eh. Baka kumukuha lang siya ng tyempo na umamin sa'yo."
Napa-buntong hininga ako.
"Alex... hindi ko alam kung naalala ako ni Gab. Kung naalala niya yung childhood namin. Alam mo yun? May mga pagkakataon na parang natatandaan niya. Pero napapaisip ako, kung natatandaan niya yun, bakit hindi niya sinasabi sa akin? Bakit nagpapanggap siya na wala siyang alam?"
"Bakit puro ka "bakit"? Ba't hindi mo siya tanungin?"
"Eh ayoko! Eh paano kung hindi niya ako natatandaan? Edi nasaktan ako?"
Pinitik ulit ako ni Alex sa noo.
"Aray ha! Nakakarami ka na!" sabi ko habang hinihimas-himas ang noo ko.
"Eh kairita ka kasi te! Nakakairita ka talaga! Naiimbyerna ako ng bongga sa'yo!"
"Ano naman ang ginawa ko sa'yo?"
"Ang duwag mo, alam mo yun? Kaya kanina ayaw mong sumali sa game kasi duwag ka. Takot kang magkamali. Kesa i-enjoy mo ang game natin, pina-iral mo ang kaba. Ganyan ka kasi eh. Hindi ka marunong mag take ng risk! Eh ano kung hindi ka naalala ni Gab? At least tinanong mo siya. At least alam mo na ang sagot doon sa tanong mo. Hindi yung habang-buhay kang nagtatanong ng bakit?"
Napa-isip ako sa sinabi ni Alex.
Tama nga siya. Ang duwag ko talaga.
Mula highschool pa lang kami, nung unang beses ko ulit nakita si Gab. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na tatanungin ko na siya kung naalala niya ako. Na kakausapin ko na siya. Pero hindi ko magawa. Lagi akong inuunahan ng kaba. Lagi akong natatakot sa sasabihin ni Gab.
Kasi halata naman na hindi niya na ako naalala eh.
Pero paano kung naalala nga niya talaga ako?
Lutang ako habang kumakain kami ng lunch.
Si Alex kasi eh ang galing magbitiw ng speech. Tumatatak sa isip ko. Ayaw akong patahimikin.
"Avy, drink?"
Napatingin ako kay Bench doon ko lang napansin na inaabutan niya ako ng inumin.
I absentmindedly get the cup from him kaya naman dumulas ito sa kamay ko at tumapon lahat ng contents sa shirt na suot ko.
"Ay tofu!"
"Anong nangyayari sa'yo Avy? Kanina ka pa lutang," sabi ni Sheila.
"Sorry, sorry. May iniisip lang."
"Magpalit ka na doon. Kami na ang magpupunas dito," sabi naman ni Alex.
"Pasensya na guys."
Pumasok ako sa room namin at kumuha ng pampalit na damit. Softdrinks pala ang tumapon sa akin kaya naman ang lagkit.
May sari-sariling comfort room ang bawat kwarto dito kaya naman doon na rin ako linis ng katawan.
Napaka-galing ko talaga. Hindi na ako nakuntento sa isang kahihiyan. Dapat talaga yung sunod-sunod.
Nang makapaglinis na ako ng katawan at nakapagpalit ng bagong damit, naisipan ko nang lumabas na.
Magiikot-ikot na nga lang ako o magbabasa ng libro. Basta kailangan ko lang talagang ma-distract.
Kinuha ko sa bag ko yung book na dala-dala ko at binuksan ko na ang pinto ng room namin.
"Avy."
Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Gab sa gilid ng room namin na nakasandal sa pader.
"Sorry, nagulat ba kita?"
"S-slight lang. Pero okay lang. Bakit pala?"
"Ah, kakamustahin ko lang yung sugat mo," napakamot siya sa likod ng tenga niya then he gave me a sheepish smile.
"O-okay lang naman ang sugat ko. I—-I mean hindi na masakit."
Napatango siya, "ah, buti naman. Saan ka pala punta?"
"Maglalakad-lakad lang."
"Pwede ba akong sumama?"
"O-oo naman. S-sige. Tara?"
"Okay. Tara?"
Sabay kaming lumabas ni Gab. Ilang beses din akong napalunok. Paano kasi ayan na naman ang daga sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at feeling ko aatakihin na ako sa puso.
"Ano pala yang libro na hawak mo?" tanong niya sa akin.
"Ah ito?" itinaas ko yung book at ipinakita sa kanya yung cover. "Wala. Binaon ko lang para may nababasa ako pag walang ginagawa."
Kinuha niya sa akin yung book at tinignan niya maigi yung cover nitong color white at may nakabaliktad na sisiw.
"Flipped by Wendelin Van Draanen," sabi niya habang binabasa yung title nung cover. Tinignan niya ako at nginitian, "tell me, bakit nakabaliktad na sisiw yung cover nito?"
"Eh basta may connection ang sisiw sa story nung book."
He shrugged tapos binasa niya yung blurb sa likod. Ako naman kinakabahan. Paano kasi, favorite book ko 'to eh. Mamaya laitin niya. Ayoko pa naman ng ganun. Nasisira feels ko sa book.
"Ay wait! Parang alam ko 'tong book na 'to. May movie 'to 'di ba?"
"Yes! Yes! Ayun nga yun! Yung Flipped na movie!" masigla kong sabi.
"Yung about sa mag childhood neighbors? Tapos yung babae dito may gusto doon sa kapitbahay nila eversince mga bata pa sila?"
"Ayun nga! Ang ganda nun grabe. Both the book and the movie!" inagaw ko sa kanya yung book. "Kaya kung hindi mo nagustuhan yung movie, wag mo nang sabihin sa akin kasi favorite ko 'to at ayokong masira ang feels ko."
He chuckled, "don't worry, I also love the film."
"Talaga?" ngiting-ngiti kong tanong.
"Talagang-talaga!"
Medyo naka-hinga ako ng maluwag.
At least nalaman ko na may pagkakapareha pa rin kami ni Gab.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Alex kanina.
Kung hindi ako maglalakas-loob na tanungin si Gab, walang mangyayari.
Tumingin ako sa paligid. Wala pa yung mga ka-batchmates namin. Siguro mga nagpapahinga pa sila dahil halos kakakain lang ng lunch.
Kaming dalawa lang talaga ni Gab dito.
Walang pwedeng umistorbo.
Huminto ako sa paglalakad kaya naman napahinto rin si Gab.
"Why? Sumasakit ba ulit ang sugat mo?"
Umiling ako, "no. Gab, may itatanong sana ako sa'yo."
"Hmm? Ano yun?"
Napalunok ako. Mas dumoble ang kaba sa dibdib ko. Para akong hihikain.
But it's now or never. Ayoko nang umatras.
"May naalala ka ba sa childhood mo?"
Nawala bigla ang ngiti sa labi ni Gab.
Hindi ko alam kung dahil sa may naalala siya o wala siyang naalala.
Hindi ko mabasa ang expression sa mukha niya.
Napapikit ako at huminga ng malalim.
"May naalala ka ba na naging kaibigan ka nung bata ka pa? Yung lagi mong kalaro? Laging kasama tuwing summer?"
Lumapit sa akin ng onti si Gab.
"Avy, the truth is..."
Biglang tumunog ang phone niya.
Gusto kong mag mura. Gusto kong mag wala at mag tantrum sa harapan niya. Gusto kong mag lupasay.
Gusto kong sakalin kung sino man ang tumatawag sa kanya ngayon.
"Sorry," sabi niya at inilabas niya ang phone sa bulsa niya.
Napa-kunot ang noo niya nang makita niya kung sino ang tumatawag.
"Sorry talaga Avy.I really need to answer this call."
"G-go ahead."
Pangalawang beses nang nasisira ang moment naming dalawa ah!
Bakit ba palagi na lang may sumisingit?!
"What?!" dinig kong sabi ni Gab doon sa kausap niya sa phone.
"Kailangan po ba talaga? Sige, sige sasabihan ko po sila. Opo. Ba-byahe na po ako."
"What happened?" tanong ko sa kanya nang matapos niyang kausapin kung sino man ang kausap niya sa phone.
"Nagkaroon ng emergency sa dance troupe namin. It has something to do with the competition na sasalihan namin sa July. At kailangan ako ngayon doon."
"H-ha? Eh paano yun? Sa isang araw pa tayo uuwi?"
"I have no choice. Kailangan kong bumalik.Mag b-byahe na lang siguro ako."
Tumango na lang ako. Pero hindi ko maitago ang disappointment na nararamdaman ko.
Kasi naman talagang nagipon ako ng lakas ng loob para tanungin kay Gab ang bagay na 'yun pero naaksaya lang lahat ng iyon.
"Avy.."
Naramdaman ko na ipinatong ni Gab ang kamay nita sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Titig na titig siya sa akin. Nakakalunod ang mata niya.
Nakalimutan ko na ata kung paano huminga.
"Gusto ko sanang makipagkita sa'yo..uhmm.. sa Manila. K-kung okay lang sa'yo? May gusto rin sana akong sabihin p-pero gusto ko pagbalik na natin. May hinanda kasi ako."
Hindi ako makasagot. Ayaw gumana ng utak ko. Ayaw nitong i-absorb ang mga sinasabi ni Gab.
Is he asking me on a date?
Biglang napabitiw si Gab sa balikat ko at lumungkot ang mukha niya.
"P-pero kung ayaw mo, a-ayos lang. I mean, hindi pala ayos. Pero maiintindihan ko."
"H-ha?! Hindi! I mean oo! I mean gusto kong makipagkita sa 'yo. Gusto ko."
Bumalik ang ngiti sa labi ni Gab.
"Okay.. Okay let's meet."
"Pwede bang doon tayo sa tindahan nina Ate Lyn mag meet? Sa Thursday?" sa tindahan kung saan tayo madalas mag kita nung mga bata pa tayo, gusto kong idagdag.
"Oo ba. Sige Thursday, sa tindahan nina Ate Lyn. So, it's a date?"
Tumango ako.
"It's a date."
At sana sa date na 'to, wala nang makakaistorbo sa amin.
To be continued...
~*~
Aly's Note:
Sa question ko last chapter kung dapat na bang maglakas loob si Avy na tanungin si Gab about sa childhood nila, maraming sumagot ng yes.
Na-tanong naman ni Avy kaya lang hindi na-sagot ng maayos ni Gab XD
Pero eto na. Question para sa next chapter:
"Sa next na pagkikita nina Gab at Avy, dapat bang tanungin ni Avy ang burning question niya kay Gab at hindi na siya papayag na walang makuhang sagot?"
Yes
or
No?
Comment your answers! :D
Next update will be on June 25.
Mark your calendars dahil last chapter na ang susunod na update! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top