Kabanata 12 - Nagsindi Nitong Ilaw
“Balang araw ang liwanag...”
“Matatanaw ng bulag...”
Kalalabas lamang ni Toro ng simbahan ng bayan kung saan nagsimba ang pamilya nila ngayong simbang gabi. Paliwanag na rin dahil alas singko natapos ang misa ng alas kuwatro. Habang umaawit ang choir ng simbahang iyon ng pangwakas na awit ay siyang ngiti naman ni Toro.
Gaya ng nakagawian ng pamilya Lente, isa sa mga simbang gabi ay inilalaan nila upang makapag-simba sa kabayanan. Maaga pa nga lang ay gayak na gayak na silang nagtungo sa bayan upang makilahok sa misa na gaganapin ng alas kuwatro.
Antok na antok man ay siniguro ni Toro na makakadalo siya lalo na’t ’di niya pa rin nararanasang magsimba sa simbahan ng bayan. Mala-basilica na ang simbahan ng bayan ng Santa Catalina na siya ring pangalan ng patrona ng bayan at ng simbahang iyon.
Ang simbahan ay may katandaan na ngunit nangingibabaw pa rin ang kagandahan nito, sa makatuwid ay isa itong simbahan noon pang panahon ng mga Kastila at hindi ito nasira noong Pangalawang Digmaang Pandaigdigan.
“Toro! Watashi mo koko de aeru to wa omowanakatta!” (Toro! Hindi ko akalaing makikita rin kita rito!) Nanlaki ang mga mata niya at biglaan siyang napalingon sa tumawag sa kan’ya.
“Emman?! Anata wa koko de nani o shite iru no?!” (Emman?! Anong ginagawa mo rito?!) nabibiglang tanong naman ni Toro.
“Kyō wa kyōkai no kodomo-tachi no tame no jiyūna hidesu. Karera wa kyō nenchō no gasshō-dan o barangai no kyōku ni okuttanode, kyō koko no kyōkai ni iku koto ga dekimashita.” (Bakanteng araw namin ngayon ng mga bata sa simbahan, mga matatandang choir muna ang pinaawit nila sa parokya sa baranggay ngayon kaya nakapag-simba ako rito ngayon.) Marahang ngiti ni Emman nang malakapit siya kay Toro.
“Toro, anata wa koko ni iru, watashi wa anata o sagashite ita.” (Toro, narito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap.) Narinig naman ni Toro si Reiko at nakita niya itong kausap si Emman.
“A, Emandesu, Okāsan.” (Ah, si Emman nga po pala, Ina.) Magiliw na ipinakilala ni Toro si Emman sa kan’yang ina. Napangiti naman ito at tumango siya sa binata.
“Ikaw pala ang Emman na sinasabi ng anak ko, alam mo... ang bait mong bata. Naaalala ko na ngayon, matalik kang kaibigan ni Toro noong bata pa kayo.” Ngiti ni Reiko sa binata, ngumiti rin naman si Emman sa kan’ya at tumango ito.
“Ang buti lang na naging magkaibigan pa rin kayo sa kanila ng matagal na panahon niyong pagkakawalay sa isa’t isa.” Dagdag pa nito.
“Kaya nga po, eh. Salamat na nga lang po sa Diyos at naalala pa ako ni Toro sa kabila nang matagal na panahong pananatili niya sa ibang bansa.” Si Emman naman ang tumugon.
“Siya nga po pala, p’wede po ba kaming maglibot ni Toro sa bazaar at sa pailaw? Hindi pa po nagsasara ’yon dahil medyo madilim pa naman po?” tinanong ni Emman si Reiko.
Nang marinig ito ni Toro ay napangiti siya, tumingin naman sa kan’ya si Emman nang nakangisi. Si Emman na mismo ang naglaan ng daan para ipagpaalam si Toro sa gala.
“Sige, payag ako. Malalaki naman na kayo, hindi na nga dapat kayo nagpapaalam, eh. Sasabihin ko na lang kay Pasqual na kasama ka niya, Emman. Ingatan mo si Toro, ha.” Ngiti pa ni Reiko at tinalikuran niya ang dalawa.
Nagkatinginan sila Toro at Emman at ngumiti sila sa isa’t isa, natawa sila pagkatapos. Isang himala kasi na kaagad pumayag si Reiko sa nais nila, lalo na’t hindi mismo si Toro ang nagpaalam para sa sarili niya.
“Ingatan daw kita, ’wag kang mawala-wala at ako ang mananagot sa ’yo.” Humawak si Emman sa kamay ni Toro at hinigpitan niya ito.
Nanlaki naman ang mga mata ni Toro sa ginawa ni Emman, ngumisi ang binata at napasunod siya nang hilahin siya nito palayo sa simbahan at papunta sa mga nagniningning na ilaw sa parke at sa bazaar na sari-sari ang mga itinitindang mga bagay.
Inilibot ni Emman si Toro, at sa malamig na simoy ng hangin ng Pasko ay napagtanto ni Toro ang isang bagay. Sa pagngiti ni Emman, at sa mga ginawa nito sa kan’ya simula noong nakilala nila ang isa’t isa, simula noong pagkabata pa rin.
Si Emman ang nagsindi ng ilaw na nagniningning sa kan’yang kalooban, isinabit ni Emman sa kan’yang puso ang parol na simbolo ng kagustuhan niyang sumaya sa kapanahunan ng Pasko, si Emman din ang unang taong nagbigay-init sa kan’ya sa malamig na panahon ng Disyembre.
Dahil doon, nagustuhan na ni Toro ang binata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top