Chapter 46: Apostles
ELOINY'S POV
Nandito ako sa loob ng hotel na tinutuluyan namin ni Cein. Nakaupo sa gitna ng kama. At nakatunganga.
"Waaahh! Ceeiiinnn! Asan ka na ba?" ginulo ko ang buhok ko at sinubsob ang mukha sa unan.
Eh kasi naman eh. Kagabi pa sya nawawala. Kaninang madaling araw pa ako hanap ng hanap. Kaso naisip ko, madaling araw pa. Baka tulog pa sya. Kaya bumalik nalang ako dito sa hotel at natulog ulit. Tapos nagising. Gising na siguro—
Wait....
Processing....
Ting!
"EH TANGA KA NAMAN ELOINY BAKIT MO NAISIP NA NATUTULOG 'YUN EH NAWAWALA NGA?! MAY KILALA BA SYA DITO PARA TULUGAN?!"
Napukpok ko ang ulo ko dahil ngayon ko lang narealize ang pinanggagawa ko.
Tracking ang isa sa mga ability ko kaso di pa 'to reliable kasi minsan mali ang tinuturo nito sa 'kin dahil malabo ang visuals na pinapakita nito sa utak ko. Tini-train pa 'to sa academy. Di nga nagwork 'tong ability ko kay Shea at sa Alpha eh.
"Oplan: Tokhang ang punta namin dito eh. Pero ako pa yata yung natokhang." napahinga nalang ako ng malalim at sinubukang mag concentrate upang hanapin si Cein.
Pumikit ako at hinayaan ang ability kong gumana. I was like that for almost ten minutes but...
"Waaaah! Wala talaga. Nasan na ba kasi kayong dalawa? Uwi na tayong academy. Huhuhu..."
Nagpagulong-gulong ako sa kama hoping na magkaroon naman ng laman 'tong utak ko para sa susunod na gagawin.
May bigla akong naramdamang kakaiba kaya napatigil ako.
This feeling...
Nakakakilabot. Parang ganito kalakas ang pwersa ni Shea kapag nagseseryoso sya. Pero...
Mukhang mas malakas 'to na nagawa kong gamitin ang kapangyarihan ko na di ko alam. May body acted on its own because of my instincts.
Nagmadali akong lumabas ng hotel. Meron pa nga akong nabunggong bata kaya muntik na syang natumba. Buti nalang nahawakan ko sya kaya lumutang sya at di tuluyang nabagsak. Gulat na gulat pa nga syang nakatingin sa 'kin eh. Ngayon lang ba sya nakakakita ng dyosa? Charot.
As the elevator reached the ground floor, agad agad akong tumakbo sa labas at hinanap kung saan nanggaling ang malakas na pwersa na 'yun. Pero wala akong napansin na kakaiba. Pati na naman ba yung pakiramdam ko niloloko na ako?
Tumingin ako sa taas at doon nanlaki ang mata ko.
"O.M.G" slowmo pa yan.
Isang napakalaking liwanag na ewan ang pabulusok sa kung saan. Para itong comet with different colors.
Bigla akong kinabahan dahil mukhang alam ko na kung ano ang nangyayari.
Nandito si Kiyan at Shea. Anything not ordinary that is happening right now might be related to them. Kapag sinundan ko ang liwanag na 'to, maaari ko na silang makita. Marahil nandon na rin si Cein. Ang daya talaga ng babaeng 'yun inunahan pa ako.
Hinawakan ko ang damit, pants at sapatos na suot ko upang pagaanin ang katawan ko at mapabilis ang aking kilos. Zero-gravity is my power. Di ko kayang lumipad, lumutang lang. Pero mas gusto ko pang tumakbo kesa magpalutang-lutang kasi nakakapagod. Para lang akong lumalangoy.
Mabilis akong tumakbo habang sinusundan ang liwanag. Naka ilang liko na ako at marami na rin akong nabunggo pero di ko yun pinansin dahil kailangan kong sundan ang liwanag na 'to. Medyo malayo na yata ako sa city kaya tumigil muna ako upang habulin ang aking hininga.
"Eh? San na ba ako?" napakamot ako sa ulo ko. Bakit may ilog na dito?
I hear a rumbling sound. And all of a sudden, biglang bumukas ang gate ng academy di malayo sa kinatatayuan ko. May academy pala dito? Ay malamang.
Panay sila sigaw na parang takot na takot. Nagdadagsaan sila at kung di ako maingat, kanina pa siguro ako nabaon sa lupa.
"May mga demonyo! Demonyo!"
"Waaaahh! Ayoko pang mamatay!"
"May mga halimaw rin sa loob!"
"Mama! Huhuhu..."
Demons? Wait, ginalit ba nila si Shea? Anong sinasabi nilang demonyo?
Lahat kami ay napasigaw as we get down on the ground when a loud boom was heard from the sky. Doon ko nakita na ang liwanag na mukhang tatama sa academy ay biglang bumalik sa kung saan ito nanggaling.
I saw a guy—no a fox. A human fox? May hawak syang bow at ang porma nya ay parang isang hunter. Isa ba sya sa kasamahan ni Kiyan? I've never seen him before.
Muli na namang nagsitakbuhan ang mga tao palayo sa academy habang ako ay sinusubukang sumingit na makapasok dahil parang magkaka stampede na. Kailangan kong makita sina Shea. Mukhang sasalakay ang demon clan at desperado na talaga silang makuha ang reyna. At di ko yun papayagan!
Ginawa ko ang lahat upang agad makapasok. Si Shea. Sana okay lang sya. Pati si Cein. Sana walang masamang nangyari sa kanila. Meron pang natitirang estudyante sa loob at tinulungan ko silang makalabas. Nakapasok na ako ng building at mukhang wala nang natira.
"What are you still doing here? Umalis ka na!"
A guy appeared out of nowhere kaya napatigil ako at napatingin sa kanya. Ang ganda ng mga mata nya, tsaka ang bango nya. At ang taas pa. Waaaah! Gwapo!
Hinawakan nya ako sa braso at kinaladkad palabas. Oh my! Kilig si ako.
Teka, hindi ngayon ang oras para lumandi! At parang kilala ko ang lalaking 'to ah. Pero diba bakla sya?
"Trevor? I-I mean sir Trevor?"
Bumaling sya sa 'kin at shocks ang intense nya tumingin. Pero diba bakla to? Why is he so manly right now? Nagtataka nya naman akong tinignan.
"A-ako nga po pala si Eloiny. Isa rin akong special at kaibigan ko rin po si Shea." sabi ko.
Lumiwanag naman ang mukha nya, "Talaga? OMG! Lika tulungan mo kami!" kinaladkad nya ako sa hindi ko alam kung saan. Oh my ghad nahawakan ako ng isa sa mga Alpha!
Teka, bakit naging bakla ulit? Naging lalaki ba talaga sya o nag iimagine lang talaga ako?
Nagtaka ako nang biglang lumiwanag ang tinatapakan namin, maging ang mga structures na nagiba ay unti-unting na re-repair dahil sa isang misteryosong liwanag na bumabalot sa buong lugar.
"Powers 'yan ni fafa Kiyan. Ang galing no? That's what you call creation." sabi nya habang naglalakad kami.
"Creation?" tanong ko.
Base sa libro ni papa noon na binasa ko, isang nilalang lang ang pwedeng makagamit ng kapangyarihan ng Creation. At yun ay ang disciple of God. Kung ganon si Kiyan nga ang opposite ni Shea?!
"Yes. He's the opposite of your friend." biglaang sagot ni Trevor.
I gasped. So kung si Kiyan ang hari at sila ang tinuturing na elite ng academy, edi ibig sabihin 'non mga elites din sila ng kaharian?! Agad akong nag bow sa harap nya na ikinagulat naman nya.
"Forgive me for my unpleasant attitude awhile ago sir! You're the Alpha so you must be the Apostle of the King." magalang na sabi ko habang nakayuko parin.
Tanga ka talaga Eloiny kahit kailan!
Apostles are missionaries and leaders. They are the ones who spread light and hope around the world and they are led by the King which is Kiyan. Sila rin ang highest decisioning body sa kaharian next to the King. They are considered as the strongest and the elites. Pangatlo lang ang familiar.
Pero the ef? Bakit nila hinayaang pasukin sila ni Shea which is their opposite at Reyna pa ng kadiliman?!
"Ano ka ba. Don't be too formal tsaka 'wag mo kaming tawaging apostles. As much as possible, we want to keep our real identities hidden. Ayaw namin ng gulo."
Homayghaaaadd! Di ako makapaniwalang nakakaharap ko ang isa sa mga apostles ng hari at nakakausap ko pa! Ang hirap hirap kaya nilang abutin. Syempre commoner lang ako tapos sila royalties and elites. Never in my dreams that I'll finally able meet them.
Ang swerte ko yata? Bestfriend ko ang reyna ng kadiliman at nakakausap ko naman ang isa sa pinakamataas na posisyon ng liwanag.
Nabigla ako nang hinila na naman ako ni Trevor at mabilis na tumakbo. Muntik pa nga akong madapa kaya hinayaan ko nalang na palutangin ang sarili ko habang hinihila nya ako hihi. Ang sweet kaya namin. Holding hands while floating. Kilig si aketch. Ahe!
Ilang minuto rin kaming lumiko, umakyat at tumakbo. Ang laki naman ng school na 'to. Habang papalapit nang papalapit kami ay nagsimula akong nanlamig. Nanindig din ang balahibo ko.
"S-sir Trevor?" I called habang hila-hila nya parin ako.
"Trev nalang." sagot nya.
"Uhmm T-Trev... nagagalit ba si Shea? Kasi sobrang lakas ng pwersa ng kadiliman eh. Parang nanghihina na nga ako."
Sumeryoso naman ang mukha nya. Is he being manly again?
"Kung hindi ako nagkakamali, a vast number of demons and dark creatures are approaching the academy. Together with the Nine Apostles of Hell." kalmado nyang sabi. Waaaah! Lalaki nga sya! But now is not the time for that Eloiny.
"OMG. May apostles rin si Shea?"
Ang galing talaga ng bestfriend ko. Ang lakas nya at ang ganda pa. Hayy I'm so lucky talaga.
"Yes. The Queen had Apostles. Noon 'yun bago pa man umupo sa trono si Shea. But they've decided to seperate themselves from the Kingdom of the Underworld and build their own Organization. Katulad rin namin sila. They are also missionaries and leaders who spreads darkness and misery around the world. They are also the highest decisioning body next to the Queen. Ang pinagkaiba lang, when they come up with a decision, even the Queen can't oppose." paliwanag nya.
"Bakit naman?"
"Although nandon parin sila sa kaharian ng Underworld, di na sila kontrolado nito. They represent each circles of Hell kaya sila tinawag na Apostles of Hell."
Parang may malakas na pwersa ang dumaan sa 'kin at bigla akong natumba. Nahihirapan akong huminga at feeling ko ang dumi dumi ng hangin.
"Ay kaloka ka girl! Di nyo pala keri ang ganto kalakas na kapangyarihan ng kadiliman. Pababalikin nalang kita sa academy."
"Wag! K-kaya ko pa. Kailangan kong makita si Shea." buong lakas akong tumayo pero nanghihina talaga ako. The power of darkness is so strong.
Nakatingin lang sya sa 'kin. Pero bakit parang malungkot sya? Waaah! Kasi tinanggihan ko ba yung offer nyang ibabalik ako sa school? Pero kailangan ko nga kasi makita si Shea at si Cein!
"M-mauna na po kayo. Mas kailangan kayo ngayon. Magpapahinga lang ako sandali at susunod na rin. Besides, pagagalitan rin ako sa academy dahil bigla-bigla nalang ako pumunta dito. Kaya lulubusin ko nalang. Hehe."
Bigla nya akong nginitian. Shocks bakit ang gwapo ni Trevor? Bakit kasi naging bakla sya eh.
"Shea must be lucky to have you."
Nagulat ako nang bigla nya akong binuhat. Bridal style. Watdapak asdfghjkl! Kinikilig ako sheeeett! Anong ginagawa nya?!
"H-hala! Uhmm..."
"Sinigawan na ako ni Vishna eh. Ang tagal raw natin. Haha." tumakbo sya habang buhat-buhat ako. Hindi ako nakapagsalita kasi hindi parin ako makapaniwala.
Ghaaaaad! Ang bango bango bango nya. I could smell this all day. Tapos... tapos... humayghad ang tigas ng dibdib nya. Nagwo-work out ba ang bakla?
Nagsimula nang lumindol ngunit wala ni isang sira dahil nababalot ito ng liwanag. Ang lakas talaga ni Kiyan. Kahit overwhelming yung dark energy dito still hindi basta-basta natatalo ang liwanag. At parang hindi manlang naaapektuhan si Trevor sa pwersa nito.
Pumasok kami sa isang malaking stadium. Parang ganito din sa academy kung saan naganap yung duel pero mas maliit lamang to. Sira ang kalahati ng building pero ang kalahati nito ay nababalot ng liwanag kaya hindi nasira.
"San ka ba galing bakla ka? Kanina pa kita tinatawag! At sino sya?" turo sa 'kin ni lady Vishna. Maybe I should address them as Lord and Lady dahil 'yan ang tawag ng mga specials sa mga apostles.
"Eloiny. She's also a special. Natagpuan ko syang papasok dito. Bestfriend of Shea." paliwanag ni lord Trevor nang nailapag nya ako.
Tumingin naman sa 'kin ang kausap nya at wala akong nagawa kundi ang yumuko. Sa lahat talaga ng Alpha sya ang pinakinatatakutan ko sa babae. Ang sungit kasi nya at nakaka-intimidate ang presence. Mas nakakadagdag pa ang pressure lalo na at nandito silang lahat pati ang Hari.
"Prepare for combat. They're going to get Shea. Protect her at all cost." malamig na sabi ni Master Kiyan. Bigla syang tumingin sa 'kin na dahilan upang maestatwa ako.
"Can you fight?" tanong nya.
A-ako ba yung kinakausap nya? Ako di ba? Tumingin ako sa likod ko at ako nga yung kinakausap nya. K-kinausap ako ni Kiyan. Pwede na akong mamatay.
"Di nya kayang lumaban. She was overwhelmed of the dark energy surrounding the area kaya nanghihina sya." sagot ni Trevor sa aking gilid.
Sa sobrang gulat ko di ko napansin na natutulala na pala ako at hindi nakasagot. Waaaah! Nakakahiya huhuhu.
Wait.
Bakit parang bigla yata akong lumakas? Di na ako nanghihina and the the dark energy can't hardly get me. Bakit parang di ako naaapektuhan nito? Totoo ba 'to o nag i-ilusyon na naman ako?
Napatingin ako kay Lady Ezra at nakangiti sya sa 'kin. Ang ganda nya talaga.
"Tignan mo ang katawan mo Eloiny."
Agad naman ako napatingin sa kamay ko and it's glowing. Maging ang mga braso at binti ko ay nababalot ng liwanag. Umiilaw ang buong katawan ko. Ito ba ang dahilan kaya bigla akong lumakas?
"Master gave you additional strength. Gusto ka rin nyang lumaban." bulong sa 'kin ni Lady Ezra habang nakangiti.
"E-eh?"
Napatingin ako sa hari at nakatalikod lang sya habang nakatingin sa taas. Dumidilim ang kalangitan at umuulan ng apoy. Parang may digmaang nagaganap.
"Protect your friend like how you protect your life. Don't let the enemy get her. She's in the rooftop." sabi nya habang nakatingin sa 'kin. Muli na naman akong na estatwa.
"Follow it. That's an order." utos nya sa malamig na boses.
T-The King just ordered me directly. A commoner like me. He's talking to a commoner. OMG I'm gonna die.
"Y-yes your Highness." agad akong yumuko at nag bigay pugay.
I'm going to protect Shea at all cost. Pero nasaan si Cein? Nakalimutan kong itanong sa kanila. I wonder why are they entrusting me to protect Shea gayong sakto lang ang lakas ko. I mean one of them must be the right one to protect her kasi malakas sila right? Ano kaya ang iniisip ni Master Kiyan?
Tumayo na ako at tumungo sa rooftop. Pero bago 'yun ay narinig ko pa silang nag-usap.
"Aren't we going to call a horde of angels this time?" tanong ni Lady Vishna.
"Bakit? Naduduwag ka na ba?" pang-aasar sa kanya ni Lady Ezra.
"O c'mon Vishna. Di mo ba namiss makipaglaban? Baka duwag ka nga. Haha." dagdag ni Lord Ice.
"Hindi nga sabi ako duwag! Baka mas marami pa akong mapatay kesa sa inyo." nanghahamon nyang sabi while smirking.
"Oohh... a battle? Exciting 'yan! Paramihan tayo ng mapapatay at kung sino ang pinakamarami ay susundin ang lahat ng inuutos nya within one week." sabi ni Lady Ezra.
"At ang pinaka konti?"
She grinned, "Sya lahat ang gagawa ng utos."
"Ay pak! Join ako dyan. I can't wait to be called diyosa by you." Lord Trevor smirked at Lady Vishna.
"Oh? Di ka ba natatakot dyan sa pinagsasabi mo?" she countered.
"Oh shut up both of you. Eto na sila. I'm going to wipe them all in just a snap." Lady Ezra said.
"Is it me or are you actually trying to imitate Shea? Pfft. Nice try Ezra, pero ako parin ang dyosa."
With the signal of Kiyan, sabay-sabay silang tumalon ng sobrang taas patungo sa kalaban. Tumalikod na talaga ako at pumunta sa bestfriend ko.
Gosh I really wanted to see them in battle as a group. Kapag kasi sa academy tig-iisa lang sila kung lumaban tapos di pa full power yun dahil tiyak mapupulbos ang kalaban nila. Habang paakyat ako ng hagdan ay rinig ko ang malalakas na pagsabog mula sa kalangitan. As well as screams and clashing of powers.
Pagdating na pagdating ko sa taas ay bumungad sa 'kin ang lalaking nakita ko kanina na binalik ang atake mula sa kalaban. Ang haba ng puti nyang buhok na abot hanggang binti, may tenga sya ng katulad sa mga hayop pati buntot. Ang tutulis rin ng mg kuko nya. Pero syeeeet! Isa rin 'tong papabol!
Kunot noo akong napatingin sa kanya. Asan si Shea? Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala nang iba dito maliban sa aming dalawa. Teka, sino ba 'to?
"Who are you?" tanong nya. Ako dapat ang nauna eh.
"Nasan si Shea?"
Tinignan nya ako ng mabuti. Napalunok ako dahil nakakatakot syang tumingin at tila sinusuri ako. Sino ba 'to? At mukhang di ko naman sya nakikita sa academy noon ah?
"Kaibigan ka nya, diba?" he asked.
Tumango naman ako, "Sabi nila nandito daw sya. What did you do to her?" I narrowed my gaze on him. Go lang Eloiny. Maging matapang ka para kay bes! Kahit papabol yang sa harapan mo.
Tumingin sya sa taas kaya napatingin rin ako. I was amazed dahil sa halos madilim na kalangitan kanina dahil sa dami ng mga kalaban, ay ngayon ay pwede ko na nga silang mabilang. Only few of them left at hindi pa nga nakaabot ng limang minuto since umalis sila. Nakita ko pa si Trevor na flawless na nakikipaglaban. WTF. Is he gay or what?
Si Ezra at Vishna mukhang nagpapagalingan. I tried to search for the King but he was nowhere to be found.
All of a sudden, I sensed a tremendous amount of darkness approaching right at us. I pressed my hairpin kung saan ang weapon accessory ko at bigla itong naging axe. Pero ang kinagulat ko ay iba na ang anyo nito mula sa huli ko 'tong nakita. Double-headed axe 'to noon pero ngayon isa nalang. Ngunit mas matulis. Sa kabila ay pointed knife na kumintab pa ang dulo sa tulis nito. Para tuloy akong valkyrie hoho.
Nagtaka ako nang may inabot sa 'kin ang lalaking papabol na kwintas. Itim ito na cone ang hugis.
"Protect that necklace and don't ever let the enemy get it. Or else I'll kill you." matalim nya akong tinignan na kung nakakapatay lang 'yon ay deds na ako.
"Eh nasan ba si Shea?" lakas loob kong tanong.
"Nasa loob ng batong 'yan."
Ah nasa loob lang pala akala ko nasan—
"What?!"
Anong nandito?
"Anong ginagawa nya sa loob ng bato?!"
"Tumahimik ka." sumeryoso na naman ang boses nya kaya natahimik nalang ako.
Umihip ang malakas na hangin at biglang nabalot ng tensyon ang paligid. Sobrang tahimik at dalawa kaming nagpakiramdam. Alam kong may paparating na malakas na kalaban kaya naging alerto kami. Pinasok ko ang bato sa bra ko. Bakit ba? Alangan namang hahawakan ng kalaban yung boobs ko. Duh.
The wind stopped blowing at nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. The dark energy keeps on growing until—
"Gotcha!" mabilis kong hiniwa ang kamay nya ngunit nakaiwas sya. Sinundan naman sya ng atake nung lalaki with it's sharp claws habang binabalot ng itim na usok. It almost got him at alam kong nasagutan sya.
"Too slow." ngumisi ang lalaking lumabas sa harapan ko kanina.
Mukhang kaedad lang namin. Itim ang buhok nya na may halong pula. May kulay pulang marka na ewan sa kanyang noo habang may piercing naman sya sa ilong at bibig. Kulay itim ang mga kuko nito at maputla ang kanyang balat. Mukha tuloy syang adik na bampira. Sayang gwapo pa naman ni kuya.
"Kaisar.." bulong nitong kasama ko.
He narrowed his gaze on us na tila ba kinikilala kami. Hanggang sa bigla syang ngumiti na parang natutuwa pang makita ang kasama ko.
"Ah! Falcon ikaw pala. Haha muntik na kitang di makilala sa itsura mo. Kamusta ang Mistress mo ngayon? Balita ko, ang hina nya." tila nang-aasar nyang sabi. Ang lakas nya magsalita na parang arogante. The way he stands ay para syang mahilig makipag-away. Para syang siga na nakapamulsa ang isang kamay at ang isa naman ay may hawak na batuta na may tinik. He looks violent. Nakakatakot.
"Umalis na kayo dito. Di nyo sya makukuha." wala paring emosyon si mr. Papabol.
"Oo nga umalis na kayo dito! At hindi mahina si Shea! Baka pag nakita mo sya maihi ka nalang dyan sa pants mo habang tumatakbo pauwi!" Hmp. Ang lakas ng loob nyang laitin ang bestfriend ko.
Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa saka ngumisi. Waaah! Manyak sya!
"Ibigay mo muna sa 'kin ang bato para umalis na kami." he playfully smiled.
"Neknek mo! Wala sa 'kin ang hinahanap mo. Pumunta ka dun sa school grounds. Doon maraming bato. Gusto mo tulungan pa kita."
"Are you stupid or what?" bulong ng katabi ko. Problema nito?
"Oh bakit? May problema ba sa sagot ko?" bulong ko rin.
"Sigurado ka bang wala sa 'yo?" napatigil kami sa pag-uusap nang magsalita ang adik na 'to.
"Kulit din ng lahi nito eh. Ilang beses ko bang sabihin—
Napatigil ako sa pagsasalita when I realized what he is doing to me.
HOMAYGHAAAAAADD! ASDFGHJKL! H-HINAWAKAN NYA ANG BOOBS KO WAAAAHH!
Sigaw na ako ng sigaw dito at buti nalang na knock off sya ng kasama ko kaya tumilapon sya sa kabilang dulo ng rooftop. Pano kasi bigla nalang sya lumapit at dinakma ang boobs ko. Huhuhu ano ba tingin nya dito, bato? Shet di na ako pwedeng magpaksal. Pano na si Trevor?
"Nandyan pa ba?!" baling sa 'kin nung lalaking fox na sa kabilang dulo.
Nalito naman ako sa tanong nya.
"Yung ano? Yung boobs ko? Oo nandito pa!" Ano 'yun? Matatanggal boobs ko?
"Yung bato tanga!"
Ay hala! Oo nga pala! Shocks kaya pala hinawakan nya kasi nandon yung bato. Sinilip ko ito at nakahinga ako ng maluwag.
"Oo nandito!"
Bumukas ang pintuan dito sa rooftop kaya doon napunta ang atensyon ko.
"Graniath sa wakas dumating ka na!" sabi ni Kaisar.
A guy went flying over right in front of me. Bumagsak sya padapa sa sahig at puno sya ng sugat. He looks familiar.
Nanlaki ang mata ko when I realized who it is. Yumuko ako at hinawi ang buhok nyang nakatakip sa kanyang mukha.
I gasped.
"L-Lord Fire?!"
Oo sya nga.
"Anong nangyari sa inyo?!" inalalayan ko syang tumayo. Buti may malay pa sya.
"Sya lang ang natirang buhay at nasa ayos pa ang itsura. Yung iba di na makilala. Nasobrahan yata ako. Hahaha!" tawa nung lalaking mukhang goons. Malaki ang katawan nya tapos may eyepatch pa sya.
"I-imposible 'yang sinasabi mo! Malakas ang Alpha at hindi nyo sila basta-bastang masasaktan!" sigaw ko sa kanila.
Biglang ngumisi ng nakatatakot yung Graniath, "Talaga? Eh sino yang kasama mo? Di ba Alpha 'yan?"
Napatingin ako kay Lord Fire and he's barely awake. Sa 'kin lang sya kumukuha ng suporta upang makatayo.
"Simple lang laman ang gusto namin. Hand over the Sapphire, and then we'll go."
Tumingin sa 'kin si Falcon, "Ibigay mo na sa kanila." seryoso nyang sabi. Ngunit bakit parang may ibang sinasabi ang mga mata nya?
Hindi ko 'to maaaring ibigay. Kung totoo man o hindi ang sinasabi ng mga mokong na 'to, still they've sacrificed themselves to protect Shea. I can't just let them do it. Di ko alam kung ano ang iniisip ni Falcon pero di ko 'to ibibigay kahit anong mangyari.
Pinaupo ko si Lord Fire sa gilid. I positioned myself with my weapon accessory at hinarap sila. "Magkamatayan muna tayo."
Una kong linusob yung lalaking mukhang goons. I gave him a series of slicing pero nasasalag nya lang 'to.
"Eloiny!" may tumatawag sa 'kin pero di ko pinansin.
Alam ko namang walang-wala ako sa kanila eh. Pero di ibig sabihin 'non na titigil na ako. Di porket mahina ako eh hindi na ako lalaban.
I attempted to hold the guy para lumutang sya but I've made a wrong move. He grabbed my arm at binalibag ako sa sahig. Nanlabo ang paningin ko at parang mawawalan ako ng malay dahil sa sakit.
But something's around na bumabalik ang lakas ko. Nasan na bi si Master Kiyan? Don't tell me pati sya nadali ng mokong na 'to?
Bumangon ako at muling nakipaglaban sa kanya gamit ang axe ko.
"Di ka talaga marunong makisama. Di mo ba nahalata na may plano ako?" sabi ni Falcon dito sa likod ko. Magkabilaan kami habang kaharap ang kalaban namin.
"Eh bakit di mo agad sinabi?!"
"Di ko alam kung tanga ka ba talaga o ano. May mga kalaban tayo alangan sasabihin ko sa harapan nila!"
Oo nga no?
Ang bilis ng pangyayari, natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaluhod sa sahig habang may kung anong ilaw na nakatutok sa 'kin.
"Ang lakas ng loob mong kalabanin ako. I, Graniath is the Apostle of Greed. Gagawin kitang sakim sa kapangyarihan sa ilalim ko." may nilabas syang isang baraha.
Is he going to make me one of his playing cards? Literally? Kukulungin nya ba ako dyan at kokontrolin?
"S-Shea..."
Napahawak ako sa bato dito sa loob ng damit ko. Di ko alam kung pano sya napunta dito pero kailangan namin sya.
Di ko 'to pwedeng ibigay sa kanila. Ang Alpha, sana di totoo ang sinabi ni Graniath. Dahil pag ganon, maging si Falcon ay wala na ring pag-asa. A-ayokong biguin sila. I've been assigned to protect my bestfriend by the highest royalty in the Kingdom. The King. If I failed, then para ko na ring pinatay ang bestfriend ko.
"Shea lumabas ka na dyan!"
I don't know what's going on in here at kung bakit sya nakakulong sa bato. Pero kailangan namin sya.
"Shea ano ba?!"
"It's the Goddess Sapphire young girl. No one can escape from it. Kahit reyna pa sya ng kadiliman." sabi nung Kaisar. Nakita kong nakahandusay na si Falcon sa sahig.
Bahala na.
"SHEEAAAAAAA!" buong lakas kong sigaw until I'm out of breath.
Tinawanan lang nila ako. Pero napatigil rin agad sila nang may umilaw sa loob ng damit ko. Nilabas ko 'to and it was the Sapphire.
Nakakasilaw na liwanag ang nanggaling dito and all of a sudden, bigla itong nag crack.
"I-Imposible!" sigaw nila.
Biglang nabasag ang bato at nakakasilaw na liwanag ang nanggaling sa loob nito. Until it was surrounded by a dark blue fire. Lahat kami napatigil at nakatuon lang ang atensyon sa apoy.
Sumakit ang dibdib ko dahil biglang tumaas ang dark energy sa paligid. Dumilim ang kalangitan at nagsiliparan ang mga ibon.
"Imposible syang makawala dyan!"
Behind the fire, may naaaninag akong babae. Babae na may sungay. Umiilaw ang buong katawan nya ngunit nakapikit sya. Her hair was glowing into intense blue at dahan-dahang may nagfo-form na armor sa katawan nya. It was daring at di ko pa sya nakitang nakasuot ng ganyan.
Unti-unting dumilat ang mga mata nya at parang lahat ng balahibo ko sa katawan ay nanayo.
Her Iris were shining red and her pupil were intense blue. Nakakatakot ang mga mata nya at parang di ko na sya kilala.
"Tawagin mo ang pito Graniath! Nakawala ang target!" Kaisar said panically.
Tumakbo naman ang lalaki palabas sana ngunit parang may malakas na hangin ang dumaan sa 'kin and went straight to Graniath. Tumilapon sya at nabunggo sa mga railings. Bumagsak sya sa sahig na wala nang malay.
Napatingin ako kay Shea at nakakatakot sya. Ni hindi ko sya kayang tignan ng matagal. She's a demon. Queen of Demons. Di ko inakalang makikita sya sa ganitong anyo.
It is indeed her true form. The true form of the Queen of the Underworld. The Mistress of Darkness and Destruction.
👻👻👻
A/N: Join our official facebook page. Here's the link: https://www.facebook.com/groups/528116477312204/
Or simply search That Nerd has a Secret Official group
Makakausap nyo na ang mga OPs dun. :) Btw naghahanap kami ng OP para kay Kiyan. Haha pm nyo ko dito o di kaya sa fb.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top