Prologo - Paglisan ng Pasko

“Kare wa hontōni todokanai nodeshou ka? Shuppatsu mae ni kare ni aitai.” (Hindi ba talaga siya makakaabot? Gusto ko po siyang makita bago ako umalis.) Hinaing ng isang batang lalaking nagngangalang Toro sa kan’yang inang si Reiko.

Nasa loob ng isang kotse ang mag-ina, bihis dahil nakatakda silang umalis ngayon papuntang Japan kasama si Pasqual na ama ni Toro at asawa naman ni Reiko na isang Haponesa. Sa Japan na rin kasi sila mamumuhay kasama naman ang pamilya ni Reiko kaya gayon na lang ang lungkot ng pamilya ni Pasqual dahil sa pag-alis nila.

“Mō dameyo, musuko. Kare wa anata ni renraku ga torenaideshou, tada anata ga shōrai mata aeru koto o inotte kudasai.” (Hindi na, anak. Hindi na siya makakaabot, ipagdasal mo na lang na sana’y magkita kayong muli sa hinaharap.) Malamig na saad sa kan’ya ng ina.

“Ayos na ba ang lahat, mahal ko? Handa na ba kayong umalis?” Saglit pa ay lumabas ang isang lalaki—si Pasqual na ama ni Toro.

Tumango na lamang ang mag-ina, saglit pa’y muling dumungaw ang pamilya sa bahay na kanilang pinanggalingan. Isang Filipino ancestral house na pag-aari ng ama at ina ni Pasqual na siyang mga biyenan ni Reiko at lolo’t lola naman ni Toro.

“Talaga ngang aalis na kayo, nakakalungkot masaksihan na mahihiwalay na naman ako sa isa sa mga anak ko.” Halos tumulo na Ang luha ni Protacia—ang ina ni Pasqual, nang harapin niya ang anak.

“Basta’t ’wag po kayong maging malungkot, tatawag naman po ako sa inyo buwan-buwan. Para na rin po ito sa inyo at kay Toro, para mabigyan kayo ng magandang buhay dito sa Pilipinas at si Toro naman sa Japan.” Mahinahong ngiti ni Pasqual.

“Alam ko pong mahirap para sa inyong mawalay ako, gano’n din naman po ’yon para sa ’kin pero kakayanin ko po alang-alang sa inyo.” Saad pa niya.

“Bagaman madalang na po akong makakabisita rito ay ’di pa naman po ako mawawalay sa tahanan ko dito sa Santa Catalina, kaya ’wag na po kayong malungkot.” Muli pang Dagdag ni Pasqual.

“Alam naman naming ayaw mong maging malungkot kami pero ’di naman namin maiiwasan ’yon. Sino ba namang hindi magiging malungkot? Tila habang-buhay ka na ro’n sa ibang bansa?” Sinubukan pang magbiro ng ama ni Pasqual na si Eliazar.

“Siya nga rin, Pasqual, mami-miss talaga kita kasi wala na ’kong katulong sa gawain sa bukid ngayon.” Kamot sa ulo naman ng kapatid nitong si Jaime na nasa driver’s seat ngayon ng kotse at siya ring magmamanego papunta sa sakayan ng bus sa kabayanan.

“Hay, alam kong mahirap pero sabi ko nga... kayanin niyo. Pa’no po, baka maiwan kami ng bus, hanggang sa muli po.” Pumasok na si Pasqual sa kotse at pinaandar naman ito ni Jaime.

Muling nagpaalam ang tatlo sa kanilang pamilya bago tuluyang nakaalis, may lungkot man sa mga tinig ay kinakaya nila iyon alang-alang na lamang kay Toro.

Ang batang lalaking iyon nga ay nakadungaw sa bintana ng kotse kung saan sila nakasakay, nagbabaka-sakaling masasalukong nila ang taong kan’yang hinahanap bago siya umalis ngunit wala talaga.

Hindi siya nakapag-paalam dito na ikinadurog ng kan’yang puso, dito nga ay yumakap na lang siya sa ina at Dito siya tuluyang naluha.

Katatapos lamang ng Pasko at Bagong Taon nang umalis sila sa Pilipinas, ngunit hindi na magiging kapareho ng sa Pilipinas ang mga darating na Pasko at Bagong Taon sa buhay ni Toro mula ngayon.

Sa pag-iyak ni Toro ay inaaalala niya ang taong nais niyang sabihan ng pamamaalam bago siya tuluyang umalis, hindi niya mabatid ngunit napakasakit nito para sa kan’ya. At dito ay naalala niya ang isang pangakong binitiwan niya.

Isang pangakong sinabi niya sa taong ’yon noong gabi ng Disyembre nang nagdaang taon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top