Kabanata 3
Kabanata 3
Greatest ally
It's been a week. A week nang kumalat ang kasamaan ko. I'm aware that I was never been an angel. Or not even an angel in disguise.
Andrea Joaquin, the bitch, was never been my ally or should I say silang lahat. My alipores are just a temporary persons dahil lahat sila may tinatagong baho.
Ako mismo ang nakakaalam ng mga baho nila. Bago pa lang sila pumasok sa buhay ko, sinisiguro kong babango sila panandalian at kapag nainip ako ay ibabalik ko sila sa kung anong nararapat.
I am the queen. I am the most high. I am the unconquerable and the untamed. No one would ever want to bump in my way. Dahil lahat sila, matatalo lang.
Suminghap ako sa coffee na iniinom ko.
"Jaxon Colt Velmore. 18 years old. Taking up STEM strand in his grade 12 year. He's the only son of the owner of Velmore University and at the same time, a transferee. Kakauwi niya lang galing France with his family. Jaxon is a certified playboy. Ruthless and merciless. Idagdag na din ang salitang heartless and cold. Iyon siya."
Tumango-tango ako sa impormasyong sinabi ni Hera katulad na lang ng hiniling kong pag-research niya tungkol kay Jax. As of Hera, she was never been my alipores because she's my bestfriend. I won't deny it. She's real to me.
"Nakakapagtaka lang na kung playboy siya, bakit ka niya ni-reject?" naguguluhan niyang sinabi habang nakapalumbaba.
Matalim ko siyang tinitigan. How I hate it everytime I remembered how he rejected me! Pakiramdam ko tinapakan niya ang buong ego ko. At pwes kung akala niyo ay nakalimutan ko na ang nangyari last last week ay syempre, hindi. Ngayon pang naungkat ang tungkol dun dahil sa issue sa ice cream. Nakakatawa lang! Nakakatawang memasabi lang ang mga tao sa mga mali ko.
Bashers! Sikat talaga ko!
"I don't know either. It's his lost." kibit-balikat ko, kahit na ang totoo ay hindi pa din ako matahimik.
I want him beg for my love someday. I badly want to see how I break his heart. Until he kneeled down, begging for chances.
"What's your plan then?" taas-kilay na tanong ni Hera.
I just showed her my most evil smirk, "You'll see..."
"Kasing baho ba 'yan ng patay na daga?"
Humalakhak ako. "Hindi. Mas malala pa. Gusto mong masubukan?" tinaasan ko din siya ng kilay.
Napangiwi naman siya. "Crazy bitch. Wag ako!" inirapan niya ako.
Kung hindi lang siya si Hera ay siguradong nadukot ko na ang mata nitong babaitang 'to.
"Don't you roll your eyes on me again!"
"Whatever!"
Nagkakasundo kami. Our friendship proves that opposite personalities are the one who is meant to be with each other. Well, I don't really like her from the very start. She was a nerd before. While me? Isa ako sa sikat.
Pero nagulat na lang ako nang isang araw habang nakaupo ako sa isang bench sa soccer field kasama ang mga fake friends ko ay bigla niya kong nilapitan.
"H-Hi! I'm Hermonica Sayson and I-I want to be your f-friend." nauutal niyang sabi.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. All I think was she's just the same with all the fake people who wants to be me.
"Are you kidding me? A nerd? A freak? Wants to be my friend? Again, are you kidding me?" nakangisi kong sinabi at nagtawanan ang mga kasama ko.
Napayuko siya sa hiya. "N-No..."
"Then get out of my sight!"
Marami ng napapatingin sa amin at 'yong iba ay magbubulungan bago tatawa. Tumakbo din naman agad si Hera paalis sa sobrang hiya. And that's when I think that's the last time I would see her, I was wrong.
Araw-araw niya akong sinusubukang lapitan lalong lalo na tuwing mag-isa ako. Paulit-ulit ang senaryo. Ilang beses ko siyang tinutulak palayo ngunit mas lalo siyang nagpupursigido. Ilang beses ko na siyang inaway at pinahiya. Dumating pa sa puntong naranasan niyang tapunan ng ice cream sa mukha, paliguan ng harina at itlog, dumulas sa pag-upo at lagyan ng bubble gum ang spaghetti na kinakain niya. Palaging konting kibot na lang ay iiyak na siya pero isang salita lang ang palagi niyang sinasabi.
"It's okay! I still want to be your bestfriend!" naiiyak ngunit nakangiti niyang sabi.
It somehow guilt me and annoys me. Is she really desperate to be my friend? No one wants to be with me. They know me as a bitch.
Kalaunan ay nasanay na ako sa presensiya niya. Masaya na akong kasama siya. Naging isa siya sa famous girl ng Campus kagaya ko. Pero ni kahit minsan hindi ko naisip na peke siya dahil masyado siyang inosente sa lahat at ang nakikita ko lang sa mga mata niya ay ang tunay. That's why she became my bestfriend. I used to tell her my secrets and I'm her secret keeper too.
Hera became my greatest ally. She knows me too well. Nagkakasundo kami kahit na minsan ay hindi kami magkasama dahil busy siya sa pagiging vice president ng student council.
"Hera..." nilingon niya ako habang iniinom ang frappe niya.
"Hmm?"
"Bakit mo ako nilapitan noon sa field?" taas kilay kong tanong.
Ngumiti siya sa akin. Hindi na niya suot ang makapal niyang glasses. Iba na rin ang kanyang pananamit. Ang dating lagpas tuhod na palda ay naging above the knee na mas bumagay sa kanya. She started to put make ups and do skincare routine. From losyang to sosy. I didn't pressure her to change. I accept her as who she is. She did it by herself and its her decisions so I respect it.
"Weird. Bakit mo naman naisipang itanong?" nang-aasar ang titig niya.
Umirap ako, "I just want to. Why can't you just answer it."
"Alright." natatawa siya, "Naalala ko tuloy bigla 'yung kagagahang ginawa mo sa akin noon. Crazy bitch."
Sinimangutan ko siya at uminom sa aking frappe. Nang mahimasmasan siya sa kakatawa ay nginisian niya ako.
"It is simply because you don't have genuine friends back then."
"And you think, ikaw meron?" nginiwian ko siya.
Umiling siya habang nakangiti pa din.
"Nah because I reserve it. Kahit gaano ka pa kasama, alam kong may puso ka din. Masyado ka lang nilang inaabuso." tumango-tango siya at napangiti ako.
Sakto namang pumasok ang president ng student council sa coffee shop kung nasaan kami.
"Hermonica, we are waiting you for so long. At nandito ka lang pala." nakasimangot na sinabi ni Ryden.
Pansin ko naman ang panandaliang pamumula ng pisngi ni Hera bago siya bumaling sa akin at tumayo.
"See you later." sabi niya.
Tinasaan ko lang siya ng kilay. Hmm... Something fishy. I'm gonna make a research. Hindi ko pwedeng palagpasin ito.
Kinawayan ako ni Hera sa labas at umalis nang makita kong tumigil si Ryden sa paglalakad at tinawag na siya ulit. May aayusin pa kasi sila para sa nalalapit na masquerade ball next month. Habang ako ay naiwan dito at nagkalikot sa phone. I typed a new tweet.
Arianna_David:
Let the chase begin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top