Kabanata 4

Kabanata 4

Stalker




Wala pa akong ginagawang hakbang. Hanggang ngayon, stalker mode muna ako sa prinsepeng nagngangalang, Jackson Colt Velmore na AKA 'feeling gwapo'.



Tanaw ko mula sa sasakyan ko ang pagtigil ng kanyang Benz Mercedez sa isang coffee shop. Sabado ngayon kaya walang pasok. Napagdesisyunan kong bantayan ang kanyang kilos. I need to get more infos about him. Hera is also doing a research but infos are not enough. Kailangan ko siyang kilalanin ng lubos bago pabagsakin. Mas malalim, mas durog at masakit.



Nang makapasok na sila ng kasama niyang babae na panay ang lingkis sa kanyang braso ay nagsimula na akong maglakad papasok.



Syempre, girl in disguise ang peg ko. Nakawig ako ng short hair with bangs at nakasuot ng sunglasses. Nakasuot lang ako ng simpleng black shirt and maong shorts, ofcourse from Gucci. White shoes from Nike ang gamit ko ngayon kasi palagi na lang akong nakaheels. Baka saulo niya height ko. Nah, mahirap na baka mabuking.



Dumiretso agad sila sa counter para umorder. Binagalan ko ang aking lakad at pinauna muna ang isang dalagita bago ako pumila. Mabuti ng maingat kaysa mahuli. Sinadya ko talagang mag-sunglasses para kahit tignan ko sila ay hindi halata. I look like I don't care to them but I'm all ears. Nakita kong humilig ang babaeng mukhang model sa kanyang braso. Napairap ako at ngumisi, I'm prettier and sexier than her.



Sumeryoso ako at nakinig sa pag-uusap nila. Malanding hinaplos ng babae ang braso ni Jaxon kaya nilingon siya nito. Ngumiti ang inyong prinsepe at malanding humilig doon sa babae.



"Where do you wanna go after this?" boses ni Jaxon.



Mahinhing tumawa ang babae, "Sa condo mo, pwede ba?"



Tumawa si Jackson, "Sure, why not?" at nagtawanan pa sila!



"Ano namang gagawin natin sa condo ko?" Ang landi ng lalaking 'to!



"Kahit ano." at ikaw naman, pabebe!



"Alright, before that, let's eat first."



Saktong sila na ang nasa pinaka-unahan kaya umabante na sila. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa inis.



Nakakainis! Sobrang nakakainis kasi rinig na rinig ko kung gaano sila maglandian at mag-PDA. Nakakainis kasi anong gagawin nila mamaya? At nakakainis kasi bakit hindi niya ako type? Duh! Makinis at maputi din kaya ako. Maganda at matalino. May boobs din ako at curves! Bakittt?! Aish!



Nang matapos maka-order sina Jaxon ay agad na silang umalis sa coffee shop. Agad akong umalis sa pila para sundan sila. Pumasok ulit sila sa kotse at nagdrive paalis. Nagmadali ako sa pagdrive para habulin sila. Literal na chase. Tsk!



Mabilis magpatakbo ang inyong prinsepe at halos liparin ang daan kaya nahirapan akong habulin sila. Mabuti na lang at mabilis din ako magmaneho. Thanks to kuya BJ. He trained me.



Lumiko ang kanyang sasakyan sa isang mall. Sinundan ko 'yon at pinauna ko siya magpark at umalis. Nang mawala sila panandalian sa paningin ko ay agad kong ni-park ang aking BMW car malapit sa parking ng kotse niya. Nagmamadali akong naglakad para maabutan sila. Mabuti na lang at pabebe ang babaeng kasama niya maglakad kaya naabutan ko silang pumapasok sa isang kilalang restaurant.



Pumunta sila sa isang reserved seat kaya pumwesto ako sa table sa likod nila. Nakatalikod sa akin si Jaxon at ang tanging nakikita ko ay ang maarteng model na halos yumuko na mabuti para ipakita ang kanyang cleavage. Syempre, gustong gusto 'yon ng prinsepe niyo. At gustong gusto ko na din siyang bilhan ng long sleeves and turtle neck shirt.



Napairap ako. Really? This is Jaxon's taste? Nakakainsulto! Higad pala ang gusto niya edi sana binigyan ko siya fresh from our farm.



"Ma'am, may I have your order please?" biglang sumulpot ang isang waiter sa harapan ko.



Napabuga ako ng hangin at binalingan siya ng hindi tinatanggal ang aking glasses.



"Give me an iced tea and a burger."



"Yun lang po ba?"



"Bakit, ano pa bang gusto mo? Kapag ba sinabi kong lechong model na babaeng 'yon" tinuro ko ang kasama ni Jaxon, "Ibibigay mo?"



Napalunok siya at napairap ako kahit alam kong hindi niya naman kita. "Just get me what I've asked."



Nagmamadaling umalis ang waiter sa takot. Nagfocus na lang ako sa pakikinig sa usapan nila.



"If I'm going to ask you, what do you prefer? Lights on or lights off?" Aish! Really, Jaxon?



Pabebeng tumawa yung model. Pahinhin effect! Ang sakit niyo sa mata. Ang harot niyo!



"Kahit ano basta ikaw ang kasama." Aba! Bumanat ka pa talaga ah.



Rinig ko ang paghalakhak ni Jaxon, "Lights off then."



Gusto kong matawa pero nangibabaw ang inis ko. Pang-lights off ka lang pala. Ang harot niyo! Hindi ko na kaya makita ang harutan niyo! Masakit sa mata at sobra itong nakakainsulto!



Napabuntong hininga ako.



Arianne, compose yourself! Kapag napaibig mo na si Jaxon, iyak niya naman ang maririnig mo. Mas matagal habulin, mas worth it kapag winasak. For now, let the evil prince be happy for the mean time.

Right! I'll be good. Hahayaan muna kita!




Tumayo na ako at bumaling patalikod pero huli na dahil nabangga ko 'yong waiter kanina! And the hell! Tinapunan niya ako ng inorder ko! Mabuti na lang at iced coffee ito.



"Sorry po ma'am.. Sorry.."



Napatingin sa amin ang mga tao including Jaxon and his girl!



"It's okay. Just move." sabi ko na lang kahit sasabog na ako sa asar.



Taray mode is off. Mahirap na, baka makilala niya ako.



Nagpatuloy na lang ako sa paglakad palabas ng restaurant na 'yon. Uuwi na lang ako. Lumabas ako ng mall habang nakataas noo, hindi pinapansin ang mga usiserang nakatingin sa damit ko. Nang makapasok sa kotse ay hindi ko na napigilan sumabog.



"Kaasar! Aish! How dare him! He reject me tapos makikita ko, mas maganda pa ako sa type niya? Nakakainsulto!" himutok ko sa phone, kausap si Hera.


Tumawa ang gaga, "Hahaha! Eh baka naman kasi, mas maganda iyong pinalit. You know, self biased!"



Napairap ako. "Oh shut up! Hindi ka nakakatulong! At alam mo ba! He laughed with that girl! Tapos puro green ang pumasok sa isip ko dahil sa topic nila! Muntikan na kong masuka!"



"If I were you, nasuka na talaga ako! Hahaha!"



"At hindi lang iyon! Pangalawang beses! Pangalawang beses na kong natatapunan ng kung sino! Like hell! What's wrong with these people? Bakit lagi na lang ako ang target nila?!"



Humagalpak na naman sa tawa si Hera, "Lapitin mo sa tapunan noh! Baka naman kasi ikaw may kasalanan. Clumsy girl! Kaya din siguro ayaw sayo ni Jackson dahil ang clumsy at taray mo."



"Thank you ah! Ang laki ng naitulong mo!" umirap ako at sumandal.



"Welcome!" humagikhik si Hera, "Ano na? Kaya pa ba ng powers mo? Mukhang ngayon pa lang, asar na asar ka na ah? What's for next? Baka makita mo ng may kalampungan!" sabi ni Hera.



For the third time napairap ako.



"Bago pa man mangyari 'yon, sisiguraduhin kong ginagawa ko na ang plano. Mission: Make Jaxon fall in love!"



"Well, goodluck!"




For sure, he will like me. Not now. But soon.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top