Simula

Simula




Sa elementary nagsisimula ang mga crush.



"Kyaahh! Ariane, si Byrone! Dadaan siya!" Hinigit-higit pa ng kaklase kong si Ana ang sleeves ng uniform ko.


Napairap ako ngunit napangiti din sa pagdaan ni Byrone. Hindi nakakapagtakang maraming nagkakandarapa dahil sa kagwapuhan niya. Miski ako, nahook.


"Ang gwapo talaga ni crush!" kilig na kilig pang sabi ni Ana.


Crush na siya ni Ana noon pa. We were just grade 3 that time. Bata pa pero maharot na. Crush lang naman kaya okay lang.


"Sus! Huwag kang kiligin. Ako crush niyan." taas noo kong sinabi dahilan para sumimangot siya.


"Hmp! Whatever!"



Paano? Totoo naman kasi! Last valentines ay inabutan ako ni Byrone ng flowers at love letter. Syempre ininggit ko si Ana. Umiyak nga siya noon, but who cares? Marami pa namang iba diyan. I just don't like him for her. Not even for myself. Gusto ko kung magkakagusto ako ng tunay talaga, hindi lang dahil gwapo. Gusto ko yung tatatak sa puso't isipan kong siya lang talaga. Yun bang may sparks. Yung sinasabi nilang bibilis ang tibok ng puso mo kapag nakita mo siya.



Dumating ang highschool at mas lalong dumami ang mga nagkakandarapa sa akin. Iba na din ang eskwelahang pinapasukan ko. Wala ng Byrone at Ana. Ibang circle of friends pero hindi pa din nagbagong maraming nagkakagusto sa akin. Sa ganda ko ba namang 'to? Flips hair! Nyahaha!



"Ang ganda niya talaga." bulungan ng mga kalalakihan habang tinatahak namin ni Hera ang daan papunta sa canteen.


"Pre, nasa langit na ba ako? Parang nakakita ako ng anghel."


"Lapitan mo na." sabay tulak ng isa.


"Nahihiya ako."


Napangisi na lang ako nang makitang halos magkandarapa sila sa tulakan kung sino ang mauunang lumapit sa amin.


"Pre, nginitian niya ako." rinig kong sabi ng isa.


Napangiwi ako. Assuming!


Ilang sandali ang lumipas at may nagtangkang maglakas ng loob na lumapit. Napatigil kami ni Hera sa paglalakad at hinarang kami ng isang chinitong lalaki. Nakita ko ang bahagyang pag-irap ni Hera. Napangisi ako. Alam kong naiinis na siya dahil gutom.


"Ariane, para sayo." bigay ng rose ng lalaking chinito. Dahilan upang magkalakas loob ang iba pa at lumapit.


"Bulok 'yang rose mo! Ariane, for you." bigay naman ng isang mistisong lalaking nakangisi habang iniaabot ang bouquet sa akin.


Marami pa ang nagbigay sa akin ng mga gifts pero lahat 'yon ay tinanggihan ko. Malapit na kasi ang senior's ball. Sa masquerade ball na 'yon ay halos lahat may mga dates. For us to know on who wants us to date ay kinakailangang magbigay ng kahit na ano sa taong gustong makadate para sa gabing 'yon at once na tinanggap ng pinagbigyan mo ang regalo mo ay automatically, kayo ang magkadate the whole night.



Habang pilit na iniaabot ng mga nakapilang lalaki ang mga regalo nila sa akin ay napukaw ng atensiyon ko ang lalaking nakatingin sa di kalayuan. Matatalim ang titig nito sa akin at nang magtama ang mga paningin namin ay umiling-iling ito.



Nagsalubong ang kilay ko. Ngayon ko lang siya nakita.


"Ariane-"


Tumakbo na ako nang magsimula siyang maglakad papalayo. Hindi ko alam pero hinabol ko siya. Ang bilis ng mga hakbang niya dahil na din sa mahahaba niyang binti. Makisig ang kanyang tindig habang tinatahak ang daan papunta sa soccer field.


Napapikit ako, "Excuse me?!" sabay sigaw ko upang mapahinto siya.


Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag.



Medyo bumagal ang lakad niya kaya naman naabutan ko siya. Hinila ko ang kaliwa niyang kamay kaya naman wala siyang nagawa kundi humarap sa akin. Hawak ang aking dibdib ay hinabol ko ang aking hininga. Ang lakas ng tibok ng puso ko, tila ba nagkakarera.


"What do you need?" tanong niya sa akin habang ipinupukaw ang seryoso nitong tingin.



Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nagtama ang mga mata namin. Those eyes! Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kaperpektong bughaw na mata. Napakaganda ng mga mata niyang kumikinang. Makapal ang kilay niya at may matangos na ilong. Nadepina ang kurba ng kanyang mukha at napakapula ng kanyang manipis na labi.


Hindi ko alam nung mga sandaling 'yon kung ano ang tumatakbo sa isip ko pero dahan-dahan akong tumingkayad. Inabot ko ang kanyang batok at walang pasabing hinalikan ang kanyang labi. Dahan-dahan ang halik na iginawad ko sa kanya. For sure, he will like it. This will be my first kiss and I don't care. No one can ever resist my charm and not even my most kissable lips.


But what hurts the most? He didn't kiss me back. He just watched me kiss him and when I'm done, he looked at me with emotionless eyes as if I am nothing.


"I hate it when girls take the first move. They look..." tinitigan niya ang kabuuan ko at umiling, "Desperate..."



Tumalikod siya at naglakad papalayo, iniwan akong mag-isang nakatulala habang pinapanood siyang umalis. Yon ang unang beses kong mareject.


"Arianna, a-anong nangyari?" nauutal na sambit ni Hera na siyang bestfriend ko. Sumunod pala siya.


Napahawak ako sa labi ko habang nanginginig ang aking mga kamay. Nanatiling nakaawang ang aking labi habang pinagmamasdan ang makisig na likod niyang tinatahak ang daan.


"D-Do you know him?" iyon lang ang lumabas sa aking bibig, biglang-bigla sa nangyari.


Tumango siya, "He's Jaxon Colt Velmore and he's the son of the owner of this school."



Hindi pa man ako nahihimasmasan sa nangyari ay kusang lumabas sa bibig ko ang mga katagang ito.



"Great! I want him to be my date." sabi ko na siyang ikinagulat ni Hera.



Oh Jax, what a nice name! Wait me 'til I see you! I'll make sure, you will kneel and beg to me to be your date. Wala pang nakakatanggi sa akin! And you... Sisiguraduhin kong hindi ka na makakabangon sa pagkahulog!




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top