Kabanata 1
Kabanata 1
The Queen
"Come on, girls! Let's go." sabi ko habang pa-sway sway ang Louis Vuitton kong bag, na naglakad sa Campus.
Marami ang napapatingin sa amin. As usual, I will gonna be the topic because of my brand new bag. Kakabili lang nito ni Mommy nung isang araw. Galing Canada pa!
"Arianne, ang ganda naman ng bagong bag mo! Ako nga Lanvin lang eh." sabi ni Grethel. One of my alipores.
Ngumiti ako at tinaasan siya ng kilay.
"Ofcourse, sweetheart. You can't afford a luxurious bag like this. Kung meron man, baka fake pa." Masama na kung masama. Sanay lang akong maging prangka.
Sumimangot tuloy siya, "Ang sama mo naman."
"Just stating the fact." sagot ko naman sa kanya.
"Ikaw kasi Grethel, huwag ka ng mangarap na magiging si Arianna David ka. Be contented like me." sabat naman ni Drea na tatawa-tawa pa.
Nginitian ko siya pabalik. Plastik.
"Tingin mo, hindi ka din ba kagaya niya? Inggit at gustong maging katulad ko?" sabi ko.
"Ofcourse not. Bakit naman ako maiinggit?" sumimangot siya.
I looked at her shoes. "Kung totoo 'yan. Why would you buy such fake shoes? Peke 'yang Gucci na suot mo."
I know how to inspect things and especially a person. I know what's the difference between real and fake.
Napanganga naman siya. Hinawakan ko tuloy ang baba at inikom. Baka tumulo pa ang laway.
"Oops. Don't open your mouth. Baka mamatay lahat ng taong nasa paligid mo." nakangising sabi ko saka iniwan sila doon. Nagtawanan naman ang mga nakarinig.
Hays! Mga ingratang 'yon! Ang paplastik!
Taas noo akong naglalakad sa hallway na malapit sa classroom nang bigla akong may makabanggang nerd. No. Mali. Nang bigla niya akong matapunan ng ice cream niyang hawak.
Napapikit ako ng mariin at gigil na gigil. Ramdam ko ang pagiging malagkit ko dahil sa ice cream niyang natapon.
"Sorry. Sorry. Sorry, Arianne." panay sorry ang narinig ko sa kanya nang mapagdesisyunan kong magmulat.
At hell! Tinapunan niya ang bago kong bag!
Napasinghap ako sa inis bago ko siya tinignan ng matalim. Pinupunasan niya ito at mas lalo pang kumalat dahil sa chocolate ice cream.
"Sorry... Sorry..." yumuko siya.
Napairap ako. "Look what you've done to my bag. Hindi mo ba alam na kakabili ko lang nito?!"
Mas lalo pa siyang yumuko. Kilala ako ng lahat. Kilalang kilala ng lahat ang pangalang, Arianna Rhae David. Not because I'm just rich but also of my face. Hindi naman ako sisikat kung pangit ako. Hindi ko 'yon pinagyayabang. But I hate how everyone wants to be me. I hate how fake deep they are just to be with me.
Ang mga peke ay dapat itapon. At sa panahong ito, original lang ang nagtatagal.
I'm not a b*tch. I'm not a bully either. But I can be an evil princess if they want me to be.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong ibuhos sa mukha niya ang natirang chocolate ice cream sa cone na hawak niya. Napaiyak naman siya sa ginawa ko.
"I don't want to see you again. Now, leave!" sabay turo sa kabilang direksiyon, mabilis siyang umalis sa harapan ko.
Nakakagigil! How dare she do that to me! To my bag!
Naglakad na ako papunta sa comfort room. Naghilamos ako at nag-retouch. Binasa ko ng kaunti ang panyo ko at ipinampunas sa bag. Luckily, natanggal naman iyong ice cream. Basa nga lang. Tsss!
"Grabe ang sama talaga niya!"
Habang nag-aayos ako ay nakarinig ako ng mga chismis.
"Oo sinabi mo pa! Ang ganda nga pero ang sama naman ng ugali!"
"True. She may be the queen but she is not qualified for that attitude."
Lumabas na ako ng comfort room at naabutan ang dalawang sophomore na nag-uusap. I know what they are talking about.
Kumaway ako sa kanila at lumapit. "Hey girls! Mind telling me what are you talking about? It's more like an interesting topic? Hmm.." ngumisi ako.
Nanlaki ang mga mata nila at halos mamutla sa nervous. Nauutal pa nga ang isa.
"A-Ah, w-wala po... S-Sige po, u-una na p-po kami." bago mabilis silang umalis.
Plastik talaga! Ang lakas makachismis, takot naman kapag kaharap na.
"Arianne!"
Humahangos na tumakbo si Hera patungo sa akin. May hawak siyang phone. Hinihingal siya at nakahawak sa tuhod bilang suporta.
"A-Arianne, tignan mo 'to!"
Posted by: Andrea Joaquin
Queen sweetheart, Arianna Rhae David, binuhusan ng vanilla ice cream ang isang nerd na nagngangalang Vhea Clamosa...
Photo attached.
It was posted for about five minutes ago. Kaya naman pala pinagchichismisan na ako ng mga sophomore!
Suminghap ako, "That Drea! Napahiya lang kanina ay gumanti na. The nerves of her! She even used the social media! And FYI, it is not vanilla, it's chocolate!" nanggagalaiti kong sinabi.
Tumawa si Hera, "Itinama mo pa ah." tumigil siya ng tignan ko siya ng masama.
Umirap siya, "E ano ng plano mo?" said by my real bestfriend. Real kasi madaming fake sa paligid.
Huminga ako ng malalim. "I need to think of a better plan." pagkasabi ko nun ay biglang may nagnotification sa phone ni Hera.
Jessy Alcantara: Hindi siya deserve para tawaging 'Queen of beauty' dahil ang ganda ay hindi lamang nasa itsura. Nasa ugali din 'yan!
Gia Asunscion: Tama! 'Queen of Karupukan' pwede pa!
Jessy Alcantara: Tama ka girl! Parehas tayong may tama! Hehe! How dare she kissed Jackson last week. Kung may kahihiyan siya, she wouldn't dare to do that!
NOW WHAT THE HELL!
Bakit naisama sa usapan 'yan? It's a nowhere topic.
Binuhusan ko siya kasi binuhusan niya din ako. Ibinalik ko lang ang nararapat. Hindi ako naniniwala sa kasabihang, 'kapag binato ka ng bato ay batuhin mo ng tinapay'. Hindi pwedeng ako lang ang maaapi. Kailangan ako lang ang pwedeng mang-api!
I will teach them the right lesson. They will see the fangs of an evil princess! RIGHT NOW!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top