Chapter 54: Acceptance

A/N: Sorry for the super long wait. This chapter includes violence so kung mahina ka dito, wag mo nalang basahin. Pero kailangan eh. Haha. I GOT SOME SCENES FROM TOKYO GHOUL PERO HINDI LAHAT. Syempre may iniba naman ako. Pero inspired sya dito. Kaya wag nyo ko ibash kasi kakainin ko talaga kayo.

👻👻👻👻

ELOINY'S POV

Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa narinig ko.

Ako? Apostle of Love? Ha-ha. Baka pinagtatawanan na ako ngayon ni Marjorie kung nandito sya. Yung ipis na nagsasalita na may boyfriend.

"P-pano nangyari 'yon?" tanong ko.

"Remember when your body suddenly glowed when we are dealing with those dark apostles?" nakangiting sabi ni Lady Ezra.

Tumango naman ako. Naglo-loading parin ang utak ko hanggang ngayon.

"That's the time when Master gave you the power of Love and declared you as our strongest Apostle. Kung napansin mong nag-iba bigla ang itsura ng weapon accessory mo so as your body already has a high tolerance regarding in dark energies. That also explains on how you make Shea escaped from the Goddess Sapphire." paliwanag nya.

"Now why didn't I think of that?" singit ni Lord Fire at agad kinuha ang notebook nya at may isinulat.

"So hindi talaga lumabas si Shea dun dahil nairita sya sa sigaw ko?" ewan ko kung ba't yun agad ang natanong ko.

"Posible rin. Ikaw ba naman ang sumigaw. Pati siguro patay magigising eh." sabat ni Trevor.

"Sigaw ng sigaw na nga 'tong puso ko sa 'yo pero di mo parin naririnig."

"Ano 'yun?" tanong nya.

Umiling ako, "Wala."

Buti nalang bingi sya. Kung ako yung Apostle of Love, ano na kaya ang magagawa ko? Ibig sabihin malakas na ako 'non diba?

Parang sisigaw ba ako with love tapos lalabas ba ang dapat lalabas? Teka, na green yata ako dun.

All of a sudden, may itim na usok ang lumitaw sa harapan namin. Bigla akong kinabahan at napahawak kay Trevor. Nakakapagtaka lang na kalmado silang lahat.

Isang babae ang nabuo mula sa usok na 'yon. Ang ganda nya at parang nasa mid 20's lang sya. Naka office clothes pa sya na mukhang kakagaling lang sa trabaho. Meron ulit lumitaw sa likuran nya at namukhaan ko sya.

Sya yung papa ni Shea. Malaki ang pagkakahawig nila ni Shea at sigurado akong papabol rin 'to noong kabataan nya.

Yung anyo nya ay parang yung kay Ren pero kulay brown yung buntot at tenga nya. Ganito ba lahat ang anyo ng mga familiar?

"Good to see you again." bungad ni Master sa kanila.

"Tsk. Tagal nyo." sabi ni Ren.

"Eh ito kasing si Zeph ayaw sumama eh. What kind of familiar is abandoning his Mistress?" sabi nung babae.

"Di ka na naman reyna ah. At nandito ako para sa anak ko, hindi para sa 'yo." sagot ng papa ni Shea.

"Ewan ko sa 'yo."

Para silang teenager na nag-aaway. Sya ba ang sinasabi nilang dating Mistress bago kay Shea? Sarah yata ang pangalan nya kung hindi ko nakalimutan.

"Let's go. We don't have much time."

Sabay na tumayo si Master at Ren. Bigla akong kinalabit ni Trevor kaya napatingin ako sa kanya. Kinuha nya ang kamay ko at may binigay sa 'king heart na keychain.

Simpleng heart lang sya pero makintab. "Para saan 'to?" I asked.

"Good luck charm?" sabi nya saka tumawa. Bigla na namang may kung ano sa tiyan ko at parang lalabas na yung puso ko sa ribs ko.

"Take care okay? Believe in yourself and rescue your bestfriend. You're not weak anymore Eloiny. Alam kong kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa. Trust your instincts."

Nagulat ako nang bigla nya akong hinila papalapit sa kanya at hinalikan ako sa noo. Agad syang tumakbo paalis kasama ang ibang Alpha, si Sarah, Seraphina at ang papa ni Shea. Ni wala manlang akong oras makapag react.

Natulala ako at tanging tibok ng puso ko lang ang nariring ko. Ano 'yun? Joke ba 'yun? Crush nya din ba ako?

"Eloiny."

Nabalik ako sa ulirat nang narinig ko ang boses ni Master na tinatawag ako. Lumingon ako sa kanya at dalawa sila ni Ren ang nakatayo sa likod ko.

This two hot and strong guys na parehong mahalaga kay Shea. Ang swerte talaga ng bestfriend ko.

"If we ever get into a tight situation, we're going to need your help." sabi nya habang seryosong nakatingin sa 'kin.

I've never seen Master this serious before. Oo tahimik lang sya but he acts as if he doesn't care at all o di kaya ay madali lang ang lahat sa kanya. But this time, I can see fire in his eyes. Those burning eyes na nagsasabing gagawin nya ang lahat for this mission to be successful.

"Yes Master." sagot ko. Kahit di ko pa alam kung ano ang kaya kong gawin as 'The Strongest Apostle', kailangan ko lang magtiwala sa sarili ko. Yun ang sabi ni Trevor.

Palakad-lakad ang familiar ni Shea at halatang di mapakali. His face was not that good at parang nasasaktan sya.

"Umm... Ren ayos ka lang?" tanong ko.

"No I'm not." diretso nyang sagot. Baka natatae.

Tatlo nalang kami ang natira dito. The Alpha was assigned on the front lines to clear our way and our escape route. At sina Seraphina naman ang magsisiguradong hindi kami makikita ng Goddess at mga apostles.

Each Alpha ay may hawak na flare guns which shoots smoke as indicator of their current situation. Green means eliminated na ang mga kalaban at pwede na kaming dumaan, yellow means may nakatakas, red means reinforcement, violet is for emergency and black means the Goddess or Apostle had been spotted. Only resident of the Kingdom of Light ang makakakita ng signal flare so safe ang plano namin. We can't communicate through telepathy dahil kahit si Master ay limited lang na kapangyarihan ang kayang gamitin dahil sa hangin ng Underworld.

We expected na hindi lahat ay maayon sa plano so we three act as reserves at mag re-respond kami if someone sends out a black smoke. Once sent, Seraphina and her group will go to the front lines habang ako at si Ren ang pupunta kay Shea. Master Kiyan will be our protection.

"There!" Ren exclaimed.

A green smoke was spotted di kalayuan sa amin. Mula ito sa ilalim ng mismong kastilyo na tinatayuan namin since dito nakakulong si Shea.

According kay Alysia, under this castle lies an abandoned underground village. Alam naman ni Ren ang daanan so he will serve as our guide.

Napalunok ako. Heto na. Our game will begin. Nagsimula na kaming tumakbo pababa kung saan may hagdan papuntang underground. Kinakabahan ako dahil ito ang unang misyon ko bilang Alpha at pinaka sensitibo.

Dapat talaga inasikaso ko nalang muna yung insurance ko bago pumunta dito eh.

    
  
--
 
 
(Before the Alpha's attack)
SHEA'S POV

I am sitting on a chair. Chained. All my limbs have regenerated but the pain remains. Why am I here? I can't calm down. Ang bilis ng paghinga ko at ayaw tumigil ng luha ko sa pagpatak.

I am a Queen. I'm not a damn princess who's completely hopeless and waiting to be saved. I should handle all this shits going around me. But what the hell am I doing? Why am I being tortured? I'm shaking. Di ko alam pero takot na takot ako. I want to die. Just please someone...

Kill me right now.

Kiyan...

Paxton...

Eloiny...

May biglang humawak sa mukha. It was warm and gentle like I was being caressed by my mother. Bigla nalang kumalma ang buong sistema ko.

"M-mom..."

"Shea..."

Gayon na lamang ang panlalaki ng mata ko at sunod-sunod nang tumulo ang luha ko.

"You..." I called.

She was standing infront of me. Her night blinding hair covers her eyes. Her pale skin was full of demonic tattoos, she has dark lips, fangs, horns. Half of her face were covered with scales. A sclae of a demon. Her nails painted in blood as she put it into her lips. She smiled evily as she watch me suffer in the arms of my Master.

"Long time no see, Shea. What's wrong? You've been mangled haven't you?" she asked still holding my face.

Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya. She's that monster. The monster inside me.

"You're pathetic." she said.

Standing in front of me, talking, is my power. She is my power, she is the Darkness and Destruction.

May narinig akong biglang bumukas na pinto.

"The Master is here." sabi nya.

Galing ba sya sa imagination ko? O kinakausap nya talaga ako?

Lumapit sa 'kin ang Goddess holding those clippers which she used to cut my toes and fingers. Bigla nyang hinila ang buhok ko.

"Have you started counting?"

"AAAAHHHHH!!!"

She removed my nails. Inisa-isa nya ito mula sa paa ko hanggang sa kamay ko. I was screaming and shouting and crying. Blood spurted all over as I heard every cracking sound of my bone being cut and smashed. Nagwawala na ako dito. Gusto ko nang mamatay. The pain is killing me.

"How far did you count?"

"966... 965... 964... 96—AAAAAAHHHH! TAMA NAA!"

She's torturing me. Paulit-ulit nyang pinuputol ang mga daliri, kamay at paa ko. The Goddess made me count from 2,000 backwards. I don't understand this instruction at first but later on I realize that these numbers keeps my sanity.

I clinged to these numbers para hindi ako tuluyang mabaliw sa mga pinanggagawa nya sa 'kin.

"I want to fill this bucket with your blood disciple. Gusto kong ubusin ang dugo mo para wala nang magamit si Lucifer. Pero mamamatay ka naman dahil dun diba?" she's laughing like a mad man. She loves every sound of my suffering.

Everytime that my limbs grew back, alam kong unti-unti na akong nagiging halimaw.

Biglang lumabas ang babae sa gilid ko. Am I already hallucinating?

"Shea... What kind of person are you before? Bago pa ako dumating sa buhay mo?" she asked.

The setting was changed. Nagulat ako nang nandito ako sa dating paaralan ko sa elementary. How did that happen? What am I doing here?

Nakita ko ang sarili kong pumapagitna sa dalawang batang nag-aaway ako. They were my classmates.

"Aren't you adorable back then? Anong ginagawa mo dyan?" sabi nya sa gilid ko.

"Pinipigilan ko si Ben. Palagi nya kasing inaaway si Sasha at sinasaktan. Kaya inaawat ko sila."

Biglang sinuntok ni Ben ang batang ako sa tiyan dahilan upang ako ay matumba. Walang nagtangkang umawat sa amin dahil kahit sila ay takot kay Ben.

"Shea!"

"Yan ang napapala ng mga pakielamera!"

Ngunit imbis na gumanti ay nanahimik lamang ako at tinignan sya habang naglalakad paalis.

"What's wrong? Bakit hindi ka lumaban?" tanong ng babae sa 'kin.

Napayuko ako. Muli kong tinignan ang batang ako habang tinutulungan ang kaklase nyang makatayo. Ngumiti ito at wala pa ang dalawang ngipin sa harap nito.

"Bakit mo ginawa 'yon? Nadamay ka pa tuloy. Ayos ka lang?"

"Wala 'to. Malakas ako no. May araw rin sa 'kin ang baboy na 'yun." sagot ng batang Shea.

Mapait akong ngumiti. Seeing those memories makes me feel worse.

"It's better to be hurt than to hurt others. 'Yan ba ang iniisip mo Shea? Have you really lived your life believing that?"

"Yan ang alam kong tama." sagot ko.

"Sa tingin mo tama talaga ang ginawa mo?"

Eh?

Muli na namang nagbago ang paligid. This time we are inside a classroom. Nasa elementary parin ako. Si Sasha at ang iba kong kaklase ay nagbubulungan.

"Anong pinag-uusapan nila?" my power asked.

"Niligtas ka na naman ba nya?" tanong ng isa kong kaklase kay Sasha.

"Oo. Kahit di na totoo ang pangbu-bully sa 'kin ni Ben nililigtas nya parin ako. Isa syang dakilang uto-uto. Hahaha!"

"Mukhang gusto ka nyang maging kalaro."

"Ayaw ko sa kanya. Lahat nalang inaagaw nya. Pati yung crush ko sya ang gusto."

"Kaya mo pinapabugbog lagi kay Ben?"

"Oo. Hahaha."

Di nila alam na narinig pala ng batang ako ang pinagsasabi nila. Bigla nalang itong tumakbo habang umiiyak.

"They're back stabbing me but I pretended not to notice. Dahil gusto ko talaga sya maging kaibigan. I was thinking that time na magbabago rin ang isip nya at di na makipag plastikan sa 'kin. Kapag patuloy kong sundin ang gusto nya."

But things didn't work that way. I graduated as the class valedictorian, but I'm not happy. Gusto ko lang syang maging kaibigan. But it didn't happen.

Muli na namang nagpalit ang paligid.

"Bago ka lang ba dito? I'm Bliss Angel Conell. Nice to meet you." a girl with a shoulder length hair extended her hand at me with a wide smile. Kita pa ang dalawang sirang ngipin sa harapan nito. Parehas kami.

"Oo kakalipat lang namin dito. I'm Aly. Shea Alysia Valdemore is my full name." I smiled too.

"Friends?"

"Friends."

Bigla nalang tumulo ang luha as I watch those two kids get along together. And how they become bestfriends. I miss those days kung saan normal pa ang lahat. Kung saan papasok lang ako at uuwi. Makikipaglaro kay Bliss at matutulog.

"That girl, she is your bestfriend right?" tanong ng babaeng katabi ko habang tinitignan ang dalawang batang naglalaro.

"Yeah. Bliss was my everything that time. She was my only friend. Tinanggap nya kung sino at ano ako."

Nag-iba na naman ang paligid. Ito yung pumipila ako para kumuha ng entrance exam sa Myrrh Academy.

May tinulungan akong babae dahil ang dami nyang dala at nahulugan pa ang paa nya sa isa sa mga dala nyang maleta.

"Nako thank you talaga! Si mama kasi kulang nalang ipadala sakin ang buong bahay eh."

"No prob."

"Ako nga pala Eloiny Marvell. El for short."

"Shea"

Tinitignan namin ngayon kung pano kami unang nagkakilala ni Eloiny. Why am I seeing all these things?

"Is she your other friend?" tanong ng babae sa 'kin.

"Yeah. My bestfriend."

Bigla syang ngumiti. Yung ngiting nakakakilabot, "Talaga? Alam mo bang mamatay rin sya tulad ng nangyari sa unang bestfriend mo?"

Napatingin ako sa kanya. Biglang nanginig ang buong katawan ko.

"At kasalanan mo 'yun lahat."

Bumalik sa dati ang lahat. Nandito ulit ako sa kung saan tinotorture ako ng Goddess. Lumabas sya sa kwarto pero ilang sandali pa ay bumalik din sya.

My eyes grew wide nang makita ko kung ano ang dala nya.

Those were humans. Live humans na nakatali habang kinakaladkad nya. It's a man and a woman and they are both struggling. Ganito na ba talaga sya kasama?

"I admire your strength Shea. Until now buhay ka parin. Though your immortal, your immortality won't take effect if I'm the one who's torturing you. You're only regenerating. But you can be killed."

She continued, "So I devised a plan. A man and a woman who love each other. Hahaha!" she laughed.

Nanginginig na ako dito habang tinitignan silang dalawa na pilit kumakawala. Nakatakip ang bibig nila at nakatali ang mga kamay at paa. Hindi, hindi 'to pwede. Pano nya nagawa sa mga tao 'to?! The worst thing is...

Kilala ko pa sila. It's Katie and William. Si Katie ang leader ng pambu-bully sa 'kin noon sa Valdemore High at si William na gusto ko pero pinahiya ako sa buong school.

"Alam kong malaki ang atraso nila sa 'yo kaya tinulungan na kita upang makaganti ka sa kanila. Now choose. Sino sa kanila ang pipiliin mo upang mabuhay?"

Alam kong mali ang ginawa nila noon. But they don't deserve this kind of pain. This is too much for them. They have their punishment at hindi ito yun.

"Master please I'm begging you! Pakawalan mo na sila! Ako nalang ang patayin mo!" I'm crying. Begging to spare their lives and take mine instead. Di nila kailangang madamay dito.

"I gave you only two choices. Which one? The man or the woman? Kung hindi ka pipili, pareho ko silang papatayin."

They keep on screaming under the piece of cloth covering their mouth. Pareho silang nakatingin sa 'kin at nagmamakawa.

Di ko alam. Di ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw na ako dito.

"CHOOSE SHEA!"

Biglang tumigil sa paggalaw si William at tumingin sa 'kin ng diretso sa mata. His eyes were telling me to choose him and spare the life of Katie.

Hindi. Kung ganon, parang pinatay ko na rin sya. May magagawa ako. Alam kong may magagawa ako. I could save them both.

I tried to use any kinds of my power pero wala. Kailangan ko silang maligtas dalawa! I must!

"So you have your answer then." biglaang sabi ng Goddess at binuhat si Katie. Nagwala na si William at nagmamakaawa na saking sya nalang ang piliin ko.

"NO PLEASE DON'T KILL HER! GODDESS—

A cracked sound echoed the room. Leaving Katie dead on the ground. Natulala ako. Ni hindi ako nakagalaw o nakapagsalita. Sinunod nya si William at pareho nya silang pinatay. Wala manlang akong nagawa. That moment, I turned ti stone.

"They're both dead. And it's all your fault."

No...

N-not me.

Hindi. Kasalanan ko ang lahat. Dapat namili nalang ako ng isa sa kanila. Kasalanan ko kung bakit namatay sila. Ang hina ko. Kasalanan ko 'to lahat. Napakawala kong kwenta.

"Bakit ngayon mo lang yan na realize?" muli na namang lumabas ang babae kanina at parang nasa ibang dimension na naman kami.

"You just sit there and keeps on blaming yourself. Paulit-ulit mong sinisisi ang sarili mo. Blaming yourself won't change anything. You don't try to change. And it's all your fault. Kanino bang kasalanan kung bakit nagkaganito na ang sitwasyon? Accident? Coincedence? Fate? Tsk. There's no such thing as fate. So kaninong kasalanan yun? Hindi ba sa 'yo?"

She continues, "It's better to be hurt than to hurt others. Which is why nararanasan mo ito lahat. If you would've chosen the man, the woman would've been spared. If you would've chosen the woman, the man would have been spared. If only you had become stronger..."

Nag iba na naman ang paligid. At doon na ako tuluyang nanghina. It was Bliss at pinoprotektahan nya ang parents nya laban sa 'kin. I was in rage that time at di ko nakokontrol ang kapangyarihan ko.

"NO BLISS UMALIS KA DYAN!"

It was too late. She was hit by my power. Until I saw her turned into ashes. This trauma, it's haunting me again. I killed...

I killed my bestfriend.

"And this..." my power said.

Nasa Myrrh Academy kami. At nakikita kong nag-aagaw buhay na si Eloiny. Si Paxton ay naliligo sa sarili nyang dugo at wala nang malay.

"ELOINY!" Hinawakan ko sya. Pero tinabing nya lang ang kamay ko.

"Halimaw ka. Halimaw ka Shea." she stared at me with those blood shot eyes.

Hindi. Hindi ito totoo.

"TOTOO ITO SHEA! DAHIL ITO KA! NABUHAY KA UPANG MAGING HALIMAW! YOU ARE BORN AS THE QUEEN OF EVILNESS. STOP CLINGING FROM THE PAST AND ACCEPT ME AS YOURS!"

Nagsimula na namang manginig ang katawan ko. Tama sya. Halimaw nga ako. Bakit ko pa pinipilit ang sarili ko sa kanila kung meron namang mga katulad ko na handang tumanggap sa 'kin? Bakit mas iniisip ko pa sila kesa sa sarili ko?

Masyado na akong nasaktan, siguro oras naman para sila naman ang masaktan.

Bliss... Bakit mo ginawa 'yun? Bakit sinakripisyo mo ang buhay mo para sa kanila? Bakit hindi ako ang pinili mo?

"Bakit mo ako iniwan? Sana ako nalang ang pinili mo. Hindi sana ako nagkakaganito."

Lumapit sya sa likuran ko at bumulong.

"Even if it means killing her parents?" bulong nya sa "kin.

"Yes!"

"Even if it means hurting someone?"

"Yes!"

"Even if it means killing your opposite?"

"Oo papatayin ko sila! Ipaparanas ko sa kanilang lahat ang pagpapahirap na ginawa nila sa 'kin!"

Lumapit sya sa 'kin. Her touch was warm and gentle. Just like my mother.

"Ganyan nga Shea. You're a good girl. Sometimes you have to give up on something to preserve the other. Bliss couldn't do that. That's not kindness. That's just being weak. Gusto mo pa rin bang manatili sa sitwasyon na palaging ikaw nalang ang nasasaktan? Na palaging ikaw nalang ang nagsasakripisyo?"

"Hindi!"

Bigla syang tumawa. Pumunta sya sa likuran ko at niyakap ako.

"Malapit nang matapos ang Goddess sa 'yo. Handa ka na bang kalabanin ang liwanag?"

Napayuko ako. All this time, I was living in darkness. Ni hindi ko na nga alam kung kelan ako huling naging masaya. When was the last time that I smiled?

"Oo. Handa na ako. Handa na akong kalabanin sya."

She chuckled, "Kung ganon, handa ka na bang tanggapin ako?"

Tumingin ako sa kanya. She's that monster, my power who keeps me caged. And in order for me to be free, I must accept her.

"Yes."

She smiled. And slowly, she entered my body. My nails grew longer, my hair turned blue, my lips turned black.

This time alam ko na sa sarili ko na tuluyan na akong naging halimaw.

I am Shea Alysia Valdemore. Disciple of the Goddess. The Mistress of Darkness and Destruction.

And I shall kill my opposite.

   
  
👻👻👻👻

A/N: Baka after next week yung update dahil midterm pa namin.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top