Chapter 62: Versus Queen
SHEA'S POV
Sunod-sunod pa ang naging labanan and I faced three opponents this day. Lahat sila ay natalo ko.
First ay yung Braks na ginamitan ko ng pinky ko. Second ay isang outsider rin na ginamitan ko ng ring finger ko. And third ay isang student rin ng E.A na ginamitan ko lang ng thumb ko.
Lahat sila ay hindi makapaniwala that I defeated those three in a row. Unti-unti na rin akong nagkakaroon ng mga supporters. But some even thought that I'm cheating dahil masyadong madali raw yung pagkapanalo ko.
Wala na akong laban kaya pumunta na ako kina Paxton kung saan nakaupo sa may bandang itaas ng arena. He reserved a seat for me.
"Shea!" bati sa 'kin ni Denise pagkarating ko sa pwesto nila.
"Everything that I said, I take it back!"
Di ko naman sya masisi dahil nag-aalala lang sya sa 'kin. Magkaiba ang mundo namin kaya magkaiba rin ang basehan ng lakas namin. Parang may gusto pa syang sabihin but she chose to be silent at naupo nalang ulit. I sat between Paxton and her.
"Sorry if I didn't give that much entertainment." sabi ko.
Both of them looked at me and smiled, "Anong sinasabi mo dyan? That was wonderful Shea. Seeing you fight makes me realize how weak I am." wika ni Yashiro.
"Don't say that. We all have our strength and weaknesses. Hindi lang talaga nila ako kaya."
"You bet." sagot ni Denise at tumawa.
"Shea." muli nyang tawag sa 'kin.
"Hmm?"
"That thing you said yesterday about the Mistress... Hindi ba myth lang sila? That's what our elders told us. They're just part of our textbooks and literature."
Tumingin ako kay Paxton at maging sya ay nagulat sa kanyang narinig. Oo nga pala, hindi ko pa nasabi sa kanya kung ano yung system nila dito. Panigurado manlalait lang 'to.
"What do you think?" balik ko.
"I don't know. Mukhang wala rin kasi sa personality mo ang mag joke ng ganon. And seeing your strength today even though you don't have a mark---it somewhat makes sense."
I smiled, "Believe on what you believe Denise. I'm not forcing you or anything."
"Let's just say na totoo nga ang myth at ikaw ang totoong Queen ng Underworld, does it mean that Ren is your familiar?" tanong nito.
"Huh? Myth? Sinong may sabing gawa-gawa lang---"
Pinigilan ko nang magsalita si Paxton.
"Yes. He's my familiar and we came here to retrieve my weapon accessory."
Nakita ko na medyo nag p-process pa ang mga info na nalalaman nya but she's trying to keep up. Si Yashiro naman ay tahimik lang.
"Bakit nawala ang weapon accessory mo at pano 'yun napunta dito?"
"It's a long story." sagot ko.
Nag isip pa sya ng tanong at pabalik-balik kaming tinignan ni Paxton. She clicked her tongue dahil mukhang di nya alam kung ano ang una nyang itatanong.
"My Disciple..."
Napatayo ako nang marinig ko ang boses ng Goddess. She's talking to me through telepathy! Did something happen?
"Shea? May problema ba?" tanong ni Denise ngunit hindi ko sya pinansin.
"Master, anong problema?" I asked.
She paused for awhile. Masama ang kutob ko dito dahil ang Goddess na mismo ang kumausap sa 'kin. Mukhang alam ko na ang sasabihin nya.
"This is bad..."
~*~
DENISE' POV
Kinaumagahan ay nagpatuloy ang tournament at kakatapos lang ng laban namin ni Yashiro. Nanalo naman kami pero hindi katulad kay Shea na daliri lang ang ginagamit. Di ako makapaniwalang ganon pala kalakas ang babaeng 'yun. At daliri palang yun ha, pano kaya pag kamao na nya ang ginamit?
Speaking of Shea, parang naging weird sya bigla. I mean yeah, being told that she's the real queen is somewhat weird. Hindi ko alam kung dahil ba sa lakas nya kaya sinabi nyang sya ang totoong queen or she only wants to rivaled Missy. Pero kahit ano man 'yun, I know she's overpowered. Nagsimula yung pagiging weird nya nang matapos ang kanyang huling laban kahapon. Bigla nalang syang umuwi without saying anything to us. Sumunod naman si Ren sa kanya.
Hayy... Ren ng buhay ko. Charot. Oo na alam kong kay Shea na 'yun.
At ngayon ay nandito kami ni Yash sa entrance at hinihintay sila. Pero mag fi-fifteen minutes na kaming nandito pero di parin sila dumarating. Hindi manlang nila napanood ang laban namin ni Yash.
"Hindi kaya nauna na sila sa loob?" tanong ni Yash sa gilid ko.
"Don't be silly. Alam nilang naghihintay tayo." sagot ko.
We waited for a few more minutes at naaninag na nga namin sila. Kumaway naman ako sa dalawa.
"Late kayo!" bungad ko.
Napatingala naman ako kay Ren kasi nga ang tangkad nya. Hays, I've never seen such a gorgeous man in my life. Ang cute pa ng mga tenga nya and its twitching pag nagiging alerto sya. Shea on the other hand looks serious which made her look even scarier.
"May problema ba?" tanong ni Yashiro.
Sus concern lang naman 'yan sa crush nya. If I know namumula 'yan lagi pag nakatingin kay Shea.
"Let's go." sabi ni Ren at hinila si Shea papasok. Sumunod naman kami.
Naupo kami sa itaas na bahagi ng bleachers ng arena. Shea remained silent habang si Ren naman ay nanonood lang ng mga laban.
"I almost forgot!" I exclaimed. Buti nalang naalala ko agad.
Tumingin naman si Ren sa 'kin which made me blush. I am mentally screaming. Tumikhim ako to compose myself.
"A-about sa laban ni Shea..." and now I'm stammering!
"Shea advanced to the semi-finals." pagpapatuloy ni Yash sa sasabihin ko. Ghad pano kaya nya nagagawang kumalma kahit nandyan ang gusto nya?
"Why?"
Parang nayanig yata ang kaluluwa ko sa boses ni Shea. Ang lamig! And she's scary as hell!
"All her opponents forfeited after they watched her match yesterday. All that's left to beat is Zion. The apostle of wrath." paliwanag ni Yash.
"Will I be able to claim the prize after that?" muling tanong nya.
Napalunok ako. Just hearing her voice gives me shivers. Ano bang nangyari? Hindi naman sya ganito kahapon.
"Not yet. Pag nanalo ka, you will advance to the final round where Missy will be your opponent. But before that, you have to beat her familiar. Leighton."
"Pft!"
Napatingin ako kay Ren na pinipigilang matawa. I am mentally screaming again. Gosh bakit ba ang gwapo nya? He's almost perfect lalo na pag tumatawa sya.
Shea took a deep breath na parang kinakalma ang sarili. Nanlaki ang mata ko when Paxton held her hand at mukhang nakakatulong 'yun dahil mukhang kumalma na sya.
Hays nakakainggit. Bigla nya namang inalis ang kamay nya nang mapansin nya ito. Shea akin nalang sya kung ayaw mo sa kanya!
"Okay, I can do this."
"Teka, kinakabahan ka ba?" tanong ko. Parang kanina pa kasi sya di mapakali.
"If I will advance to the semi-finals, what will happen to your matches?" tanong nya. She refused to answer my question.
"Oh, I forgot to mention that we also forfeited." nakangiting sabi naman ni Yashiro.
Kumunot naman ang noo nya, "What? Why?"
"Haha! Everyone's looking forward towards your match against Missy. Lalo na't kalat na ang nangyaring sagutan nyo nung isang araw. Your match will be the main highlight of the tournament." paliwanag ko.
"What about the Eternal Abyss?"
"Just seeing you fight out there makes us hopeless. Forget about that item, we're all scared of your power---ah no, we are all amazed of your power and most of us already decided to give up on that item." saad ni Yashiro.
"At least they know how to read an opponent." komento naman ni Ren.
"Good. I won't let anyone touches that ring." sabi ni Shea sa seryosong tono.
Napatawa naman ako, "You really want that item, huh. Ay, sa 'yo pala 'yun."
Bigla naman akong siniko ni Yash sa gilid. Nagtaka naman ako at nang mapatingin ako kay Ren ay masama itong nakatingin sa 'kin! And that's when I realized what I just said. Nanlamig ako.
"S-Sorry! I didn't mean to insult her! Hindi 'yun ang ibig---"
"That weapon is alive." Shea cut me off. I was too scared to utter a word.
"I told you that it's the Sword of Destruction. The weapon of the Mistress of Darkness and Destruction and anyone who dares to activate it will be killed by the sword itself. It won't recognize other people except the Mistress." paliwanag nya.
"I lost that ring when I fought Lucifer."
Literal na napanganga ako sa aking narinig. Whaaaat? She fought Lucifer?! As in Lucifer?!
~*~
Pinatapos nalang ang mga natitirang matches kaninang umaga and everyone else forfeited. Ikaw ba naman ang makakita ng daliri lang ang ginagamit sa kalaban? Sinong di matatakot? Dagdagan pa na hindi basta-basta ang nakalaban ni Shea.
Una ay si Braks na syang apostle of greed. Sumunod naman ay si Master Vas na reigning champion sa martial arts dito sa Strefelheim at ang pangatlo ay si Amber---ang apostle of envy. But I doubt that Shea even remembered them. Mukhang wala sa mukha nya ang alalahanin ang mga non-worthy opponent para sa kanya.
Tapos na kaming mag lunch and everyone gathered once again to witness the fight between Zion and Shea. Pinapunta na si Shea sa waiting area samantalang kami ay nakaupo lang sa itaas na bahagi ng bleachers. Katabi ko pala si Ren hihi.
"And for the first time in history of Ethereal Academy! Most players already forfeited as seeing the battle of this woman and how she defeated all her opponents! Is she the right one to claim the prize of the Legendary item Eternal Abyss? Ladies and gentlemen! I present to you, Shea Alysia Valdemore!"
Lumabas na si Shea at dumiretso sa ring. Naka focus sa kanya ang spotlight and as usual, poker face na naman ang mukha nya. Panay hiyawan ang audience. Sobrang simple lang ang suot nya. A red shirt, a short and a slipper. Yeah, parang sa bahay lang sya.
"And coming from the other side! One of the most formidable personality in Strefelheim that even the queen alone has a hard time defeating him! The strongest and leader of the apostles with a record of 7-1! Ladies and gentlemen! Our very own apostle of wrath! Zion Dale Rebeira!"
There he is! Zion! Among the apostles, sya ang pinakamatangkad. Spiky ang kanyang buhok at may piercings. Shea must have known him dahil mukhang nag-uusap na sila. Mali, si Zion lang pala ang nagsasalita.
I've experienced his wrath before. I don't know the whole story pero napikon raw sya and almost killed a student. Doon ko nakita ang nakakatakot na aura sa paligid nya. At may usap-usapan rin na pinatay nya raw ang kanyang ama. Whatever it is, he's dangerous. That's why he got the title of the Apostle of Wrath. I hope Shea will be okay.
"Start!" the commentator anounced.
Nagsimula na ang laban. Nagtataka kami kung bakit ni isa sa kanila ay wala manlang gumalaw. Are they waiting for something?
"Ladies first." Zion grinned habang nakapamulsa.
"If I'm the first one to attack, your chance of defeating me will be zero." saad ni Shea.
Well she's probably right. Knowing her strength, Zion could be defeated easily.
Muli itong ngumisi, "Try me."
Casual na humakbang si Shea palapit sa kanya. The crowd fell into silence na kahit ang mga yabag nya ay naririnig na namin. Napuno ng tension ang paligid. Who would attack an enemy head on while being slow and relaxed? I hope she's not underestimating Zion!
Hinawakan ni Shea si Zion but it turns out that it was a clone made of smoke! The real one appeared right behind her! Ngumiti sya ng nakakatakot and I can sense a lust of blood in his eyes. Omg Shea!
"You may look strong but you are still a woman. So I am stronger than you!"
An explosion happened at napuno ng usok ang buong ring. No! Narinig ko ang malakas na tawa ni Zion. He is laughing evily.
"Shea!" napatayo ako. Please, please... Please be okay Shea.
Unti-unting nawawala ang usok. Tinakpan ko ng mga kamay ang mata ko. Waaaah! Di ko alam ang gagawin kapag napahamak sya.
Napansin kong napahikab si Ren sa gilid ko, "Lagot ka." rinig kong bulong nya.
A few seconds later, nakita nalang namin si Zion na tumilapon palabas ng ring. He was drilled on the walls of the arena at wala na itong malay. Yes he was drilled!
Muling napailing si Ren at humikab. What the hell happened?!
Hindi agad kami nakapag react. Maging ang commentator ay hindi kaagad nakapagsalita. Unti-unting nawawala ang usok at nakita nalang namin si Shea sa naglalakad palabas ng ring. She was unscratched.
"Woah! What just happened?! For a moment we saw Zion appeared behind Shea and now he's been defeated?! This is truly amazing! It's just a matter of seconds and the strongest apostle has been utterly defeated by a woman! A no ordinary woman! Shea Alysia Valdemore!" sigaw ng commentator at naghiyawan na ang lahat. Maging kami ni Yash ay nakisabay rin.
Mukhang di ko na pala talaga kailangang mag-alala. Gosh I was worried for nothing. Kaya pala ganon ang reaksyon ni Ren. Mukhang alam na namin kung sino ang mananalo between Leighton and Shea.
Nagkaroon muna ng mga 5-minute break bago muling nagsalita ang commentator. About Leighton, well...
"Ladies and gentlemen! We will now enter the final round where our Queen, the reigning champion—Queen Missy will be facing the challenger! But before that, kailangan nya munang harapin ang sunod sa pinakamalakas sa reyna! Her familiar, Leighton! Will Shea be able to survive the power of the greatest familiar of the Queen?"
Lumabas na si Leighton sa ring at panay ito kaway ng kaway. Ang sasakit sa tenga ng sigaw ng mga babae dahil sya ang may pinakamaraming fangirls sa E.A. May kagat pa itong rose at hinagis iyon sa audience. Nagkagulo naman ang mga babae. Tumawa naman sya ng malakas and everything around him started sparkling to the point na nakakairita nang tignan. Napairap nalang ako.
Napasulyap ako sa crush ko. Syempre si Ren! And guess what, hindi maipinta ang mukha nya. Parehong nakasalubong ang mga kilay nito. He looks disgusted and annoyed.
"R-Ren ayos ka lang?" I asked.
Homaygaaaaassshh! I actually talked to him.
"Why is he shining?" tanong nito sa naiiritang tono.
"I-I believe kasama 'yan sa pagpapasikat effects nya." sagot ko.
"Ah."
Iyon na 'yun? Simpleng "ah" lang? Gusto ko pa sana syang kausapin pero nahihiya ako at nagsimula na ring magsalita ang commentator.
Napatingin ako sa commentator, he has a weird mustache at mukhang mga 4'4" lang ang height nito. Nakasuot sya ng malaking sumbrero katulad ng sa mga magician at malalaki ang ngipin nito sa harap. He wears a tuxedo at may baston itong hawak. He looks weird but quite adorable.
I heard a loud thud at nang bumalik ang tingin ko sa ring kung saan naglalaban si Shea at ang familiar ay napanganga ako. Gaano na ba katagal since nagsimula ang laban? Three seconds? Four? Pero bakit nakabaon na si Leighton sa sahig at di na gumagalaw?! What the heck! Ni hindi ko manlang nakita ang buong nangyari! He's not shining anymore.
Biglang tumawa si Ren sa gilid ko. Ang lakas ng tawa nya na napatingin pa sa gawi namin si Shea. She sighed and nodded habang si Ren ay wala paring tigil kakatawa.
"Mukhang di nya talaga gusto ang nag po-portray sa role nya as familiar kaya tuwang-tuwa ito nang binaon ni Shea sa sahig." bulong sa 'kin ni Yashiro.
"Ano bang nangyari?"
"Hindi mo makikita 'yun kapag hindi ka masyadong focused. Shea just used her point finger." paliwanag nya sa 'kin.
Whaaaat? Yung lakas ng familiar ni Missy pang hintuturo lang ni Shea?
"But Leighton possessed a shadow attribute! Hindi sya basta-basta mahahawakan."
"Even myself can't believe it. Nang ginawa ni Leighton ang sarili nya bilang anino ay simple lamang itong dinampot ni Shea. And then this happened."
Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa sa sinapit ng pangalawang pinakamalakas sa E.A. Well nakarating lang naman sya sa ganyang rank because of his parents.
"Nagmamadali ba si Shea? Pwede nya namang paglaruan ang kalaban muna di 'ba? Like she can pretend that she's about to lose then pag malakas na ang confidence ng kalaban saka na sya mag e-epic comeback? O di 'ba mas entertaining 'yun?"
Umiling si Yash, "She's not like that. At mukhang nagmamadali nga sya. Sinabi nya sa 'tin na kailangan nyang makuha agad ang weapon accessory nya di 'ba?"
Napatango na lamang ako habang ina-announce na ang panalo. Magkakaroon muna sana ulit ng 5-minute break pero tumutol si Shea.
"I don't want to waste any time." sabi nya sa seryosong tono.
Napangiti naman ang commentator at lumabas na naman ang dalawang rabbit teeth nito. He's adorable!
"Ladies and Gentlemen! Here we are for our most awaited part! The battle between the Queen of the Underworld and a commoner! Embrace yourselves for we will once again witness the power of our queen!"
May inihanda nang stretcher sa side ng ring kung saan si Shea. The hell? Are they underestimating her?
Yes, Missy has been the champion of countless tournaments. Maliban sa malakas ang taglay nitong kapangyarihan ay influential rin ang parents nito. That's why she maintained her rank. Pero pag natalo sya ni Shea ngayon, I guess she had no choice but to step down as queen. Sinusuhulan rin ng parents nya ang mga judges kaya kapag hindi masyadong obvious ang resulta ng laban, panigudarong kay Missy na naman mapupunta ang panalo.
Do I still have to worry about the result?
Unang pinakilala si Shea at nakaupo lang sya sa gilid ng ring. Ni walang emosyon ang mukha nito nang tinutukan sya ng spotlight.
"...ladies and gentlemen! Our very own Queen! Missy Gale Chandler!"
Lahat kami ay napatingala. From above, Missy is slowly descending. Nakaupo ito sa isang upuan na parang ginto. She's wearing a red and black long gown at kumintab ito ng tamaan ng spotlight. May suot rin syang royal cape na kulay pula at korona made of black gems.
Nakita kong napairap si Shea. Ganito palagi ang intro ni Missy sa tuwing papasok sya ng ring. Maglalaban ng naka gown. Opposite naman sa suot ni Shea na parang pambahay lang.
"She's funny." narinig kong bulong ni Ren.
I expected na tumatawa na naman sya but he's serious. Nakatuon lamang ang mata nito sa ring and his ears keeps on twitching.
Nang lumapag na si Missy ay tinanggal na nya ang suot nyang korona at cape revealing her sexy figures. Naghiyawan naman ang mga lalaki.
"Ugh, I can't believe that I'll be facing the peasant. Gosh! I don't know what form of cheating you did just to defeat my apostles! But one thing's for sure. You're pathetic."
Napairap lamang ito nang hindi sya sinagot ni Shea.
"I'm going to beat you into pulp and I won't stop even if you're dead. Hell is my kingdom so prepare to be burned!"
Mabilis ang pangyayari. She unleashed her chain whip enveloping Shea's body. I winced nang hinigpitan nya pa ang pagkakagapos dito. Ako ang nasasaktan para kay Shea.
Tinaas nya ang kanyang whip kaya napaangat rin ang katawan ni Shea. Pinaghahampas nya ito sa sahig ng ring dahilan upang masira ang floor. Tumatawa sya habang ginagawa ito. She's enjoying herself.
I bit my lip. I should not be worried.
Matapos nyang paglaruan si Shea ay nakita ko syang duguan. Shit! Shea's bleeding! Dumudugo ang ilong nito at may mga pasa pa!
"Haha what's this? You talk big so I thought you're strong. But look at that disgusting face! Gosh you're pretty but I'm beautiful. Paa lang kita. And the feet belongs to the ground! Bitch! Hahaha!" wika nito at muling pinaghahampas si Shea sa sahig gamit ang chain whip nya.
I can't bear to watch this! Napatingin ako kay Ren at nakatutok lang ang atensyon nito sa dalawang naglalaban. Does it mean na di nga kaya ni Shea si Missy?
"Ahhh... This pleasure! I'm loving this. Hmm..." malandi ang boses nito na tila nang-aakit.
Tumigil na sya sa paghampas.
"You know what? You're boring. Gosh I don't know why I hate you so much! Maybe I'll try to fry you. Hahaha!"
Biglang bumaga ang chain whip ni Missy at papunta na ito kay Shea! Kung tama ako, that fire is from hell! Missy was able to summon and control fire from hell kaya wala pang nakakatalo sa kanya.
"I want you to scream! Hahaha!"
Missy's fire reached the part of the chain whip kung saan nakagapos si Shea. I closed my eyes and expect an agonizing scream pero wala. Anong nangyari? Nahimatay ba si Shea?
Nagsimula nang mag bulong-bulongan ang mga tao. I opened my eyes just to see Missy's face in shock. Habang si Shea ay walang emosyon na inaabsorb ang apoy mula sa chain whip.
"W-What—impossible! That fire is from hell! No one can survive a fire from hell!" di makapaniwalang sigaw nito.
Ngumisi si Shea. Biglang nanayo ang mga balahibo ko. "Hell you say? Don't you know that hell is just a dumpsite in the Underworld? Basurahan ko lang sya."
"The hell are you saying?!"
All of us were in shock nang makita naming unti-unting naghilom ang mga sugat ni Shea.
Napaatras si Missy sa gulat. She was about to move her chain whip ng simpleng kinalas lamang ito ni Shea. Parang iginapos lang sya sa lubid na hindi nakatali. The broken chains are scattered on the floor. Nadurog ito nang inapakan ni Shea.
"I'm sorry but I'm in a hurry now. I promise to acknowledge your power if we meet again."
She raised her hand. Ang Eternal Abyss na naka display malapit sa commentator ay umilaw at biglang lumitaw papunta kay Shea. Kusa itong sumuot sa ring finger nya.
All of us were flustered. Kahit si Missy ay hindi agad nakagalaw. Muling umilaw ang singsing and it immediately turns into a sword! Hinawakan ito ni Shea and her whole body lit up a dark blue color. Biglang nag-iba rin ang damit nito and she looks very beautiful. Parang nakikita ko ngayon ang isang totoong reyna sa image ni Shea.
Nanginginig ako. I can't explain my excitement and amazement!
As she held her sword, tinignan nya si Missy. She's shaking just like me! Kitang-kita ko kung paano naging asul ang mga mata ni Shea. Everything that I've seen, iyon lahat ang naka describe sa libro! A beautiful maiden clothed in darkness. Dark blue eyes that only the disciple can possess, a power that is immeasurable, and a sword that can turn something into nothing.
The Sword of Destruction is now being held by the real Queen!
Ngunit nagulat kaming lahat nang lumusob si Shea papunta kay Missy. What is she doing?! Is she planning to kill her?!
Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Missy nang makita nyang papalapit na si Shea sa kanya. Anong nangyayari?!
But what happens next shock everyone, hindi si Missy ang target ni Shea pero ang tao sa likod nito.
"Shea!" sigaw ko.
Her sword pierced through the commentators heart. Hindi pa sya nakuntento and she even cut his head!
Pero ang mas ikinagulat pa namin ay walang dugong lumabas dito. Instead, nag iba ito ng anyo. Habang nag t-transform ito ay muling umatake si Shea. But before she reached him, Ren grabbed her at inalayo sya. How did he get there that fast?!
"Hahaha! Great timing familiar. One drop of blood from your Mistress and she's finished."
There was a man. No, a monster or even worse, a demon. May hawak syang kutsilyo at alam kong hindi ordinaryo iyon. Kagaya sya ng aming anyo but that tremendous dark energy coming from his body isn't comparable to any other monster. He's on a different level.
Nagsimula nang magkagulo ang mga tao.
I was frozen from my seat but my body won't stop trembling. My instincts are screaming to run away but my body won't listen. Looking at that man, wala akong ibang nakikita kundi kamatayan.
"At last! That old woman is giving me a hard time! If it wasn't for her, noon pa dapat ako nakalaya. Well this body is quite convinient and getting along with people is easy as killing devils."
W-Who is that creature?
Shea tightened her grip on her sword at iwinasiwas ito. A dark light was emitted at patungo ito sa lalaki. Mabilis nya lamang itong iniwasan at natamaan ang likurang bahagi ng arena causing the building to be sliced.
"Nice to see you Sir Millet, our headmaster of Myrrh Academy. Or should I say, Lucifer?"
A-anong sinabi ni Shea?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top