Chapter 53: The Strongest Apostle

A/N: Sorry sa sobrang tagal ng update. At dahil matagal, babawi ako haha. Very first POV ni Kiyan ang nandito hoho. Happy birthday sa naka dedicate haha. Hope you'll enjoy!
  
  
👻👻👻👻

KIYAN'S POV
 

Again, she left me. Right before my eyes she vanished without saying anything.

The girl who brought the hell out of me. The girl who made me realize again the beauty of life and how it is fun to live even I'm almost a thousand years old.

Hundred years had passed since the death of Alysia that triggered me to be stronger. I loved her and seeing her die right in front of me was the worst thing I had witnessed in my whole existence.
Since that day, I promised myself to be stronger so I can protect everyone from being hurt. So that I could protect my loved ones. And so it happened. The previous King bestowed me his powers.

I was the strongest. The Mistress before even bowed down to me and admitted defeat. And so she was punished. I was happy. I couldn't ask for more.

But then I realized something. I became too strong that I can barely feel anything. My emotions, feelings, life. They were gone. No one dares to face me because they were afraid. Some even begged for their life even though I didn't do anything to them.

My humanity was being swallowed by my power. I don't feel any emotions or feelings. I'm being numbed by my power.

For a hundred years, the dark side was quiet. The Goddess was nowhere to be found, she had even no disciple that time. I have no opposite. My life became dull and boring. I may be the Master of Light and Creation, but I'm living in a world of darkness that I can't even appreciate my own creation.

Until that day came when we just arrived from our latest mission. It was the first day of the school year.

  
   
"Master, anong nangyayari sa 'yo?"

My eyes suddenly turned into yellow and the blood in my veins came rushing back at me. My heart was pounding fast.

"It's his opposite. Nandito ang opposite nya!"

"Sinasabi mong dito rin nag-aaral ang Mistress, Ezra?"

"Oo Trevor."

"She's here in the cafeteria."

"You sense her, Fire?"

   
"JUST GET ME OUT OF HERE!"

My eyes were caught by a girl who wore big glasses and a shabby uniform. She's screaming like she's in some kind of pain. Our eyes met.

"Master Kiyan..."

"It's her."

From that moment that our eyes were locked from each other, my life starts coming back at me. I was starting to be alive again.

Finally, dumating ka na. Ang tagal kitang hinintay. I know that you are the Mistress whom will I kill. The disciple of the Goddess who killed Alysia.

I'm going to kill you. And give justice for the life of Alysia who was taken.

   
But here I am. Sitting like everyone else in our secret chamber. Planning how to rescue the queen who was I suppose to kill.

I can't imagine the world without her. I can't imagine my future without her by my side. Even if it's forbidden, I want to be with her until we run out of breath.

Even though we have to kill each other.

"Do you have any idea where to find Shea?" I asked Alysia.

She nodded in response, "She's in the deepest part of the castle. Doon nya ako palaging dinadala noong ako pa ang reyna upang sanayin. Alam kong doon nya rin laging dinadala si Shea sa pamamagitan ng panaginip."

His stubborn familiar suddenly stood up. He's very impatient.

"Sit down." I commanded.

"I'm done with this crap. Pupuntahan ko na sya." he said irritatedly.

"The Master ordered you to sit down familiar." Vishna repeated with authority.

I don't want to spend more time planning but we have to do this.

"How about Lucifer? Sabi ni Trevor nandito raw sya." Ezra asked.

"At ang Demon clan pa. Diba gusto rin nilang kunin si Shea?"

"Teka lang, sino ba talaga ang kalaban natin? Nalilito na ako eh." Ice questioned.

"All of them." I answered.

"Ha?!" they said in unison.

"You mean the fallen angel, Lucifer, the Master of Shea at ang Demon clan ang kalaban natin?"

"Yes."

"Bakit Ali? Takot ka?" Alysia teased her sister.

"I won't force you to come. You have the freedom to choose. Because I can't promise that I'll be able to protect you in the Underworld. My powers are limited down there." I said.

"Umm..."

I looked at the girl who raised her hand. She's the friend of Shea and Azura. Eloiny's her name if I wasn't mistaken.

"Pwede magtanong?" she can't look at me directly.

"Nagtatanong ka na girl." Trevor said.

"Oo nga pala hehe.." she scratched her head and she's barely shaking.

"Ano... pwedeng magtanong kung bakit ganon nyo na lamang protektahan si Shea? I mean kasi diba kalaban nyo sya? Alagad kayo ng liwanag tas si Shea reyna ng kadiliman. Di ko sinasabing 'wag nyong iligtas sya ah. Curious lang ako."

All of my apostles looked at me. I sighed and crossed my arms. I saw her swallowed and her hands turned into fists. She's nervous.

"Are you aware about Lucifer?" I asked her.

She stiffened, "Y-yes Your Highness. The demon lord kung saan nakakulong ang katawan nya sa kailaliman ng impyerno. Yun ang sabi sa 'kin ni Shea."

"Shea's blood is the only one who can awaken his body. Once he get a contact with it, it'll be the end." I explained.

"How strong could he be?"

"Imagine me and my Master being combined, but with dark powers."

   
ELOINY'S POV

Homayghad kinakabahan ako. Kausap ko ang hari, my goodness! Pero ang dami ko pa sanang tanong na kailangan ng kasagutan. Kaso wala nang oras. Kailangan na namin iligtas si Shea.

Natatakot ako. Syempre sino ba namang hindi. Ikaw kaya pumunta sa impyerno tas kakalabanin mo ang Master ni Shea, si Lucifer at ang mga mamaw na Demon clan?

Si Shea nga natatakot na, musta naman ang Master nya? Kailangan ko na talaga sigurong mag-apply ng insurance.

Pero di ibig sabihin 'non na magba-back out ako. Alam ko namang ako ang pinakamahina dito eh. Pero wala akong pake. Basta gagawin ko ang lahat maligtas lang ang bestfriend ko. Kahit buhay ko pa ang kapalit.

Nagsimula na silang mag plano. I'm only listening the whole time. Grabe, ang talino nila. Fire led the planning at nagsu-suggest ang ibang members.

Ako lang yata yung walang naitulong dito.

"You."

"Po?!"

Bigla akong naging alerto nang tinuro ako ni Master.

"You'll join us in busting Shea out. The rest of the Alpha will clear the way where we'll pass through."

Panandalian akong natulala. Ako? Sasamahan ang hari at ang familiar ni Shea upang iligtas sya?

Napaturo ako sa sarili ko, "Po? P-pero bakit po? Why are you entrusting me the most important part of the mission? Di ako kasing lakas tulad nyo pero handa akong tumulong. Someone stronger than me deserves my part. Pwede nyo akong gawin bilang decoy o kahit ano pero wag ang pinakamahalaga sa lahat. Ayokong ilagay sa alanganin ang kaligtasan ni Shea. Ayokong madamay ang lahat dahil sa katangahan at kahinaan ko."

Napayuko ako at napakuyom. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko. Ba't ba kasi ang hina ko? Siguro kung pinanganak akong malakas, ang dami ko na sanang nagawa. Ang dami ko na sanang naitulong sa kanila. Alam ko namang tanga at mahina ako eh. Kaya nga naiinis ako sa sarili ko.

Ako lang talaga dito yung pinakawalang kwenta. Parang di ko deserve maging parte ng grupong 'to, o kahit manlang maging bahagi ng storyang 'to. Kaibigan lang ako ni Shea. Yun lang ang parte ko dito.

"Eloiny."

Napaangat ako nang tawagin ni Trevor ang pangalan ko. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Kaibgan mo si Shea diba?" tanong nya. Tumango ako.

"It means malaki ang tiwala ni Shea sa 'yo. Ganon rin si Master. Hindi ka mahina Eloiny. Ikaw ang pinakamalakas. Dahil mismo ang Mistress of Darkness and Destruction at ang Master of Light and Creation ay ipinagkatiwala sa 'yo ang magiging resulta ng misyong ito." nginitian nya ako. Para akong malulunod sa mga titig nya.

"Mukhang di pa nya alam." biglaang singit ni Lady Vishna.

Lutang naman akong napatingin sa kanya.

"Bestfriend of Shea—

"Eloiny ang pangalan nya." singit ni Trevor.

Inirapan naman sya ni Lady Vishna.

"Let's not waste time. Eloiny, here's what you're going to do." Lord Fire explained me the plan.

Napalunok ako. Malakas ka Eloiny. Kaya mo 'yan. Wag mong bibiguin si Shea at ang lahat.
 
  
--
  
  
Biglang nanayo ang balahibo ko nang may dumaang malamig na hangin. Parang nanuot sa buto ko at parang kinikiliti ako na ewan.

"Waaah! Nakakatakot!" bigla akong napakapit kay Trevor. Ang bango nya lalo na ang kili-kili nya. Hinawakan nya naman ako.

Enebe kinikilig tuloy ako hihi.

Kakarating lang namin sa Underworld. Nakakatakot naman pala talaga ang kaharian ni Shea. Meron namang sky dito pero kulay pula at itim sya tas puro uwak lang ang lumilipad.

Wala ring mga dahon ang mga puno at lahat ng mga halaman ay patay. Mula dito sa kinatatayuan namin ay kita ang sobrang taas na pader na pumapalibot sa kaharian ng Underworld. Sa kabila naman ay ang impyerno na kahit dito ay abot ang init.

Pero malamig parin. Ang sweet talaga ni Trevor hihi.

"Pahingi na kasi kahit isang hibla lang ng buhok mo!" kulit ko kay Trevor.

Kanina ko pa sya kinukulit kasi ayaw nyang magbigay eh. Sabi kasi ni Shea kapag di raw ako taga dito tapos wala naman akong divine power unti-unting maaagnas ang katawan ko. Poisonous kasi ang hangin ng Underworld para sa 'kin na ordinaryo lang. Pwera nalang kapag may hawak akong may kapangyarihan ng liwanag.

"Ayoko nga. Mabulok ka dyan. Haha!" asar nya sa 'kin.

Omaygawd lalaki na naman sya! Ang manly nya tumawa asdfghjkl kinikilig na talaga akooooo!

"Trevor naman ehhh!" pabebe ko. Di nya manlang ako pinansin huhu.

"Hahawak nalang ako sa 'yo hanggang nandito tayo bahala ka." I pouted. Pero di nya parin ako pinapansin. Ang bipolar naman na baklang 'to.

"Seryoso ako di talaga kita bibitawan!" sabi ko at biglang hinawakan ang kamay nya. I interwined my fingers at his at ramdam kong nanigas sya bigla.

"Bakla! Di talaga—

"Edi hawakan mo. May sinabi ba akong bawal?" sabi nya sa malalim at seryosong boses. Tumingin sya ng diretso sa 'kin at parang malulunod ako dito. Napatigil ako at natulala.

"L-lalaki ka..." di ko alam kung bakit yun agad ang unang lumabas sa bibig ko. Shunga ka talaga Eloiny.

Umiwas sya ng tingin, "Tsk."

Bigla nya nalang akong hinila at sumabay sa ibang Alpha na ngayon ay naglalakad patungo sa kaharian.

Parang biglang nag-iba yung aura nya. Yung kaninang bakla-baklaan at cheerful na aura, bigla nalang naging straight. Yung parang from pink to blue? Parang ganon.

"Wag mo akong bitawan kung ayaw mong maagnas." sabi nya.

Waaaahh! Lalaki sya? Lalaki talaga sya? Binatukan ko ang sarili ko. Nananaginip yata ako.

"Anong ginagawa mo?"

"Ginigising ang sarili ko. Baka mamaya nananaginip lang pala ako."

Bigla syang ngumiti. Yung ngiti na maiinlove ka talaga. Yung mapapatili ka kasi nginitian ka ng isang bae. Yung parang makalaglag panty at bra. Parang ganon?

"Di ka nananaginip. Lalaki talaga ako. I'll explain you later." sabi nya.

Di kaya nasobrahan na ako sa kakahithit ng hangin sa Underworld at kung ano-ano na ang naririnig ko? But watdapak yung puso ko nagwawala. Parang di ako makahinga.

Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya. Baka masyadong matapang ang hangin dito at di ako kayang protektahan ng kapangyarihan ni Trevor.

"Chansing ka na eh." sabi nya sa 'kin.

"Shunga! Di ako makahinga. Ang bilis ng tibok ng puso at parang may paro-paro sa tyan ko. Sabi ko sa 'yo pahingi nalang ng buhok mo eh!" di ko alam kung bakit ang saya ko. Biruin mo nasa kaharian kami ng kadiliman pero masaya ako?

Ang weird ko na talaga.

Bigla nalang syang tumawa at hinigpitan rin ang hawak nya sa kamay ko. Para tuloy kaming mag jowa kasi nag ho-holding hands kami.

"Ganon ba? Ako nga rin eh. Ang bilis rin ng tibok ng puso ko." sagot nya.

Eh? Ang weird rin nya. Bakit naman bibilis ang tibok ng puso nya eh alagad nga siya ni Master eh.

Ilang sandali pa ay may babaeng bigla nalang sumulpot sa harapan namin. Nakasuot sya ng mahabang itim na cloak at nakatago ang kanyang mukha sa hood na suot nya.

Tumigil kaming lahat sa paglalakad. Unti-unti nyang tinanggal ang hood na suot nya at bumungad sa 'min ang matapang ngunit maganda nyang mukha. Maputla rin sya na parang si Alysia.

"Welcome to the Underworld. I'm Seraphina at ako ang kanang-kamay ni Shea. Follow me. Make sure na hindi kayo makakakuha ng atensyon kung ayaw nyong mabisto."

"How's Shea?" tanong ni Master sa kanya.

Tanging isang iling lang ang nasagot nya. Mukhang pati sya ay walang alam kung ano nang nangyayari kay Shea.

   
  
"Tutulong ako sa inyo. Hintayin muna natin si Sarah." sabi nya sa amin.

Nandito kami sa isa sa mga kwarto ng lumang kastilyo kung saan nakakulong si Shea. May sumundo samin kanina habang naglalakad kami na isang carriage na mga goblin ang nagmamaneho. Ang cute nga nila eh. Tinakpan ni Master Kiyan ang presensya namin upang hindi agad kami maramdaman ng Goddess.

"Bakit ang tagal nya?" iritadong sabi ni fafa Ren. Gwapo eh.

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Alam kong hindi basta-basta ang pagligtas kay Shea.

"Gusto mo mauna?" sagot sa kanya ni Seraphina.

"Oo."

"Sige mauna ka. Di ka na mabubuhay muli. Alam ko kung anong ginawa ni Shea at Kiyan sa 'yo." sabi nito.

Nagtataka naman syang tinignan ni fafa Ren. Di ko nga rin gets ang sinabi nya eh.

Tumingin ang babae sa amin. Lalo na sa akin. Napahawak ako sa braso ni Trevor kasi nakakaintimidate sya tumingin.

"It's nice to meet you all once again. Masaya ako at nakita kong kompleto na ang mga apostles mo." sabi nito kay Master at tumingin sa 'kin.

Ha? Bakit kulang ba sila dati?

"What's your name young girl?" tanong nya sa 'kin.

"Eloiny Marvell po. Bestfriend po ako ni Shea." sagot ko.

Napatango naman sya at ngumiti.

"I see. Today's generation are really full of surprises. How did you choose her?" muli na naman nyang tanong kay Master.

Wala akong magets sa sinasabi niya. Ako ba ang pinag-uusapan nila?

"She has a pure and brave heart." sagot ni Master.

Tumingin sa 'kin si Seraphina at muli na naman syang tumawa. "Mukhang di mo pa alam. Haha!"

Alam ang ano? Kanina ko pa naririnig 'yan ah.

"Ang ano po?"

Tumingin ako kay Trevor at nakangiti lang sya. Maging ang ibang Alpha ay nakatingin lang rin sa 'kin at umiiling-iling.

Waaaah! Wala akong magets. Ang tanga ko na talaga siguro.

"Have you met the ex-apostles of Shea?" tanong nya.

"Opo."

"Alam mo rin sigurong they represent each circle of hell."

I nodded in response.

"Ganon rin kay Kiyan. Mukhang wala silang planong sabihin sa 'yo eh. Di mo kailangang matakot sa 'kin dahil kakampi nyo ako." sabi nya.

"The apostles of Kiyan also represents the spheres of Heaven. Vishna Schutz, the Apostle of Faith. Ezra Brown is the Apostle of Kindness. Alison Redfox is the Apostle of Temperance. Ice Dreyar is the Apostle of Peace, and his twin Fire is the Apostle of Meekness. Trevor Kendrick is the Apostle of Happiness." dugtong ni Seraphina. Mukhang matagal na nyang kilala ang Alpha. Ilang taon na kaya sila? Kasing tanda rin ba sila ni Master?

Di ko alam na may mga representation rin sila. Kaya pala masayahin si Trevor kasi sya ang Apostle of Hapiness at sobrang bait ni Lady Ezra kasi sya ang Apostle of Kindness. Si Lord Ice laging tulog kasi sya pala ang Apostle of Peace.

Alam kong masama pero naiinggit ako. Sana kasing lakas ko rin sila para maabot ko naman si Trevor. Ang lapit namin pero ang layo rin.

Teka, bakit si Trevor naman ang iniisip ko? Dahil crush ko sya ganon ba 'yun?

"Oh, bakit bigla kang nalungkot?" tanong nya.

Agad akong umiling, "Wala po. Namiss ko lang si Shea." Although what I said is half true.

"Wag kang mag-alala. Maliligtas natin sya. Have you heard about the strongest apostle?"

Kumunot ang noo ko, "The Strongest Apostle?"

"Mukhang wala talaga silang sinabi sa 'yo. Haha. The Strongest Apostle of the King na kung saan ay mahirap hanapin. Pero mukhang nakita na sya ni Kiyan. Hundred of years rin syang absent eh."

Ha? Di ko pa rin gets. Bakit nya sinasabi sa 'kin 'to?

She tapped my shoulders na ikinagulat ko, "She is the Apostle of Love. The strongest enemy of darkness next to Kiyan and the strongest among the Apostles. It's you Eloiny. Kiyan chose you to become the Apostle of Love."

Ako? Ha? Nabingi yata ako. Teka lang bubunot muna ako ng buhok ni Trevor. Nasobrahan na nga talaga siguro ako sa hangin.

      
    
 
👻👻👻👻

A/N: Slow update ito kaya di ko alam kung kelan ang next. Sana di kayong magsawang mahintay ng update. Busy rin po kasi ako sa school.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top