Chapter 58: Feelings of the Heartless
A/N: Thank you so much for waiting kahit matagal akong mag-update. Happy anniversary TNHAS official group! Salamat at nandyan parin kayo at patuloy na sumusuporta. Regalo ko 'to sa inyo haha. Sa mga di pa nakasali, nandon ang link sa profile ko. Sorry for all the errors. Enjoy!
👻👻👻👻
THIRD PERSON'S POV
"A-anong nangyayari pa? Ma? Bakit tayo nagtatago?"
Asked by a seven year old boy. Bigla na lamang may kumatok ng sobrang lakas sa pinto nila na parang masisira kaya agad silang nagtago sa basement.
"Nothing Shawn. We're just playing hide and seek." his mother comforted.
The boy starts to get excited, "Really? Who are we hiding to?"
"Some bad guys." sagot ng kuya nya.
"Steve!"
"I'm just telling the truth." his brother shrugged.
Isang malakas na kalabog ang narinig nila mula sa taas senyales na nasira na nila ang pinto. His mother held him tight habang may hawak na baril ang kanilang ama.
"Mom? Why are you shaking?"
"Shh..."
Several men entered their house. At mukhang hindi pagnanakaw ang sadya nila.
"Hanapin nyo sila!" utos ng pinuno ng grupo.
Laganap na ang krimen at kalamidad ngayon sa buong mundo. Parang biglaan ang paglabas ng lahat ng mga trahedya. Parang katapusan na nga ng mundo sa dami ng mga nangyayaring hindi nila maipaliwanag.
Hindi sapat ang otoridad para pigilan lahat ng mga nangyayari. Tulad ng grupo ng mga lalaking pinasok ang bahay ng isang marangyang pamilya.
Habang nagtatago sila, may nakita si Shawn na lumilipad at kumikislap na bagay. Umalis sya sa hawak ng kanyang ina at hinabol ang bagay na 'yun na palutang-lutang.
"Shawn!"
Mas lalong natakot ang mga magulang ng bata. Maliban sa baka matagpuan sila, ay baka kunin rin ng mga lalaki ang anak nilang bunso.
"Ako nang hahabol sa kanya." Sabi ng ama nila at kinasa ang kanyang baril.
"There!" the boy caught the flying object with his small hand. He gently peek what's inside pero nawala nalang ito bigla.
The boy look disappointed.
"Nandito ka lang pala." napasigaw sya ng damputin sya ng isa sa mga lalaki gamit ang kanyang manggas sa likuran. He started to cry.
"Let go of my son!" his father shouted and pointed his gun towards the men.
"Papa!"
They all smirked at sabay-sabay nilang binunot ang kanilang mga baril at tinutok sa ama.
"Daniel!" his wife came rushing in. Kinakabahan na ito at umiiyak.
"Parang awa nyo na! Kunin nyo na ang lahat ng mga gamit namin. Just please spare our lives!" umiiyak na pakiusap ng kanyang ina. The boy cried even harder making one of the men knocked him off through his neck.
"Shawn!"
"Bitawan nyo ang anak ko kung ayaw nyong butasan ko ang mga ulo nyo!"
"Hahaha! Paunahan nalang tayo." sagot ng mga lalaki.
Hindi na nakapagpigil ang kanilang ama at binaril ang isa sa mga lalaki. Agad naman silang gumanti at binaril ang ama ni Shawn. He fell on the floor dead.
Napuno ng sigaw ang buong bahay while Daniel was bathed in his own blood. A nightmare.
"Ngayon, sumunod ka sa utos namin kung ayaw mong sumunod dyan sa asawa mo."
The wife remained quiet. His older son rushed towards his mother pero agad ring nanlambot nang makita ang ama nilang wala nang buhay.
"MGA HAYOP KAYO! PAPATAYIN KO KAYO!"
Tuluyan nang nandilim ang paningin ng kanilang ina at walang takot na kinuha ang baril ng asawa nya at sinugod ang mga lalaki.
Ilang beses syang nagpaputok pero sadyang di nya sila natatamaan.
"Aba gago 'to ah—
Babarilin na sana sya nang mapatigil ang lalaki habang puno ng takot ang kanyang mukha. Nabitawan nito ang baril na kanyang hawak.
"B-boss anong nangyayari?! AAAAHHHHHH!!!"
Napasigaw ang lalaki at namumula ang kanyang buong katawan. Para syang sinusunog. Hindi sila nakagalaw sa gulat nang makita nilang naging literal na abo ang kasama nila.
Isang napakalalim na boses ang pumuno sa buong silid.
"Before you face death, you must suffer pain. I will torture you, tear you apart. I want to hear your agony, your suffering. I want to see your face buried in misery before I burn you in hell and turn you into ashes that even the God of Creation cannot restore."
Nakakapanindig balahibo ang boses ni Shawn. Parang hinugot sa ilalim ng lupa. Nabitawan sya ng lalaki as all of them are screaming. Nakakarindi ang mga sigaw nila. Parang mga kaluluwa na sinusunog sa impyerno. Nakakatakot. Nakakakilabot.
His eyes were glowing into intense blue, and a red mark formed in his forehead. Para syang demonyo.
An image appeared right in front of him. At pinakita doon si Shea at Eloiny na magkaharapan at mukhang handa nang maglaban. After awhile, the Goddess appeared.
"Arise apprentice. For after the fight, you will be my next disciple. The Master of Darkness and Destruction."
--
Back in the Underworld, a very interesting fight is about to happen. The Mistress of Darkness vs. The Apostle of Love.
Shea is expecting that Eloiny might be the one to kill her someday. Pero di nya inaasahang magkakatotoo pala ang iniisip nya noon.
They both look at each other. Eloiny being cloth in an armor of light while Shea is in a form of a monster.
"Alam kong nagtataka ka kung paano ako napunta dito. But hey, who would have thought that your bestfriend will be the strongest apostle of light? Ang tanga ng kapalaran no? Alam nya palang Apostle of Love ako pero hinayaan nyang maging magkaibigan tayo. Hahaha ang tanga lang."
Mapait na tumawa si Eloiny. Pinipigilan ang luha na dumaloy mula sa kanyang mga mata. Tahimik lang si Shea. Wala manlang syang pinapakitang emosyon.
Biglang sumeryoso si Eloiny, "Alam kong si Master Kiyan dapat ang kalaban mo ngayon Shea. But I want to have this fight with you. Maikli lang 'to. May gusto lang akong sabihin sa 'yo."
She didn't respond pero nagtataka syang tinignan nito.
"Can I ask you a favor? Pwede ka bang mag transform sa anyo mo nung lumabas ka mula sa Goddess Sapphire sa mundo ng mga tao? This will be my last favor Shea. Sana pagbigyan mo ako."
"And why would I do that?" The Queen asked.
"Because I'm your friend."
Napaismid si Shea. That is the silliest thing she ever heard. She's a friend of no one. Especially from the side of Light.
"Alam kong 'yan ang totoo mong anyo. But before everything ends, I want to see your face for the last time." she begged.
Shea spread her wings as her eyes glowed into red. She gave her an evil smile.
"Then make me." sabi nya sa mala-demonyong tono.
Nagsimula na ang laban. Compared to Shea, Eloiny had only a little background towards fighting. Ngayon nga lang nya nalaman na sya pala ang strongest apostle. But she have to do this, for Shea.
Atake lang ng atake si Shea at si Eloiny ay pilit dinedipensahan ang sarili.
Walang ibang maririnig kundi ang kalansing ng mga sandata nila habang nasa himpapawid. Shea refrained from using any of her powers pero halatang nahihirapan si Eloiny at wala syang ginagawa kundi ang umatras ng umatras.
"You have the guts to fight me. Then at least make yourself a worthy opponent, Eloiny."
Shea smashed her down with one hit. Bumulusok pailalim si Eloiny at tumama sa matigas na lupa ng underworld. Napuno ng alikabok ang area kung saan sya tumama at biglang nawala ang malakas na aura mula sa kanya.
Shea smirked at bumaba. Napatingin sya kung saan tumama si Eloiny. Wala syang pinakitang emosyon at tumalikod habang nilagay nya ang kanyang sandata sa kanyang bewang.
Pero nagulat na lamang sya at agad kinuha ang kanyang espada upang gawing depensa dahil biglang umatake ang kanyang kalaban mula sa likod gamit ang kanyang scythe. She casted a light energy towards Shea galing sa naipon nyang kapangyarihan sa kanyang weapom accessory.
Marami na syang sugat at pasa mula sa pagkakahulog. But her eyes were burning of desire to fight. May heart bubble effect pa ang kanyang kapangyarihan.
"Kala mo ba mapapatay mo ako sa suntok lang? Kaya ko nga masaktan ng paulit-ulit at nakangiti parin eh. Yan pa kayang suntok mo lang?" sabi nya at inirapan si Shea na parang walang nangyari.
"I know you would say that."
Huminga sya ng malalim at tinuro ang reyna ng kadiliman, "Kung ayaw mong magpalit sa anyo ng Dyosa at manatili sa mukhang paniki na kalabaw na may mahabang sungay na 'yan, pwes ako na mismo ang magbabalat sa 'yo hanggang sa umiyak ka ng dugo at makiusap sa 'kin. Hindi ako papayag na haharap ka kay Kiyan na mukhang kalabaw na may pakpak!"
Biglang sumugod sa kanya si Eloiny. She swung her scythe as she aims towards her opponent. Iwas lang ng iwas ang reyna in a minimal effort na kinainis ni Eloiny.
"Don't take me lightly!"
Bigla na namang umilaw ang scythe ni Eloiny at iwinasiwas ito papunta sa direksyon ni Shea. Iniwasan nya ito pero mabilis na gumalaw si Eloiny at tumalon papunta kay Shea. Mabilis syang umikot gamit ang kanyang scythe dahilan upang madaplisan si Shea ng kanyang blade.
Tumalon ang reyna palayo sa kanya.
"Sabi ko naman sa'yo babalatan kita eh."
"Since when did you learn how to fight? I'm quiet impressed." the Queen seems amused.
"Since we're playing enemy here, I'll just go with the flow. Hearing it from an enemy makes me wonder if it's an insult or a compliment." sagot ni Eloiny.
"Kelan pa naging seryoso si Eloiny? Infairness mukhang may utak sya ngayon." bulong ni Ezra kay Alison.
"Narinig ko 'yun." sabat ni Trevor.
Natahimik ang dalawa at tinuon muli ang atensyon sa laban. Napatingin si Trevor kay Kiyan. Nakaupo lang ito at nanonood. Pero parang may kakaiba sa aura nya kumpara noong nagsimula ang laban.
"Master, are you alright?" tanong nya.
Matagal sya bago sinagot ni Kiyan. Napatingin ito sa kanyang familiar na walang malay at agad syang napatayo nang unti-unti itong umilaw. Nilapitan nya si Alzena at hinawakan.
Unti-unting dumilat ang mata ni Alzena, "M-master..."
Hinawakan ni Kiyan ang ulo ni Alzena at unti-unting umilaw ito. It took a few seconds bago nya inalis ang kanyang kamay. But nothing seems to work.
"The curse that the Fox planted on her cannot be removed or healed Master. It's a permanent curse na ang kapalit nito ay ang buhay ng user. Both of them sacrificed their lives para mabigyan kayo ng pantay na laban." malungkot na paliwanag ni Fire.
"You can't die."
Lahat sila ay gulat na napatingin kay Kiyan. Ngayon lang nila narinig na nagsalita sya ng ganon sa kanyang familiar. Puno ng lungkot ang boses nya. Knowing the relationship between the two, hindi palasalita si Kiyan at kinakausap lang nya si Alzena kapag may iniutos sya dito.
**Flashback**
"Sino ka?" mataray na tanong ng isang nilalang na may kakaibang anyo. May pakpak ito katulad ng sa agila at ang kanyang damit ay gawa sa balahibo ng ibon.
Napaatras ang binata nang makita ang nilalang.
"Tsk. Bakit ba ako napunta dito. Akala ko yung magiging Master ko na, yun pala isang bata lang."
Aalis na sana ang babaeng ibon nang magsalita ang binata.
"A-ako ang Master mo."
Napatigil ang babaeng ibon sa gulat at natatawang humarap sa binata.
"Ha?! Ikaw ang Master ko? Eh mukhang tatangayin ka na ng hangin mula sa mga pakpak ko eh. Hahaha!"
"Nagsasabi ako ng totoo. Ako ang master mo at ikaw ang pinili upang maging familiar ko." he insisted.
"Kung ikaw man ang master ko, patunayan mo. For 200 years, ang pinakamalakas lamang na mga masters ang pinagsisilbihan ko. Prove yourself that you are worthy of my service."
Natahimik ang binata at napayuko. Lumaki syang walang kapangyarihan at ang binigay sa kanya ngayong kapangyarihan ay masyadong malakas at di nya pa ito alam gamitin.
Dahil sa wala itong imik, napaismid nalang ang babae. "What's your name?"
"Kiyan Hayashi." mabilis nitong sagot.
"If you want to be the King down there and lead those people to Light, prove yourself to me first if you are worthy of your powers. It is then that I will give my life to serve you."
Bumalik sya sa mundo ng mga tao at doon sinanay ang kanyang kapangyarihan. Walang dapat makaalam na sya ang bagong Master of Light and Creation kaya nilihim nya maging ang kanyang pagsasanay.
Binuhos nya ang kanyang oras upang makalimutan ang mapait nyang karanasan sa nakaraan.
"You won't go anywhere if you keep on doing that." nagulat sya nang may biglang nagsalita sa kanyang likuran habang sya ay nagsasanay.
Ito pala ang babaeng ibon na magiging familiar nya. Nasa anyo syang tao at di maipagkakailang maganda ito. Literal na nilalang ng liwanang na bumaba sa lupa. Kumikintab ang mala-ginto nyang buhok habang mataray na nakatingin sa binata.
"Lumaki ka ba ng walang kapanyarihan? Haha. Eh panay suntok lang ang ginagawa mo eh. Di mo naman ginagamit ang kapangyarihan mo."
"Narinig ko kasi na pag malakas ang katawan mo lalakas rin ang kapangyarihan mo." sagot ni Kiyan.
Napabuntong-hininga ang babae at biglang inapakan ang isang magandang bulaklak sa kanyang gilid. Inapakan nya ito hanggang sa parang madudurog na. Nagtatakang nakatingin sa kanya si Kiyan.
"Buhayin mo." utos nya.
"Ha?" takang tanong ng binata.
"Sabi ko buhayin mo."
Dahan-dahang hinawakan ng binata ang bulaklak pero walang nangyari. Sinubukan nya muli ito pero wala parin.
"Alam mo kasi, masyado kang maraming iniisip. You're the disciple of light but your heart is filled with darkness. Pano mo matutulungan ang mga nilalang dito na nasakop na ng kadiliman kung ikaw mismo ay isa na sa kanila?"
Napatigil si Kiyan sa sinabi nito.
"Kung hindi mo kayang buhayin ang bulaklak na 'yan, then you don't deserve to be our Master."
Unti-unting naglaho ang babae sa kanyang harapan hanggang sa tuluyan na itong mawala.
Tinignan nyang muli ang bulaklak. It may be weird for him pero naawa sya dito. Wala na syang ibang iniisip kundi kung pano maibalik sa dating ganda ang bulaklak na inapakan ng babae. He unconsciously touched the flower, at unti-unti ito muling nabuhay.
Nanlaki ang mata nya at tuwang-tuwa sa nakita. He finally did it! Sa wakas ay kaya na nyang gamitin kahit papano ang kanyang kapangyarihan.
Sunod-sunod pa syang nagsanay at sa tuwing nagsasanay sya ay laging sumusulpot ang babae at tinatarayan sya. Nung una naiinis pa si Kiyan ngunit habang tumatagal ay nakuha nya rin ang totoong intensyon ng babae. Gusto lang syang tulungan ng babae upang magamit nya ng tama ang kanyang kapangyarihan.
Pasimple syang sinasanay nito at marami na syang natutunan mula sa babae.
"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ni Kiyan habang nagpapahinga.
"Sasabihin ko lang sa 'yo kung naging familiar mo na ako."
Taon na ang lumipas at patuloy paring nagsasanay si Kiyan at pasimple naman syang tinutulungan ng babae. Hanggang sa tuluyan na nyang na-master ang kaya nyang gawin.
"Alam mo dahil sa mahina ka naman, gawin mo nalang na light energy ang sarili mo tuwing naglalaban ang mga apostles mo. Mas matulungan mo pa sila pag ganon ang ginawa mo. Lalakas ang kapangyarihan nila at di sila gaano masasaktan sa tuwing may laban kapag yun ang gagawin mo. Alam ko namang lampa ka eh."
"Pwede rin." maiksing sagot nito.
Palihim na napangiti ang babae saka tumayo. Pareho kasi silang nagpapahinga.
"Meet me in a week in the 2nd sphere of heaven. Be ready for an intense battle." biglaang sabi nito.
"Maglalaban tayo?"
"The match will decide if you do really deserve me as your familiar. By the way, my name's Alzena."
**End of flashback**
"Master..." she uttered in a voice almost whispering. Nanghihina na talaga sya.
Muling inulit ni Kiyan na pagalingin si Alzena but the curse is too strong. Hindi na talaga ito matatanggal. Hinawakan ni Alzena ang kamay ni Kiyan.
"Mahina ka pa rin, alam mo 'yun? You pretended to be cold but deep inside you care more than anyone. I miss the old you, Kiyan."
"I said don't die. You dare defy my order?" Matigas na sabi nito. Pero ramdam ang lungkot sa kanyang boses.
How can he forget the person who helped him and whose always with him nang mawala ang lahat sa kanya?
She is the one who first ever taught Kiyan about magic and how to control it properly. Their relationship might have change but their care for each other never did.
She is Kiyan's strongest ally.
"Remember what I taught you before. You know what to do, Master."
Tumulo ang luha sa kanyang mga mata habang nakangiti at nakatingin sa kanyang master, "I'm sorry..."
"Back then—
Natigilan si Alzena nang magsalita ang master nya.
"Why did you help me?"
Mahina syang napatawa bago nagsalita, "Because I know you're strong."
Unti-unti na syang naglaho katulad kay Paxton. Just like Shea, nanghina rin si Kiyan dahil sa pagkawala ng kanyang familiar.
The apostles cried as Alzena disappeared from their sight. Alam nilang mangyayari ito pero di nila inaasahan na masasaktan sila ng ganito.
"You did well." mahina at malungkot na sabi ni Kiyan.
Fire tapped him on his shoulders na nagsasabing nandyan lang sila at di sya iiwan. Napalingon rin sa kanila si Eloiny at malungkot silang tinignan.
Bumaling si Eloiny kay Shea at nakatingin rin ito sa kanila. Tumigil silang dalawa sa paglalaban at lumayo sa isa't-isa. Biglang nag-iba ang atmosphere ng paligid. Umihip ang malakas na hangin at kakaibang sensasyon ang gumapang sa kanila na nakakapanindig balahibo.
"Shea." tawag ni Eloiny.
"If there's life, then there is death. Where there is light, there is shadow. Hindi ko inaasahang malakas ka Eloiny. For you to withstand my strength for a long time means you are worthy to be called the Strongest Apostle." she paused for a moment then smiled, "Let's have a good fight."
Biglang nabalutan ng itim na usok ang buong katawan ng reyna. Unti-unting nag-iba sya ng anyo. Ang kaninang itim na usok ay napalitan ng pula. The beast turned into a beautiful maiden, clothed by her darkness. A beauty that represents the Queen of Darkness.
Napatulala si Eloiny. Maging ang lahat na nanonood nang muli nilang nakita ang totoong mukha ni Shea.
Ngumiti si Eloiny at hinawakang maigi ang kanyang scythe.
"Here I go."
Nagsimulang sumugod si Eloiny. Napuno ang lugar ng kalansing nga mga sandata nila. Hindi tulad kanina, mas naging agresibo ang kanilang mga atake. Lalo na kay Eloiny na parang umiba bigla ang paraan ng pakikipaglaban.
Napapaatras si Shea at wala manlang syang ginawa kundi dipensahan ang sarili. Itinaas ni Eloiny ang kanyang scythe at nabalutan ng liwanag ang blade nito. Iwinasiwas nya ito papunta kay Shea ngunit tumalon ang reyna at naiwasan nya ito. Isang malakas na pagsabog ang naganap nang tumama ang atake ni Eloiny.
Muli syang sumugod. Lumaban ang reyna. Parang may sariling mundo ang dalawa. Parang naiintindihan nila ang isa't-isa kahit hindi nagsasalita.
"Sometimes there are things that can only be settled through fighting." sabi ni Cein. Nasa isang tabi rin pala sya at nanonood kasama si Drew.
Maputla at maitim ang kanyang mga labi. May maliit rin na sungay na tumubo sa kanyang noo. Hinawakan nya ito at napangiti nalang.
"Ang hilig talaga maglaro ng panahon. Who would have thought na magiging alagad rin ako ng kadiliman. At ang pinakamalapit kong kaibigan ang itinadhana upang isa sa mga papatay sa amin."
Napahinga sya ng malalim, "I wonder what would be the end."
Patuloy na naglalaban sina Shea at Eloiny. Nakakakilabot pero kung titignan ay halos magkapantay na ang lakas nila. Both of them are fighting to the fullest.
"Galit ako sa 'yo Shea, alam mo 'yun?" nanginginig ang boses ni Eloiny nang magtagpo ang sandata nila.
"Nakakainis ka! Bakit ganyan ka? Bakit pilit mong sinasarili ang problema mo? Takot kang masaktan kami? Natatakot kang madamay kami? Eh duwag ka pala eh! Kahit anong iwas mo ito parin ang tinandhana sa atin!" tumalon si Eloiny papunta kay Shea ngunit umiwas lang ang reyna.
"Kaibigan kita eh! Bestfriend ka namin ni Cein! You don't have to face your struggles alone because we are here. Nasasaktan rin kami sa tuwing palihim ka naming sinusundan at nakikitang nasasaktan! You don't have to face it all by yourself." umiiyak na sya. Pero patuloy parin ang kanyang pag atake.
Tahimik lang si Shea.
"Nakikita mo ba ang sitwasyon natin ngayon? Iniiwasan mo kami pero mukhang nakatadhana na tayong mag tagpo! You being the Queen of the Underworld and I being the Apostle of Love. Look at Cein..." tinuro nya si Cein na nanonood sa malayo. Nagulat sya nang tinignan sya ng dalawa nyang kaibigan.
"She also became a creature of darkness. See? Look how destiny played our fate. It's bullshit!" nagulat silang lahat dahil parang ibang tao ang nagsasalita ngayon. Parang hindi sya si Eloiny na masayahin at palabiro.
But what she said is purely from the heart.
"Binuwis ko ang buhay ko para mapuntahan lang kita dito! Hindi ko pa noon alam na isa rin ako sa mga apostles kaya natatakot ako. Natatakot ako na baka dito na ako mamamatay. Pero mas natatakot ako kapag may nangyaring masama sa 'yo. Hindi akong mag aatubiling kalabanin ang Goddess kahit sya pa ang gumawa sa 'yo dahil sya rin ang dahilan kung bakit ka nagkakaganito! Handa kong sulungin kahit ang impyerno Shea. Maligtas lang kita." tuluyan nang bumuhos ang luha nya.
Tumigil si Shea at doon na nagkaroon ng pagkakataon si Eloiny para tamaan sya ng kanyang atake. Bumagsak si Shea sa malamig at patay na lupa ng Underworld. Napaluhod si Eloiny at humagulgol ng iyak.
Tila nawala bigla ang madilim na aura na bumabalot kay Shea. Parang nabigyan ng buhay ang kanyang mga mata. Napuno ito ng emosyon at ang halimaw sa loob nya ay tuluyan na nyang natalo. Umiyak rin si Shea. Hindi nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Yung kinimkim nya sa matagal na panahon ay nailabas nya lahat.
The Queen of Darkness cried over the Apostle of Love.
"I'm sorry..." the queen whispered from her mouth.
"Hey Trev, ano ba ang kayang gawin ng Love?" tanong ni Ezra.
"Love itself is a powerful entity isn't it? It is the reason kung bakit hanggang ngayon nag e-exist parin tayong mga apostles. Kahit magulo ang mundo, love still holds us together."
Biglang nagsalita si Kiyan pero nakatuon parin ang atensyon nya kina Shea at Eloiny, "Love is patient and kind. It does not envy or boast. It is not arrogant or rude. It does not insist on its own way. It is not irritable or resentful. It does not rejoice by wrongdoing but rejoices with the truth. Love bears all things, believes all things, hopes all things and endures all things."
"Said by the God of Light and Creation." dugtong nya.
Ngumiti sila, "Well I guess it's already settled." sabi ni Ice saka humikab.
"Natulog ka?!" gulat na tanong ni Vishna.
He blinked several times saka muling humikab. Napailing nalang sila.
"I guess it's now your turn, Master." lahat sila ay nakatingin kay Kiyan.
Ngunit ang madilim na Underworld ay mas lalong dumilim at lumamig. Nag iba ang kulay ng mga ulap. Naging pula ito katulad nang sa apoy. Humangin nang lumakas at biglang napatayo ang Goddess.
"How—?"
May napakalaking magic circle ang nabuo sa kalangitan. At may mga nilalang na unti-unting bumababa rito. Horned creatures with sharp fangs and red skin. Some are dark and some have no eyes. A legion of demons just came from the sky. Napuno ang kalangitan ng Underworld.
"Demon clan..." mahinang sabi ni Ehra.
Ilang sandali pa, isang napakalaking nilalang ang huling nagpakita. A dark-skinned dragon with red eyes and three heads. Matatalas at malalaki ang kuko nito at napakalaki ng kanyang pakpak. It started to roar na halos ikabingi nila. Nakakatakot, nakakakilabot.
"Paano sya nakatakas?!" gulat na sigaw ng Goddess. Napatayo maging si Kiyan.
"Lucifer..."
👻👻👻
A/N: Yung sinabi ni Kiyan about love, sa Bible ko 'yun kinuha. 1 Corinthians 13:4-7. In case gusto nyo malaman at kung pamilyar kayo dun haha. Tuloy-tuloy na ang UD. Hopefully hahaha. Last 2 chapters nalang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top