Chapter 50: Before the Fight

"Milady." tawag sa 'kin ni Paxton.

Bumaling naman ako sa kanya and he's holding a box and a usb.

"As you requested." sabi nya and handed the items.

Una kong napansin ang usb at parang matatawa ako. It's a chibi version of Tomoe, the male lead in the anime Kamisama kiss. Ang katawan ang usb nito at ang ulo ang takip. So when you use it, kailangan mo munang kunin ang ulo upang isaksak sa laptop.

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, "It's not in your personality to choose this kind of design. Seriously, this is too  cute."

He smirked at biglang nag transform sa pagiging familiar form nya which is a fox. "He kind of looks like me so I bought it. Pero mas gwapo parin ako."

"You really need a mirror. And when did you learn to use this?" tanong ko habang pinakita ang usb.

"Noong nasa mundo nyo pa ako. Tinuruan ako ng kabanda ko dahil kailangan kong aralin ang mga kanta ng mga tao."

"Thanks anyway." sabi ko at tumungo sa kusina.

Nandito ako ngayon sa dorm ng Alpha. They invited me here to stay for the night so I did. As part of the Alpha, di na namin kailangan pumasok.

"Give me that tool, Ice." Fire said while glaring at his twin. Nandito rin sila sa kusina.

"You dumb brother. This is a cellphone stupid. Ano kayang laman nito. Hehe." Pilyong ngiti ni Ice at binelatan ang kambal nya.

"You call the brain of the Alpha as stupid? Get back here and I'm going to teach you the real definition of stupid. And give it back!" sabi ni Fire at hinabol ang kambal nya.

Tumakbo naman sa kabilang mesa si Ice. Parang may dalawang elementary student akong kasama dito.

Fire let out a flame blast that makes the whole kitchen burning. Seriously, nasusunog na ang buong kusina. Napadaan si Vishna at napailing na lamang sya at umakyat sa kwarto nya. Seems like she's already used to it.

"Dumb brother." Ice smirked. From fire, bigla nalang naging frozen ang buong kusina.

Kahit kami ni Paxton nabalot rin ng yelo na agad rin namang natunaw.

"Anong nangyayari?" tanong ni Trevor mula sa taas.

"Oh my! A frozen kitchen and a skating rink! Rarampa na ang dyosa!" sabi nya at agad na bumaba habang may bitbit na skating shoes.

Ganito ba talaga sila palagi?

"GET OUT OF HERE!" Sabay na sigaw ng kambal at parehong nagpakawala ng yelo at apoy papunta kay Trevor.

It resulted a loud boom at napuno ng usok ang kinaroroonan ni Trevor. Unti-unting nawawala ang usok at nakita kong nagpipigil si Paxton ng tawa dito sa gilid ko.

The other side of Trevor was burnt and the other side was frozen. Nangingitim talaga ang katawan nya na parang natusta. Masama nya silang tinignan.

"Aba't mga shokoy kayo nagawa nyong sirain ang beautiful mood ko! At di nyo manlang ginalang ang kadyosahan ko porket mga yummy kayo!" sabi nya it binato silang dalawa ng sapatos na bitbit nya.

Lumusob sya sa kambal at nagkagulo na silang tatlo dun. Nagsimula nang magsiliparan ang mga kawali, sandok, kaldero at kung ano-ano pa. Ang ingay na.

Okay, I'm out.

Umakyat narin ako patungo sa magiging kwarto ko habang nakabuntot parin sa 'kin si Paxton. Bitbit ko ang usb at chocolate cake na dala nya.

"Anong laman nitong usb?" I asked.

"Kagwapuhan ko."

I sighed.

Bumabalik na naman ang mayabang na ugali nya. Well, ganito ko sya nakilala eh.

"Paxton." I said in a warning tone.

Napatigil naman sya and let out a deep sigh, "Yung drawing na gumagalaw na pinapahanap mo sa 'kin. Tss." sagot nya.

Drawing na gumagalaw?

"Anong drawing na gumagalaw? It's animated you stupid. Try to watch it. Maganda sya."

"Kahit ano pa 'yan ikaw pa rin ang maganda." he whispered pero rinig ko naman.

Pero kunwari di ko narinig, "Anong sabi mo?" I asked.

"Wala. Sabi ko ang pangit mo." he blurted out at unang binuksan ang kwarto ko at nahiga sa aking kama. Parang sya yung may-ari.

The room's huge. Mas malaki pa 'to sa condo na tinutuluyan namin noon. Para na ngang bahay with everything's in here. Meron akong maliit na mesa dito at doon ko pinatong ang usb at box ng cake na dala nya. I just can't stop staring with the usb though.

"Shea." tawag nya na ikinatigil ko.

Everytime that he'll mention my name, bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"You seem a lot more talkative than usual. You're not acting too cold anymore at palagi ka na ring nakangiti. Ang dami nang nagbago sa 'yo." sabi nya habang nakahiga parin at nakatingin sa kisame.

"Is that a bad thing?" tanong ko.

"Of course not. I like you better that way." he said.

Napatigil ako sa ginagawa ko. I felt pain when me and Kiyan are near yet my heart is pounding fast. Ganon rin kay Paxton. Kiyan's an exception. And I don't know about my familiar.

"Paxton"

"Hmm?"

Nilagay ko ang isang slice ng cake sa plato at umupo sa couch malapit sa kama. May mini-kitchen kasi rito.

"That first year who topped the entrance exam, do you feel something weird about her?"

Napatigil naman sya at nanatiling nakatingin sa kisame.

"Yeah."

"She's dead right?" tanong ko.

Tahimik lang sya at hindi ako sinagot.

"You know what, she might be Alysia Larzen. The previous Mistress and your first love."

"Pano mo naman nasabi 'yan?" kalmado nyang tanong. So he isn't affected at all.

"That body is already dead. It's a body of a human being who was thrown in hell with another soul inside it."

Bigla syang bumangon, "So you are saying that it's the soul of Alysia inside a human's body."

Tumango ako.

"Stop talking nonsense, Shea." sagot nya at muling nahiga.

"Paxton, you know who you're talking to. Underworld and Hell is under my control. So I can tell everything."

Huminga sya ng malalim at parang malalim ang iniisip. "There's no way Alysia's soul can escape the Pyrell."

"She just did."

"You're imagining things."

Tumahimik kami ng ilang minuto. Ni walang nagsalita sa amin. Probably dahil di nya matanggap na totoo ang sinabi ko. That time when he told me their story of Alysia, I can tell it that he's sad. And that he still loves his Mistress.

"What if she's really back Paxton? Iiwan mo ba ako at babalik ka sa kanya?" tanong ko.

Hindi sya sumagot. Ilang minuto na ang nakalipas at nakatalikod lang sya sa 'kin habang nakahiga.
I let out a deep sigh. I don't know but I feel disappointed. Pero kailangan kong tanggapin na mas matagal at mas malalim ang pinagsamahan nila ng dating Mistress na minahal nya. I won't stand a chance.

"Ano bang sinasabi mo? Ikaw na ang Mistress ko ngayon and she has nothing to do with it." iritado nyang sabi at biglang bumangon.

Napatingin ako sa kanya at nakakuyom ang mga palad nya. He stood up at tumungo sa pintuan. But before he left, nagbow muna sya sa'kin.

"May bibilhin lang ako. May ipapabili ka?" he asked.

"Wala."

And with that, umalis na sya. Yeah, I ruined his mood.

I wonder bakit pa sya bumalik? What is her objective? And how did she escaped from the pyrell? It was blessed and protected by the Goddess itself so how come she escaped from it? Is it the Demon Clan?

Di kaya kagagawan ito ni Seraphina? Sya ang inatasan kong mamahala doon habang wala pa ako. Guess I'll visit the Underworld right now.

Nagbihis ako at sinuot ang hood ko. I can't go to the kingdom through here because the whole area was surrounded by Kiyan's spell. My powers are completely weak here.

Lumabas na ako at saktong lumabas rin si Kiyan ng kwarto nya. Nagkatitigan kami at ako na ang unang nag-iwas ng tingin. I'll melt if I didn't do that.

"Where are you going?" he asked.

"Underworld"

"Checking something?"

Tumingin ako sa kanya. He's wearing a simple white shirt with a crown printed on it. Napatingin ako sa shirt ko at pareho kami. Yun nga lang korona ng reyna ang naka print sa 'kin at sa kanya ay hari.

A couple shirt?

"You knew it, didn't you?" tanong ko.

"Knew what?" he asked. His back facing me.

"Stop fooling around Kiyan. Kilala mo sya."

"I don't know what you're talking about."

Why do they keep denying? The moment that I saw Kiyan trembled, alam kong kilala na nya kung sino sya. Iba man ang mukha nya, he can feel it that it's her inside that body. He's the King of Light. I'm sure naramdaman nya agad yun.

Di na sya nagsalita at umalis na. Gusto ko pa sana syang tanungin kung saan sya pupunta pero nakaalis. Muli nalang akong pumasok sa kwarto ko at dumaan sa bintana.

I walked casually inside the campus. Papunta ako ngayon sa west wing ng school kung saan ang mapunong parte ng academy at kung saan ako laging nakatambay noon. Every student na dinadaanan ko ay binabati at napapatingin sa 'kin.

Even the bullies before can't look at me in the eye at nakayuko lang nang nilampasan ako. So far, wala nang pag atake ng demon dito maliban sa mysterious first year na yun.

I'll check the pyrell para malaman ko kung totoo nga ang hinala ko.

I walked along the pathway with cherry blossom trees. It's petals are falling like a scene in a movie as students walked passed through me. It's spring. April. Funny that this academy has four seasons on it. Kagagawan ba to ni Kiyan?

Ano kayang mangyayari pag nalaman nilang ang babaeng kasama nilang naglalakad ngayon ay ang reyna ng kasamaan at kadiliman.

What will happen after our fight? What will happen to me?

"Shea?"

Napatalikod ako nang may narinig akong baritonong boses na tumawag sa 'kin.

A guy standing behind me in his uniform habang ang isang strap ng bag nya ay nakasukbit sa kanyang balikat. Nakapamulsa sya while wearing that genuine smile. His eyes are sparkling like as I saw him swallowed when I look directly into his eyes.

"How are you?" Tanong nya.

Who is this again?

"Hinahanap kita sa school kasi di ka na raw pumapasok. Yun pala nasa Alpha ka na." lumapit sya sa 'kin at nakatingin lang ako sa kanya.

I seriously don't remember him.

"Si President at si Shea. Bagay sila."

"Waaah! Nakakainggit naman."

"Tsk. Naunahan tayo ni pres pre."

"Mga galawan nya. Ako ang mas bagay kay Shea eh."

"Lul ka. Asa ka pa. Dyosa yan eh. Lamang lupa ka lang."

"Ang gwapo ni Pres at ang ganda ni Shea. Wala tayong panama girl."

"Yeah, I give up."

"Para silang nasa movie."

"Sus pakboy yang si Pres eh."

Biglang napatingin 'tong kaharap ko sa babaeng nagsalita 'non. Yumuko naman ang babae at agad tumakbo paalis ng kasama nya.

"I never expected that you would be that beautiful." bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito.

"And you smell good too."

He looks like a peevert guy who's smelling my hand up to my arm. Medyo lumayo ako ng konti aa kanya yet he won't let go of my hand.

May tumapik ng kamay nya at hinila ako palayo sa lalaking 'to.

"Wag ganyan Pres. Di ka manlang ba nahihiya na nakikita ka ng mga estudyanteng nandito? You're suppose to be the role model around here." aroganteng sabi ng lalaking may hawak sa 'kin.

I looked at him at kung hindi lang itim ang buhok nya, inaakala ko nang si Paxton sya. Magulo na buhok, nakasukbit ang blazer nya sa kanyang balikat, two buttons on his polo were unbuttoned at medyo gusot na. Nakapamulsa at mukhang siga. He looks like a trouble maker.

"What are you doing here Mr. Montero? You're suppose to be in class now." the president said sternly at iritado.

He scoffed, "Boring classes taught by boring people and listened by boring students that lead by a boring president. Boring." Nilagay nya ang kamay sa likod nya at humikab.

Tila naasar naman ang president, "I'll send you to the disciplinary—

"Don't bother Mr. President. It won't work."

He grabbed my hand at hinila ako paalis leaving the president hanging. Oh, I remember his name now. Sya ang nakalaban ko noon. The confession guy. Christopher I think. Or was it Chrine?

"What was that?" tanong ko as soon as makalayo kami.

"Saving you."

"Huh?"

"He's a boy. Not a man."

Uh-huh.

"Saan ka pupunta?" tanong nya.

Di ako sumagot at binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.

"Bumalik ka na dun. May klase ka pa." sabi ko at nilampasan sya.

"Nah. I'll come with you instead."

Hinayaan ko na sya at patuloy lang ako sa paglalakad. Bago makarating sa dulo ng west wing ay dadaan muna kami sa magkatabing building ng seniors at juniors. May isang parang maliit na eskinita sa gilid nito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I unconscioulsy looked between those buildings and there I saw a familiar figure of a guy.

Nakatalikod sya sa 'kin pero kilalang-kilala ko na kung sino sya.

Otomatikong napatigil sa paggalaw ang mga paa ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko.

It was Paxton. And he's hugging that first year. Alysia.

Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Drew paalis at dire-diretsong naglakad hanggang nakarating na kami sa kagubatang parte ng school.

So binalikan nga nya yung unang Mistress nya. Mukhang miss na miss nila ang isa't-isa. Mabuti nalang dito ang kapatid nya at hinila ako paalis. Kung hindi baka ano pang nagawa ko.

"Dito mo gustong pumunta di ba?" tanong nya.

Tumango ako.

"I'm going to the Underworld."

Lumiwanag ang paanan ko as I was slowly descending underground. Ganon rin ang ginawa ni Drew.

A few minutes later, the cold breeze of the Underworld welcomed us. Darkness spreads throughout the horizon and there lies my Kingdom surrounded with thousands of Demon and other dark creatures.

"Your Highness." biglaang sulpot ni Drew sa harapan ko.

"Your familiar is absent. Please grant me your permission to be his replacement here in the Underworld."

Walang pag alinlangang tumango ako at nag-umpisa nang maglakad sa walang buhay at bitak-bitak na lupa patungo sa aking kaharian.

Nakailang hakbang pa nga lang ako when a carriage carried by a dark pegasus ang tumambad sa harapan ko. Sakay nito si Drew.

"Hop in." He said.

Sumakay na ako as the pegasus flew directly into the palace.

Mukhang wala na talagang pakialam si Paxton sa 'kin. He didn't even noticed na dumaan ako sa likod nya kanina at pinabayaang pumunta ako sa Underworld na hindi sya kasama. Mukhang ang dami na nga nyang pinagbago.

Sinalubong kami ng mga Fallen Angels sa entrance ng palasyo. Halatang nabigla sila sa pagdating ko.

"Queen Shea. Seraphina never informed us na darating ka." salubong sa 'kin ni Kram. The guard who's in charge in the gate of ante-hell together with Cerberus.

"I didn't tell her."

Pumasok na ako escorted by Drew and Kram. Nasa gilid ko naman ang mga Demons at Fallen Angel bilang mga royal guards. The palace is huge of course. All painted in black and red.

Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa labas kung saan ang palace garden. All the plants are dead. No flowers, dried leaves, dead trees and a cold breeze. Kung sa mundo ng mga tao ay hindi ito maganda, in my Kingdom this is the perfect example of beauty. Maganda sa paningin ng mga namamalagi dito ang patay at walang kulay.

This is the beauty of the Underworld.

Creatures down here hates light and lively colors. Everything around here is dead and cold. Of course dito napupunta ang mga kaluluwang nawalan na ng pag-asa. This is Underworld after all.

Pagkarating ko sa hall kung saan ang aking trono ay nakaupo si Seraphina at buong ngiti akong sinalubong.

"Shea! You're finally back!" bati nya.

An ogre brought my cape and my  crown. Kinuha naman ito ni Drew at isinuot sa akin as I transformed into my original form.

My cape is made from the skin of Sagron. A dragon named from Satan kung saan ito ang sinakyan nya noon before he was defeated. It shines in both red and blue that elegantly extended into the floor.

My crown is covered by dark gems and precious stones designed as thorns.

Pinaharap nila ako sa salamin and it's like I'm seeing another being. A creature that reeks evil and shows no mercy. Her sharp horns shows how demonic she is. A symbolism of Darkness. The Queen of Destruction who has the capability to turn something into nothing.

Naupo ako sa trono ko with Drew by my side. They all bowed down to me na parang sinasamba ako. Looking at me those sparkling eyes na kung gano sila kasayang makita muli ang reyna nila.

Matapos ang seremonya ay nagsialisan na rin sila.

"So, what brings you here?" tanong nya.

"What have you been doing all this time Seraphina?"

Kumunot naman ang noo nya dahil sa tanong ko, "What's with the cold voice Shea? May nangyari ba?"

"Answer my question." I said sternly.

Napatigil naman sya at tumingin kay Drew. Ayoko sa lahat ay yung maraming paligoy-ligoy.

"Maayos naman ang lahat. Wala na kaming narinig tungkol pa sa Demon clan at sa mga rebeldeng apostles." she said.

We're in a meeting hall at the ground floor of the palace. Dito ginaganap ang mga pagpupulong involving huge leaders and chief here in the Underworld.

"You're lying." diretsong sagot ko.

"An ex-mistress escaped the Pyrell and stole a body who was about to rot in Hell. She went out of the Underworld and enrolled in Myrrh Academy."

"What?!" gulat nyang sabi.

"That's why I'm asking you what you had been doing all this time."

"T-teka nga lang. Bakit ang init ng ulo mo? May I know kung sinong ex-Mistress ito?"

Dito sa hall ay may malaking bintana where you can see hell a few kilometers from here. It was surrounded by huge and tall walls represented as circles of Hell.

Huminga ako ng malalim bago magsalita, "The Mistress before my aunt, Alysia."

Agad syang natahimik. Kahit si Drew sa gilid ko ay hindi nakapagsalita at halatang gulat rin sa kanyang narinig. Napasandal ako sa trono ko habang hinihintay ang sasabihin ni Seraphina.

"Tell me Shea, may nilabag ka bang batas?" biglang lumamig ang boses nya.

Agad akong napatigil at napatingin sa kanya. Bigla akong kinabahan.

"What do you mean?"

"Tinatanong kita. May nilabag ka ba?"

Hindi ako nakasagot. Hindi nya pwedeng malaman na binuhay namin ni Kiyan si Paxton sa pamamagitan ng pagtakas sa kanya sa impyerno.

"Ahem." biglaang singit ni Drew.
"As far as I'm concerned Lady Seraphina, our Queen has no reasons to disobey any laws from the Kingdom or from the almighty Goddess itself. What would happen if the queen itself wasn't abiding it's own law? At kung may nilabag man sya, I'm sure she has enough reasons. For now, please don't accuse the Queen for anything uneccessary."

Napahinga naman ako ng maluwag nang magsalita si Drew. Alam kong alam nya kung ano ang ginawa namin ni Kiyan at mukhang seryoso nga sya na maging familiar ko.

Biglang tumawa si Seraphina, "Hahaha! Oo nga naman. Silly me. Sorry your Highness, masyado lang akong nadala." tumawa parin sya and she looks pretty convinced sa sinabi ni Drew.

"About the Pyrell, wala talaga akong idea. Why not ask the Goddess? She's the  one who's protecting the soul of those Mistresses na pumanaw na." sabi nya.

"Lady Seraphina's right Your Highness." Drew agreed.

"T-Then I'll have to check the Pyrell first before talking to my Master."

I stammered. Di ko inasahan ang tanong ni Seraphina kanina. Ano naman ang koneksyon ng paglabag ko sa batas sa pagbabalik ni Alysia?

"Tatawagin ko si Seth para maging escort mo kasama ang bago mong familiar." sabi nya at tumingin kay Drew.

Seth is one of our trusted allies from the elf clan. He's the captain of the Dark Elf bago pa man sakupin ang lugar nila ng kaharian.

Buti nalang talaga di sumama si Paxton dito.

   
   
---

   
 
Nakabalik na ako mula sa Underworld. Pinauwi ko na si Drew sa dorm nya even he insisted na ihatid ako. Baka mag-away na naman sila ng kapatid nya kapag nagkita sila.

I was suppose to enter the dorm of the Alpha nang may biglang humila sa 'kin at dinala ako sa likod. Tinakpan nya ang bibig ko at amoy na amoy ko pa ang panlalaking pabango nya.

"Kiyan?"

He's standing in front of me. Binitawan na nya ako at laking gulat ko when he pinned me in the wall. His face leaned on me at yung mga kamay nya ay nasa magkabilang gilid ng ulo ko.

"Shea..." he whispered in a husky voice that gave me chills.

Amoy na amoy ko pa ang hininga nya dahil sa sobrang lapit nya sa 'kin.

"W-what do you want?" My heart is pounding at parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Parang lalabas ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

Bakit ba ang hilig nyang mambigla? Pwede nya namang sabihin sa 'kin kung gusto nya akong kausapin.

"Fight me."

Parang nabingi ako sa sinabi nya.

"A-ano?"

Hinawakan nya ang buhok ko at inamoy ito. He caressed my cheek as I stare into his dark cold  eyes.

"I want you to fight me. Before it ends, fight me."

"Pero may laban ka pa. You might be—

Di ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya akong hinila papalapit sa kanya at agad akong niyakap. I flinched dahil biglang sumakit ang dibdib ko dahil sa sobrang lapit namin.

"It doesn't matter. Ikaw ang gusto ko." He said in a deep voice.

Dahil hanggang dibdib nya lang ako ay rinig ko ang bilis ng tibok ng puso nya. This can't be.

Kahit gustuhin man namin, alam kong hindi pwede. All his gestures towards me and the way my body reacts everytime he's around, pareho kami ng nararamdaman. At hindi 'to pwede.

Kumalas sya sa yakapan namin as he holds my chin. I stared into his eyes. It's full of life and color compared sa Kiyan na nakilala ko noon. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang may mga paro-paro sa tiyan ko.

"Watashi wa, anata o aishiteimasu." he whispered as I felt his soft lips into mine.

   
   
  
😍😍😍😍

A/N: Yung nanalo sa pagames sa group, abangan nyo yung appearance nyo sa next update! Haha. At yung translation sa sinabi ni Kiyan, search nyo haha. Pero sasabihin naman ni Shea sa next chap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top