Chapter 5: Entrance Exam
Nakatayo kaming lahat dito sa harap ng napakalaking double-door sa field. Bigla nalang siyang lumabas out of nowhere.
Should I use my power? Why do I have this feeling na now is not the time?
“Yosh! I can't wait!” Biglang tumabi sa ‘kin si El with her eyes full of determination.
‘Di ba siya natatakot sa ‘kin?
“El, can I ask you something?”
“Ano yun?”
“Ano bang... school ito?”
Nag-aalangan pa kasi ako kung totoo ang hinala ko. Kasi malay mo, science school lang pala ito with super advanced technology.
She gave me that what-are-you-talking-about look, “Uhh... Myrrh Academy? School of special beings?” She answered na parang nagtataka kung bakit ganon ang naging tanong ko.
Now it's confirmed. Ngayon alam ko na kung bakit sinasabi nina papa na hindi ito ordinaryong school. This school is for someone like me.
“So... what is your ability?” I asked.
Ngumiti siya sakin, “I can read minds.”
So that means kanina niya pa ba nababasa ang nasa isip ko?
“But I can’t read yours which is strange. Sinasarado mo ba ‘yan?” Casual na tanong niya sa ‘kin. Kung makapag-usap siya parang normal lang ako at hindi nakakadiri ang itsura.
Umiling ako. I'm not closing my mind. Hindi ko nga alam kung pano isarado ito eh.
“Each one of you has a weapon accessory in your body. Use them to help you kill those monsters and gain points.” anunsyo sa speaker.
Makakaya ko kaya ito? Will I pass this exam? Gagamitin ko na ba ang kapangyarihan ko? Pero kasi... parang may hindi tama kung gagamitin ko na ngayon eh. Hindi ko rin alam kung ano ang ability ko.
Napatingin ako kay El. She pressed her hairpin na naka-clip sa ulo niya then bigla nalang ito naging axe! Sobrang laking axe na double-headed pa pero parang ang gaan-gaan lang niya kung hawakan. Ayon pala ang weapon accessory niya? How about me?
Nagsilabasan na rin ang iba't-ibang weapon accessory ng ibang estudyante at ako lang yata ang wala.
“Di mo ba gagamitin ang weapon accessory mo Shea?” Tanong niya sa ‘kin.
“I-I don’t have one.” Siguro babagsak na ako nito. Ni hindi ko nga ito napaghandaan na may ganito pala at wala akong alam na pwede kong gamitin o tumulong manlang sa ‘kin.
Tinignan niya ang kabuuan ko, “How about your ring?”
Napatingin ako sa singsing ko na napulot ko sa river bank kahapon, “It's nothing special. Nakita ko lang ito sa tabing-ilog kahapon.”
“O come on Shea! Anyone can tell that it has magic. Tignan mo, yung bato hindi mo ba nararamdaman na parang kakaiba ‘to sa lahat?” Hinawakan niya yung kamay ko kung nasan ang singsing.
“I-I have no idea.” Is it a coincidence na nakita ko lang talaga ‘to o binigay talaga sa ‘kin?
“Now you have. Ganito, pakiramdaman mo kung ano ang nilalaman ng singsing mo. Ipikit mo ang mga mata mo then concentrate. Huwag mong pansinin ang mga ingay sa paligid.”
Sinunod ko ang sinabi niya. I can't believe na may lumalapit sa ‘kin ngayon at hindi niya ako inaaway o iniwasan. Kakaiba talaga siya.
Ang nakikita ko lang ngayon ay para akong nasa space. Punong-puno ng mga bituin and other heavenly bodies. Then far from me, may unti-unting nabubuong shadow. It has the shape of a sword. Then sa hindi malamang kadahilanan, kusang bumuka ang bibig ko at sinabing,
“Sword of Destruction, I summon you.”
--
“Good luck students!” Huling sabi ng sa speaker bago tuluyan nang bumukas ang pinto.
Sabay-sabay silang pumasok sa loob at iisa lang ang nakikita sa kanilang mga mata. Determinasyon.
Naiwan ako sa labas at nakatulala.
I'm scared. I am always scared.
Paano kung hindi ko na naman ma control ang kapangyarihan ko? Paano kung may masaktan ako? Paano kung may makakaalam ng sekreto ko? Paano pag bumagsak ako?
I looked at may sword na hawak-hawak ko ngayon. Ito yung sinummon ko kanina. Itim ang handle niya na may bungo sa gitna. Para siyang sword ng isang knight dahil sa laki nito. Nakakatakot din ang blade niya na kahit madaplisan ka lang nito ay parang mahihiwa ka na.
Something inside me has this urge to pass this exam. Maybe this academy can help discover what really I am.
Tumakbo ako papasok. Wait for me dumbasses.
As I enter, sumarado na ang gate at tumambad sa ‘kin ang masukal at nakakatakot na gubat. Marami na ring mga nilalang ang patay.
Must have been the first students who entered the illusion. Biglang may nagbato ng card sa harap ko at tinamaan ang isang halimaw na nasa gilid ko na pala.
I stood frozen. This is my first time encountering this kind of creature. And I know I'm not ready.
“That would be 150 points.” sabi ng babae na tumira ng cards.
150? Samantalang ako 0 points pa rin? Damn, I need to find those creatures.
I ran deep into the forest. Ang dami nang mga patay na nilalang sa paligid. Shocks, baka inubusan na nila ako.
Napatigil ako sa pagtakbo nang biglang may sumulpot na halimaw sa harap ko. His large and sharp teeth were enough para mapaatras ako. Pulang-pula rin ang mga mata nito na anytime ay pwede na akong lapain.
“12 points.” bulong ko.
He growled and looked me. He’s salivating as he opened his mouth ready to capture his prey. Hinigpitan ko ang hawak sa espada ko. I won’t use my power. Walang dapat makaalam nito dahil baka hindi ko pa ito makontrol.
I ran towards him while shouting. I'm gonna kill and get some points you monster!
“Yah!” I thrusts my sword into his chest where I think his heart is pero iba ang nangyari.
Tinignan niya lang ito na parang wala lang. Hindi agad ako nakarecover sa pagkagulat kaya hindi agad ako nakagalaw. Hanggang napansin ko nalang na papunta na ang kamay niya sa akin. Tumilapon ako sa puno malayo sa gawi niya kanina.
“Aargghh!” Napadaing ako sa pinsalang natamo ko. Damn, the pain is very realistic. Nanghihina akong tumayo dahil nanlalabo na ang paningin ko dala sa lakas ng impact ng pagkakatama ko sa puno.
I need to get my sword out from his chest. Pinahid ko ang dugo sa pisngi ko. Kailangan ko siyang patayin bago pa may makauna sa akin.
Muli akong tumakbo pabalik sa nagwawalang halimaw. Parang umiikot pa ang paningin ko pero kaya ko pa naman. Kumuha ako ng bato at binato sa kanya. Tinamaan siya sa ulo kaya muling bumalik ang atensyon niya sa ‘kin. Where is your weakness monster?
Akma na niya sana akong dadamputin pero bigla akong tumalon at pumatong sa malaki at mabalahibo niyang braso. I don't know where did I get this agility but it feels amazing. Tumalon ako sa isa pa niyang braso na dadamputin rin sana ako.
I am already inches away from my sword. I jump towards it and grab it with all my might as I uses my whole body to cut through his thick skin. Kahit manlang dito masugatan ko siya.
“Graaaawwrr!” Daing niya dahil sa sugat na natamo sa kanyang dibdib. Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Nagwala siya at muli na naman niya akong hinampas ng malaki niyang kamay. Tumilapon ako sa harapan niya. Napaubo ako ng dugo at ramdam ko na na parang hindi na yata kakayanin ng katawan ko.
I look at the monster and he's one step away from me. He madly looked at me na parang gustong-gusto na niya akong patayin. Wala na akong lakas. Kinuha ko ang weapon ko at ginawang support upang makatayo. But his foot is already above me and about to crush my body.
Napapikit nalang ako. Game over I think. A worthless nerd was kicked outside the academy with zero points.
Hinintay ko nalang na apakan niya ako pero hanggang ngayon wala parin. I heard a sudden growl kaya napadilat ako at nakita ko na dumadaing na sa sakit ang halimaw. There is a chain tied on his entire body and its so tight it looks like he’s about to explode.
Lumu-lobo ang buong katawan niya at tanging lumulusot lang ay yung part kung saan nandoon ang chain. Mas lalo pang humigpit ang kadena hanggang sa sumabog ang halimaw and his parts were spread all over the place. Gross.
“Are you okay?”
May nakita akong babae mula sa likod ng halimaw kanina. She's holding a chain whip and she looks very angelic. Puti ang kanyang buhok at maliit lang ang kanyang katawan. Ang hinhin din ng boses niya. I can’t believe that she’s the one who killed that monster!
Tinulungan niya akong tumayo. “Buti nalang nakita kita. Bakit hindi mo ginamit ang kahit isa sa mga abilities o power mo?” tanong niya sa ‘kin. Her voice is so soft and gentle like a lullaby dahilan para kumalma ako.
Hindi ko siya sinagot at sinikap ang sarili kong tumayo mag-isa. Hearing what she said, I think madami silang ability at isa lang ang kapangyarihan nila. Pero ano ba ang pinagkaiba nila?
“Thanks.” sabi ko. Naligtas nga ako sa pagiging game over pero wala parin akong points.
Nagsimula ulit akong maglakad gamit ang espada ko bilang suporta. Ang sakit na ng katawan ko pero kailangan ko maka-gain ng points kahit five lang.
“Uhmm...” she uttered pero patuloy parin ako sa paglalakad.
“Y-you know I can help you.” Nahihiyang sabi niya kaya napatigil ako.
“Naka 926 points narin ako kaya pasado narin naman ako. Wala namang sinabi ang headmaster na bawal magtulungan eh.” litanya niya.
926 points?! Tapos ako zero pa rin? Gaano na ba katagal nang magsimula ang exam? We only have one-and-a-half-hour para matapos ‘to.
Simula nang magpanggap ako bilang isang nerd, hindi ako umasa sa tulong ng iba. Nakaya kong tumayo sa sarili kong mga paa but now, I feel so helpless.
“Uhmm... you see 45 minutes nalang bago matapos ang exam.” sabi niya. I sighed.
“Thank you.” mahina kong sabi. I guess it couldn't be helped.
Nagliwanag naman ang mukha niya, “Of course! You can count on me. Ako nga pala si Cein Azura Olieta. You can call me Cein.” pagpapakilala niya.
“Shea Alysia Valdemore.” Pagpapakilala ko rin.
“We don't have much time. Kailangan makaabot ka kahit 500 points manlang.” sabi niya.
Tahimik lang ako. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko eh basta kailangan ko lang magkapoints.
“Why don't you put some of your power on your sword? Hindi ‘yan gagana kung ganyan lang siya. Look at my chain whip, I put some of my powers into it.” suhestiyon niya.
Yun nga rin ang pumasok sa isip ko kanina kaso nga hindi ko makontrol at baka may mapahamak pa.
“Hindi na kailangan. What I need is to gain points without using any abilities or power. I know it sounds difficult but not impossible.” she nodded.
“Kaya pala mukhang nahihirapan kang kalabanin yung 12 points kanina. Well, kung ‘yan ang gusto mo, hahanap tayo ng 5 points then iyon ang papatayin mo. Don't worry para lang silang mga sea urchins and all you need to do is dodge their spikes and cut them in halves.” pagpapaliwanag niya at tumango ako. All I need is to kill 100 of those sea urchin-like creatures to get passed.
“Let's go.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top