Chapter 5 (Final Chapter)


Chapter 5


Dress? Jeans? Short? Skirt?

T-shirt? Cute blouse? Polo?

Anak ng pagong.

Nahiga ako sa kama ko at tinakpan ko ng unan ang mukha ko.

Ninenerbyos na ako.

Paano, bukas magkikita na kami ni Gab. Hindi ko alam kung ano ang isusuot ko.

After kasi ng dalawang araw na pag s-sink-in sa utak ko nung sinabi niya, na-realized kong niyayaya niya lang akong makipag-meet. Ako lang ang nag assume na niyaya niya ako para makipag-date.

Ngayon, hindi ko malaman kung something cute ba ang isusuot ko o parang pupunta sa mall o parang bibili lang sa kanto since sa sari-sari store kami mag m-meet.

Anak ng pagong!

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Alex. Agad naman niyang sinagot.

"Anebey bakla, nasa banyo ako!" sabi niya sa akin.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Nakababad sa bathtub."

Sosyal ang isang 'to. Pa-bathtub bathtub na lang. Samantalang kami, hanggang planggana lang ang meron.

"Ba't ka tumawag?"

"Hindi ko alam ang isusuot ko bukas. Mag d-dress ba ako? T-shirt? Jeans? Shorts? Skirt? Ano?"

"Mag bikini ka."

"Alex!"

Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Alex mula sa kabilang linya, "chillax ka lang girl. Wear something comfortable. Mag simpleng shirt ka lang and jeans. Light make-up lang."

"E-eh paano kung may inihanda siyang dinner date sa high class restaurant?"

Narinig ko ang tawa ni Alex mula sa kabilang linya, "ambisyosa kang froglet ka!"

"Bwiset ka! Seryoso ako ngayon! I'm in serious trouble, Alex!!"

"Isang advice ko sa'yo te, be yourself! Sige na, babush na at magsasabon na ako ng katawan! Byeeee!"

"Alex--!"

At binabaan nga ako ng bruha!

Bwiset na 'yun, ni hindi ako tinulungan. Pag talaga siya nakipag-date at 'di niya malaman ang isusuot niya, hindi ko rin siya tutulungan!

Huminga ako nang malalim at tinignan yung mga damit na inilatag ko sa kama ko.

Akala ko sa mga palabas sa TV at mga libro lang nangyayari ang ganitong scenario. Hindi ko akalain na mararanasan ko 'to.

Dati naman nakakalabas ako ng bahay na hindi nahihirapan sa pagpili ng isusuot. Ngayon na-ba-blangko ang utak ko.

At kung sa paghahanap pa lang ng damit eh naba-blangko na ako, paano pa pag kaharap ko na siya?

Magagawa ko pa bang tanungin ulit siya kung naalala ba niya ako?

Kinakabahan talaga ako pero at the same time, na-e-excite na ako ng husto.

Biglang tumunog ang phone ko at halos mapatalon naman ako sa gulat.

Aba si Alex, mukhang plano na akong tulungan ah.

Inabot ko yung phone ko na isiniksik ko sa ilalim ng unan ko pagkatapos kong kausapin si Alex. Muntikan ko nang mabitiwan ito nang mabasa ko yung nasa screen.

Gab

Calling...

Oh my gosh.

Si Gab.

Tumatawag siya!!

Natataranta kong sinagot ang phone ko at nanginginig ang kamay ko.

"H-hello! G-Gab?"

"Hi, Avy," dinig ko mula sa kabilang linya.

Parang mauubusan ako ng hininga. Hi pa lang ang sinasabi niya ah! Ba't ganon?

"N-napatawag ka?"

"Ah. Wala lang. May ginagawa ka ba? Busy kasi phone mo kanina."

"Ah oo. Kausap ko si Alex kanina. Hehe."

"Oh... selos ako."

"Ano ulit?"

"Ah.. wala, wala. Sabi ko uhmm bukas ah?"

"O-oo. Bukas."

"Avy..."

"Hmm?"

"Excited na ako bukas."

Kinagat ko yung unan ko para pigilin ang tili na gustong kumawala sa bibig ko.

Ano ba, Gab! Ano baaaaa!

"A-ako rin," I told him in a small voice. Baka kasi marinig niya na halos nag ha-hyperventilate na ako ngayon dito.

"Okay. See you tomorrow, Avy. Mag pahinga ka na ah?"

"S-see you!"

"Good night."

"Good night."

"Bye."

"Ba-bye."

Hinintay kong i-end niya yung call pero ang tagal niyang ibaba.

Bakit kaya 'di pa niya binababa?

"Avy?"

"G-Gab."

Narinig ko ang mahinang tawa niya mula sa kabilang linya, "ikaw na ang unang magbaba," sabi niya.

Napa-ngiti ako ng malawak, "sige. Good night, Gab."

"Good night Avy. Sweet dreams."

At kahit ayoko pang matapos ang conversation namin, I ended the call.

Nagpagulong-gulong ako sa kama. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at nagtititili.

Nakakainis naman itong si Gab! Paano ako makakatulog sa lagay nito? Paano! Excited ako na hindi mapakali tapos tatawag pa siya sa akin!

Tapos namomroblema pa ako sa isusuot ko!

Napa-buntong hininga ako.

Ever since high school, si Gab lang ang tinitignan ko. Hindi ko naranasang magkagusto sa ibang lalaki. May nagsubok manligaw dati pero basted agad siya. Ewan. Na-co-compare ko kasi siya parati kay Gab. At ayoko ng ganun. Magkaiba silang tao at kesa umasa pa siya, binasted ko na bago pa siya makapag simulang manligaw.

Kaya naman never kong naranasan ang mga friendly dates na ganito.

I'm clueless.

Bahala na si batman bukas.

Bahala na talaga.


~*~


Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Sinuot ko yung pinaka simpleng black dress na nakita ko sa cabinet ko at isang cute na doll shoes.

Sinunod ko talaga ang payo ni Alex. Sabi niya simple lang daw. Edi ayan. Simple lang.

Dahil summer ngayon at ayokong tagaktakan ng pawis, itinali ko na rin pataas ang buhok ko. Naglagay din ako ng light make up. Foundation, eyeliner, blush-on at lip gloss.

Lip gloss lang. Naalala ko kasi yung nag smudge na lipstick ko nung kumain ako ng Cornetto at pinunasan ko ang labi ko. Mukha akong nakipaghalikan sa kapre nun. At ayoko naman na mangyari ulit yun.

Feeling ko kasi kakain kami ng ice cream ngayon ni Gab.

"Saan ang punta mo?" tanong ng kuya ko sa akin nung palabas na ako ng bahay.

"Diyan lang."

"Wag mo sabihing sa tindahan ka pupunta? Bibili lang ng ice cream?"

Sinimangutan ko siya.

"Weh? Sa tindahan lang talaga punta mo? Tas ganyan ang porma mo? May kikitain kang lalaki 'no?!" pang-aasar pa niya.

"Ewan ko sa'yo kuya!!"

"Mama si Avy po may date!!" sigaw ni kuya habang nakatingin sa kusina kung saan nandoon si mama at nagluluto.

Lumabas si mama sa kusina at pinuntahan kami.

"Alvin, wag mong asarin ang kapatid mo!" naka-ngiting saway ni mama kay kuya.

Mas lalo akong sumimangot.

Paano mas lumawak ngiti nitong kapatid ko! Sarap tadyakan.

"Anong oras ka uuwi Avy?" tanong ni mama.

"Hindi ko po alam."

"Wag kang magpapagabi. Dito na kayo mag dinner ng boyfriend mo."

"Ma! Hindi ko po siya boyfriend!"

"Manliligaw."

"Hindi rin!"

"Ikaw nanliligaw?" singit ni kuya.

"Shut up, kuya! Nakakainis ka na! Alis na po ako!"

Dire-diretso ako sa labas at dinig ko pa ang tawanan ng mama ko at ni kuya.

Ang hilig hilig akong asarin ng dalawang yun. Alam na alam nila ang mga bagay kung saan hiyang-hiya ako.

Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Feeling ko kasi namumula ako.

Si mama at kuya kasi eh!

Pumunta na ako sa tindahan kung saan kami magkikita ni Gab. As expected wala pa siya.

Paano ang aga ko pa.

As in 45 minutes pa bago yung time na pagkikita namin.

At least hindi one hour!

"Hi Avy!" bati sa akin ni Ate Lyn.

"Hi po!"

"Bibili ka ng Cornetto?"

"Ah mamaya po. May iniintay lang," sagot ko at naupo ako doon sa bench na nasa gilid ng tindahan niya.

Nginitian niya ako, "si Gab?"

"P-paano niyo po nalaman?"

"Hula lang. Si Gab lang naman ang iniintay mo rito eh."

Napangiti na lang ako.

Kung sabagay. Si Gab nga lang talaga.

Nakakatuwa na kahit ang tagal na panahon na yun at mga bata pa kami nun, naalala pa rin ni Ate Lyn ang mga bagay na yun.

Sana si Gab din naalala niya.

Sa totoo lang, kinakabahan pa rin akong tanungin siya about sa childhood namin. Alam kong masasaktan ako kapag nalaman kong hindi niya na ako naalala. Ang mahalaga naman yung ngayon 'di ba? Kung ano ang nangyayari sa present.

Ayokong magkaroon ng dahilan para sumama ang loob ko kay Gab.

Pero tama nga si Alex.

Lagi akong mabubuhay sa what ifs kung hindi ako mag t-take ng risk.

Bahala na kung ano ang sagot ni Gab.

Naniniwala akong may reason ang lahat.

Sana lang matanggap ko kung ano man ang reason niya.

Biglang nag ring ang phone ko at napatingin ako sa tumatawag.

It's Alex.

Malamang kakamustahin ako ng isang 'to.

Sinagot ko agad ang tawag niya.

"Hello Lex."

"A-Avy.."

Natigilan ako bigla nang marinig ko ang paghikbi ni Alex.

"Uy, bakit ka umiiyak? Anong nangyari."

"Kasi.. kasi eeeeehhh!" at humagulgol na siya ng iyak. May sinasabi siya sa akin pero hindi ko siya maintindihan.

"Teka Alex wala akong maintindihan! Bakit? Anong problema?"

"P-pwede ba akong pumunta sa inyo? I need a hug, girl! I badly need a hug!!" at ngumawa na naman siya.

"W-wala ako sa bahay."

Natigilan bigla si Alex and for a moment, hikbi niya lang naririnig ko.

"Oh my gosh. I am a terrible friend!" sabi niya bigla. "Nakalimutan ko na ngayon nga pala ang umpisa ng pagdadalaga mo! S-s-sorry girl!" at ngumawa siya ng iyak. "B-b-basta i-ikwento mo sa akin mga nangyari ah? A-at enjoy ka ngayon!"

"Wait Alex. Punta ako dyan sa inyo."

"H-h-ha? E-e-eh makikipag kita ka kay Gab! Ano ka na girl! D-d-don't mind me! I'm fine!"

"Susugod ako diyan!"

At bago pa siya maka-angal, in-end ko na ang call.

Tiningan ko ang wrist watch ko. Maaga pa. 30 minutes pa bago ang meeting time namin ni Gab. May oras pa ako.

Pero just in case tinext ko na rin si Gab.

Gab, ma-le-late ako ng onti. Sorry :(

Halos kaka-send ko lang ng text ko, nag reply na agad siya.

No worries, Avy. Ingat ka ah?

Napangiti na lang ako.

Dumiretso agad ako sa bahay nina Alex pero bago pa ako makapunta doon eh nakasalubong ko na siya sa daan. Pa-hikbi-hikbi pa rin siya.

"Huy, Alex!"

Inangat niya ang tingin niya sa akin, "Avvvyyyyyy!!!'

Biglang tumakbo papalapit si Alex at niyakap ako.

"Oh my gosssshh! Avyyyy! I'm soooo!!! Oh my goosssssh!!"

"Alex sa totoo lang gusto talaga kita i-comfort ngayon pero hindi ko maintindihan ba't ka umiiyak. Pwede bang kumalma ka muna at ikwento mo sa akin ang nangyari?"

Humiwalay si Alex sa pagkakayakap niya sa akin. Tumango siya at pinunasan ang luha sa pisngi niya.

Tinginan mo ang isang 'to. Ang laki-laking tao pero iyakin naman.

"Tara doon sa park," sabi ko kay Alex.

Naglakad kami ni Alex doon sa park at naupo sa bench doon.

"Anong nangyari Alex?"

At nagsimula nang i-kwento ni Alex sa akin kung bakit siya umiiyak ngayon.

Nung isang araw pa raw niya iniisip ang mga sinabi niya sa akin. Yung sinabi niyang kung hindi ako mag t-take ng risk, mabubuhay ako sa puro what ifs.

And in some ways, tinamaan siya sa sarili niyang mga salita.

Kaya ginawa niya ang isang bagay na hindi ko inaasahang gagawin niya.

Umamin siya sa family niya.

Napatakip ako ng bibig, "oh my god. Anong sabi nila?"

Napa-hikbi ulit si Alex.

"Umiyak si mama. Umiyak siya nang umiyak nang umiyak. Si papa naman ayaw akong tignan. Tahimik lang siya. Hindi ko mabasa yung iniisip niya. Alam mo yun girl? Yung mas prefer ko pang gulpihin niya ako kesa yung hindi siya nagsasalita. Pero nagulat ako sa sinabi ni mama sa akin."

"A-ano?"

"S-sabi niya sa wakas daw umamin na ako at ang tagal na nilang iniintay yun!" at humagulgol na naman ng iyak si Alex.

Hindi agad nag sink-in sa utak ko ang sinabi niya. Pero nang ma-realize ko yun, dali-dali ko siyang niyakap.

"Alex!!! Oh my gosh!! Alex!!"

"Avvvyyy!!"

Napaluha na rin ako sa sobrang saya. Parang nabunutan na rin ako ng tinik sa dibdib.

Ibig sabihin, tanggap na nila si Alex. Alam na nila. Inaantay lang nila ito na magsabi.

Hindi na niya kailangan mag panggap.

Pwede na niyang ipakita sa lahat ang tunay na siya.

"Grabe! I am so happy for you, Alex!!"

"Pwede ko nang ipagtapat ang pagmamahal ko kay Greg!"

Humiwalay ako bigla sa kanya, "wag muna! Baka sapukin ka nun."

"Bruha joke lang! Punasan mo nga yang luha mo at makikipag-kita ka pa sa prince charming mo!" sabi ni Alex pero siya rin ang nagpunas ng luha sa pisngi ko.

"Loka ka kasi. Pinaiyak mo ako!"

"Masyado mo lang akong love, friend. Kaya naiyak ka!"

"Eh ikaw kasi eh! Masyado lang akong masaya para sa'yo!"

"Pero girl, thank you talaga ah? Thank you for being a true friend and for keeping my secret."

"Dahil dyan ililibre mo 'ko!"

"Loka! Sige na gumorabells ka na!"

Tumayo ako, "kinakabahan ako."

"Wag kang kabahan bruha. Basta mag enjoy ka lang. Text mo ako later ah?"

"Oo sige! Bye Alex!"

Nag beso ako sa kanya at tumakbo na ako agad pabalik doon sa tindahan.

Five minutes na lang.

Oh god! Ninenerbyos talaga ako!

Huminto ako saglit at huminga ng malalim. Inilabas ko ang salamin ko para tignan ang sarili ko.

Namumula mata ko dahil sa pag iyak kanina. Tapos pawis pa ako. Ang haggard ko na.

Matapos kong mag ayos!

Medyo nag suklay-suklay muna ako at naglagay ng pulbo sa mukha bago ulit ako pumunta sa tindahan.

Pag dating ko doon, wala pa si Gab.

Medyo na disappoint ako. Kung excited siya, maaga siya.

Naupo ako sa bench. Baka may nangyari lang.

Inilabas ko ang phone ko para i-inform siya na nandito na ako. Pero bago pa ako makapag text, biglang may pumasok na text message mula sa kanya.


[Sorry Avy, hindi ako makakapunta. May nangyari lang. Next time na lang.]


Ilang beses kong pinaulit-ulit basahin yung text ni Gab para mag sink in sa utak ko.

Huminga ako nang malalim. Huminga pa ulit ako nang mas malalim pa para mawala ang bigat sa dibdib ko.

Alam mo yung excited na excited ka? Yung iniintay mong dumating ang araw na 'to? Pero last minute, biglang hindi natuloy?

Parang ang sarap umiyak.

Napapikit ako.

Avy kalma. Baka may emergency lang. Intindihin mo siya.

Nag reply ako agad kay Gab. Tinanong ko siya kung anong nangyari at sinabi ko na ayos lang. Sinabi ko rin na hindi pa naman ako nakakaalis ng bahay para hindi na siya ma-konsensya.

Malungkot akong naglakad pabalik ng bahay at agad akong nag-kulong sa kwarto. Nung tinanong ako ni kuya kung ba't umuwi agad ako, hindi ko na siya sinagot.

Tinext ko lang si Alex na hindi kami natuloy. He called me pero hindi ko sinagot. Tinext ko ulit siya na matutulog muna ako.

Pero sa totoo lang hindi ako makatulog. Hindi ako mapakali. Titig na titig ako sa phone ko at maya't-maya ko 'to chinecheck kasi baka nag reply na si Gab. Pero wala.

Yung pagka-dismaya ko kanina, napalitan naman bigla ng kaba at pagaalala.

Paano kung hindi maganda yung emergency na nangyari?

Paano kung may masamang nangyari?

Kinuha ko ang phone ko at lakas loob ko siyang tinawagan. Halos manlumo ako nang marinig kong cannot be reach ang phone niya.

Bumangon ako sa kama. I openend my laptop. Nilibang ko ang sarili ko pero hindi ko magawang alisin si Gab sa isip ko.

Kinakabahan ako eh. Parang may mali.

After two hours, I tried to call him again. Cannot be reach ulit.

Inisip ko, baka na lowbatt lang siya. Baka wala siya sa bahay nila ngayon at namatayan siya ng phone.

Nung gabi, for the last time, sinubukan ko ulit siyang tawagan.

Cannot be reach pa rin.

Pagkagising ko sa umaga, tinawagan ko ulit siya, ganun pa rin.

Lumipas ang isang araw, dalawa, isang linggo, hanggang sa tatlong linggo na ang nakakalipas

hindi siya nagpaparamdam sa akin.

Hindi ko alam kung anong meron. Hindi ko alam kung saan siya napunta.

Makalipas ang maraming taon, ginawa niya ulit ito.

Yung bigla na lang siyang mawawala ng walang paalam.

I texted him again.


[Gab, naalala mo pa ba ako? Naalala mo pa ba na minsan nagkaroon ka ng best friend na pangalan ay Avy at iniwan mo rin siya ng basta basta na lang?]


I pressed the send button at in-off ko na ang phone ko.

Hindi na ako umaasang mag rereply siya.


~*~


[Gab's Point of View]


"Pre, hanggang kelan ka ba hindi magpapakita sa amin ha?" tanong ni Bench mula sa kabilang linya. "Feeling ko pinagtataguan mo kami eh."

"Hindi. Wala lang ako sa mood."

"Sus. Tatlong linggo ka nang wala sa mood, Gab."

Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang pangaralan ako nang pangaralan ni Bench.

"Hindi ka naman nakikinig sa akin! Hay naku bahala ka na Gab! Sabihan mo na lang kami pag hindi ka na broken!"

"Hindi naman ako---!"

He ended the call.

Napatakip na lang ako ng braso sa mata ko.

Mali 'to. Mali 'tong inaasal ko. Hindi dapat ako nagmumukmok dito. Hindi ko dapat inaaksaya ang panahon ko.

Alam ko naman na sa ganito mauuwi ang lahat eh.

Nahalata ko na.

Pero masakit pa ring isipin.

Sinilip ko yung bulaklak na dapat ibibigay ko sa kanya nung araw na 'yun. Lanta na ang mga 'to. Ilang beses na rin itong nagpalipat-lipat sa basurahan ko at sa desk ko.

Pero wala na rin namang saysay 'di ba? Hindi ko na rin naman magagawang ibigay sa kanya.

Iniiwasan ko na rin naman siya. Nagpalit ako ng number, hindi ako nag o-online sa Facebook o sa kahit anong social media.

Ayoko.

Pupunta lang naman ako sa profile niya para tignan siya eh. At masasaktan lang ulit ako.

Naalala ko yung tinanong niya sa akin sa beach resort bago ako umalis.

"May naalala ka ba na may naging kaibigan ka nung bata ka pa? Yung lagi mong kalaro? Yung lagi mong kasama tuwing summer?"

Hindi ako naka-sagot agad nun dahil ayaw mag sink-in sa utak ko nung mga tanong niya. Parang nawalan ng sense lahat ang nangyayari sa mundo. Parang nakalimutan ko kung paano magsalita.

Kasi hindi ko ineexpect ang tanong niya.

Buong akala ko nakalimutan na niya ako. Nakalimutan na niya ang childhood friend niya.

Gusto ko siyang yakapin nun at magtatatalon sa tuwa at sumigaw at sabihing oo, naalala ko agad. Never kitang nakalimutan Avy. Akala ko hindi mo ako naalala. At sobrang saya ko. Sobrang saya ko na tinanong mo sa akin yan.

Pero bago pa ako makasagot, tumawag yung coach namin.

Nakakainis. Bakit ganun? Bakit kung kelang nandyan na, kung kelang may lakas na ako ng loob, palagi na lang may sumisingit.

Pero kinalma ko ang sarili ko. Kahit excited akong sabihin sa kanya yun, kailangan kong magplano.

Gusto kong gawing memorable. Gusto kong aminin sa kanya ang lahat.

Niyaya ko siyang makipag-kita sa akin. Hinanda ko na ang plano ko.

Mga surprises. Message. Hinalungkat ko ang mga old photos namin. Isinet-up ko na ang lugar.

At doon sa lugar na yun, doon ko sana sasabihin sa kanya ang lahat.

Na kaya ako biglang nawala nung mga bata pa kami ay dahil dinala ako ni mommy at daddy sa States nun. Ilang taon akong nag stay doon at nung mga panahon na yun, hindi ko alam kung paano ko siya i-co-contact.

Na nung bumalik na ako galing states, siya agad ang una kong hinanap. Ilang beses akong nagpa-balik balik nun sa tindahan pero hindi siya dumarating.

Na nung pasukan, nung time na ipinakilala ako ni Bench sa kanya, tinignan ko ang reaksyon niya. Diretso lang siyang nakatingin sa akin. Wala siyang reaksyon nang nakipag-kamay siya sa akin.

At buong akala ko nun, hindi na niya ako naalala.

Pero kahit ganoon, I did not stop caring for her. She's still Avy, my best friend. Kahit nakalimutan na niya ako, kahit may iba na siyang best friend, palagi pa rin akong nandyan para sa kanya

kahit hindi niya nahahalata.

Nung third year, nagkabulutong siya, nag-iwan ako ng mga notes sa locker niya para hindi siya mahuli sa klase. (Buong akala nga lang niya, si Alex ang gumawa nun dahil si Alex lang ang nakakaalam ng password ng padlock niya. Madali lang naman hulaan eh. 000. Yun kasi palagi ang ginagamit niya dahil makakalimutin siya."

Nung prom, both third year and fourth year, ako ang nagiiwan ng bulaklak sa table niya. (Again, akala niya si Alex yun. Bwiset na lalaking yun, kinuha lahat ng credit sa effort ko!)

Inalam ko rin kung saang university magaaral si Avy nun para doon din ako pumasok. Sinundan ko siya para kahit papaano eh palagi ko siyang nakikita.

May isang time pa nga na nakita kong kumakain sila ni Alex sa cafeteria. Sinabihan ko ang mga kasamahan ko na maki-table sa kanila kahit na alam kong paalis na yung grupo ng mga estudyante sa kabilang table.

Gusto ko kasing makatabi si Avy.

At nakakatawa, kasi nakita kong kumakain siya ng Cornetto nun. Favorite pa rin pala niya yun. Hindi pa rin siya nagbabago. Madungis pa rin siyang kumain ng ice cream.

Ang nagbago lang, hindi na ako ang kasama niyang kumakain kundi si Alex.

Kada nakakasalubong ko siya, iniiwasan kong wag siyang tignan kasi natatakot ako na baka mahuli niya akong nakatingin sa kanya at ma creep out pa siya. Kaya naman pag nalampasan niya na ako, atsaka ako lumilingon sa kanya. Kahit likod o side view lang niya, masaya na akong masilayan.

Nakakatawa.

Lagi ko siyang tinitignan mula sa malayo.

Normal ba na gawain yun ng isang best friend na nakalimutan na?

Hindi.

Kasi hindi na best friend ang tingin ko sa kanya.

I fell in love with her.

At napagod na akong tignan siya mula sa malayo.

Gusto kong mapapalapit ulit sa kanya. Gusto kong maging aware siya sa existence ko.

Kahit hindi na niya ako naalala, okay lang. Okay na sa akin.

Basta mapapalapit lang ulit ako sa kanya.

Kaya sinabihan ko si Greg na mag reunion kaming mag b-batchmates. I-invite niya lahat. Lalo na si Avy. Hindi pwedeng mawala si Avy. Pag wala siya, wag na naming ituloy ito.

Sabi ko sa sarili ko, gagawa na ako ng move doon. Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong 'to. Hindi na ako magpapaka-torpe o duwag.

Kaso sa bus pa lang mukhang natalo na naman ako ni Alex.

Nakita kong magka-text sila ni Avy. Hindi ko alam ang pinaguusapan nila pero nakita kong nagpipigil ng ngiti si Avy. Kita kong ang saya niya.

Nakakaselos.

Gusto ba niya si Alex? Bakit si Alex pa? Alam kong lapitin ng mga babae si Alex pero ang lambot kaya kumilos ng isang yun! Lampayatot ata!

Lampayatot na ba ang tipo ni Avy?!

Pero hinayaan ko na lang yun. May picture naman kaming dalawa. Yung selfie na galing kay Bench. Sinave ko sa phone ko yun at cinrop ko pa si Bench para kunyari kaming dalawa lang ni Avy.

Pero thanks kay Bench, inunahan na niya ako na aminin kay Avy ang nararamdaman ko. Well, hindi naman si Bench ang directly na nag sabi kay Avy. Nakita niya na nakatayo si Avy sa likuran ko habang pinipilit ko siyang bigyan si Avy ng Cornetto. And then, ayun na. Wala na akong nagawa. Nabuko na ako.

Gusto kong gulpihin si Bench.

But at the same time, mas nagkalakas ako ng loob.

Sabi ko, it's now or never. Bahala na. Gagawa na ako ng move.

Buti na lang talaga at nandyan si Cornetto para tulungan ako. Alam kong paborito pa rin ni Avy yun.

Alam kong ayun lang ang makakapagpangiti sa kanya.

Yun nga lang, ang dami parating hadlang.

Hanggang sa kahuli-hulian.

Nung nag text si Avy sa akin na male-late siya, papunta na ako nun. Malapit na ako sa tindahan.

And I saw her.

Nagtaka ako kung ba't siya male-late samantalang nandoon na siya.

Sinundan ko siya, at nakita ko sila ni Alex.

Nakita ko kung paano sila nagyakapan. Kung paano hinawakan ni Alex ang pisngi ni Avy. Kung paano hinalikan ni Av yang pisngi ni Alex.

At mukha akong tanga.

Nandoon na lahat ng signs.

Sobrang close nila, lagi silang magkasama, hindi sila mapag-hiwalay.

At eto ako, may hawak-hawak na bulaklak, aaminin na ang lahat kay Avy, aaminin ko na sana na gusto ko siya.

Kaso by the end of the day, alam kong uuwi lang akong rejected.

Oo. Marahil naalala pa ni Avy ang Gab na childhood friend niya.

Pero ayoko nang bumalik bilang kaibigan lang niya. Dahil hindi lang yun ang turing ko sa kanya.

At mahihirapan lang ako.

Masasaktan lang ako.

Kaya lumayo na lang ulit ako.


~*~


Hindi na ako hinayaan ng mga kasamahan ko sa dance troupe na magmukmok sa bahay. Sinugod nila ako, itinulak papasok sa banyo para maligo, at hinila papunta sa university para mag practice. Sa daan, nakita ko pang tinapon nila ang lantang bouquet na binili ko.

Great. Just great.

"May isang fake rose doon sa bouquet!" sabi ni Adam, isa sa mga kasamahan ko sa dance troupe. "Bakit Gab? Sasabihan mo ba yung nililigawan mo na hangga't hindi nalalanta ang lahat ng bulaklak na ibinigay mo sa kanya, eh hindi magbabago ang nararamdaman mo?"

Nagatawanan silang lahat.

I scowled at them.

"Pre, bulok na ang style na 'yon! Halatang never ka pang nakapanligaw ng babae!"

At nagtawanan ulit sila.

"Manahimik kayo mga bwiset!"

Inakbayan ako ng dance troupe leader namin na si Ian, "pre naman kasi, magbago ka ng style. Wag yung masyadong ma-keso. Mag isip ka naman ng ibang style hindi yung ginagaya mo yung mga laos at korning style sa internet!"

"Ewan ko sa inyo! C.R nga muna ako!"

At humiwalay ako sa kanila habang nagtatawanan sila.

"Pre wag! Wag kang iiyak sa CR! Mahal ka namen!" pahabol pa ni Adam.

Mga loko talaga ang mga 'to! Ma brokenhearted din sana kayo!

Pagpasok ko sa CR, napahinto agad ako.

Nakita ko kasi si Alex sa tapat ng urinal at itinataas ang zipper niya.

Anong ginagawa nito sa university eh summer vacation pa?!

Kainis naman. Sa dinamirami ng makikita!

Bigla siyang lumingon sa akin at nanlaki ang mga mata niya.

"BASTOS KAAAAAA!"

At sinugod niya ako at akmang sasapakin. Buti na lang at naka-ilag ako.

"Hoy ano ba! Ano bang problema mo ha?!"

"Ikaw! Ikaw! Ikaw!!! Ba't bigla mo na lang iniiwasan si Avy ha?! Ba't biglang hindi ka nagpaparamdam! Matapos mong paasahin yung tao! Duwag ka ba?! Oh my gosh I am so mad!"

Huminto siya at pinaypayan niya ang sarili niya gamit ang dalawang kamay niya.

"I need a moment! Iisipin ko kung anong magandang gawin sa'yo! Gugulpihin ba kita o momolestyahin?! My gosh! It is so hard to decide! I hate you so much and I want to punch you pero sayang naman ang fes mo, ang gwapo mo pa naman! Molestyahin na lang kita?"

Napa-kunot bigla ang noo ko.

Wait. Wait.

What's going on?

"Ba't ganyan ka magsalita?"

"Aney?"

Pumilantik ang kamay niya at tinaasan niya ako ng kilay.

Oh god.

Bakit... bakit hindi ko nahalata?!

Mas lalong tumaas ang kilay niya.

"And what's wrong with that?!"

"B-but I thought... I thought... you and Avy...? Oh my god."

"Aney nga? Wit kita ma gets!"

Napa-facepalm na lang ako.

I AM SO STUPID!

Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Alex.

"O-o-oy papi Gab! Sabi ko ako mang momolestya sa'yo not the other way around! Don't touch meeey! Gwapo ka koya pero love ka ni best friend ko kaya wag ako! Wag ako! No! Don't kiss me! No!"

"Heh! Tumigil ka! Alex, listen to me. I need your help!"

"At baket?"

Hinila ko siya palabas ng restroom at pinaliwanag ko sa kanya ang lahat.

Ang katangahan ko, ang paghihinala ko, ang maling akala ko.

"Eh malay ko ba! Hindi ko alam! Kung umasta ka para kang lalaki eh!"

"Sarreh na, okay? Sarreh."

"Pero I need your help, Alex. Ang laki ng kasalanan ko kay Avy. Kailangan kong bumawi."

"Hindi lang basta bawi! Kailangan mo ring umamin at please lang, tantanan mo na ang pagiging torpe ha?! Tutulungan kita! Kailangan nating magisip ng plano!"

Nginitian ko siya, "actually, may naisip na ako.


~*~


[Avy's Point of View]


"Alex, tsaka na ako magaayos. Umalis ka na!" sabi ko kay Alex habang naka-talukbong ako ng kumot.

"Ayoko girl. Tama na ang pag mumukmok diyan okay! Enrollment na next week and for sure marami ka na namang makakalimutan. Tama na yan okay? Hindi lang si Gab ang lalaki sa mundo!"

Naramdaman kong inalis ni Alex ang pagkakatalukbong ng kumot sa katawan ko at hinatak niya ako patayo.

"Eeewww girl! You look so haggard na! Mag ayos ka nga ng sarili!"

Sinimangutan ko siya, "ano ba aayusin ko ha? Gamit ko o sarili ko?"

"Puso mo."

"Bwiset!"

"Joke lang! Wag magagalit! Maligo ka muna at ayusin mo ang gamit mo tapos punta tayo sa mall, maghahanap ng papa."

I just rolled my eyes at him at kumuha ako ng damit at twalya sa cabinet ko.

Walang use kung makikipagtalo pa ako kay Alex. Alam kong this time, hindi na niya talaga ako lulubayan.

Kung sabagay, wala akong mararating kung nandito lang ako. Ayoko namang sirain ang buhay ko dahil lang bigla na namang nag-lahong parang bula si Gab.

Bahala na siya sa buhay niya.

Pangalawang beses na niya 'tong pinatunayan na hindi naman talaga ako ganung kahalaga sa kanya.

Kasi kung mahalaga ako, magbibigay siya ng oras para magpaalam sa akin.

Sinunod ko si Alex. Naligo muna ako at matapos yun eh inayos ko na yung mga kakailanganin ko sa enrollment next week.

"Yung form, card, I.D .. I.D.. nasaan ang I.D ko?"

"Burara ka. Saan mo inilagay?"

"Nandito lang yun sa bag ko eh."

"Hay naku girl!"

Tinulungan ako maghalungkat ni Alex ng bag, pero wala yung I.D ko.

Instead, isang kapirasong papel ang nakita ko.

"I kidnapped your I.D and your favorite stuffed toy."

Huh?

Napalingon agad ako sa shelf kung nasaan ang mga stuffed toys ko.

Wala yung color pink na teddy bear ko! Si Plammy! Yung gift sa akin ni daddy nung seven years old pa lang ako!!

Paanong nawala yun?

May nakapasok na magnanakaw sa bahay ko!!

Itinuloy ko ang pagbabasa.

"I demand a ransom. Don't worry, I won't ask for a huge amount of money but I am asking for your time. If you still want to see Plammy whole and unscratched, you need to follow my instructions.

First: Go to Alex's house. I have something for you there. You can also find the second instruction in his house."

Tinignan ko si Alex ng takang-taka.

"Ano 'to? Ikaw may gawa nito 'no?"

Tinignan ni Alex ang papel na hawak ko.

"OMG nakidnap si Plammy! Sinundin mo na lang yung instructions girl!" naka-ngiti niyang sabi.

"Alex!! Ano ba! Wag ka na magulo! Ibalik mo na yung ID ko at si Plammy. I don't have time for this!"

"Wow taray! Eh sabi nga diyan sundin mo yung nakasulat! Dali na! Wag ka nang magulo bruha at sumunod ka na kundi friendship over na talaga tayo!!"

Sinimangutan ko siya. Nakakainis naman. Wala ako sa mood sa mga ganyang pakulo eh!

Nakasimangot akong umalis ng bahay at pumunta kina Alex. Bukod sa taga bantay nila sa tindahan, wala nang ibang tao sa kanila.

"Oh ano na?!" irita kong sabi sa kanya.

"Chillax beh!"

Binuksan ni Alex ang pinto ng bahay nila at agad kong nakita ang isang cute na pig stuffed toy sa may sofa. May nakaipit ding sobre dito. Binuksan ko 'to at binasa ang laman na note.

"Thank you for doing the first task. Her name is Pigly and she's yours now. Don't worry, I'll still return your Plammy. But for the second task, I need you to go to Ate Lyn's store. She will hand you the third instruction together with a golden object that can unlock beautiful memories."

Tinignan ko si Alex at mas lalong sinimangutan.

"Kelan ka pa natutong magbigay ng At ano a ka sa akin hindi ka talaga tunay na bakla at nagpapanggap ka lang kasi may gusto ka sa akin?"

"Aba't ambisyosang froglet ang isang ito ah! Hoy te hindi ka kagandahan!"

"Sakit mo magsalita ah!"

"Kaimbyerna ka kasi! Ano sabi? Tara na sa next destination! Kunin mo si Pigly at baka maging lechon 'yan dito!"

Napangiti at iiling-iling na lang akong kinuha si Pigly at sinundan si Alex palabas ng bahay.

Mabuti pang maki-ride on na lang ako.

Alam ko naman nag e-effort nang ganito si Alex para sumaya ako.

At naappreciate ko yun ng sobra.

Dumiretso na kami sa tindahan nina Ate Lyn  at pagkapunta ko pa lang doon, she gave me a knowing smile. Mukhang kasabwat 'to ni Alex.

"For you, Avy!"

May inabot siya sa aking isang maliit na box. Nang buksan ko ito, nakita kong may note sa loob at isang gold key.

Binasa ko yung note.

"Blue slide, playground. There's a treasure box hidden in that place. You got the key. Look for it and unlock it. The treasure is yours. Something that you can keep forever."

Natigilan ako bigla.

Blue slide.

Playground.

Hindi ko alam kung sinadya ito ni Alex o nagkataon lang. Hindi ko rin matandaan kung naikwento ko sa kanya kung ano mang memories ang meron yung blue slide sa playground na yun.

Dito sa tindahan ni Ate Lyn ko unang nakilala si Gab.

Pero sa blue slide na nasa playground ko siya unang naging kaibigan.

Napangiti ako sa memory. Nakakatawa isipin. Sobrang bata pa namin nun.

Pero isa yun sa pinakamsayang alaala namin.

Naglakad kami ni Alex papunta doon sa playground. Nakita ko agad yung blue slide. At sa likod noon, may isang treasure box. I opened it at hindi ko inaasahan ang nakita ko sa loob.

Pictures.

Pictures namin ni Gab nung mga bata pa kami.

"Alex, a-ano 'to?" nangingilid-ngilid ang luha ko.

"Tignan mo na lang," he smiled at me at naglakad siya palayo to give me some privacy.

Inisa-isa ko yung pictures.

May kumakain kami ng ice cream, meron yung naka-angkas ako sa bike niya, nanunuod kami ng TV sa sala nila, meron pa na pareho kaming naka-simangot dalawa. Magkagalit ata kami nun at napagtripan kami ng mama ni Gab na picture-an. Maraming stolen shots. Tumatawa kami, naglalaro, tumatakbo, naka-ngiti sa isa't-isa.

Masaya.

Magkakilala.

Mag best friends.

Magagandang alaala.

Hindi ko namalayan na bumagsak na pala ang luha sa mata ko.

Ang sarap balikan ng mga pangyayaring 'to. Sana bata na lang ulit ako tapos nasa tabi ko si Gab at tanging problema ko lang nun ay kung ano ang lalaruin namin kinabukasan.

Pwede bang ibalik na lang yung panahon na bago pa siya mawala sa buhay ko?

Ang laking butas kasi na iniwan niya sa akin eh.

Hindi ko napansin na nasa-huling picture na pala ang tinitignan ko. Dahil sa dulo ay isang note at dalawang salita lang ang nakalagay doon.

"Turn around."

Umikot ako paharap at nakita ko si Gab. Naka-ngiti siya sa akin habang inaabutan niya ako ng Cornetto.

Mas lalo akong naiyak. At hindi ko na nagawang kunin pa sa kamay niya ang Cornetto.

Yung flavor na yun. Yun yung nakuha kong flavor nung una kaming nagkita. Ayun din ang nakuha niya nung ginaya niya ako.

Ayan ang una.

"I remember you."

Lumapit si Gab sa akin.

"I remember you, Avy."

Tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng luha sa mata ko. Nakakainis! Ayaw tumigil! Ba't ganito!

"P-pero bakit nagpanggap ka na parang hindi mo ako natatandaan?" tanong ko sa kanya.

"Kasi akala ko hindi mo rin ako natatandaan. Nung pinakilala ka sa akin ni Greg noon? Diretso ka lang nakatingin sa akin. Na parang nun mo lang ako nakilala."

Umiling ako, "pumunta ako sa classroom niyo nun nung first day of classes. Nakita mo ako pero hindi mo 'ko pinansin. Tuloy-tuloy ka lang na naglakad nun."

"Dahil hindi kita agad namukaan nun Avy. Ang laki ng pinagbago mo. Dalaga ka na nun. Mahaba na buhok mo, hindi ka na dugyot.."

Hinampas ko siya sa braso. Natawa siya.

"Mas gumanda ka. Tapos every year paganda ka pa nang paganda."

"B-b-binobola mo lang ako kasi bigla kang nawala! Inulit mo pa ulit!" sabi ko sa kanya habang humikbi.

"No. Hindi kita binobola. Totoo yung sinasabi ko. And I am so sorry kung umalis ako ng walang paalam. I am so sorry."

Ipinaliwanag sa akin ni Gab ang lahat. Ang dahilan ng pagalis niya noon. Kung bakit hindi niya ako nagawang sabihan. Pati yung ngayon. Yung nag selos siya kay Alex.

"Ba't ka kasi nagselos kay Alex! Dahil siya na ang best friend ko?"

Umiling siya, "hindi Avy. Dahil akala ko gusto mo siya."

Medyo natawa ako, "Ha? Ba't naman! Tsaka isa pa---"

"I love you."

Natigilan ako.

Gab stepped closer. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit.

"Avy, I love you."

He told me while looking straight into my eyes.

My heart skipped a beat.

Parang bumilis ang ikot nang paligid. Parang ayaw mag function ng utak ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Kaya isang iyak na naman ang nasagot ko.

"A-Avy.. w-why are you crying again? Nabigla ba kita? I'm sorry. P-pero kailangan ko na talaga sabihin yun. Hindi ko na mapigilan. Simula highschool pa. Ewan. O baka simula noon pa? Basta alam ko gusto kita."

"Same," sabi ko kasabay ng mga sunod-sunod na pag hikbi na hindi ko magawang patigilin kaya naman hindi na ako halos makapagsalita.

"A-Ano?"

"Sabi ko bwiset ka! Same! I love you! Kainis!"

Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na mahigpit.

"M-matutunaw na ata yung ice cream na hawak mo," sabi ko sa kanya.

"Okay lang. Bibilhan na lang kita ulit ng bago. Bibilhan kita kahit ilan ang gusto mo. Kahit araw-araw pa. Basta payakap lang ngayon. Ang tagal na kasi kitang gustong mayakap eh."

Hinayaan ko siya.

Kasi sa totoo lang, gusto ko rin siyang mayakap. Eight years na ang nakalipas nang huli ko siyang yakapin.

Ang tagal na panahon na.

And now that I am hugging him, it feels like home.

At biglang nalang may pumutok na party popper  sa aming dalawa ni Gab kaya bigla kami naghiwalay.

Nakita ko sa likod namin sina Alex, Greg at Bench.

"Kumo-Cornetto yung dalawa!" pangaasar ni Bench

"Bwiset ka! Panira ka nang moment!" sagot naman ni Gab.

Tumakbo papalapit sa akin si Alex at niyakap ako.

"I am so happy for you! May boyfriend ka na!"

"Wait, kayo na?" tanong ni Bench habang tinuturo kaming dalawa ni Gab. Nilingon niya si Gab, "eh hindi mo pa tinatanong ang mahiwagang question sa kanya pre!"

"Oo nga! Tanungin mo na! Umamin ka na eh. Umamin na rin siya. Wag mo sabihing ngayon ka pa matotorpe?"

Napatawa ako at nakita ko naman si Gab na namumula ang tenga.

Nilingon niya ako, hinawakan niya ulit ng mahigpit ang kamay ko. He clears his throat and then tinitigan niya ako sa mata.

"Avy, will you be my girlfriend?"

His eyes is full of sincerity nung tinanong niya ako.

I smiled at him...

...at kinuha ko ang Cornetto na hawak niya.

End....



***


Aly's Note:


Waaaah tapos na ang That One Summer! Maraming-maraming salamat sa pagbabasa at sa matyagang pagaantay ng update! Thanks talaga guys! Nag enjoy ako ng sobra na isulat 'to at super nag enjoy rin ako sa pagbabasa ng comments niyo!

May movie na rin itong That One Summer! This Time ang title. James Reid and Nadine Lustre :)

Though hindi eksaktong tulad ng That One Summer since loosely based lang yung movie sa story ko, but still sana mapanuod niyo pa rin :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: