Chapter 10

Someone's POV



"Mga wala talaga kayong kuwenta! Isang babae lang ang kalaban niyo tapos hindi niyo mapatay-patay?!"Sigaw ko sa aking mga tauhan, mga inutil babae lang hindi nila kaya? 

"At mukhang proud na proud pa kayo dahil nakabalik kayo dito?!"Kinuha ko ang springfield xd sa aking gun holster at agad tinutok sa dalawang tauhan ko. Agad nanlaki ang mga mata nila at nagmamakaawa ang mga mata.

"Boss huwag may pamilya kami, huwag mo kaming patayin."Ngumisi lang ako, kung hindi nalang sana kayo bumalik dito edi sana mabubuhay pa kayo ng ilang taon.

"Sana kasi nagpapatay nalang kayo sa babae keysa sa akin!"Walang pag-aalinlangan kong kinalabit ang trigger at agad bumulakta ang katawan ng isa kong tauhan.

"Boss."Lumuhod ito at nagmaka-awa.

"Stupido!"Kinalabit ko ulit ang trigger, ang bala ay tumama sa kanyang ulo dahilan para tumulo ang dugo nito. 

"15!"Pagsigaw ko at agad pumasok sa kuwarto ang isang lalaki, ang lalaking pinagkakatiwalaan ko at kahit kailan ay hindi pa pumaltak sa bawat misyon na binibigay ko.

"Bakit 10?"Magalang nitong tanong, ngumiti ako at niyaya siyang umupo sa sofa tumango naman ito at umupo sa sofa ganun din ang aking ginawa.

"Ang mga walang kwenta kong tauhan ay nauubos dahil lang sa isang babae. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko dito kaya ikaw na ang bahala para dumami ang mga tauhan natin."Tumango ito at ngumiti, ininom ko naman ang alak na nasa shot glass ko.

"Kakaiba talaga kayo mga Reyes!"



Akirra POV



Hindi ako pumasok ngayong araw dahil na rin sa nangyari kahapon, iilan nalang kasi ang natira naming member at hindi maganda kung iiwan ko sila dito lalo na't hindi ko alam kung kailan ulit susugod ang mga iyon dito sa hide-out. 

"Anong gagawin natin Aki?"Lumingon ako kay Bryan, bumuntong hininga lang ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Basta ang alam ko kailangan lagi lang akong nasa tabi ng mga kaibigan ko.

"Wala na sa bente ang mga tauhan natin at hindi na din tayo maaaring kumuha ng mga tauhan."Tumango-tango lang ako, kung wala na sa bente edi wala! Kaya naman natin kung lima lang tayo, sadyang nasanay lang tayong may mga kasama.

"Edi balik tayo sa dati, tayong lima ulit ang magkagrupo."Ngumiti si Lylanie bilang pagsang-ayon ganun din naman si Clint. Mas gusto kong kami ang magkakagrupo keysa may iba silang kamember.

"Yang mga tauhan nating natira ay paalisin mo na dito Clint, ikaw na bahalang magpaliwanag. Bigyan mo ng pera kung ayaw umalis."Sumaludo pa ito sa akin kaya napailing nalang ako, tumayo na ito at lumabas ng kuwarto. Siraulo talaga siya.

"Nabalitaan ko kay Kyle yung nangyari kahapon sa university. Ayos ka lang?"Tumango ako at napairap sa kawalan ng maalala ko ang pagmumukha ni Laira. I want to kill her!

"Gusto mo resbakan na namin?"Natatawang tanong ni Bryan, ngumisi lang ako saka umiling. Masyadong madali para sa kanila ang mga estudyanteng iyon. Kung sa pagkain appetizer lang ang mga baliw na iyon.

"Don't worry kilala niyo naman ako hangga't nakakapag-timpi ako."Tumawa lang ang mga ito. Nagbukas ulit ng topic si Kyllie pero nakinig nalang ako at hindi sumabat sa usapan nilang tatlo, ngumingiti at tumatawa lang ako pero hindi sumasabat.

Biglang nagvibrate ang aking phone kaya napatingin sila sa akin pero agad ding bumalik sa kanilang pag-uusap. Tumayo ako at sinagot ang tumatawag.

"Where the hell are you Akirra?!"Nailayo ko ng bahagya ang aking cellphone sa aking tainga ng biglang sumigaw si daddy. Ayaw huminahon.

"I'm fine dad, nandito ako sa hide-out namin."Narinig ko ang buntong hininga sa kabilang linya, at dinig na dinig ko din ang sigaw ni mommy.

"Akin na kakausapin ko ang baby ko."Kay mommy ang boses na iyon.

"Ibigay mo kasi sa akin."Kay mommy ulit.

"Ayoko nga, ako muna kakausap sa anak natin."Kay daddy naman.

"Hey dad mom!"Si kuya naman iyon, hays.

"Ang ingay niyo po!"Sigaw ko pero parang wala silang narinig sa tawag at nag-aagawan parin ata sa phone.

Napabuntong hininga nalang ako, para silang high school kung mag-away. Dahil sa nag-away na ang dalawa at mukhang nakisama din si kuya ay tinigil ko na ang tawag, nakalimutan ata nilang naririnig ko sila at hinihintay.

"Hey Akirra!"Pagtawag sa akin ni Kyllie, agad naman akong lumapit sa tatlo.

"What?"Nakakunot noo kong tanong, umiling lang ito at nag-usap usap ulit. Anong problema ng tatlong ito?

"Napa-alis ko na sila!"Agad na bungad ni Clint, tumango naman ako at nagbukas ng facebook. Scroll lang ako ng scroll hanggang sa may nakita akong picture. Isang litratong waning moon, waxing moon at sa gitna ng moon ay isang feather. Kagaya ito ng mga tattoo sa wrist ng mga lalaki na sumugod dito sa hide-out.

Sino ba ang pinuno nila? Ano bang kailangan nila? Ba't ba dumadagdag pa sila sa problema ko?!

Dagdag isipin pa kasi, may misyon akong kailangang gawin pero di ko magawa gawa dahil sa nangyari kahapon. Hindi ako makapag isip ng ayos dahil dyan sa moon at feather na yan. Kunti na nga lang pati ako magpa tattoo dahil sa stress.

"Ayos ka lang?"Nag-aalalang tanong sa akin ni Lylanie, tumango lang ako at kumain ng cake na binili namin kanina.



Tristan POV



"Hoy kanina ka pa tulala dyan?"Napalingon ako kay Mark na nakatingin sa akin. Ako tulala? 

"Anong tulala?"Sabay batok ko sa kanya, akma niya din akong babatukan ng ipakita ko sa kanya ang kamao ko kaya napakamot nalang siya sa kanyang pisngi.

"Kanina ka pa kasi nakatitig sa upuan ni Akirra at tulala pa, namimiss mo ba?"Sinamaan ko ng tingin ang lalaking ito. Ba't ko mamimiss ang nerd na iyon, mabuti nga't wala siya dito dahil nakakairita ang kanyang pagmumukha.

"Hindi ko namimiss ang nerd na iyon, kadiri ka."Ngumisi lang siya at nagkibit-balikat. Bumuntong hininga ako at dumukdok ulit sa aking arm chair. Kung may namimiss man ako ay si Akirra yun hindi si Akirra the nerd kundi si Akirra na nakilala ko sa ground. Basta ang cool niya.

Ba't kasi nagkataon pang parehas sila ng name ng baby ko? 

Sa dinami dami kasing name na pwedeng ipangalan kay nerd bakit Akirra pa? Oh eh ba't ba Tristan? Ano bang pakialam mo sa pangalan nila kung magkapareho? Pangalan lang nila ang magkapareho pero hindi ang pagkatao, panget si nerd at maganda naman si Akirra baby.

"Babe."Bigla akong napaangat ng ulo dahil sa boses na kumiliti sa aking tainga, boses ni Laira.

"What?!"Naiirita kong tanong, ba't ba ayaw akong tantanan ng babaeng ito? Nakipag break na ako sakanya pero ito parin siya habol ng habol sa akin. 

"Samahan mo naman akong mag-mall."Malambing nitong sambit, napatingin ako sa kanyang suot halos kita na ang kaluluwa niya dahil sa napaka ikli niyang suot na skirt, at kitang kita na din ang dalawa niyang pakwan.

"Mag mall ka mag-isa!"Ngumuso naman ito na lalo kong kinairita, mukhang aso.

"Samahan mo na ako."Saka siya lumapit sa akin at dumikit pa sa aking braso ang kanyang pakwan. Tumayo naman ako at sinamaan siya ng tingin.

"Tigilan mo na ako Laira!"Saka ako naglakad palabas ng room, narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko na ito pinansin. Karindi!

Sa pinakadulong hagdan ako bumaba para kunting lakad nalang ay cafeteria na. Pero bago ako makarating sa cafeteria ay nadaanan ko ang soccer field at agad napatigil ng makita ang isang lalaki na naka black hoodie at naka black mask, ano may lamay lang at puro's itim ang suot niya? Lalapitan ko sana ito ng biglang may tumawag sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran.

"Oh?"Sambit ko at agad ding binalik ang tingin sa field pero wala na ang lalaki dun, nangunot ang noo ko at nilibot ng paningin ang buong field pero wala ang lalaking hindi halatang favorite ang itim.

"Anong hinahanap mo dyan?"Umiling lang ako at muling naglakad patungo sa cafeteria. Namamalik mata lang ba ako? Pero impossible kitang kita kong nakatingin ito sa akin.



**********

VOTE and COMMENT!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top