Kabanata 3 - Maagang Pagtitipon
“Halikayo, mga kapit-bahay! Magsalo-salo muna tayo para sa pag-uwi ng anak, manugang, at apo ko! Halikayo, naghanda kami ng kaunting salo-salo!” niyaya ni Protacia ang mga kapit-bahay niya.
Nagsi-punta naman ang mga ito at masayang nakikain sa bahay nila. Hindi nagtagal ay nagsi-dagsaan na nga ang mga tao roon. Karaniwang kapag may mga kaarawan lamang ang mga gan’tong kainan sa lugar nila kaya ikinabigla ito ng maraming tao.
“Ito na ba si Toro? Ang laki-laki at Ang g’wapo na, ah! Siguro may kasintahan ka na, ano? Alam mo bang katuwang ako ng iyong lola sa pag-aalaga sa ’yo noon? Kaylaki mo na nga talanang tunay!” bulalas ng isa nilang kapit-bahay kay Toro.
“Sinabi mo pa, Kumare, ang laki nga ng ipinag-bago ni Toro. Maliit pa siya no’ng huli ko siyang nasilayan, ngayon ay binatang-binata na siya!” bulalas rin ng isa pa nilang kapit-bahay.
Nahiya naman itong tumingin sa mga tao dahil sa pamumuri sa kan’yang hitsura. Hindi niya lubos-akalaing gano’n na lang siya purihin ng mga tao, tinatanong niya sa isip niya kung bakit nga ba?
Kasingkitan ang mga mata ni Toro, hindi rin naman kalakihan ang kan’yang katawan at malago ang kan’yang buhok. Mayro’n siyang katamtamang tangos na ilong marahil ay siya’y pinaghalong Hapon at Pilipino.
Suot ni Toro ang karaniwang sinusuot niya, ang polo shirt, vest, at shorts. Bagaman nahihiya siyang gunitain ang mga bisita ay hindi naman nahiya ang mga magulang niya. Nakikipag-kuwentuhan sila sa mga kaibigan nilang matagal silang nawalay.
Ang pagtitipon ay naging daan para sa maraming makita at makilala na Ang bagong Toro, ang Toro na hindi na kagaya noong siya’y limang taong gulang pa lamang. Sa labing walong taon ng buhay ni Toro, dito pa lang siya muling naisabak sa maraming tao. Kaya gayon na lamang ang hiya sa kan’yang kaloob-looban.
Saglit na humiwalay si Toro sa kan’yang lolo at lola, nais niyang mapag-isa marahil ay nahihiya siya. Kinakabahan siya sa maraming tao, lalo na’t hindi siya kumportable sa pamumuri sa kan’ya ng mga ito.
Sa gayon, umupo siya sa ibaba ng hagdan ng kanilang ancestral house. Malapit iyon sa balkonahe at hindi tumatama ang sikat ng araw doon, kitang-kita mula sa hagdan ang mga dekorasyong nakakabit sa bahay, ang mga tao na nga ring hindi magkaugaga sa kasiyahan at pagkain.
Napangiti na lamang si Toro habang nakikita ang mga taong nagsasaya at may mga ngiti sa labi, ito pa lamang ay isang salo-salo, paano pa kaya kapag mismong Pasko na? Mas lalong masaya, iyon ang nasa isip niya.
“Miru mono subete ga utsukushiku, kono kuni wa Nihon to wa ōkiku kotonarimasu. Koko de no kyūka o saidaigen ni katsuyō shitainode, kurisumasu no hi mo tanoshī mono ni naru koto o negatte imasu.” (Kaygandang tignan ng lahat, ibang-iba talaga ang bansang ito sa Japan. Gusto kong masulit ang bakasyon ko rito, at sana’y gan’to rin kasaya sa araw ng Pasko.) Ngiti ni Toro habang pinagmamasdan ang mga tao.
Tumayo si Toro sa hagdan at bumaba siya rito, saglit pa siyang naglakad-lakad upang tignan ang mga bisita. Hanggang sa makarating siya sa gawing bago lumabas ng kanilang tarangkahan.
May dalawang puno ng mangga roon at Ang mga dahon at sanga ay nagtataka kaya ito’y nagsisilbing liliman. May mga duyan din na nakasabit sa puno at nakita niyang may isang grupo ng kabataang naglalaro roon.
“Mga bata, kumain na kayo sa loob. Marami kaming hinanda, kumuha lang kayo’t magsabi kayo kay Lola.” Bungad ni Toro sa mga bata, tumigil ang mga ito sa paglalaro at paghahabulan.
“Kayo po ba ang apo ni Lola Tasya?” tanong ng isang batang babae.
“Ah, oo, ako nga pala si Toro Lente. Nice to meet you.” Ngiti niya sa mga bata, ngunit humagikgik ang mga ito.
“Bakit kayo tumatawa?” nagtakang tanong ni Toro.
“Ang pangalan niyo po kasi, iyon po ba ’yong hayop na may sungay nahaba at malaki po ang katawan, kagaya po ng kalabaw?” hagikgik naman ng isang batang lalaki.
“Mga bata, anong sabi ko sa inyo tungkol sa panunura ng pangalan ng may pangalan?” Natahimik ang lahat dahil sa narinig nila.
Bumungad sa likod ni Toro ang isang lalaking may hawak na isang tray na may lamang mga pagkain at platito. Kihuha niya ang mga iyon galing sa loob para sa mga batang naglalaro.
“Sorry po, Kuya Emman.” Humingi sila ng tawad.
“’Wag kayo sa ’kin humingi ng tawad kung ’di kay Kuya Toro ninyo.” Bumaling ang mga bata kay Toro.
“Sorry po, Kuya Toro.” Paghingi nila ng tawad kay Toro.
“Ah, ayos lang ’yon... simpleng biro lang naman, eh.” Ngiti naman ni Toro.
“Alam niyo ba, mga bata, hindi ang sinabi niyong kahulugan ang ibig-sabihin ng pangalan ng Kuya Toro ninyo. Ang pangalan niya ay base sa salitang hapon na Tōrō, ang ibig-sabihin no’n sa Pilipino ay Parol.” Ibinigay ng lalaki ang pagkain sa mga bata.
Nang maibigay ng lalaki ang pagkain sa mga bata ay kinuha naman nito ang kan’ya at ibinaba niya ang tray. Umupo siya sa damuhan kasama ang nga bata, nais makihakubilo ni Toro sa mga ito dahil sila ang sa tingin niya’y komportable siyang kasama.
“Ako nga pala si Emmanuel Navidad, isa akong choir leader, twagin mo na lang akong Emman. Tinuturuan kong kumanta ang mga batang ito, lilima nga lang sila pero kayang umalingawngaw ng mga boses nila sa loob ng simbahan.” Ngiti ni Emman at kumain siya ng kakanin.
“Hajimemashite, Emman-kun.” (Nagagalak akong makilala ka, Emman.) Aksidenteng nasabi ito ni Toro kaya napatakip siya sa bibig niya.
“Ah, ang ibig kong sabihin ay—” pero Nanguna na ulit si Emman.
“Watashi no kata mo oaidekiteureshīdesu, Toro-san.” (Nagagalak din akong makilala ka.) Mas lalo pa g nanlaki ang mga mata ni Toro sa narinig.
“Nag-aaral ako ng Nihongo, hindi ko naman alam lahat ng termino, nga simpleng bati at salita lang ang alam ko.” Ngiti naman ni Emman kay Toro.
“Ah, gano’n ba... ang husay no’n.” Hindi alam ni Toro ang sasabihin.
“Siya nga pala, kayo ba ’yong nag-karoling sa ’min kagabi?” tanong niya pa kay Emman.
“Oo naman, nag-karoling nga kami rito sa bahay ni Aling Protacia kagabi, binigyan niya pa nga kami ng dalawang-daang piso, gusto kong tanggihan dahil masyadong malaki pero nagpumilit siya kaya tinanggap na lang namin.” Ngiti naman nito.
“Pinanood ko kayo mula sa balkonahe kagabi, ang galing kumanta ng mga bata. Mala-anghel ang mga boses.” Tumingin si Toro sa mga bata at ngumiti.
“Gano’n ba? Medyo nakakahiya naman.” Nahiya nga si Emman sa papuri ni Toro.
Sa unang pagkakataon ay nakakilala si Toro ng isang taong nakasundo niya sa bansang kan’yang pinagmulan ngunit tila banyaga siya sa kasalukuyan. Sumabay nga si Toro sa pagkain sa kanila at nag-usapan sila patungkol sa kanilang mga gawain bilang choir.
Marami pa silang napag-usapan bago umalis ang grupo para muling mangaroling sa gabing iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top