Chapter 60: Eternal Abyss
SHEA'S POV
Hindi parin ako makapaniwala. He's alive. My familiar is alive.
"Buhay na nga ako umiiyak ka parin. Pumapanget ka na talaga." muli syang tumawa at ginulo ang buhok ko.
"Stupid. Di ko parin nakakalimutan yung ginawa mo sa 'kin bago ka 'namatay' sa Underworld."
Nanlaki ang mata nya at biglang namula.
"Panget mo." saad nya at umiwas ng tingin.
Palihim naman akong napatawa.
"Mamaya na 'yang landian nyo may mas kailangan tayong pag-usapan ngayon." singit ni Sarah. "I need you to listen carefully Shea. Dahil muling nabuhay si Lucifer, you need to be vigilant. He might summon his minions everywhere to get more of your blood."
"Don't look down on me, Sarah. I can fight right now if I want to." sagot ko.
"You think so? Sa tingin mo ba talaga kaya mo sya? Sa lagay ni Paxton at status mo, you think you can surely defeat him?"
Kumunot ang noo ko, "Diretsuhin mo na ako. Ayoko ng paligoy-ligoy."
She sighed, "Tignan mo ang kamay mo."
Tinaasan ko sya ng kilay and stare at both of my hands. It takes me awhile before I noticed that something is wrong.
"Di mo parin napapansin?" tanong nya.
Tinignan kong mabuti ang mga kamay ko. Oh I know.
"My ring's gone." I uttered.
"Exactly."
"So?" balik ko.
Napa face palm naman sya and looked at me hopelessly.
"Seriously?"
"Ano? You mean the Sword of Destruction is missing?!" Paxton exclaimed. Sinubukan nyang bumangon pero pinigilan ko sya.
"Wag mo munang ipilit ang sarili mo. And who cares about my weapon, wala namang ibang makakagamit 'non kundi ako lang. It'll come back eventually."
"At doon papasok ang problema." sabi ni Sarah at umupo sa gilid ko.
"What do you mean?"
"You see, the Sword of Destruction contains about one-fourth of your power. Noong sinubukan kong sagipin si Paxton, I borrowed some of the swords' magic since di ko naman kayang kumuha ng kapangyarihan sa 'yo directly. And while he's recovering, your body is unconsciously giving dark energy to your familiar to sustain his life and to uplift the curse that was implanted by the familiar of light." paliwanag nya.
"So you mean my body and my power is not in the perfect state right now?"
"Exactly, and facing Lucifer will be suicide. Half of your power was drained and you need some time to recover it if you want to fight him."
"Hindi 'yun pwede." pag angal ko. "My people and my disciples are risking their lives to hold that monster in the Underworld. I just can't simply run away and 'rest' while they are dying down there."
"Wag ka na masyadong mag-alala mahal na reyna." tumawa sya kaya napairap ako. "All the residents of the Underworld had evacuated in the Kingdom of Purgatory. Princess Kriemhield offered their place since sabi nya may utang na loob raw sya sa 'yo."
May pakinabang rin pala ang brat na 'yun.
"And about Lucifer, the Goddess temporarily restrained him in the 7th circle of hell but it won't last long. Kaya nga kailangan mo na agad mabawi ang kapangyarihan mo bago sya lumakas ulit."
"Ang demon clan?" tanong ni Paxton.
"Shea's disciples as well as Kiyan dealt with them. Mukhang naubos na sila." sagot nya.
"I don't see the point kung ano ang relate ng pagkawala ng weapon accessory ko sa pinagsasabi mo."
A glowing orb appeared in her hands at pinakita nito ang image ng espada ko.
"Paano mo nga noon nakuha ang weapon accessory mo?" tanong ni Sarah sa 'kin.
Napaisip naman ako. Ang tagal na 'non and I barely remember it.
"Kung tama ako, doon ko 'yun nakuha sa may tabing ilog malapit dito."
She put her hand on her chin at nag-isip. "That's right." saad nya at napatango.
"Huh?"
"Noong nakita mo ang singsing, umilaw ba?" tanong nya.
"I don't know?" Di ko siguradong sagot.
"Ugh, seriously Shea?"
"How should I know? Wala naman akong idea 'non na weapon accessory ko na pala 'yun. And I can still fight without a sword. What's the difference?" I stated at napataas ang kilay.
Napailing sya at humingang malalim, "Why are you so stubborn? Hey, Paxton why don't you end your contract with this brat and be my assisstant here instead?"
"Tsk." irap ko.
"Anyway, it seems that your ring is deactivated." saad ni Sarah.
"Deactivated?"
"Noong una mong nakita ang weapon accessory mo, it was also in its inactive state unless its wielder activated it. Ibig sabihin, kailangan mo agad 'yun mahanap bago pa mapunta sa maling kamay. Dahil sa hiniram ko nga ang magic nya para maligtas 'tong familiar mo, the sword unleashes a dark energy to curse me. Pero bago paman mangyari 'yun, I sealed its powers and thrown it somewhere. If anyone else tried to activate it, maari nya akong balikan to curse me to my death unless ikaw ang unang makahawak sa kanya Shea. Your sword obeys to anything you say. That's how it works kaya walang ibang makakagamit sa kanya kundi ikaw lang." mahaba nyang litanya.
"So you mean if anyone else tried to activate my sword, they'll end up dead because my sword will curse them as well?"
"Yes."
Napangisi ako, "Edi ipahawak natin kay Lucifer para mamatay na rin sya."
Huminga syang malalim at napa tampal ng mukha. Maging si Paxton ay napailing, "Lucifer is a different story idiot. Since when did you become so childish?"
Napairap nalang ako.
"Bakit ba ang init ng ulo mo?" sagot ko. "And wait, you've thrown it somewhere?"
"Nagmamadali na ako 'non kaya bumukas ako ng portal. Di ko alam kung saan 'yun papunta."
"So anong gusto mong gawin ko?" I asked.
"You have to find your sword. Kung ayaw mong may mamatay dahil sa sumpa ng espada mo. Once na nakuha mo na ulit sya, mabilis mo nang mare-recover ang lakas mo. Then we can settle things with Lucifer."
"Then where the hell should I find it?"
Muling umilaw ang orb na hawak ni Sarah and my sword changed form. Singsing na ulit ang anyo nito. But something is strange...
"I can't sense my sword in this world. Pero mukhang nasa maayos syang kalagayan."
The ring was placed in a fine-looking pillow. At natatakpan pa ito ng glass. Parang display sya sa isang museum.
"It's in another dimension." sagot ni Sarah.
"Another dimension? Saan?" tanong ko.
Hindi ako singot ni Sarah at nanatili lang syang nakatingin sa orb. Maya-maya pa ay bigla syang ngumisi. Isang nakakatkot na ngiti.
"You're freaking me out." utas ko.
"I'm sending you there right now. Remember, get your weapon accessory as soon as possible. Avoid uneccessary events. And stay out of trouble."
Sarah created a portal that leads to that certain dimension she's talking about.
"Sasama ako." saad ni Paxton at pinilit bumangon.
"Hindi pwede. You need to rest para pagbalik ni Shea magaling ka na. You'll only slow her down." pigil ni aunt sa kanya.
"But—
"Sarah's right. Dito ka lang muna. Kung medyo kaya mo na, maybe you can roam around town and kill some demons para mas mabilis mong mabalik ang lakas mo."
Walang nagawa si Paxton kundi sundin ang sinabi ko. But I'm glad that he's back. Nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib. And now this damned sword is my problem.
"I'm going." saad ko.
"Mag ingat ka. If anything happens to you, sisiguraduhin kong darating ako kahit saan ka pa. Kahit hindi mo pa ako tinawag." buong pag-alalang sabi ni Paxton.
I smiled at him, "Thank you."
Pumasok na ako sa portal at bago pa ako tuluyang umalis ay narinig ko pa ang sinabi ni Sarah, "Show them the power of Myrrh Academy."
--
Mainit na hangin ang dumampi sa aking balat. I opened my eyes and another world welcomed me. Something new yet something common. Busy streets, vintage buildings and a school?
"Tabi!"
Isang lalaki ang tumulak sa 'kin at nakasuot pa ito ng uniporme. Gusot-gusot ito at naka bukas pa ang dalawang butones ng kanyang polo sa taas. Halatang nagmamadali. Sinundan ko sya ng tingin. Papasok sya sa nakabukas na gate na may mga weird symbol sa taas nito. That must be their alphabet.
"Miss tabi!" may bumangga muli sa likuran ko. Then I hear a sudden thud behind me.
Pag lingon ko ay wala namang tao.
"A-aray..." isang lalaki ang naka salampak na sa lupa at hinahawakan ang kanyang pwet. Sya ba 'yung bumangga sa 'kin? He must've hit the ground hard.
"Ayos ka lang?" I asked.
Hindi sya gumalaw. Nakatitig lang sya sa 'kin the entire time. He didn't even blink.
"Woah... Patay na yata ako." I heard him mumble.
Hindi ko pala suot ang disguise ko.
"There you are!"
Isang malakas na boses babae ang umalingawngaw. She was marching towards our direction at parehong nakasalubong ang kilay nito.
"Oh shit." the guy cursed at tatayo na sana nang naabutan na sya ng babae at kinurot sa tenga.
"Di 'ba sabi ko sa 'yo hintayin mo akong matapos magluto dahil ipapatikim ko pa sa 'yo yung niluluto ko?!" naiinis nyang litanya habang kinukurot patayo ang lalaki.
"A-aray Denise nasasaktan ako masakit!"
"Hmp! Bagay lang 'yan sa 'yo, bakla! Pareho lang kayo ni Yui!"
"Eh kasi nga male-late na tayo kaya nauna nalang ako? Hehe.." halatang palusot ng lalaki at awkward na tumawa.
"Sus palusot ka na naman. Bilis na tikman mo muna yung niluto ko." may nilabas na lunch box ang babae at binuksan ito. Sari-saring pagkain ang laman at maayos naman itong nakalagay. Mukha namang masarap ah.
But why am I even staying here?
Napalunok ang lalaki at tila takot na takot.
"D-Denise busog pa ako kumain na ako sa amin."
"Dali na tikim lang naman eh!"
"Eh kasi..."
Napatingin ako sa babae at—teka mukhang iiyak na sya ah. Her silver eyes is on the verge of crying. She looks younger than me.
"S-Sige na nga." napipilitang saad ng lalaki.
May kinuha sya doon na mukhang lumpia at dahan-dahang sinubo. Bigla nalang syang nangitim na parang masusuka pero pinilit nya itong lunukin.
"M-masha-bwa-rap" pilit syang ngumiti at nag thumbs up pa. Pero alam kong pinipigilan na nyang masuka sa harap namin.
Tuwang-tuwa naman yung Denise. Mukhang napansin na nya ako sa wakas dahil tumingin sya sa 'kin.
"Hi. A-attend ka ng festival?" masiglang bati nya.
Festival?
"Ngayon kasi ang Festival ng Ethereal Academy at maraming mga outsider ang pwedeng dumalo. Yung highlight ng event dito ay ang dark magic tournament."
"Dark magic tournament?"
"Yep. Yung alam mo na, laban laban and stuff. Yung grand prize raw sa mananalo ay yung legendary item na Eternal Abyss."
"That's stupid. Eternal Abyss is only a myth. Walang item na ganon kalakas ang kapangyarihan ang nage-exist." singit ng lalaki.
"Oh shut up Yashiro. Weak ka naman kaya di mo na kailangang sumali dun."
"Anong sabi mo?!"
Binehlatan lang sya ng babae. Humarap naman sya sa 'kin at ngumiti.
"Why don't you come with us? We'll show you around our school. Di 'ba Yashiro?" tumingin sya dun sa lalaki.
Parang lumiwanag bigla ang mukha nya at biglang namula. Binigyan nya ako ng malapad na ngiti, "O-oo naman!" he exclaimed excitedly.
Medyo magulo ang buhok nya pero bagay naman sa kanya. He's tall and lean and he has that smile that probably attracts a lot of girls. This girl beside her might be her bestfriend or girlfriend. O well, mas marami pa akong bagay na dapat isipin.
Pero nasan ba ako? I can sense that my sword is somewhere around here.
Muling napunta ang tingin ko sa school nila. Parang kasing ganda ito ng Myrrh Academy. Pero mas malaki nga lang yung M.A
Napangisi ako. My sword is in there. I knew it. And someone's been keeping it. Kailangan kong makapasok doon.
"Umm..."
Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Denise.
"I'm Shea. Nice to meet you." pakilala ko at tinignan sila.
"Great! Ako nga pala si Denise at itong mokong na katabi ko ay si Yashiro. Pinsan ko." pakilala nya.
"H-Hi Shea." umiwas sya ng tingin. He's blushing.
"Yuck namumula ka. Kadiri!" his cousin exclaimed.
"H-Hindi no!"
"Hahaha! Gosh Shea, ba't ang ganda mo? No wonder this dumbass right here has a crush on you. Bago ka lang ba dito? Sa gandang mong 'yan imposibleng di ka makikilala. Which school are you from? Saang uniform 'yan?"
Napatingin ako sa suot ko at suot ko nga ang uniform ng Valdemore High. Great Sarah. Kinuha mo nga ang disguise ko pero di mo naman pinalitan ang suot ko.
"Somewhere that is not worth to be named. I'm just here to attend at your school's festival."
Ethereal High, parang pamilyar sya sa 'kin. I'm sure I've heard it somewhere.
"Nasabi mo kanina na may dark magic tournament. Marami bang mga dark users dito?" tanong ko.
Nagkatinginan naman silang dalawa, "Huh? Hahaha ano ka ba Shea. Puro mga dark magic user ang mga tao dito. Dalawang klase lang ang tao, yung ordinary na walang magic at dark users."
So most of the people here are dark users? Sinasabi ko na nga ba.
"Strefelheim..." bulong ko.
"Oo nga nasa Strefelheim tayo. Okay ka lang ba?"
Strefelheim was a former village in the Underworld about a hundred years ago. Nabasa ko 'to sa libro noong nasa palasyo pa ako. But the village chief decided to cut their ties with us dahil ayaw nilang madamay sa away ng kaharian at Demon Clan. They created another dimension at doon nila napagdesisyonang tumira. Dating maliit na village lang ang Strefelheim but now it appears to be a big city.
No wonder dito napunta ang Sword of Destruction. Malakas ang dark energy na nagagawa ng mundong 'to.
I have to find my sword. Kapag mahuli ako, pati ang mundong 'to ay mawawala rin.
"Can you show me around?" I asked.
Tila natigilan sila nang tinignan ko sila ng diretso sa mata. Damn, they must have sense something. Hindi na nila kailangang malaman kung sino ako. It won't be neccessary. And I think I'm not welcome here if they know who I am.
"S-Sure!"
Pumasok na kami sa loob. Maganda nga ang school nila. Parang hawig lang sa Myrrh Academy. May malaking fountain sa gitna and its sparkling. Naalala ko nung una akong pumasok ng M.A, dito ako unang namangha.
Pag dating namin sa parang park nila, ang daming mga booths. May nagtitinda ng mga pagkain, may kakaibang mga palabas at kung ano-ano pa. This reminds me of the festival back there. Noong una kaming naglaban ni Alysia, and how I was taken by my Master. Doon na nagsimulang gumulo ang lahat.
"Umm... Shea?" Denise called. Tinignan ko naman sya. Si Yashiro ay nasa likod lang namin.
"I know we just met pero pwedeng magtanong? Kahit nagtatanong na ako hehe.."
She reminds me of Eloiny..
"Go ahead."
"Ano... Umm... What class is your power?"
Class?
"Anong ibig mong sabihin?"
"You know, that stuff. C-class, B-class, A-class or S-class." she showed me her wrist at may nakalagay dun na mark ng isang tiger. "I'm a B-class dark user. I can create dark electricity and manipulate it." paliwanag nya.
Napatango naman ako at napatingin kay Yashiro. Tumabi naman sya sa 'kin at pinakita ang wrist nya. A demon.
"Haha nasa A-class ako. I can control and initiate emotions. Negative emotions to be specific." sabi nya at ngumiti. "Don't worry di ko naman 'yun gagamitin sa 'yo."
"How about you Shea? Anong class ka?"
Paano ko ba 'to sasagutin?
Nabigla ako nang hinawakan ni Denise ang kamay ko at tinaas ang coat ng aking uniform. Nanlaki ang mata nya nang makita nyang walang marka ang wrist ko.
"No way. Shea you're...
...ordinary?!" she exclaimed at halatang di makapaniwala. Sa lakas nga eh napatingin sa 'min yung ibang tao.
"Hoy hinaan mo nga ang boses mo. Baka anong sabihin nila kay Shea." sita ni Yashiro.
"P-pero. Akala ko..."
"It's fine. I don't mind it." sabi ko.
"Hayy sayang. Aayain pa naman sana kitang sumali sa tournament Shea. Ang ganda pa naman sana ng prize eh. Pwedeng sumali ang mga outsiders." disappointment was drawn all over her face.
Wala naman akong pake sa prize. I need to find my weapon accessory as soon as possible.
"It's the Queen!"
"Hala patay!"
"Kasama nya ang familiar nya. Si Leighton!"
"Shet ang gwapo nya talaga!"
"And Queen Missy is as hot as hell!"
"Take me to your kingdom your highness!"
"Kyaaaa! Leighton punish meee!"
Agad nag pantig ang tenga ko nang may narinig akong sigawan. Nagsimula naring magkagulo ang mga tao at nagsitabi.
Queen? Familiar? Tama ba ang rinig ko?
"Pst! Shea!" tinawag ako ni Denise na tumabi narin pala. What's this? Another show?
"Anong meron? tanong ko.
"The Queen has arrived." bulong nya
"Huh?"
Napairap nalang sya, "Yung Queen! Si Missy—I mean Queen Missy. The most powerful dark user. Kasama nya ang familiar nyang pogi na si Leighton." kinikilig nyang saad.
Kumunot ang noo ko, "Familiar? What do you mean?"
May iba pang reyna maliban sa 'kin?
"Familiar nga my ghad Shea saan ka bang mundo galing? Bakit hindi mo sila kilala eh sobrang sikat nila! Si Leighton ang familiar ni Missy meaning sya yung pangalawa sa pinakamalakas na dark user. Alam mo naman siguro yung sikat na myth about sa Mistress of Darkness and Destruction and her Familiar di 'ba? Ang Mistress ang tinaguriang Disciple of the Goddess and ang reigning Queen ng Underworld. Ang familiar naman ay ang nagsisilbing bantay ng Queen."
Myth? So our existence is just a myth to them?
"Si Missy ang tinatawag nilang Queen because she possess absolute power at wala pang nakakatalo sa kanya. Si Leighton naman ang sumunod sa kanya. Pag top 1 kasi, you are referred as the Queen. Pag top 2 naman, you are called the Familiar. Sa myth na 'yun inspired ang system ng school na 'to. Pareho silang S-class."
I am speechless.
"Tsk. Mga pasikat." rinig kong utas ni Yashiro sa likuran namin.
Maya-maya pa ay nakita ko na nga sila. Isang babae ang naglalakad na akala mo ay runway ang nilalakaran nya. Pula ang mahaba nyang buhok and her clothes are quite revealing. Naka mini skirt pa sya. May hawak rin syang whip na parang may paparusahan syang ewan as she walks feeling high and mighty. Ayan ang sinasabi nilang reyna nila?
Yung lalaki naman ay nasa likuran nya lang at panay kindat sa mga babae na parang may sakit. Kaway rin sya ng kaway at panay papogi. Iniimagine kong gumaganon si Paxton and I can't help myself laughing. Di ko alam kung ano yung magiging reaction nya pag nakita nyang ganito ang nag po-portray sa role nya. Dapat sinama ko nalang pala sya. He must see this.
"Shea okay ka lang? Ba't ka tumatawa?" tanong ni Denise.
It's been a long since I laugh like this.
"Wala. Pft!"
"A Goddess..." nakatingin sa 'kin si Yashiro at hindi na kumukurap. Binatukan naman sya ni Denise.
"Pero seryoso parang paa lang sya ni Shea." bulong nitong babae habang nakatingin sa mahal na reyna.
"Parang wala pa nga sya sa paa."
Tumawa naman ang dalawa. These guys reminds me of the Alpha. Lalo na ang mga panlalait ni Trevor.
"Pero Shea mag-ingat ka dyan kay Queen lalo na't wala kang kapangyarihan. Paborito nya ang mga tulad mo. The Queen of the Underworld shows no mercy to anyone who's weak. She's the Disciple of the Goddess of Darkness and Destruction so expect the worst from her. Iwasan mo dapat sya if you want to remain who you are. Some has already seen her wrath and they can't bear it. They get to experience a living hell." buong pag-alalang litanya ni Denise.
Napadaan sa harap ko ang sinasabi nilang reyna. She stopped for awhile at napatingin sa 'kin. Tinignan nya ako from head to toe habang nakataas ang kilay. Ilang sandali pa ay umalis narin sya. Kinindatan naman ako ng "familiar" nya. Blanko ko lang silang tinignan.
"OMG Shea ayos ka lang? Did she curse you or something? Anong nangyari?" nag alalang tanong ni Denise and checked every corner of me.
"Wala naman. Okay lang ako."
May platform sa harapan namin at umakyat ang reyna doon. A black smoke appeared from her left hand at may unti-unting nabubuong image dito.
"Listen you creatures!" sabi nya.
"I will join the tournament! And this item..."
A very familiar image was formed from the smoke she created. Nanlaki ang mata ko.
"...The legendary item—Eternal Abyss is said to be the real thing. According to the myth, the Queen of the Underworld owns this and soon this will be mine! Because I am the real Queen! Your Queen! The Queen of Darkness! And no human can surpass my power!"
The crowd cheered maliban sa aming tatlo.
That's it. I found it. That's my ring. Who the hell named it Eternal Abyss?
"And anyone who dares to fight me, will be killed." Ngumisi sya and slash her whip into the air.
"Denise?" tawag ko.
"Hmm?"
Tinignan ko sya at ngumisi, "Mind if I join the tournament?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top