Kabanata 5 - Biglaang Gunita

Nakaupo si Toro sa sofa habang nanonood ng paborito niyang anime, mag-isa lang siya sa ancestral house ngayon dahil lumabas saglit si Pasqual para sunduin si Eliazar sa bukid.

Makakatapos na ng isang season si Toro nang biglang may narinig siyang kumatok sa kanilang pintuan. Saglit munang inunat ni Toro ang kan’yang katawan bago tumayo sa sofa. Pagtayo niya’y kaagad na rin siyang naglakad patungo sa pintuan.

“Tao po, tao po! Magsasauli lang po sana ng lalagyanan!” Narinig ni Toro ang sumisigaw sa labas, napansin niyang boses iyon ng isang lalaki kaya kaagad niya itong binuksan.

Bumungad kay Toro si Emman, nakangiti at hawak ang isang plastic container, malamang ay isasauli niya iyon dahil pinagbalot siya ng pagkain ni Protacia kahapon. Napangiti naman si Toro at tinanggap niya ang plastic container.

“Ako lang ang tao rito ngayon, wala kasi sila Lola. Salamat sa pagbalik nito, ay... pumasok ka muna kaya!” Sinubukabg papasukin ni Toro si Emman ngunit tumanggi ito.

“Ay, hindi na... dederetso na rin naman ako sa simbahan. Marami pa kasi akong gagawin do’n. Mauna na ’ko.” Tanggi naman sa kan’ya ni Emman. Wala na namang nagawa si Toro.

Tumakbo paalis si Emman at naiwan lamang si Toro na tulala sa pinto, makalipas ang ilang segundo ay ibinalik na nga ni Toro sa kusina ang mga plastic container na isinauli ni Emman.

“Toro, kimashita. Watashi wa anata no oji to isshodesu... Watashitachiha nōjō kara yasai o motte kimashita, karera wa mada Reiko o motte imasen ka?” (Toro, nandito na ’ko. Kasama ko ang Tito mo... may dala kaming gulay galing sa bukid, wala pa ba sila Reiko?) Narinig ni Toro ang ama niyang si Pasqual.

“Otōsan, koko ni imasu. Watashi wa chōdo koko no kitchin ni imasu.” (Ama, nandito na po pala kayo. Nandito lang po ako sa kusina.) Saad naman niya habang inilagay pa rin ang mga plastic container na isinauli ni Emman sa lalagyan.

Sandali pa ay nagtungo na nga sa kusina si Pasqual at napangiti ito nang makita ang anak. Kaagad niya siyang nilapitan, walang kaalam-alam si Toro sa susunod na gagawin ng ama niya sa kan’ya.

Bigla siya nitong hinawakan sa kili-kili habang nakatalikod, ito ang parte kung saan siya may kiliti kaya gayon na lamang nang siya’y mapatawa. Sinubukan niyang pumiglas ngunit mas malakas si Pasqual kaysa sa kan’ya.

“Yamete kudasai, Otōsan!” (Itigil niyo na po, Ama, pakiusap!) tawa niya. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay itinigil ma iyon ng kan’yang ama. Hingal na hingal si Toro sa nangyari.

“Warui ne, Otōsan.” (Ang sama niyo po, Ama.) Reklamo ni Toro nang siya’y makalayo, napahalakhak naman nang malakas si Pasqual dahil sa reaksiyon ng anak niya.

“Siya nga po pala, gusto ko po sanang maglibot. P’wede po ba?” tanong ni Toro sa ama. Humupa na ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa.

“Maglibot? P’wede naman, pero sigurado ka bang kaya mong maglibot mag-isa?” tanong naman ni Pasqual sa anak.

“Malaki na po ako, ako na pong bahala. Pupunta naman po ako sa simbahan, gusto ko pong makita ang simbahan dito sa lugar niyo.” Ngisi naman ni Toro, tumango na lamang si Pasqual.

“Sige, matanda ka naman na at alam mo na ang ginagawa mo. Pero maglinis ka muna ng katawan mo’t magbihis ka para magmuka Kang presentable.” Dito ay napangiti si Toro, tumango siya habang nakangiti.

“Opo! Salamat po, Otōsan!” (Ama) bulalas niya at kaagad na siyang umakyat sa kan’yang kuwarto.

Naligo muna siya at nagbihis, kagaya ng mga karaniwan niyang kasuotan ay nagsuot ulit siya ng polo shirt at short. Hindi na siya nagsuot ng vest dahil mainit ang panahon nang araw na ’yon. Inayos niya rin muna ang kan’yang muka at damit bago siya bumaba.

Lalabas na nga sana si Toro ngunit pinigilan siya saglit ni Pasqual. Napahinto naman si Toro nang marinig niyang magsalita ang kan’yang ama.

“Sandali lang, baunin mo ’to! Maraming p’wedeng bilhan ng pagkain sa plaza sa tapat ng simbahan.” Ngiti ni Pasqual, malugod namang inabot ni Toro ang isang daang pisong inabot ng ama.

“Dalawang kanto lang ang layo ng simbahan dito sa bahay natin, maganda sa lugar na ’yon pero medyo marami nga lang ang tao.” Payo pa ng kan’yang ama, doon din naman pupunta si Toro.

“Salamat po, mauna na po ako.” Nagpaalam nga siya.

Paglabas niya ng bahay ay ang malamig na simoy ng hangin at ang mataas na sinag ng araw ang bumungad sa kan’ya. Napangiti si Toro nang makitang walang gaanong ulap sa bughaw na kalangitan at maganda ang panahon.

Nakangiting tumakbo si Toro palabas ng tarangkahan, naglakad-lakad siya sa kalye upang hanapin ang simbahang ilang bloke lang ang layo. At sa paglalakad niya ay nakita niya nga ang lugar, namangha siya dahil ang ganda nito.

Marinig mula sa simbahan na may katandaan na rin ang hitsura ang pagkalembang ng mga kampana nito, sa harap naman ng simbahan ay may plaza at mula sa itaas ay makikita ang mga parol na nakasabit.

“Usukoshī!” (Ang ganda!) namamangha niyang saad.

Sa pagkamangha niya sa lugar ay sa simbahan talaga siya mas namangha, bukas naman ’yon kaya napag-isipan niyang pumasok. Maaliwalas at maayos sa loob no’n, nakangiti lang si Toro sa lahat nang pagkakaton nang makita niya ang lugar.

“Toro?” Saglit pa’y nanlaki ang mga mata ni Toro at napalingon siya sa gawing altar.

Nakita ni Toro si Emman, may hawak itong walis at pamunas. Napangiti naman si Emman nang malaman niyang si Toro nga iyon. Saglit niyang ibinaba ang mga dala niya sa katabing upuan at tumakbo patungo kay Toro.

“Anong ginagawa mo rito?” nakangiti pa ring tanong ni Emman.

“Gusto ko lang sanang maglibot, naalala ko lang na nandito ka nga pala sa simbahan kaya naisip kong pumasok.” Ngiti naman ni Toro.

“Kabisado mo na ba rito? Baka maligaw ka?” tanong muli ni Emman, sandali pa’y napatingin sa kisame si Toro at muli’y kay Emman.

“Hontōwa dare ka to tabi shitai.” (Ang totoo niyan, gusto ko sanang gumala nang may kasama.) Tugon ni Toro, naunawaan naman ni Emman ang kan’yang sinabi.

“Hala, patawad... hindi ko alam na nagsasalita na pala ako ng Hapon—” nagulat si Toro sa sinabi ngunit mas nagulat siya nang sumabad si Emman.

“Tokorode, anata wa watashi ga anata to issho ni samayō koto o nozonde imasu?” (Iyon pang naman pala eh, gusto mo samahan kitang gumala.) Nabigla si Toro dahil nakapag-salita si Emman ng diretsong Hapon.

“Kantan’na Nihongo shika shiranai to omotta?!” (Akala ko ba mga simpleng Hapon lang ang alam mo?!) nabibiglang tanong ni Toro.

“Nagsinungaling lang ako kahapon, gamay ko na ring mag-Japanese. Sorry, ha?” hagikgik ni Emman.

“Watashi ga Tagarogu-go o rikai suru no ni kurō shinai yō ni, motto hayaku oshiete kurerubekidatta.” (Dapat sinabi mo na sa ’kin nang maaga para ’di na ’ko naghirap pang umintindi ng Tagalog.) Kamot ni Toro sa kan’yang ulo na ikinatawa naman ni Emman.

“Gōmen, gōmen, kodomodachi ni rikai shite moraitai.” (Patawad, patawad, gusto ko man ay para na rin maintindihan tayo ng mga bata.) Tawa niya.

“Siya, gala tayo? Tapos naman na ’ko sa mga gawain dito?” tanong ni Emman.

“Sige, tara!” ngiti naman ni Toro.

Ilang sandali nga ang lumipas ay lumabas na rin sila ng simbahan, gustong makita at maranasan ni Toro ang gumala sa lugar nila sa Santa Catalina. At ngayong nakilala niya si Emman, siya ang naging gabay nito upang malibot ang lugar.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top