Chapter 7: Result
Nakaririnig ako ng ingay sa paligid. Pakiramdam ko, ang bigat-bigat ng katawan ko.
"'Oy, Shea, gising ka na ba?" may tumatapik nang mahina sa pisngi ko.
"Hayaan mo na kasi nanghihina pa 'yan."
"Eh, malapit na i-announce 'yong mga qualified, eh."
Minulat ko ang mga mata ko and there are two girls looking at me. They seem familiar, sino nga ang mga 'to?
"Thank goodness! Gising ka na, makakatayo ka ba?" asked the girl with a shoulder length hair.
Agad akong tumayo at inayos ang suot ko. I'm lying in the middle of the field kung nasaan kami bago pumasok sa illusion kanina. I guess it's already finished. Did I kill it?
"Uhmm . . . Shea-chan, are you okay?" tanong na naman ng isang babaeng mala-anghel ang mukha at may maliit na boses.
My brows furrowed. Sino nga ang mga 'to? "Don't tell me hindi mo na kami naaalala?!" the girl with the short hair exclaimed.
Napailing ako. "Wala pa ngang tatlong oras tayong nagkakilala 'tapos nakalimutan mo na ako? That hurts, you know? By the way, I'm Eloiny Marvell. The girl earlier, mind reader and tracker are my abilities, and zero gravity is my power. Sorry nga pala kung hindi kita nasamahan sa exam kanina. I'm filled with excitement kaya medyo nagiging makakalimutin ako," paliwanag niya.
Naalala ko na. Siya 'yong may dalang maraming gamit kanina at tinulungan ako upang mapalabas ko ang weapon accessory ko. Speaking of gamit, where are my stuffs?
"Hello, I'm Cein Azura Olieta, if you still remember me. Pasensya na, Shea, kung naghiwalay tayo kanina. Huli ko na kasi napansin na wala ka na pala sa likuran ko," paliwanag no'ng babaeng maputi at mala-anghel ang mukha.
Naalala ko na. Siya 'yong babae kanina na niligtas ako sa 12 points at tumulong sa 'kin.
"Wala 'yon. Salamat pala sa lahat ng tulong n'yo. Kahit ganito ang itsura ko, tinulungan n'yo pa rin ako."
Ngumiti naman sila. "There's nothing wrong with your looks," nakangiting sabi ni El.
"Yeah. Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit binubully nila ang mga nerd, eh," dagdag ni Cein.
Ganyan kasi ang mga tao. Mapanghusga.
"Anyway, okay ka na?" tanong sa 'kin ni El.
Tumango naman ako. Pero ano ba'ng nangyari? Every time I use my power, I become unconscious. My body is still not compatible in this kind of power.
I notice that some students are looking at me. Some are even whispering. Oh, well, I'm used to it. Napansin ko lang na mas kumonti 'yong estudyante ngayon kaysa kanina bago mag-start ang exam. I guess they're already eliminated.
"Nakapasa kaya ako?" I muttered.
Tumingin naman sa akin si Cein while smiling. "You will never believe what happened to you, Shea-chan," sabi niya sa 'kin.
Napahinto ako. Sh*t. Did they saw it? My secret? I must have done something while I'm not in myself.
"Yeah! Kahit nga kami, nagulat, eh. An arrow guy carried you outside the illusion!" Eloiny exclaimed.
Someone carried me? Who? Wala namang may pakialam sa kagaya ko, ah.
"And he is so hot. Yummy!" dagdag pa ni El.
"El nee-chan!" sita sa kanya ni Cein.
Hindi ko alam na ganito pala ang mga nakilala ko. But nah, wala akong pake sa kung sinuman 'yon.
All I need to do is find that jerk who baited me into that 20-point monster. I'm definitely going to rip his head off. Mukhang nagamit ko na naman yata ang kapangyarihan ko unconsciously.
"Hello, students! May I have your attention, please?"
A big screen appeared again in the middle of the field with the headmaster displayed on it. Natahimik naman ang mga tao dito at doon napunta ang atensyon.
"'Ayan na! 'Ayan na!" El exclaimed excitedly.
"Nakakagulat ang mga results ngayon dahil hindi namin inaasahan na out of 507 students who were invited in the academy and took the preliminary test, only 35 survived and the rest was already kicked out," diretsong anunsyo ni Sir Millet.
Napuno ng bulungan ang paligid. Different reactions are heard. Some are very proud; some are crying while the others are just chill. Pero 'tong mga katabi ko, parang mga sinapian kung makareact. I can't believe that I'm already interacting with some people today. At sila pa talagang mga weirdo ang nakilala ko. Napangiti ako sa naisip ko.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Here is the list of passers in the exam. The list was based on how many points you've gathered during the test," sabi ni Mr. Millet.
Another hologram appeared beside the screen dito sa field at doon nakalista ang mga nakapasa.
Pumikit muna ako at humingang malalim bago tumingin. I mentally crossed fingers. Did I make it?
I am searching for my last name. Wala na akong pake sa kung sino ang nauna basta ang importante, makita ko ang last name ko.
Pero nanghina ako at bumagsak ang mga balikat ko nang hindi ko nakita ang pangalan ko. I guess wala nga talaga akong kwenta. I didn't kill that 20-points monster. I hate to admit it but I failed. When I started to disguise as a nerd, hindi ko pa naranasang bumagsak sa mga exam. Dito lang. Hindi nga talaga siguro para sa akin 'to.
Napatingin ako kina El and Cein. They look very happy dahil nakapasa sila. So as the students here in the field.
But wait . . .
Bakit ako lang yata ang nandito na bagsak? I should be kicked out in the academy by now.
"Congratulations! Especially sa top 3 ng exam. Kindly go on stage to be recognized."
Umakyat na ang top 3 students sa stage. I can't believe na nasa second place si Cein. I'm happy for her.
"Ang galing talaga ng babaeng 'yan. Kung tingnan mo, parang 'di makabasag pinggan, eh. Pero kung makapatay ng mga halimaw kanina, parang halimaw din siya," sabi ni El sa tabi ko habang nakatingin kay Cein sa stage.
Oo nga, hindi ko natanong kung ano ang ability at power niya. Ano kaya 'yon?
"Magkakilala kayo?" tanong ko.
"Yep. We're schoolmates. Nagulat nga ako noong nagkasalubong kami kanina sa illusion. Hindi ako makapaniwala na katulad din natin siya," litanya niya. Kaya pala mukhang close sila. Buti pa sila, nakapasa.
"Sayang, rank 18 lang ako. Pero sige na lang. At least, pasado. Wait. Ikaw, Shea, ano'ng rank mo?"
"Wala," sagot ko.
"Huh? What do you mean wala?" naguguluhan niyang tanong.
"Wala. Hindi ako nakapasa," diretsang sagot ko.
"Eh?! Kung ganoon, bakit ka pa nandito? I mean, hindi ba dapat napalabas ka na ng system sa exam? No offense meant girl, ah."
"Hindi ko rin alam."
Nakapagtataka nga kung bakit nandito pa ako kahit 'di naman ako nakapasa.
"Congratulations to the top three students who demonstrated exceptional strength during the examination. So let me introduce to you our third place, with the total of 980 points, Mr. Jonathan Russel!" pagpapakilala ng headmaster sa third place. Kumaway naman ang lalaking may malaking salamin at mukhang masayahin.
Pumalakpak naman ang mga narito.
"For our second place with the total of 1,235 points, Ms. Cein Azura Olieta!" nahihiya namang kumaway si Cein. 'Yong iba, hindi nga makapaniwala na naka-2nd place siya dahil wala sa itsura nito ang pagiging malakas.
"And lastly, the strongest and the highest examinee who almost reach the maximum points of 1,500! For the total points of 1,486, our top 1, Mr. Ren Paxton Montero!"
Kumunot ang noo ko nang makita ang lalaking mukhang mayabang sa stage. So he's the top 1? That jerk. He doesn't deserve that title at all dahil isa lamang siyang duwag.
Most of the girls are screaming by seeing that Paxton guy smiled. So you'd do anything in order to get that title, huh? Baka nga ikaw pa ang dahilan kung bakit na-eliminate ang ibang estudyante, eh.
Nagsibabaan na ang top 3 students at nag congratulate naman sila sa iba pang students. Lumapit naman sa amin si Cein at binati rin namin siya.
Bakit nandito pa rin ako? I don't belong here. But I don't know on how to get out of this school because the gate was already closed and locked.
"I have a final announcement to make," sabi ng headmaster.
"While the exam is ongoing, a demon had entered the illusion. Pero hindi n'yo iyon napansin, hindi ba?"
Most of the students were shocked kahit nga ako. A demon? It really exists?
Paano na lang kung nasalubong ko iyon kanina? Baka nakain na ako n'on at hindi na ako nakaabot nang buhay dito.
"But someone was brave enough to kill it. Hindi nga namin alam kung aware ba talaga siya na demon ang kaharap niya. And she is clever enough to know the weakness of the demon," he emphasized the word 'someone'. That someone must be really strong to kill the demon all by herself. At nakagugulat pa dahil babae pa pala siya kaya medyo maraming nag-react na mga lalaki. They're already admiring her.
"Woah, ang galing naman niya. The fact na babae pa siya at napatay niya 'yong demon. Tiyak may plus points 'yon. Hindi pa kasi ako nakakakita ng demon sa personal," sabi ni El sa gilid ko. Mukhang ang dami na nilang alam sa mundong 'to at ako na lang yata ang walang kamuwang-muwang dito.
"Maybe she's a demon slayer. You know, only demon slayers can slay a demon," sabi ni Cein.
Demon slayer? Sounds cool.
"Baka nga. Pero grabe, may demon slayer tayong magiging kaklase? She must be really cool kasi ang rare ng power niya," El said excitedly.
Muling nagsalita ang headmaster. "But unfortunately, she didn't pass the test. She only got 480 points which is 20 points away from the required points to pass. But because she killed a demon and saved the remaining students inside the field, we decided to give her a plus point of 100. Now she has a total of 580 points and exceeded the minimum requirement to pass."
Sari-saring reaction ang maririnig sa paligid but most of them are saying 'Ang swerte naman niya'. Oo nga, ang swerte nga niya. At pareho pa kami ng case na naka-480 points. 'Yon nga lang, nakapasa siya.
"Please go on stage to be recognized and receive your special award of being the first student who killed a demon, Ms. Shea Alysia Valdemore!" he announced.
Nanatili akong nakatayo and my mind is still processing of what I've heard. What? Ako? I killed a demon? How? Where? When? All this time, ako 'yong tinutukoy ng headmaster at sinasabi nilang demon slayer? I'm a demon slayer? Don't tell me, the monster I've met earlier was a demon? It's a demon? Not a 20-points monster?
"Girl, akyat ka na doon, kanina ka pa tinatawag. Congrats!" masiglang bati sa akin ni El.
"Congratulations, Shea-chan," Cein smiled.
The crowd formed an isle as I slowly walked towards the stage. All eyes were staring at me and I can even hear their comments and reactions.
"What? That nerd is a demon slayer? Seriously, I'm dreaming."
"Maybe her ability is illusion kaya niya nalinlang ang headmaster?"
"Sipsip."
"Pare, demon slayer, oh. Ligawan mo kaya? Pustahan tayo. 'Pag sinagot ka niya, aalis ako ng academy."
"Hindi pa naman ako ganoon kadesperado, p're."
"Siya pala iyon, p're. Wasak ang pangarap."
"Demon slayer siya? Okay lang. Mukha niya pa lang, pamatay na."
"OMFG! She killed a demon? Baka natakot 'yong demonyo kaya namatay."
Hindi ko na pinansin ang mga narinig ko sa kanila. I'm a demon slayer? I thought . . . nevermind.
I claimed my award at tanging ang headmaster at sina Cein at El lang ang nakaappreciate sa nangyari. Kaya pala nandito ako dahil nakapasa ako.
The cloners once again appeared at binigay ang mga gamit namin. And lucky enough dahil nasa iisang room kami ng dorm nina El at Cein. I feel so comfortable with them. Should I open my heart for friends?
"Congrats sa 'tin, guys, dahil nakapasa tayo! Pagod na talaga ako kaya bukas na lang ako mag-aayos," El said while hugging her pillow.
Nandito na kami sa room namin. The room is big enough para magkasya ang tatlong tao.Maganda siya, parang nasa bahay ka talaga. The atmosphere is cozy and homey kaya I feel even more comfortable.
Mayroong katamtamang laki na living room at dalawang mahabang couch. Sa gitna naman ay may center table na gawa sa salamin at may naka-display na cactus. Mayroong malaking divider na punong-puno ng mga libro. May mga nakasabit na random paintings sa wall. Sa gilid ay may pinto kung saan ang kwarto naming tatlo. Isang double deck at isang single bed ang sa loob. I choose the single one at sina Eloiny at Cein sa double deck. The room is spacious enough para magkaroon din kami ng personal space. Sa labas ng room namin ang CR.
"Oo nga. Congratulations sa 'tin and good luck for the rest of the school year. Lalo na sa 'yo, Shea-chan. Ang rare ng power mo. Being a demon slayer is so cooool!" sabi naman ni Cein.
I just smiled at them though smiling is really not my thing. Nakahahawa lang talaga siguro sila.
A demon slayer, huh. Cool name but am I really a demon slayer? Pero hindi lang demon ang napatay ko noon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top