Kabanata 7 - Kasama sa Pagkanta
“Emman, wakarimashita.” (Emman, naiintindihan ko na ngayon.) Dahan-dahang napangiti si Toro, kaagad siyang tumakbo patungo kay Emman at hinagkan niya ito—nang dahil sa galak.
Sa pagyakap niya sa binata ay nakaramdam siya ng kakaibang init mula sa kan’yang kaloob-looban. Pamilyar ang pakiramdam ngunit hindi matanto kung paano niya nararamdaman at kung ano ’yon. Pero sa halip, nais niyang maging masaya dahil muli silang nagkasama ng matalik niyang kaibigan.
“Emman-kun!”
“Emman-kun!” mahigpit niya itong niyakap.
“Patawad kung nakaligtaan na kita, hindi ko na kalilimutan ang pinakaunang taong naging kaibigan at matalik kong kaibigan sa lugar na ’to!” Mahigpit pa rin niyang hinahagkan si Emman.
“Ayos lang ’yon, ang mahalaga ay naaalala mo na ako. Mahabang oras bago mo ako naalala, matagal ko nang gustong makihakubilo sa ’yo simula pa lang no’ng muli tayong nagkita pero nabigla ako nang ’di mo na ako naaalala.” Yumakap din naman pabalik si Emman kay Toro.
“Watashi o yurushitekudasai, totemo kawatte shimaimashita. Watashi wa nagai ma inaku natte ite, saigo ni hanashite kara jūzō-nen ga tachimashita.” (Patawarin mo ako, ang dami lang kasing nagbago. Matagal-tagal din akong nawala rito, at labing tatlong taon na nang huli tayong magkausap.) Saad ni Toro at bumitaw siya sa pagkakayakap.
“Mata, koko ni modotte kite saisho ni au hito ga, osanai koro no shin'yū ni naru to wa omotte imasendeshita.” (Hindi ko rin lubos-akalaing ang taong una kong makakahalubilo pagbalik ko rito ay ang matalik ko palang kaibigan noong bata pa ako.) Hagikgik pa ni Toro.
“Anata ga oboete kurete ureshī yo, anata ga mae ni watashi ni itta kotoba kara tekisetsuna shimekukuri o shitai dakedesu.” (Masaya lang ako na naaalala mo na, gusto ko lang ng isang maayos na closure mula sa mga binitawan mong salita sa ’kin noon.) Ngiti naman ni Emman at inilagay niya ang mga kamay niya sa bulsa ng suot niyang pantalon.
“Bakit? Hindi ko na rin masyadong naaalala ang lahat ng detalye ng mga nangyari noon. P’wede mo bang sabihin sa ’kin?” tanong niya. Umiling naman si Emman.
“Hindi na, gusto kong ikaw na mismo ang makaalala.” Ngisi nito.
“Pero—” hindi na nakasabad pa si Toro.
“Alam kong kaya mo. Siya nga pala, nandiyan na ang mga magulang mo. Ayon na sila.” Itinuro ni Emman ang isang grupo ng taong hindi magkanda-ugaga sa paghahanap.
“Pumunta ka na sa kanila, ’wag na ka ulit maligaw, ha?” hagikgik naman ni Emman na siyang ikinahagikgik naman din ni Toro.
“Hay, oo na. Sige, bye.” Tuluyan na ngang pinakawalan ni Toro sa kan’yang paningin si Emman, tumakbo nga si Toro patungo sa mga magulang niya.
***
Ilang araw ang lumipas, madalang nang magkasamang lumalabas ng bahay sila Toro at Emman. Nang ligtas din itong makabalik galing sa pagkawala sa pailaw ay masaya naman ang mga magulang niya, pati na rin ang lolo at lola niya na may nakasundo at naging kaibigan na siya sa kanilang bayan.
“Hontō? ! Watashitachi ga koko de kyūka o sugoshita riyū no 1-tsu wa, anata ga koko no hitobito to issho ni iru koto o tomeru koto wa arimasen.” (Talaga ba?! Hindi ka namin pipigilang makisama sa mga tao rito dahil ’yon naman talaga ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo rito nagbakasyon.) Ngiti ni Reiko nang maikuwento ni Toro ang mga karanasan.
“Hai, okāsan, watashi wa senjitsu sanpo ni iku koto ni shimashita, watashi wa kyōkai de Emman-kum ni ai, kare wa sanpo ni dōkō shimashita.” (Opo, ina, nagdesisyon po akong gumala no’ng nakaraang araw, nakita ko po si Emman sa simbahan at sinamahan niya po akong maglibot.) Tugon naman ni Toro sa ina.
“Kono Emman-kun wa daredesu ka? Watashi wa kare o shiranai to omou.” (Sino itong Emman na ito? Mukang ’di ko yata siya kilala.) Sabad na tanong ni Pasqual, may dala siyang tinimplang gatas sa mainit na tubig upang ibigay sa kan’yang mag-ina.
“Siya po ang matalik kong kaibigan noong bata pa po ako, nakatagpo ko po siya no’ng nawala po ako sa parke. Lider po siya ng mga batang choir sa simbahan sa baranggay po natin.” Malugod na sagot ni Toro sa kan’yang ama.
“Ah, gano’n ba? Pero mag-ingat ka na talaga sa susunod na lumabas ka. Ayaw naman naming ikulong ka na lang dito habang Christmas season kaya pakiusap, ’wag na sanang maulit ’yong nangyari sa parke.” Saad pa nito.
“Opo, Otōsan, hindi na po mauulit.” Sagot naman ni Toro at kinuha ang gatas.
Pagkainom ni Toro ng gatas ay lumabas siya ng bahay, ninais niyang magtungo sa plaza upang tignan sa simbahan kung naroon si Emman. Tama nga siya, naroon nga ang binata at nagtuturong kumanta sa mga kabataang kasama nito.
Umupo si Toro sa gawing harap malapit kila Emman, ayaw niyang maistorbo ang pag-eensayo ng mga bata na siyang kaygagada ng mga boses, magaling din si Emman sa pagkumpas ng mga nota ng musika na siyang sinusundan naman ng mga bata sa pagkanta nila.
“Toro?” Nanlaki ang mga mata ni Toro nang mapansin niyang nakatingin na pala sa kan’ya sila Emman at ang mga bata.
“Kuya Toro?” sabay-sabay natanong mga mga bata.
“Ah, oo... ako nga.” Ngiti naman ni Toro.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong muli ni Emman at lumapit na nga ito kay Toro kasama ang mga bata.” Medyo nahiya naman si Toro sa kanila.
“Wala kasing gano’ng magawa sa bahay, kaya... dito na ’ko dumiretso para hanapin si Emman, gusto ko kasing maglibot sana ulit. Pero nag-eensayo pala kayong mga choir rito.” Medyo nahihiya pa nitong saad.
“Gusto mo ulit lumibot? Baka kung anong mangyari sa ’yo? ’Di ka ba pinagbawalang lumabas dahil nawala ka sa pailaw no’ng isang gabi?” tanong naman ni Emman.
“Ano, nawala po kayo sa pailaw?” sabad muli ng mga bata.
“Hay, oo, nawala ako. Pero pinapalabas pa rin naman ako ng bahay, ayaw ng mga magulang kong ikulong ako sa bahay dahil gusto raw nila akong nagkaro’n ng magandang experience ng Pasko rito sa Pilipinas.” Paliwanag naman ni Toro.
“Mabuti naman kung gano’n, pasalamat ka at may maunawain Kang mga magulang.” Tugon naman ni Toro at tumayo siya sa kinauupuan niyang mahabang silya.
“Alam ko na, kung nais nilang magkaro’n ka ng magandang karanasan ng Pasko rito, bakit kaya ’di ka sumama sa ’ming mangaroling?” tanong ni Emman na siyang ikinagulat naman ni Toro.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top