Chapter 4: New School
“Yung baon mo andyan na?” tanong ni mama sa ‘kin. Kasalukuyan ko nang iniimpake ang mga gamit ko.
“Opo,” tipid kong sagot.
Who would expect na isa palang boarding school yun? And students there are not allowed to get out unless permitted by the school head. Crazy right?
“Mga damit mo? Uniforms, school supplies, medicine—”
“Mom, I’m fine okay?” Pagputol ko sa mga sinasabi niya. Praning masyado eh.
Narinig kong suminghot si mama kaya napatigil ako sa pag-aayos, “I’ll be fine ma. Don't cry.” pag-alo ko kay mama. My mom is very emotional pagdating sa ganitong bagay. Bakit kasi biglaan naman ang paglipat ko?
“N-ngayon ka lang kasi mawawalay sa ‘min ng papa mo ng matagal. Hindi na kita mababantayan ng mabuti.” Muling iyak ni mama.
Parang ako tuloy maiiyak rin. I may be emotionless sometimes pero sensitive ako pagdating sa pamilya ko. They mean everything to me.
“Eh b-bakit niyo pa kasi ako ililipat? Ayan tuloy umiiyak kayo.” My voice broke dahil sa pagpigil kong umiyak.
“Kailangan anak. For your protection at sa ika-bubuti mo.” Niyakap ko nalang si mama at sabay na kaming bumaba. Naghihintay na doon si papa na mukhang umabsent pa sa kanyang trabaho dahil dito.
“Everything’s ready?” tanong niya sa ‘min.
“Yes hon,” sagot ni mama.
“Teka, bakit suot mo pa ‘yang disguise mo anak? You don't need to wear it there,” sabi ni papa.
“I need to wear it, Pa to keep people away from me. Para hindi ko sila masaktan.” Tumungo ako. Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit nawala ang nag-iisang bestfriend ko. It's because of this power. A very dangerous power na hindi ko ma-kontrol.
“No need na, baby. Myrrh Academy is a special school. Iba ito sa lahat ng paaralan na nakikita mo. You’ll be safe there. At tsaka yung uniform mo hindi oversized bahala ka.” Natatawang sabi ni papa.
“Kahit na, pa. Ititigil ko rin naman ito eh. Pag may napatunayan na ako.”
“Okay if that's what you want.” Sina papa at tita ang maghahatid sa ‘kin. Hindi na raw sasama si mama dahil iiyak na naman daw siya.
“Be safe there okay? Wag mong kalimutang kumain ng tatlong beses sa isang araw.” Muling bilin sa ‘kin ni mama. Nakaupo na ako sa backseat ng kotse namin habang si papa naman ang mag d-drive at si auntie naman ang katabi niya.
“Oo ma alam ko na ‘yan.” Ang kulit naman ni mama eh.
“At nga pala nakalimutan kong sabihin, make some friends there Shea.”
Nagpaalam na kami sa isa't-isa at umalis na kami nina papa at auntie. I glanced at my mother once again at kita kong pinahid niya ang mga luha sa kanyang pisngi. She's crying again.
Hindi naman dapat ako malulungkot kasi wala rin naman akong maiiwan doon except kay mama. Wala rin naman akong kaibigan. Oo nga pala, that guy. Si Drew na unang itinuring akong kaibigan kahit ganito ako. Siguro magtataka iyon kung bakit wala na ako.
“Alysia matulog ka nalang muna mahaba-haba pa ang byahe natin.” Sabi ni auntie mula sa harapan.
Bakit ba gusto niya akong tawagin sa second name ko? Naglagay nalang ako ng earphones at natulog na. Mukhang mahaba-haba pa nga ito.
--
Nagising ako at kinusot ang mata ko. We're still moving? Gaano ba kalayo ang school na yun?
“How long have I been sleeping?”
“About 2 hours and half.” sagot ni papa.
“And we’re still not there? Gaano ba kalayo ang Myrrh Academy na ‘yan?”
“Relax young lady. We’re almost there.” sagot ni auntie.
Napatingin ako sa labas at bakit puro puno na ito? “Hindi ba tayo naliligaw?” tanong ko.
Hello? How can be a school located in the forest. Are they sending me to a jungle school or something?
“Nope,” Dad answered.
“How can you be so sure? Ilang beses na ba kayong nakapunta dito?”
“We just know.” And I saw them smiled at the rear view mirror. Ang weird talaga ng pamilya ko.
Thirty minutes passed when I saw something. Nakalampas narin kami sa masukal na kagubatan. A very huge gate with a big letter ‘M.A’ indicated in the middle ang sumalubong sa ‘min. The gate looks elegant with it's gold and black color. So as the walls surrounding the area.
“This is it?” I asked with amusement.
“Yes,” sagot ni auntie.
"Are you sure this is a school? It looks like a gate to a kingdom in fairytales.”
I never heard this school before. At bakit parang tago talaga ito? Napatingin ako kay papa when he muttered something na hindi ko naman maintindihan and suddenly the gate opened. Was that some kinda password?
I couldn't help myself from hiding my amusement. I was totally amazed. The place is so magical like everything is sparkling. From fountains at the center ground of the entrance, to the plants at the center isle, up to the buildings, it feels really magical.
“Namiss ko ang mukha mong ‘yan anak. That expression is the same when me and your mom brought you to the amusement park when you were little.” sabi ni papa.
“That was before dad.” sabi ko at binalik sa normal ang expression ko.
Ang dami ring mga estudyante ang narito sa labas ng gate at mukhang kararating rin nila.
Bumaba na si papa at binaba rin ang mga gamit ko. Teka, hindi nila ako ihahatid sa loob?
“Good luck Aly.” sabi ni auntie. First tinatawag niya akong Alysia, ngayon Aly na?
“What for?” takang tanong ko.
“For your entrance exam.”
Kumunot ang noo ko, “Entrance exam? Akala ko ba na enroll niyo na ako?”
“Tapos na nga. Entrance exam nalang ang kailangan mo para makapasok ng MA.” sabi ni papa at pinag buksan ako ng pinto.
“Ano? Nauna pa ang enrollment bago ang entrance exam? Seriously?”
“All students please fall in line. All students please fall in line.” anunsyo nung speaker. Hindi ba nila kami papasukin manlang?
“Here,” May binigay sa ‘kin si auntie na necklace. Black ang pendant nito na shield ang itsura.
“Hindi ako mahilig sa accessories.” sabi ko.
“Hindi naman ito ordinaryo eh. Use it pag sa tingin mo ay kailangan mo.”
I accepted it while giving her a confusing look.
“We gotta go. Take care and good luck. I know you can pass the exam.” sabi ni auntie at pumasok na sa kotse.
Niyakap naman ako ni papa bago niya pinaharurot ang kotse paalis. They are really weird.
Nilibot ko ang paningin ko. Nakapasok narin naman kami ng gate at nandito kami sa napakalawak na field nila. Maingay narin ang paligid dahil sa daming estudyante rin ang nandito.
Lumapit na ako sa mga estudyanteng nakapila. Dala-dala ko ang isang maleta at malaking backpack. Okay, ako na madaming dala.
Inayos ko ang nerdy glasses ko at pumila sa pinakamalapit na line kung nasan ako. Most of them were looking at me. Maybe because of my look. I'm wearing an oversized tee na mukhang kasya pa yata kay papa at lumang pants. I paired it with a rubber shoes. Now I really look like a geek.
“She's weird.”
“I don't understand her fashion style.”
“O’ yeah, a nerd.”
“A weakling. I'm sure she won't make it.”
“Ang pangit nya.”
“Sinabi mo pa. Hahaha!”
And blah blah blah... sige magbulungan pa kayo diyan. Sisikat na ako niyan.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong may pumila rin sa likod ko. I looked back and it was a girl na mukhang nahihirapan siya sa kanyang dala. Dalawang maleta ba naman and a backpack and a pouch? Sino bang hindi mahihirapan doon?
“Hi!” She greeted me habang halatang nahihirapan pa rin sa dala niya. Aksidente niyang nabitawan ang isang maleta at bumagsak ito sa paa niya.
“Aray!” Tili niya pero halos walang nakapansin kasi nga they're busy with their own business.
Tinulungan ko siya sa maleta niyang ayusin ito.
“Nako, thank you talaga! Si mama kasi kulang nalang ipadala sakin ang buong bahay eh.” sabi niya at mukhang naayos na rin ang mga gamit niya.
“No prob.” tipid kong sagot.
“Ako nga pala Eloiny Marvell. El for short.” Nakangiting pakilala niya at nilahad ang kamay para makipag kumusta sa ‘kin.
Tinignan ko ito. I shouldn't make any friends here. Pero bakit parang may nag-uudyok sakin para makihalubilo sa iba? It's the same feeling nang makausap ko si Drew. Things are becoming strange these days.
“Shea,” sabi ko at tinanggap ang kamay niya.
May big screen na bigla nalang lumabas sa gitna ng field. Para siyang hologram at may tao na naka-display dito.
“Good morning aspiring students of Myrrh Academy. I am Hathor Millet, the headmaster. I know you are already informed about what our entrance exam is all about today. So I hope you are all ready!” sabi ng lalaki na I think in 40's.
Pero anong sinasabi niyang alam na namin kung ano ang entrance exam? Bakit hindi yata ako na inform?
“The mechanics are simple. This field will be your battle ground. Ako at ang ibang faculties ng school ay gagawa ng illusion wherein you’re in the forest. Out of 507 students that were here, 95 will only be accepted. The rest of you will be dropped out.”
Nagulat ang lahat sa inanunsyo ng headmaster. Eh bakit ano bang mangyayari? Bakit mada-drop out? And what? Illusion and battle ground?
“While you're in the forest, may ma e-encounter kayong mga creatures and each creature ay may katumbas na points. That will be your score for the exam.” dagdag niya.
May lumabas sa screen na iba't-ibang form ng mga creature at may mga katumbas na points. 5 is the lowest and 20 is the highest. Di namin makikita ang itsura nila dahil shadow lamang ito.
“Here's the thrill, you can do anything to kill those creatures. Use your power and abilities. Basta ang importante, you can get the passing score of five hundred. 500 is the minimum and 1,500 is the maximum.”
What? Powers and abilities? It really exists? So it means hindi talaga ako halimaw? May katulad ko na talaga? And this school is for those who were just like me?
“Any questions?” tanong ulit nung headmaster.
May isang babaeng nagtaas ng kamay, “Yes, you are recognized.”
“Will we get hurt?” she asked.
“When you are in our illusion, everything seems real. Including the pain. Once you were killed in the field, the spell we put under the illusion will send you out from the academy. Huwag kayong mag-alala, pag nakalabas na kayo sa illusion wala na kayong mararamdamang sakit. This is an illusion after all. It seems real but really not.”
May naramdaman akong lumapit sa ‘kin at hinawakan ang maletang dala ko. It's a woman na naka business suit. Mukha siyang secretary ng isang kompanya. Nagtataka ko siyang tinignan.
“Those are cloners. Sila muna ang bahala sa mga gamit niyo for now.” anunsyo ni sir Millet.
Napatingin ako sa paligid at bawat estudyante ay may kanya-kanyang cloner. They look exactly the same. Cool. Well di naman sila matatawag na cloner pag hindi sila magkakamukha.
“Now it feels lighter!” sabi ni Eloiny sa likod ko. Binigay ko na rin ang gamit ko sa cloner.
“Wala nang magtatanong?” sabi ng headmaster. Tahimik ang lahat kaya mukhang wala na nga.
“Okay it's settled then. Only those who has the potential can enter this school. Good luck students!” sabi niya at naglaho bigla ang malaking screen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top