Chapter 44: Alysia
WARNING: BITIN AND UNEDITED. Sorry sa matagal na update. 😭
👻👻👻
-FLASH BACK-
Year 970 (Imperian calendar)
Isang batang lalaki ang ngayo'y umiiyak habang pinagtatawanan sya ng ibang mga bata. Nakadapa sya sa lupa at puro na sya galos at pasa.
"Hahaha! Ang hina mo! Wala kang kwenta! Uwi ka na sa nanay mo!" sigaw ng isang batang mataba habang pinagbabato sya.
"Bakit? Porket ganito ako gaganyanin nyo lang ako? Balang araw gagantihan—
Naputol ang pagsasalita nya nang bigla syang sipain ng isa pang bata. Bigla syang napaubo at halos dumilim na ang paningin nya dahil sa sakit.
"Ano lalaban ka?! Kahit nga 'yun di mo magawang pigilan eh. Hahaha!"
Napayuko sya sa sakit pero pinipigilan nya ang sariling sumigaw. Wala na syang lakas upang labanan sila. Oo nga naman, apat sila at sya lang mag-isa. Ano naman ang binatbat nya?
"Wala kang kahit isang kapangyarihan. Anong silbi mo dito? Kung wala kang kapangyarihan, wala kang mararating." nginisian sya ng isa pang bata at nagpalabas ng apoy.
"Eto? Magagawa mo ba 'to?" Isang bolang apoy ang tinapon papunta sa kanya pero naiwasan nya ito kahit nanghihina na sya.
"Wala nga akong kapangyarihan, pero kaya kong lumaban ng patas hindi tulad sa inyo na mga duwag!" sigaw ng bata habang patuloy na dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata. Naghahalo na ang kanyang sipon at luha at puro na sugat ang kanyang mukha.
"Anong sabi mo?! Sumasagot ka na ngayon?!" bigla syang kwinelyuhan ng batang mataba. He was about to punch him at napapikit na lamang sya.
Ilang segundo na ang lumipas pero wala paring kamao ang dumapo sa kanya. He opened his eyes and there he saw a girl who stopped the fist of the big bully.
Umatras ang batang mataba dahil sa gulat pero hinila lamang ito ng batang babae at sinuntok sa tiyan dahilan upang sya ay matumba.
"U-umalis na tayo dito! Isa syang halimaw!" sigaw nila at sabay-sabay silang nagsitakbuhan.
"Tsk. Mga duwag! Takot sa babae!" sigaw ng batang babae.
Humarap sya sa ngayo'y nakadapa na lalaki. Yumuko sya upang makapantay ito at nagulat sya dahil sa dami nang sugat at pasa nito sa katawan. "Ayos ka lang?" the girl said in a soft voice. She extended her hand towards him upang tulungan syang makatayo.
The boy didn't answer. Nakatitig lang sya sa babaeng nasa harapan nya.
"Ang ganda nya." sa isip ng bata.
Her pitch black hair reached her waist na medyo curly sa dulo. Ang kinis nya na kahit isang marka ng sugat ay walang makikita. Her skin was so white na mahihiya ang artista sa kanya. Her eyes blue, her lips red. She's a perfect image of a goddess.
"Aly!"
Tila naalimpungatan sya dahil sa sumigaw. Dalawang batang babae ang ngayo'y papunta sa kinaroroonan nila. Isang babaeng hanggang bewang ang buhok at kapansin-pansin ang mala-gintong kulay nito. Hila-hila nya ang sa tingin ay kapatid nya na mas maliit sa kanya na may hawak na teddy bear. Hanggang leeg ang buhok nito at kulay puti.
"Kanina ka pa hinahanap nila inay. Bakit ka ba nandito?" tanong ng babaeng dilaw ang buhok.
"Wala lang, gusto ko lang libutin ang lugar na paglilipatan natin. Nga pala may bago na tayong kaibigan!" ngiti-ngiting sabi nya na ikinagtaka naman ng kanyang mga kapatid.
Bumaling sya sa lalaking ngayon ay nakatingin sa kanilang tatlo. Bigla syang tumayo at napakamot sa batok na parang nahihiya.
"Ano nga ulit pangalan mo?" she smiled at him that makes his ears turn red.
"U-uh... Kiyan. Kiyan Hayashi."
"Masaya akong makilala kita Kiyan! Ako nga pala si Alysia. Ito naman ang mga kapatid ko, si Alison at Azura." pagpapakilala nya sa dalawa.
Tulala naman si Alison na nakatingin sa lalaking nagpakilalang Kiyan kaya sinundot na sya ng ate nya.
Nginitian nya si Kiyan at ramdam nya ang pamumula ng kanyang mukha. Azura on the other hand ay nagtago sa likod ng ate nya dahil nahihiya pa.
"Eto nga pala ang bunso namin, si Azura. Hehe medyo mahiyain kasi 'to. Bumati ka kay kuya dali." aya ni Aly sa kanyang kapatid.
Unti-unti namang sumilip ang bata sa likod ni Alison. Nahihiya pa talaga ito at yakap-yakap ang kanyang teddy bear, "Konnichiwa" mahinang sabi nito at agad ulit nagtago.
Alysia giggled that makes the boy's heart thump. Naninibago sya sa nararamdaman nya. Binuhat nya si Azura mula kay Alison at tinapat kay Kiyan. Pilit tinatago nito ang mukha nya kaya natawa nalang sila.
"Masasanay rin yan sa'yo. Pasensya ka na kung bigla kitang nilapitan. Kakalipat lang kasi namin dito at wala kaming kakilala kahit isa." sabi ni Alysia.
"A-ayos lang. Ako nga dapat ang humingi ng tawad kasi nasangkot pa kayo sa gulo ko. Sigurado akong babalikan ka ng tabatchoy na 'yun." nakayuko nyang saad.
"Sus wala namang binatbat ang mga 'yun eh. Isang suntok ko lang sila. Diba Azura? Haha."
Nakangiti namang tumango ang kapatid nya, "Hai. Nee-chan will smash them all!" the little girl exclaimed in a cute voice.
"At isa pa, nandyan ka naman." she smiled once again at him. Mas lalong namula ang mukha ni Kiyan at di alam kung ano ang isasagot.
"N-n-nagkakamali ka. Hindi k-kita kayang ipagtanggol dahil wala akong kapangyarihan." he stammered.
Napatigil sila at natahimik, "Kaya ka ba nila ginaganon?"
Mahinang tumango ang batang lalaki. Inaasahan na nyang parehas narin ang magiging reaksyon nila ng mga iba pang bata na nakakaalam na wala syang taglay na kapangyarihan. Aawayin, iinsultuhin, pagtatawanan. Sanay narin naman sya sa ganitong buhay eh. Ganito na sya lumaki kaya mababa ang tingin nya sa kanyang sarili. Hanggang sinisisi nya parin ang kanyang sarili kung bakit hindi sya nagkaroon ng kapangyarihan. Lalabas na sana 'yun at the age of 3, pero walong taon na sya ngayon at ni senyales ay walang lumabas.
"Waaaahh!" napatigil sya sa pag-iisip nang biglang tumili si Aly. She looked at him dreamily.
"Ang galiiiiinngg!" she exclaimed. Kumunot naman ang noo ng lalaki.
"Ngayon lang ako nakakilala ng nilalang na walang kapangyarihan at ang galing 'non! Mas malakas ka pa sa mga kawal na nag po-protekta sa kaharian dahil lahat lamang sila ay nakadepende sa kapangyarihan nila. Pero ikaw, nakayanan mong mabuhay at lumaban na hindi nakadepende sa kapangyarihan. At 'yon ang pinaka bibighaning bagay na aking narinig sa loob ng pitong taon!" kulang nalang maging heart ang mga mata nya habang nagsasalita sya.
Nagulat ang lalaki sa kanyang narinig. He never heard someone said to him like that. Bago yun sa kanyang pandinig and just now, he felt that he belong to the society na pinagtatabuyan sya. Kakaiba mag-isip ang babaeng kaharap nya ngayon. And he feels the sincerity in her voice. She's a positive thinker and she looks at situation in a different way. Kahit minsan di sumagi sa isip nya ang mga bagay na 'yon. And here he is, listening to a girl telling how great he is without his powers. He never thought na may makaka-appreciate sa pagkatao nya.
And he's starting to like her.
"Wag kang mag-alala Kiyan. Simula ngayon, kami na ang magpo-protekta sayo dahil kami ang bagong kaibigan mo! Diba Ali? Azura?" she smiled.
The smile that captured thousands of hearts. A genuine smile that shows comfort. A smile that shows assurance and appreciation.
"Yep/Hai!"
-END-
"KIYAN!"
Dumagundong ang boses ng isang babae na mukhang kararating lang. Parehong doon napunta ang atensyon ng dalawang lalaki. Napakaganda ng mala-ginto nyang buhok na umaabot ng kanyang bewang. Ngunit puno ng luha ang kanyang makinis mukha. Parehong nakasara ang kamao nya at pinipigilan ang galit na kanina nya pa gustong ilabas.
"W-what have you done?" napaluhod ang babae habang umiiyak. Walang tigil ang hagulgol nya.
Natulala si Kiyan. For the first time, hindi nya alam kung ano ang gagawin nya. Nabitawan nya ang espadang hawak nya. He wants to go to her pero may pumipigil ss kanya.
"Alison I didn't—
"WHY DID YOU KILL MY SISTER?!"
He was dumbfounded. Maging sya ay nagulat sa pangyayari. Again, he lost his control. And the damage brought by his emotion cannot be replaced. Parang bumabalik ang alaala nya sa nakaraan na pilit nyang kinalimutan.
"HINDI MO BA SYA NAKIKILALA?! SYA SI AZURA! ANG KAPATID KO! ANG KAIBIGAN NATIN! HOW? HOW COULD YOU BE SO MERCILESS?" iyak lang sya ng iyak. Napatingin sya sa kinaroroonan ni Cein pero walang natira. Lahat ng sa kanya ay natunaw.
Being called merciless is an insult to the Master of Light and Creation. He is suppose to be the symbol of peace and hope and not to be feared of.
"Hoy." walang ganang sambit ng isang nilalang na kanina pa nakikinig sa usapan.
"Ako ang pumatay sa kanya. Hindi sya." turo nya kay Kiyan.
From his horrified expression, bumalik ito sa pagiging blanko. Ang mga mata nyang puno ng emosyon ay biglang nawala. His eyes went dry as he returned to his usual self. Unti-unting lumiwanag ang espada nya at bumalik ito sa pagiging hikaw. Both his hands are in his pocket as he stares at his childhood friend with his cold eyes.
"She acted inappropriate and had disobeyed the law of both kingdoms. Sealing the disciple of Goddess in a stone is a complete act of treason thus punishable by death and never to be awakened again. She deserve it."
Tumalikod na sya at ni isang bahid ng emosyon ay walang makita sa kanya.
Humikbi si Alison at di makapaniwala sa sinabi ng lalaking tinuring nilang pamilya noon. Ang lalaking pareho nilang minahal ng ate nya. Ang ate nyang sinakripisyo ang kanyang buhay, upang mapanatiling buhay at masaya ang mahal nya. Ngunit, masaya nga ba?
"Kiyan... w-why did you become like this? When did you become so heartless?"
-FLASH BACK-
Year 980 (ten years later)
"Kiyan!" tawag ni Alysia sa lalaking nagluluto sa kusina nila. Dalawa lang sila ang natira sa bahay dahil sumama ang mga kapatid nya sa ina nilang pumunta sa bayan upang mamalengke.
"Hmm?" he looked at her.
The moment their eyes met, muling nag alab ang nararamdaman nila sa isa't-isa na matagal na nilang tinatago. Their hearts seems to synchronize in beating at di mapapaliwanag ang saya na nararamdaman nila sa tuwing magkasama sila.
"Maraming salamat." she once again smiled na isa sa mga dahilan kung bakit sya nahulog sa kanya.
"Para saan?"
"Sa hindi mo pag-iwan sa amin ng mga kapatid ko at kay ina."
Tinikman nya muna ang niluluto nya bago sya ulit magsalita, "Habang buhay ko 'yung tatanawin bilang utang na loob dahil sa pagtanggap nyo sa 'kin bilang parte ng pamilya nyo." he smiled at her.
Namula naman si Alysia. Magmula nang mag binata si Kiyan, halos lahat ng babae sa lugar nila ay nagkakagusto sa kanya. Kahit wala syang kapangyarihan, malakas parin sya pagdating sa mga ito. Matapos nang pagtatapo nilang 'yon sampung taon na ang nakakalipas ay napagpasyahan nilang ampunin si Kiyan. Pumayag naman ang mga magulang nila dahil wala narin namang inuuwiang pamilya ang bata.
"A-ah... w-wala ka pa bang n-napupusuan dito sa lugar natin?" nauutal nyang tanong saka nag iwas ng tingin.
Binalik naman ni Kiyan ang atensyon nya sa niluluto nya at palihim na ngumiti.
"Meron."
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Aly, "T-talaga?"
"Ang swerte naman nya." dugtong nya pero pabulong.
"Pero hindi ko alam kung gusto nya rin ba ako."
"Baliw ka ba?!" bigla nyang nahampas ang mesa kung saan sya umuupo. Maging sya nagulat sa kanyang ginawa.
"S-sino namang babae ang hindi m-magkakagusto sa 'yo? Kahit nga bulag napupusuan ka eh!"
Biglang tumawa ng malakas si Kiyan na kinatigil naman nya. Hindi nya alam pero natulala nalang sya habang nakatingin sa kanya.
"Edi ibig sabihin 'non gusto mo rin ako?" he grinned.
Mas lalong namula ang babae, "H-hindi no! N-nakakasawa na kaya ang mukha mo!"
"Eh bakit ka namumula?"
Nanlaki ang mata nya at hiling nya na sana ay lamunin na sya ng lupa dahil sa kahihiyan. Dapat makahanap sya ng lusot kung ayaw nyang malaman ni Kiyan ang totoong nararamdaman nya.
"K-kasi mainit! Di mo ba nakikitang tirik na tirik ang araw?!" sigaw nya.
"Alam mo, mas lalo kang gumaganda kapag nagagalit ka." Ngisi nya habang nakatingin sa dalaga.
Di na nya alam ang gagawin nya. Nagwawala na ang puso nya at pinagpapawisan na rin sya ng malamig.
"T-tapusin mo na 'yang niluluto mo. Pupunta muna ako sa kwarto." she went directly into her room and slam it shut. Ngiting-ngiti naman si Kiyan dahil nasiyahan sya sa reaksyon ng babaeng mahal nya.
-PRESENT-
"Eh? What are my students doing here in the middle of the night?" isang boses ng babae ang nakaagaw ng atensyon nila. Kasalukuyan rin syang papunta sa kanilang direksyon.
Ramdam nila ang malakas na enerhiya ng kadiliman kaya agad namang dumating ang Alpha at prinotektahan si Kiyan.
She stepped out of the dark at doon lamang sya nakilala. She's wearing a black dress that matches her hair. Her eyes were seductive while wearing a grin on her face.
"Everyone, pay respect." utos ng master.
Agad naman silang yumuko sa harap ng dating reyna ng kadiliman.
"No need to be formal Kiyan." ngumiti sya ng nakakatakot that almost sent their spine into chills.
Napatingin sya sa paligid. Dalawang building ang nasira. Ang condo na pagmamay-ari nina Shea at hotel na katabi nito. But the damage to the hotel is a lot compared to the condominium. They're on the ground floor at lahat ng tao ay gulat at galit na nakatingin sa kanila. Most of them are preferably shock because there are people appeared from nowhere and destroyed two buildings.
"Fialka..."
Napatingin si Sarah nang marinig nyang may bumulong sa pangalan nya.
"Falcon ikaw pala. Buti nakarating ka." she grinned.
"Tsk."
"Nasaan si Shea?" tanong nya.
"She was imprisoned in the Goddess Sapphire. May alam ka bang paraan para makalabas sya dito?" tanong ni Paxton.
The previous queen sighed in disbelief, "Unfortunately none. It is a permanent seal made by the Goddess itself to capture demonic beast that will never submit to anyone. Even 10 strongest dragon cannot escape from this gem. I wonder where did she get this? This is one of the sacred treasures that is buried in the depths of the Underworld and only the queen has the access to acquire something like that."
"Then I'll unseal her." diretsong sabi ni Kiyan.
"Nababaliw ka na ba? What do you think will happen if she made contact with the light?" she stated.
"Dammit."
-FLASHBACK-
Year 980
"Hoy, Alysia."
Napabalikwas si Aly nang may pamilyar na boses ang tumawag sa kanya. Nandito sya sa kanyang kwarto.
"Falcon ikaw pala." Nginitian nya ito.
He is sitting by the window of her room. Two fox ears are visible just above his head so as his fluffy tail. Hindi nga rin nya alam kung bakit Falcon ang pangalan nya gayong Fox naman sya.
"Hanggang kelan pa ba 'yang pagpapanggap mo?"
Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at napaiwas ng tingin. Nakuyom nya ang kanyang mga palad as she lean herself on the headboard.
"H-hindi nya rin naman kailangang malaman." mahina nyang sabi.
"Alysia!"
Napapikit sya, "A-alam ko! Malapit na kaming magtuos ng hari. B-buburahin ko nalang ang alaala nila."
"Alam kong di mo kayang gawin 'yun."
She sighed and close her eyes. Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila. Inaalala nya si Kiyan, si Alison, si Azura at ang kanilang ina. Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman nila kung ano talaga sya?
"Falcon, naging mabuti ba akong reyna?"
"Tinatanong mo 'yan gayong ikaw ang Reyna ng Kadiliman at Pagkawasak. Hindi mabuti ang tamang salita dyan mahal na reyna. Mahusay. Ikaw ang pinakamahusay na reyna sa lahat ng nagdaang disipolo. Mas malakas ka pa sa Hari ng Liwanag sa kasalukuyan. Malaki ang tsansa mong manalo sa magaganap nyong pagtutuos."
Napangiti sya, "Kapag ba namatay ako, iiyak ka?"
Nanlaki ang mata ni Falcon sa kanyang narinig. Hindi nya inaasahang mangagaling yun sa mismong reyna.
"B-bakit ka naman mamatay? Napakalakas mo, at nandito pa ako. Bilang familiar mo, ako magsisilbing kalasag mo kahit na ikamatay ko. Isang napakalaking kahihiyan sa akin kapag hindi kita napagsilbihan ng maayos."
"Falcon, may hihilingin sana ako sa 'yo."
-PRESENT-
Lahat sila ay naging alerto nang marinig nila na may paparating na police mobile.
"Hoy mga halimaw kayo! Anong ginagawa nyo dito?!" sigaw ng isang lalaki.
Sunod-sunod na ang pagsigaw sa kanila ng mga tao at pinagbabato ng kung ano-ano.
"Ang dapat sa inyo makulong! Mga hayop kayo!"
"Dapat ilagay sila sa laboratory para pag-aralan. M-mga halimaw sila!"
"Hulihin nyo na sila!"
Tumingin si Kiyan kay Trevor at mukhang alam na nito ang kanyang gagawin. Trevor put his two fingers on his forehead. Isang napakabilis na liwanag ang nanggaling sa kanya as it shoots other people in the head. Kabilang na ang mga police na kararating lang.
They all stopped at takang-taka sa pangyayari.
"I manipulated their memories by sending random informations. Some think that they are even dreaming kaya lahat ng nakita nila dito ay iisipin nilang panaginip or was only a part of their imagination." paliwanag nya in his manly voice.
"Let's deal with this at your unit." sabi ni Sarah, ang auntie ni Shea.
Fire created an explosion that filled the whole place with smoke. They started to float into air at unti-unti naring bumabalik sa dati ang mga nasira like it was never been damaged. They are halfway towards their unit and all damaged were repaired na parang walang nangyari. The people lost their memory about what they saw at bumalik ulit si dati.
"Don't even dare to escape demon fox." malamig na sabi ni Kiyan as he saw Paxton going in an opposite direction.
He looked back at him, "I'm only taking back what's mine." he countered while holding the Goddess Sapphire.
"Oh? And what can you do?" mapanghamong tanong ni Kiyan.
Kumunot ang noo nya. Ever since then, di na nya talaga gusto ang ugali ng isang 'to.
"Falcon, sumama ka na muna sa amin. Kalagayan ni Shea ang nakataya dito." sabi ni Sarah.
"Bakit may magagawa rin ba kayo?" balik nya na nakapagpatigil sa kanila.
"At least we can think of some way how to get her back." sagot ni Ezra na nakataas ang kilay. Ang pinakaayaw nila ay sinusuway ang utos ng master nila.
"If it wasn't for a useless familiar who done nothing but to arrive late where her Mistress was already sealed in a gem." Kiyan said not facing them.
Paxton clenched his jaw as he glares at the guy who doesn't seem to care. "Bakit may ginawa ka ba? You were there yet you've done nothing. Look who's calling useless now."
"Tama na 'yan. I know both of you wants to save her. So please be cooperative so we can come up with a better solution on how to rescue the queen." awat sa kanila ni Fire.
"How funny. If a princess was locked up in a castle, so as a queen locked up in a gem." Shea's aunt muttered.
Nagtataka namang tumingin sa kanya ang iba, "Hehe.. don't mind me."
Bumalik ang lahat sa normal na parang walang nangyari. Lahat ng nasira ay naayos maliban kay Shea na hindi nakabalik at si Alison na kanina pang tahimik.
Nang makarating sila ay dumiretso sila sa living room at naupo. Tension filled the air and everything was in silence. Kahit ang dalawang nag-aaway kanina ay tahimik at malalim ang iniisip. Ever since they've arrived, walang ni isa ang nagsalita sa kanila. Lahat sila ay nag-iisip including Sarah.
"Crap." Paxton cussed habang nakatingin sa batong hawak nya. He's very frustrated.
"If I use the unsealing magic, will it kill her or only weakens her?" biglaang tanong ni Kiyan kay Sarah.
"I am 90 percent sure that you'll kill her." diretsong sagot nito.
"There is still 10 percent remaining." bulong ni Kiyan sa sarili.
Tinignan sya ng masama ni Paxton at parang nababalot na sya ng itim na aura sa sama ng tingin nito, "Try it and I'll kill you."
"Do you have an idea then?"
"I'll think of another way. I can't let my Mistress suffer in a very risky situation. I'll do anything just to bring her back."
"What if we destroy the gem?" Ezra suggested.
"Shunga. Kahit nga si Shea di makalabas dyan eh. Tapos babasagin mo lang?" sabi naman ni Trevor.
"Eh kung mukha mo kaya basagin ko? Nagsu-suggest lang naman eh." she pouted.
"Eww." Trevor
"Let's hear about Sarah. Any ideas?" sabi naman ni Vishna.
Kanina pa sya tahimik at malalim ang iniisip. Parang may sarili syang mundo. All of a sudden, bigla nalang syang tumayo at parang di mapakali.
"Ayos ka lang?" tanong ni Ice.
"I'll have to go to the Underworld. May titignan lang ako. I'll be back tommorow. Magpahinga narin kayo dahil alam kong pagod na pagod na kayo. Umuwi ka narin Falcon at dalhin mo si Shea. I have to figure something out."
"Aren't you forbidden to go there? The Goddess said so." tanong ni Kiyan.
Ngumisi naman sya, "I have my ways. I need to bring my niece back. May kailangan pa syang gawin." she said and disappeared right in front of them.
👻👻👻👻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top