Chapter 6: Continuation
I motioned my sword and cut that cute sea urchin-like creature in front of me.
“Yay! That would be 125 points!” Masiglang sabi ni Cein matapos kong patayin yung 5 points.
They are too adorable that makes me want to carry them home yet, I need to kill them to pass this exam.
“Tara maghanap pa tayo I'm sure hindi pa naman sila nauubos.” sabi ni Cein at naglakad na kami.
Sa wakas nagka-points narin ako kahit papaano by the help of her. Everytime na may nae-encounter kaming mga malalaking points ay sinasakal niya lang ito ng chain whip habang ako ang pumapatay.
“30 minutes remaining.” biglang may nagsalita sa paligid. Must have been the teachers monitoring us.
“Bilis maghanap pa tayo!” sabi niya at tumakbo na naman kami.
Habang tumatakbo kami ay pakapal ng pakapal ang hamog sa kagubatan. Damn, it’s getting harder to get those creatures. Halos zero visibility na ang dinadaanan namin. May maririnig ka ring iilang ungol ng mga nilalang dito at ang iba ay boses ng mga estudyante. I wonder kung may na game over na ba.
“Shit!” I cussed silently nang madapa ako sa nakaangat na ugat ng puno. Guess being a nerd is getting already in me. Bumangon ako at pinagpag ang dumi sa damit ko.
“Cein?” tawag ko pero mukhang naiwan na niya ako.
Great, mukhang ako na naman mag-isa. Ang kapal na talaga ng hamog sa paligid at parang anytime may bigla nalang aatake sa ‘kin.
“Dapa!”
Hindi pa nga ako naka-react when a series of arrows passed just right beside my face! Nadaplisan pa nga ang pisngi ko pati ang tenga ko. Ang dami ko na ngang sugat nadagdagan pa.
“Bingi ka ba?! Sinabi kong dapa ‘di ba? Buti nalang magaling ako umasinta. Tsk!” A guy suddenly appeared from the fog and I can already tell that he's an asshole. Parang isang hunter ang pananamit niya at may bitbit pa siyang bow and arrow.
I was still stunned from what happened kaya hindi agad ako nakasagot.
“Kaya pala. Isa ka lang palang hamak na nerd na lalampa-lampa. Dapat isinama narin kita sa 17 points na pinatay ko sa likuran mo baka umayos pa ‘yang mukha mo.” Mariin na may kasamang tono ng panlalait ang sabi niya sa ‘kin.
Tahimik lang ako habang unti-unting inaabsorb ng sistema ko ang nangyari. Sanay narin naman ako sa ganyan.
“Tandaan mo ‘to lampa, oras na humarang ka pa sa dinadaanan ko hindi na ako mag-aatubiling patalsikin ka sa exam na ‘to.” he said with an evil grin. Whatever I don't care.
“That would be 1,354 points.” Mayabang na sambit niya bago umalis. Ilang saglit pa ay may narinig na naman akong ungol ng halimaw and I'm sure na siya na naman ang may gawa ‘non.
“20 minutes remaining.” anunsyo ng boses na nag mo-monitor sa amin.
Nahihirapan man ako dahil sa natamong pinsala ko kanina ay sinikap ko paring tumakbo upang maghanap pa ng 5 points pero shet lang ang dami nang patay na creature.
Buti nalang at may nakita akong nagkukumpulang mga 5 points kaya agad ko silang pinatay lahat. I already have 480 points. 20 points nalang ang kailangan and that means I need to find four more of those sea urchin-like creatures.
“10 minutes remaining.” muling sabi nung nagmo-monitor sa amin.
Panic is not in my vocabulary kaya pinilit kong maging kalmado. Nagsimula ulit ako maglakad sa zero visibility na gubat. Ang dami ko nang nadadaanan na patay na mga creature at parang nasa forest of massacre ako sa daming dugo na nagkalat sa lugar.
I wonder kung ano nang ginagawa ni Cein ngayon? Nag-aalala kaya siya? Napa-iling ako. What was I thinking? Nobody cares for me except my family. Siguro sinadya niya rin talagang iwan ako kasi napagtanto niyang nakakadiri at isang mahina ang kasama niya. O well, walang samaan ng loob sanay narin naman ako sa mga ganyan.
A sudden roar ang nakapag-alerto sa sistema ko. The sound is very intimidating that it gave me chills down my spine. Hindi yun 5 points sigurado ako. Tumakbo ako habang sinusundan ko ang tunog na iyon. Wala na akong ibang choice dahil pag maghanap pa ako ng five points ay baka maubusan pa ako ng oras.
I gripped my sword tightly habang papalapit ako sa kinaroroonan ng halimaw. Palakas ng palakas rin ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Medyo manipis na ang hamog sa part na pinupuntahan ko pero mahirap parin makakita.
“Nakakainis!” utas ng isang boses lalaki. That voice seems familiar.
Tumakbo ako and there I found the guy earlier cornered into a big rock by a huge, hairy and hideous monster. By the looks of it, mukhang nahihirapan rin ang kumag na kalabanin ito gamit ang pana niya. Is that a 20-point monster? Pero bakit hindi ko yata nakita siya kanina sa big screen bago mag start ang exam?
Third Person's POV
Lahat ng mga in-charge sa monitoring ng entrance exam ay nakatingin sa parte kung saan nandoon si Shea. Kanina pa kasi sila nagtataka kung bakit hindi siya gumagamit ng kahit anong ability.
“I think we should call out the exam Sir. A demon had entered the illusion." sabi ng isang personnel sa headmaster na in-charge sa illusion.
Ngunit nanatili lamang nakatingin ang headmaster sa monitor kung saan nandoon si Shea, ang mayabang na lalaki at ang demon na sinasabi nila. Yes, that creature is not part of the illusion but rather an intruder from the underworld.
“Not yet. Just wait for my signal.” sabi ng headmaster.
“But Mr. Millet that girl has no potential at all. Baka masaktan pa siya at madamay pa ang academy dahil sa kapabayaan natin.” Pagtutol ng kanyang secretary.
Hindi na sumagot si Mr. Millet at seryoso siyang nakatingin sa monitor at inoobserbahan ang mga estudyanteng nandoon.
Sa dako naman nina Shea ay hindi na niya alam kung anong gagawin. 12 points nga nahirapan na siya, ito pa kayang demon?
Hindi siya napapansin ng demon ngayon kasi doon ang atensyon niya sa lalaki. Tila gutom na gutom ito sa kaluluwa ng isang tao sa paglalaway nito. Dinuraan ng lalaki ang matulis na bahagi ng kanyang arrow at tinira ito papunta sa halimaw. Ngunit tila wala itong epekto.
Bakit niya ba ito dinuraan? “Shit!” he cussed dahil hindi manlang ito tinablan.
Nanlaki ang mata niya nang makita si Shea. An evil idea popped in his head.
“Hey there monster! See that girl over there?” sabi niya at tinuro si Shea na sumisilip sa likod ng puno.
Nanigas naman ang katawan ng babae at di makagalaw dahil sa takot. Ngayon lang siya nakakita ng ganitong mga nilalang kaya natural matatakot siya. Ngunit hindi niya ito pinapahalata kahit nanginginig na ang buong sistema niya.
“Once I get out here I'm gonna rip your head off.” Pinapatay na niya ng mura ang lalaki sa utak niya. Bakit niya ito ginagawa? Ano ba ang atraso ni Shea sa kanya?
“Hindi ba mukhang masarap? Siya nalang kaya ang kainin mo? Di rin naman ‘yan makakalaban sayo eh. Ayaw mo ‘non, hindi ka na nga masasaktan, mabubusog ka pa.” nakangising saad nito. At doon na nga napunta ang atensyon ng halimaw.
“3 minutes remaining.” mas lumakas ang kabog sa dibdib ni Shea dahil mauubusan na siya ng oras. Kung hindi nalang sana siya pumunta dito.
Hindi aware ang dalawa na isang demon na pala ang kinakalaban nila at hindi na ito kontrolado ng ilusyon.
Napamura sa gulat si Shea nang bigla itong tumalon sa direksyon niya. Kahit sobrang laki nito ay nagawa nitong tumalon at gumalaw ng sobrang bilis.
Mas bumilis ang tibok ng puso ni Shea. Maliban sa takot na nararamdaman niya ay may iba pang sensasyon ang bumabalot sa buo niyang sistema.
Nakakadiri tignan ang halimaw. Parang gagamba ang posisyon nito habang nakatingin sa dalaga na naglalaway. Kita rin ang matatalim na ngipin nito habang nakangiting nakatitig sa babae.
“Gross.” That what she thinks.
The demon is about to crush her with it’s fist but she immediately dodged it. Paulit-ulit na ginawa ng halimaw iyon pero naiiwasan niya lang. The guy was impressed of her agility by how she dodged every attack of the demon. Hindi niya akalaing ganito kabilis ang galaw nito the fact that she's just a nerd.
“60 seconds.”
Naalarma si Shea na kaonti nalang ang oras na natitira ngunit di pa siya nakakaabot sa minimum points na required sa exam upang makapasa.
Naghahanap siya ng tiyempo at nandyan parin ang kakaibang sensasyon na nararamdaman niya. Hindi niya ito naramdaman nung unang encounter niya sa unang mga halimaw.
Somehow she feels excited. The guy smirked. Bumunot siya ng arrow mula sa kanyang likuran at tinutok ito kay Shea. Mukhang gusto niya talagang pahirapan ang dalaga.
“20 seconds.”
Desperada na si Shea. All she thinks right now is to kill that beast and gain points in order to pass the test. Ang akala niya, 20 points lang talaga ito.
“10 seconds.”
The guy slowly stretched his bow to charge his arrow. He’s aiming at Shea.
“Tignan natin kung anong kaya mong gawin.” ani nito sa kanyang isipan.
Samantala ang halimaw mukhang nairita narin kaya unti-unti siyang kumolekta ng itim na enerhiya sa paligid upang itira kay Shea.
“Five...”
Napatigil si Shea at napatungo. The skull in her sword glows until it covers the whole weapon. Itim na liwanag ang bumabalot dito.
“Four...”
Her eyes once again turned blue ngunit hindi ito napansin ng lalaki o ng halimaw.
“Three...”
She's already desperate. She needs to pass this exam. The guy released the arrow. The demon is still charging for it’s attack.
“Two...”
Pero hindi inaasahan ang sumunod na nangyari. Mabilis na gumalaw ang mga kamay ni Shea at hinablot ang pana na papunta sa kanya. Katulad ng espada niya ay nabalutan rin ito ng itim na liwanag.
“What the—!” Gulat ang lalaki sa nangyari.
Tumakbo si Shea papunta sa demon dala ang pana at espada. Sakto namang tumira na rin ang demon papunta sa kanya but there seems to be an invisible force in front of her deflecting the attack towards the side as she continues to charge forward.
“One...”
She thrust both the arrow and her sword into the head of the demon which cause the demon to roar in pain. Yes, the heart of the demon is located in its head while the brain is in its chest. Shea is clever enough to notice that.
“Die.” she murmured.
And it just a snap, the demon turned into ashes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top