Chapter 45: Descends
A/N: Sorry sa matagal na update. 😭 Credits kay @AnonymousBlackStone for my new book cover haha. Try to read his story guys entitled "False Angel" I guarantee you that it's also worth it to read. Sa mga nalito kung sino si Alysia, pwede nyong balikan ang Chapter 30: The Beginning.
👻👻👻
Umalis na si Sarah maging si Paxton. Sinabi narin ni Kiyan na pwede na silang magpahinga. Malapit nang lumabas ang haring araw but here he is, staring outside the window of his room while drinking a cup of tea. Hindi sya makatulog.
Pilit bumabalik sa kanyang ala-ala ang nakaraan na matagal na nyang kinalimutan. The door creaked open pero di nya manlang tinignan kung sino ang nagbukas nito. Nakatingin parin sya labas.
"Naaalala mo na naman ba sya?" tanong ng babaeng kakapasok lang. Tumabi sya kay Kiyan at tumingin rin sa labas.
"Their names may be similar but they are way too different. Di hamak na mas lamang si ate kay Shea sa lahat ng bagay." sabi nito.
Hindi sya sumagot at napahinga nalang ng malalim. Napatingin ang babae sa kamay ni Kiyan at nakakuyom ito. He's very frustrated. Hindi man nya pinapakita pero galit na galit sya sa sarili nya.
"Tell me Kiyan, bakit bigla tayong nag-iba ng plano? Instead of killing her, why do you order us to protect that girl? Dahil ba nakikita mo si ate sa kanya? Si Alysia?"
"Don't compare her to Alysia. I'm doing this for the sake of my people."
Tumulo ang luha niya nang marinig nya ang sinabi ni Kiyan. Hindi na nya alam ang gagawin nya. Hindi na nya alam kung ano ang mararamdaman nya.
"I don't understand you. H-How about Azura? Si Cein? Kapatid ko rin sya, but why did you let her die? Ganon nalang ba 'yun kadali sa 'yo? Wala na bang natitirang awa dyan sa puso mo? You saw Alysia's death with your own eyes. Pati narin kay Azura. Pero wala ka manlang nagawa. Tinignan mo lang. GANON MO BA TALAGA KAMAHAL SI ATE NA PATI ANG PAGKAMATAY NYA AY TINIGNAN MO LANG?!" pasigaw nyang sabi habang patuloy parin sya sa paghikbi.
"Kiyan... bakit ang sama-sama mo?"
"Di ba ayaw mo sa kapatid mo?" malamig na tanong ni Kiyan.
Napatigil naman si Alison at tumingin sa kanya.
"Cein Azura Olieta. You hate her because she's not strong enough. You're ashamed to have her as your sister that's why you changed your last name into Redfox so that they won't notice it. It then triggered her to accept the enemy and proved to you that she is not weak by killing Shea. Am I wrong?" diretsong paliwanag ni Kiyan. His eyes doesn't show any emotions. Para syang bato.
Nanigas sya sa kanyang kinatatayuan habang nakatingin kay Kiyan, "H-hindi yan totoo." napaupo si Alison habang sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. She's trembling at tila mababaliw na sya when she realized what Kiyan said.
Napayuko si Kiyan. He clenched his jaw and turned his palms into fists.
"Alison." Tawag ng kanyang master sa malalim na boses.
"You become an Alpha because you know how to judge situations correctly and create descisions right away. Don't let your emotions overcome you. Because if you do, you'll end up just like being me."
He took a sip of his tea, "You don't know what happened back then. Pero may kasalanan rin ako." sa isip nito.
-FLASH BACK-
Year 980
Habang nag-uusap sina Alysia at Falcon ay dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto nya. She panicked pero pagtingin nya sa bintana ay wala na ang familiar nya dun. Nakahinga naman sya ng maluwag.
"Ate?" tawag ng kapatid nya na kinse anyos pa lamang.
"Alison ikaw pala. Bakit?"
"Sino yung kausap mo?" tanong nya.
Natigilan naman si Alysia, "Ahh wala yun, sarili ko lang hehe. Kakain na ba?" Pag-iiba nya.
Tinignan nya si Alison at panay ang iwas ng tingin nito sa kanya habang nilalaro ang kanyang daliri. She looks anxious at medyo namumula ito.
"May problema ba? 'Lika upo ka dito." aya ng ate nya. Umupo naman si Alison.
"Umm... kasi ate may itatanong lang sana ako."
Di na sumagot si Alysia at hinintay na lamang ang sasabihin ng kanyang kapatid.
"Ano... uhmm... Waaahhh! Pano ba 'to?"
Natawa nalang si Alysia sa reaksyon ng kapatid nya, "Hahaha! Ano ba kasi 'yun? Sige ka pag di ka pa magsalita magtatampo ako."
"Kasi ano ate... G-g-gusto mo ba si Kiyan?" utal-utal nyang tanong.
Nagulat naman si Aly at hindi agad nakasagot.
"H-ha?"
"Ate naman eh. 'Wag mo nang ipaulit sa akin." she pouted.
Ang bilis ng tibok ng puso nya at di nya alam kung ano ang kanyang isasagot. Her mind was in chaos and she was shock because of her sister's question. Ilang sengundo ang lumipas at parang naging estatwa lang sya.
"Ate? Ayos ka lang?"
Doon na lamang sa nabalik sa huwisyo. Ngumiti sya ng pilit, "Hindi. H-hindi ko sya gusto. Bakit mo natanong?"
Pakiramdam nya parang tinutusok yung puso nya ng libo-libong kutsilyo sa bawat salitang binibitiwan nya.
"Waaahh! Talaga?!" Tila kumikintab ang mata ni Alison.
"O-Oo naman! Hehe." It's a double kill. No, a massacre. She just denied her feelings.
"Bakit mo pala natanong?"
Ngumiti ang kapatid nya, "Kasi ate, g-gusto ko sya. At balak ko sanang umamin sa kanya mamayang gabi doon sa bayan kasabay ng pag salubong nila ng bagong taon. Uhmm... magpapatulong sana ako sa 'yo ate kung ayos lang. Hehe."
Muling ngumiti si Alysia habang ginulo ang buhok ng kapatid nya.
"Gusto ko sanang tumulong pero may pupuntahan ako eh. Di bale, akong bahala magsabi sa kanya na magkikita kayo. Suotin mo yung bagong damit na binili ko ah?"
Taka namang tumingin si Alison sa kanya, "Bakit ate? Saan ka pupunta?"
She gave her a faint smile, "Basta. Pero babalik rin ako agad. May kailangan lang akong asikasuhin. Alagaan mo si ina at si Azura ah? 'Wag mo silang pababayaan." She is doing her best to hold back her tears. Parang pinapatay nya ang kanyang puso.
"Parang baliw 'tong si ate. Kung makapagsalita parang mamamatay na. Hahaha!" tawa ni Alison at nakitawa rin sya.
"Aly! Alison! Kakain na!" tawag ni Kiyan sa kanila.
Nagtinginan silang dalawa and a single drop of tear fell from Alysia's eye, "Alagaan mo rin sya."
Kinagabihan ay hinanda na nya ang kanyang sarili. Mula sa masayahin at mapagmahal na Alysia, bigla na lamang sya naging malamig at walang emosyong nilalang. Sinuot na nya ang mahabang cloak at huli ang singsing na kasing asul ng karagatan ang bato nito. Kumintab pa ito ng tamaan ng liwanag ng buwan.
Huminga sya ng malalim bago tumalon sa bintana ng kanyang kwarto at tahimik na umalis sa kanilang bahay. Lahat sila ay nagtipon na sa sentro upang salubungin ang bagong taon kaya hindi sya nahirapan sa pagtakas.
Mabilis syang tumakbo palayo sa bayan. Matapos ang ilang minutong pagtakbo ay narating na nya ang napagkasunduan nilang tagpuan ni Falcon—ang kanyang familiar.
"Aly..." sinalubong nya naman ito ng yakap. Niyakap naman sya pabalik ni Alysia.
"Doon tayo sa taas." Turo ni Alysia sa malaking puno malapit sa kanila.
Nandito sila sa kagubatan malayo sa bayan at walang gaanong nagpupunta dito sapagkat takot ang mga tao dito. Puno kasi ito ng mga mababangis na hayop na kagagawan lang naman ni Falcon. Dito kasi sya namamalagi.
Dahan-dahan naman syang binuhat ni Falcon at dinala sa mataas na bahagi ng puno. Kumintab pa ang brooch na suot ng dalaga nang tamaan ito ng sinag ng buwan. Paborito nya talaga kasi itong suotin.
Pagkalapag na pagkalapag palang nila ay sinunggaban nya agad ng halik ang kanyang familiar. Sinuklian naman ito ni Falcon at mas lalo pa syang inilapit sa kanyang katawan.
"Mahal kita..." she whispered between their kisses.
"Mas mahal kita." Sagot ni Falcon.
Matapos ang ilang segundong mainit na tagpo na 'yun ay naghiwalay sila at parehong umupo sa malaking sanga ng puno. Sinandal ni Alysia ang kanyang balikat kay Falcon at hinapit naman sya ni Falcon sa kanyang bewang.
Walang kapantay ang kaligayahang nararamdaman ng familiar sa panahong 'yun. Oo, sya lang. Sapagkat niloloko lang pala sya ng babaeng mahal nya.
"Alam mo, hindi ko inaasahang mahal mo rin pala ako. Hanggang ngayon tila nananaginip parin ako." nakangiting sabi ni Falcon.
Sinuklian naman sya ng pilit na ngiti ng babae.
"Noong sinabi kang may hihilingin ka sa 'kin, akala ko tungkol kay Kiyan 'yun. Kasi buong akala ko sya ang mahal mo. Pero nung hiniling mo sa akin na sana mahalin kita kahit bawal, hindi ko maipapaliwanag ang saya na naramdaman ko kanina. Mahal na mahal kita Alysia. Handa kong ibuwis ang buhay ko para sa 'yo." tumingin sya sa dalaga at nakatitig rin ito sa kanya. Bigla nya itong niyakap.
"Aly... huwag kang mamamatay. Hayaan mong ako ang sasalo sa lahat ng atake na gagawin ng Hari mamaya. Ngayon lang ako umibig at naging ganito kasaya. Gusto kitang makasama habang buhay. Di ko kayang mawala ka sa 'kin Aly."
Tila dinudurog ang puso ng dalaga sa narinig nya. Mahal na mahal nga sya nito, pero bakit ganito ang ginagawa nya?
A tear fell from her eye. Mas lalo pa nyang hinigpitan ang yakap nya kay Falcon na parang ayaw na nyang bitawan. Ilang oras nalang ay magtutuos na sila. At inaasahan na nyang sya ang matatalo sa laban.
"Falcon..." bumitaw sya sa pagkakayakap at tumingin ng diretso sa mata ng lalaking mahal sya.
"Kung ano man ang magiging resulta ng laban namin, lagi mong isipin na lahat ng 'to ay may dahilan. Darating ang panahon na babalik ako. Ngunit sa ibang katangian at pagkatao. Pag dumating ang oras na 'yun, gusto kong hanapin mo sya. At pagsilbihan ulit bilang Mistress mo. Mahalin mo sya, katulad ng pagmamahal mo sa akin."
Magsasalita na sana si Falcon nang bigla nya itong hinalikan. It was torrid at walang nagawa ang lalaki kundi magpadala sa bugso ng damdamin na namamagitan sa kanila. Parang yun na ang huling pamamaalam nila sa isa't-isa.
He pulled her even closer na halos angkinin na sya nito. He kissed her neck down to her shoulders at nagpaubaya lamang ang dalaga. Muling umakyat ang halik ng binata sa kanyang labi as they both conquered each other. Unang bumitaw si Alysia at tinignan ng diretso sa mata si Falcon.
Dahan-dahan namang tumayo ang binata at binuhat sya pababa ng puno. Dumiretso sila sa isang kweba kung saan namamalagi ang kanyang familiar.
"Para sa 'yo, gagawin ko ang lahat." ani ng dalaga habang hinahawakan ang mukha ng lalaking mahal na mahal sya.
Lingid sa kaalaman nila na may nagmamasid pala sa kanila. It was Kiyan. His heart was filled with rage and anger. Pero wala syang magagawa sapagkat wala namang sila. Sinundan nya si Alysia hanggang sa gubat na kinakatukan ng lahat dahil nag aalala sya. Ngunit ito lang pala ang maaabutan nya.
"P-paano mo nagawa sa 'kin 'to? Dahil ba wala akong kapangyarihan?" nanginginig ang buong katawan ni Kiyan habang sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
"Bakit hindi pa ako umamin sa'yo noon?" bulong nya.
"Mahal kita Aly. Akala ko mahal mo rin ako." He looked at the moon. The view is very majestic and breath taking. Ang laki nito na parang maaabot mo na pag tinaas mo ang iyong mga kamay.
But he didn't appreciate it.
"Tsk. Bakit ko pa inisip na magiging mabuti ang kadiliman?"
Sinundan nya ang dalawa hanggang sa tumigil sila sa isang napakalaking kweba. Pumasok si Falcon na buhat-buhat ang kanyang Mistress.
Hindi makagalaw si Kiyan sa kanyang kinatatayuan. Nanghihina na ang tuhod nya dahil alam na nyang aangkinin na nina Alysia at Falcon ang isa't-isa. At wala manlang syang nagawa. Huli na ang lahat.
Yan ang buong akala nya.
Mga isang oras rin syang naghintay sa labas habang nagtatago sa matataas na halaman sa paligid. Agad syang naalerto nang may narinig syang yabag ng mga paa. Sumilip sya and it was Alysia na kakalabas lang ng kweba.
Bakit mag-isa lang sya? Panay rin ang tingin nito sa paligid. Suot nya parin ang kanyang mahabang cloak at kapansin-pansin na umiilaw ng asul ang singsing nito.
"Nasaan ang lalaki?" sa isip ng binata.
Nanlaki ang mata nya nang may isang portal ang nabuo sa kanyang harapan. Parang kalawakan ang itsura nito at agad syang napalabas sa kanyang pinagtataguan nang makita nyang pumasok si Aly dito.
Hindi na nya alam ang kanyang gagawin. Susundan ba nya? O babalik nalang sya sa bayan? Saan ba pupunta si Alysia?
Nakita nyang unti-unti nang naglalaho ang ginawang portal ni Alysia. Tumingin sya sa loob ng kweba at tahimik ito. His body acted on it's own. Hanggang sa napansin na lamang nya na hinihigop na pala sya patungo sa kabilang dimensyon.
Ang dimensyon kung saan nakatakdang maglalaban ang liwanag at kadiliman.
-PRESENT-
Nagising si Paxton nang tamaan ng liwanag ng araw ang kanyang mukha. Muling bumalik sa kanya ang nangyari at muling napapikit. He clenched his jaw trying to hold back his frustration.
"Asar! Bakit ang tanga ko?!" ginulo nya ang kanyang buhok at bumangon.
Napahawak sya sa Goddess Sapphire kung saan nakakulong si Shea. Ginawa nya 'tong kwintas upang siguraduhing walang makakakuha nito.
"Napaka walang kwenta kong familiar." He is so frustrated na napayuko na lamang sya. He looks so tough nang magkatapat sila ni Kiyan. But deep down, he is very disappointed at himself dahil nabigo syang protektahan ang mistress nya.
Bumangon na sya at nagsimulang maghanda. After an hour, lumabas na sya sa apartment na tinutuluyan nya. After he was revived, napunta sya sa mundo ng mga tao. Nagpagala-gala sya for almost a week until an old lady found him and whole heartedly offered her an apartment. Of course, may kapalit yun.
Pagpasok na pagpasok nya ng campus ay pinaguguluhan na naman sya. But he didn't entertain them dahil iniisip nya ang kanyang Mistress. Kailangan nyang maghanap ng paraan para pakawalan ito.
"Ang sungit talaga ni fafa Xenon. Kyaaaaah! And that's what makes him hotter!"
"I LOVE YOU HUBBY KOOOOO!"
"Pero bet ko rin yung mga transfer students lalo na yung cold guy. Hihihi!"
"AH BASTA XENON AKO!"
"Shet shet yung panty ko malalaglag na yata."
Nagulat si Paxton nang may maliiit na bagay ang tumama sa kanya. Tinignan nya ito at sinamaan nya ng tingin ang babaeng nag hagis 'non.
"Gaga ka! Ba't mo hinagisan ng condom?!"
"A-ah ehh natapon? Hehe. PERO SYET NAPANSIN NYA AKO!"
Diretso nalang syang naglakad papunta sa kanyang classroom. Pagpasok na pagpasok pa lamang nya ay may isang babaeng sumalubong sa kanya.
"Xenon! You feeling well?" tanong ni Kleyan. Ang kabanda nya.
"Yeah." umupo na sya sa kanyang pwesto malapit sa bintana.
"Mukhang di ka okay ah?" muli na namang tanong ng babae at tinabihan sya.
Hindi nya ito pinansin at nanatiling nakatingin lang sa labas. Napatingin sya sa grupo ng mga estudyanteng kakapasok lang ng gate. Pinapalubutan rin sila at halatang tuwang-tuwa ang nga estudyanteng makita sila.
"By the way, may gig tayo mamaya sa Greyden's. You free right?"
"I'll pass." sagot nito.
"Eh? Bakit naman?" napatingin sya sa kwintas na suot ni Paxton.
"Ang ganda naman ng kwintas mo Xen. Saan mo binili?"
He heaved out a deep sigh at nangalumbaba, "Not now Kleyan."
Tila nalungkot naman ang dalaga at napatingin sa kanya, "O-okay. When you need a friend. I'll be here." ngumiti sya saka umalis.
His hands turned into fists as he watched the Alpha. Nagtagpo ang mga mata nila ni Kiyan at bigla syang may naramdamang galit sa kanyang loob. As if Kiyan is mocking him the way he looks at him.
Biglang tumunog ang speaker na nakalagay sa bawat sulok ng academy. This is used for announcement purposes.
"Calling all the students of Valdemore High, please proceed to the amphitheatre right now. Attendance is a must. Class representatives, please assist your classmates."
"Calling all the students of Valdemore High, please proceed to the amphitheatre right now. Attendance is a must. Class representatives, please assist your classmates."
Napuno ng bulungan at reklamo ang buong lugar. Ang iba naman ay nagtataka sapagkat second day of class palang ay meron na namang ceremony na wala rin silang alam kung tungkol saan.
"Xen? Tara!" aya na naman ni Kleyan. Tumayo si Paxton at sinundan naman sya nito.
Pagkarating nila ng amphi ay naupo na agad sila habang unti-unti naring napupuno ang buong lugar. They waited for awhile hanggang may umakyat na estudyante na syang magiging emcee.
They have no idea what's going on as they proceeded to the opening program. Natapos na nilang kantahin ang school hymn at lahat ay nagsiupo na waiting for the announcement.
"We have a special guest for today kaya namin kayo pinatawag. But before that, let's hear an intermission number first from the school's hottest band. The Penultimate!" the emcee announces.
The whole place are filled with screams and cheers. Sikat na sikat talaga ang banda ni Paxton hindi lang dito sa school, kundi maging sa labas.
Agad naging alerto si Paxton, hindi dahil nabigla sya sa surprised intermission nila kundi dahil may iba syang naramdaman. He cussed.
Nagulat si Kleyan nang biglang tumakbo si Paxton sa stage. Nasanay kasi syang kalmado ito and it's unusual for him to panic.
"Maybe he's just too excited?" sa isip nito.
Nandon na rin ang mga kabanda nya na nakapwesto sa stage. The students cheered his name dahil lahat sila ay iniidolo sya.
However, their face was suddenly filled with confusion nang agawin nya ang mic sa emcee. Nakita nya naman ang Alpha na seryosong nakatingin sa kanya.
"Listen you shits." dumagundong ang boses nya sa buong paaralan.
Bigla syang nabalot ng itim na usok as he returned to his original form. Long hair that reached almost his knees, two fox ears, claws and a tail. Yes, he just transformed right in front of the mortals. They all gasped. Yung iba ay namangha at ang iba naman ay nagtaka.
"Eh? Production number ba?"
"Waaaah ang galing! Pano nya nagawa 'yun?"
"Sheeett! Mas lalo pa syang gumwapooooo!"
"Ba't ang bilis nyang magbihis?"
He summoned his weapon at pinana ang table kung saan nakaupo ang mga teachers. Unti-unti naman itong natutunaw. Nabigla naman silang lahat. At naalerto naman ang faculty.
"I am the Familiar of the Mistress of Darkness and Destruction. I am going to take this place and slaughter you all. You got one minute to leave this academy and save yourselves!" sabi nya sa nakakakilabot na boses.
May unti-unting tawanan ang nagaganap at ang iba ay nagtataka.
"Crap." bulong nya.
Tumingin sya sa emcee sa gilid nya. His eyes suddenly glowed as the student were covered with a dark barrier. Bigla namang napaubo ang emcee ng dugo at biglang natumba.
"My specialty is rotting up flesh. For anyone who's interested, kindly step in front for more demonstration." nandidilim na ang paningin ni Paxton habang hawak ang kanyang bow and arrow.
Nagsigawan na ang mga estudyante and everyone were in panic.
"Trevor, Vishna." napatingin sya sa likod nya at nandon pala si Kiyan and the rest of the Alpha.
Hinawakan ni Vishna si Trevor sa balikat habang nagiging pula ang mga mata nito. Trevor extended his hands towards the people who are panicking habang may kulay puting liwanag na lumalabas sa kanyang palad. It covered them all at mas lalong bumilis ang kanilang kilos upang makalabas ng academy.
"Vishna showed them a glimpse of their future if they were still here. Trevor then relayed the information through their minds." paliwanag ni Fire.
Ilang saglit pa ay dumilim na ang kalangitan. Thunder clouds came flashing in at nag-umpisa nang umulan ng apoy.
"Protect other humans that are still here. I don't want to see any casualties." utos ni Kiyan.
"Yes Master." kanya-kanya silang pumunta sa iba't-ibang direksyon maliban kay Alzena na si Kiyan ang top priority.
Paxton's instincts are sharp at naramdaman nyang may siyam na atake ang sabay-sabay na papunta sa sentro ng academy. He immediately teleported at the rooftop kung saan ang sentro at di nga sya nagkamali. Isang nakakasilaw na liwanag ang paparating.
"A blood bathe will soon arise." napatingin si Paxton sa tabi nya and a guy just showed up out of nowhere.
"Who the hell are you?!"
"Xiu."
Tinignan nya ito ng mabuti, "You're no a mortal, aren't you?"
Ngunit imbis sagutin nya ito ay bigla nalang umalis ang lalaki.
Di nya nalang pinansin 'yun at kinuha nya ang kanyang special arrow mula sa kanyang likod. Binalot nya ito ng itim na usok kung saan napapataas nito ang impact ng kanyang magiging atake.
He charged his arrow, and then slowly released it. "Full counter."
A loud boom was created at kitang-kitang bumabalik ang atake na papalapit sa academy sa kung saan man ito nanggaling.
"Sinasabi ko na nga ba." he removed the Goddess Sapphire from his neck at binulsa ito.
From the clouds, nine individuals are slowly descending together with a horde of demons and dark creatures.
"They're coming for my Mistress. The nine apostles of the Underworld."
👻👻👻👻
A/N: Alam kong maraming naguluhan nung last chap kaya sinubukan kong mas e-explain dito. Kung may hindi parin kayo maintindihan, you can ask here so I can post the answers on the next chap.
And guys kung napansin nyo si Xiu, ang kausap ni Paxton kanina, you can read his story entitled False Angel written by AnonymousBlackStone. Hihi sinagad ko na ang promotion. Last na 'to. Di na ako tatanggap ng mga promotions. Sana nagustuhan nyo ang chap na 'to. 😁
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top