Chapter 38: Bringing him back
A/N: I'll be using some details and information from one of the best literature that was written by Dante. The Divine Comedy. Pag may mag comment na naman na kinopya ko 'to somewhere sa field of literature without credits isusunog na talaga kita sa impyerno.
THIRD PERSON'S POV
From the depths of the Kingdom of the Underworld where hell is, lies the 9th circle of hell where Lucifer rests. Two demons from the Demon Clan ang pasekretong nakapasok sa 9th circle of hell habang tinitingnan si Lucifer na nakatusok sa isang matulis na kristal at tahimik na natutulog. Hell looks like a funnel and is made up of 9 layered circle. Each circle is classified to what sins that mortal belongs to. Ang ika-syam na bilog ay kung saan si Lucifer. The true source of evilness. Shea's role is to spread negativity and darkness throughout the world in order to be balanced and she's not the source of it. Only with authority from the Kingdom are allowed to visit hell. Mahigpit na ipinagbabawal ng Mistress ang pagpasok ng mga demonyo from Demon clan.
"Ano na?" tanong ng isang binata na myembro ng Demon clan. Oo nakapuslit sila.
"Mukhang magsasanib sila ng liwanag." sagot ng isang lalaki na galing mula sa territoryo ng liwanag.
"Tss bobo. Gusto nga niya talaga sigurong mamatay."
"Mukhang may binabalak sila."
"Bubuhayin niya ang tagapagbantay niya. Di ako tanga para di malaman ang binabalak nila ng Hari." sagot ng binata.
Napangisi na lamang siya, "Pano kaya pag nalaman 'to ng diyos at diyosa? Tiyak paparusahan sila. Pero 'wag muna ngayon. Yan ang magsisilbing alas natin laban sa kanila."
Pareho silang napatingin sa nilalang sa harapan nila. He has three heads and each head consists of two horns. Titingnan mo palang ay mangingilabot ka na. His body is pierced dahil matapos ng laban nila sa langit, hinulog siya dito at sa kristal na iyon tumusok ang kanyang katawan.
"I never thought that being part of the light can hide so many secrets. Lalo na't binata ka pa lamang." sabi ng lalaki sa kanya.
"When you’ve been exposed to light for too long, isn’t it blinding?"
"Yeah."
"Kapag masyado kang naka-pokus sa liwanag, di mo alam na may kutsilyo na palang nakatutok sa likuran mo at handa ka nang saksakin. Nagtatago lamang siya sa dilim na nasa paligid mo."
The guy grinned as he spoke to their Master who is asleep, "Soon Lord Lucifer, we will get her and you will dominate the world."
ELOINY'S POV
Nandito ako ngayon sa training grounds at nagsasanay kasama si Cein. Malapit na kasi ang practical exam namin which is a group battle. Ang grupong mananalo sa labanan ay automatic 100 ang grade at ang matatalo ay 85. Saklaf bes no?
"Gotcha!"
"Aray! Ouch! Aw!" at pambihira naman 'tong si Cein. Papatayin yata ako nito, eh.
"Nee-chan you're not focusing!" singhal niya sa 'kin while she untangled her chain whip na nakagapos sa 'kin. Ang sakit kaya.
"Brutal ka lang talaga!"
Inirapan niya lang ako at umupo sa damuhan dito sa gitna ng grounds habang naka-pout. Di ko tuloy lubos maisip na yung ability niya eh enhanced physical strength eh yung ugali nga niya di makabasag pinggan eh.
"I wonder what Shea-chan's doing right now."
Isa rin pala yun. Nawala ng anim na buwan kaya ewan ko lang kung ipapasa siya ng mga teachers niya ngayong year. O well, di narin naman niya ‘yun kailangan kasi siya yung disciple. Hayy... pero nakakatibo talaga ang ganda niya.
"Baka natutulog." sagot ko.
"Hey nee-chan. Do you notice something strange right after the pageant?"
"Ilang beses mo na bang tinanong sa 'kin ‘yan?"
She sighed habang tinitingnan namin ang aming ibang kaklase na busy sa pagsasanay at yung iba naman ay puro kalokohan lang. Wala kasi si Sir Carlson dito, ewan ko kung saan siya pumunta.
"I know. Pero nung dumating si Shea-chan I know that something's not right. I can feel it. Parang may nawawala sa memorya natin pero di ko alam kung ano."
"Same as I. Parang may crush ako noon pero wala naman. Hayy... ewan."
Kahit alam na namin na si Shea ang reyna ng kadiliman, still napaka misteryosa niya parin. Ayoko namang pakialaman ang personal life niya pero gusto kong pakialaman.
"Eh kung mag-spy kaya tayo?" I said excitedly.
Kunot-noo naman siyang humarap sa 'kin, "Spy? Kanino?"
"Edi kay Shea!"
"At bakit naman natin gagawin 'yon?"
I crossed my arms habang nakataas ang kilay, "Duuhh! para masagot yung mga tanong natin. Kilala mo naman 'yon, hindi pala kwento yun. Tititigan ka lang 'non hanggang sa mamatay ka." tumawa ako.
"Nee-chan, are you sure that she has the answer?"
"Ikaw na kaya mismo nagsabi."
"But knowing as the Mistress, halos lahat ng kapangyarihan ay nasa kanya na. At ang senses niya ay sobrang sensitive. Baka mahuli tayo."
I giggled, "Trust me."
Nag-isip muna siya ng ilang sandali bago siya pumayag sa plano namin. This will be exciting! Ngumisi ako.
"OPLAN: TOKHANG!" I exclaimed.
"Pfft! Seriously? Tingin mo kay Shea adik?"
"Hahaha ang cute kasi ng pangalan. Uso kasi 'to sa mundo ng mga tao."
Sinimulan na namin ang plano sa oplan: tokhang nang di sinasadya ay narinig ko ang dalawang classmate namin na nag-uusap. Their topic suddenly piqued my interest.
"Nakabalik na raw si Shea di ‘ba?"
"Oo. Pumasok na nga siya kanina pero agad naman raw umalis."
"Bakit naman?"
"Sabi nila, pinatawag raw ng Alpha."
"What?! As in? OMG!"
"Oo nga! Halos magwala nga rin ako kanina eh. Biruin mo Alpha na 'yon! May chismis na nga na kukunin raw siya ni Kiyan para isali sa kanila."
"You mean magiging 8th member siya ng Alpha?"
"Yun ang sabi nila."
Agad akong napatayo at lumapit kina Ricka at Emily na nag-uusap. Tinanong pa nga ni Cein kung saan daw ako pupunta.
"Saan niyo narinig ang chismis?" tanong ko at nakiupo sa pwesto nila.
Nagulat sila sa pag singit ko at kunot-noo pang tumingin sa 'kin. "Chismosa ka talaga ‘no?" sabi ni Emily.
Nginisian ko lang sila at hinintay ang susunod nilang sasabihin, "Narinig ko kasing pinag-uusapan ng kabilang section kanina. Halos maglaway nga yung mga lalaki at puro si Shea yung laman ng bibig. Tapos hinatid pa raw siya ng SSG pres sa room."
"Di ka rin chismosa ‘no? Hahaha!" balik ko sa kanya.
Inirapan niya ako, "Gusto mo bang makinig o ano?"
"Sige continue."
"So yun nga. Sa kalagitnaan ng klase nila kay Sir Carlson ay biglang may nagsabi na pinapatawag daw si Shea ng Alpha. Sinundan pa nga raw siya ni Flynn eh. Grabe siya na maganda. Lahat na." nanlulumo niyang saad.
"OMG Thanks!" tumayo na ako at lumapit kay Cein.
"Tara na!" I exclaimed excitedly.
"Saan?"
"Sisimulan na natin ang Oplan: Tokhang! Hihi."
"Could you please change the name nee-chan? It's bothering me. At may klase pa tayo." she pouted.
Napairap ako, "Wala na din naman si Sir. Dali na minsan lang 'to eh."
"Pero nee-chan sa ranking ako. Baka bumaba pag nag cutting tayo."
"Edi dyan ka na." nagsimula na akong maglakad paalis. Ako nalang mag-isa at gusto ko rin naman makita ang Alpha at mabusog ang aking mga mata.
"Oo na sasama na!" I grinned nang sumigaw siya at humabol sa 'kin. Squad talaga kami kahit dalawa lang.
SHEA'S POV
Right after we had our deal, dumiretso na agad kami sa ritual chamber dito pa rin sa dorm nila. There's a hidden room inside the library like what you see in movies. But instead of dragging a book to open the door, Kiyan chanted a spell and the door appeared.
The room is empty and only filled with dim lights. Sa gitna nito ay may isang libro na nakapatong sa isang maliit na mesa. Sa sahig sa paligid ng mesa ay may nakaguhit na bilog na parang isang magic circle. Sa gilid ng bilog ay may nakapaloob na iba't-ibang characters at sa pinakagitna ay may araw. There are no windows in the room. Pumwesto kami sa magkabilang table nang magkaharap.
"So this is where you summon creatures from heaven?" I asked.
"Sort of. This is where I also performed the ritual for creation." sabi niya. Nakakapagtaka nga na hindi na gaano kalamig ang kanyang boses kumpara noon.
"But I destroyed everything. How can you perform your ritual?"
Laking gulat ko nang bigla siyang lumapit sa 'kin. Hinapit niya ako sa bewang and dragged me closer. Amoy na amoy ko pa ang mabango niyang hininga at halos maduling na ako sa sobrang lapit namin.
"Don't underestimate me Mistress. I have the power as strong as what you have." he whispered right into my ear with a husky voice. Ngumisi siya at halos mapatalon na ang puso ko pero may bigla rin namang kumirot. Ano bang ginagawa mo Kiyan?
Marahan ko siyang tinulak at umatras naman siya but the grin on his face is still there.
"You don't act normal today." sabi ko.
"I'm just happy that you're finally mine." mas lalo pang lumapad ang kanyang ngiti. I can't deny the fact that he's even more attractive when he smiles. Ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang pag-ukit sa kanya. It's like he was perfectly carved by the greatest craftsman.
Napataas naman ako ng kilay, "Now look here Mr. Kiyan Hayashi, I may have joined your group but I am never yours. You may be the King and I may be the Queen but we have our own world. We are opposite. I only joined your group as a trade for reviving my familiar."
Biglang nabura ang ngisi nya at napalitan ng walang emosyon niyang mukha. Hindi na siya nagsalita at napuno ng nakakabinging katahimikan ang buong kwarto. We were like that for a minute while he is scanning the book in front of us.
"Once demons are dead where do they go?" tanong niya.
Natigilan ako at napatingin sa kanya. He is still busy scanning the book like he's searching for something.
"In the 6th circle of hell. They were imprisoned in the red-hot sepulcher until they get burned. But I have no idea that it only lasts up to 6 months."
He stopped flipping the pages na parang nakita na niya ang hinahanap niya. Binasa niya ang nakapaloob dito. What's with that book?
"I can summon angels to release your familiar from the tomb. But we must get him to the ante-hell before I can return him to the living world,"
Pansamantala akong napatigil. I can ask Seraphina to guide Paxton to the ante-hell pero baka sabihin niya sa Goddess. Ante-hell is like an entrance to the main hell or inferno. Dito napupunta ang mga neutral spirits, they were neither good nor bad when they are still alive.
"...Without anyone seeing him." dugtong niya.
I sighed. Kung pwede ako nga lang ang susundo sa kanya pero hindi pwede. Makikilala nila ako once I return back to the Underworld. Kahit ibahin ko pa ang anyo ko, still demons and creatures down there can recognize the aura of a queen. I will receive severe punishment once the goddess finds out that I revived my familiar. Dalawa kami ni Kiyan ang mapaparusahan.
"I-I'll talk to Seraphina to guide Paxton to the ante-hell."
"Seraphina, huh?"
Napatingin ako sa kanya, "You know her?"
"Yes."
For him to know this much, mukhang mas matagal na siyang naging Master compared sa 'kin.
He darted his gaze at me pero tinaasan ko lang siya ng kilay, "Do something to guide your familiar to the ante-hell. So then I can do my job."
Walang kaluluwa ang mga demonyo kaya mahihirapan akong tawagin siya. Even a Queen has restrictions too at isa dun ang pagbuhay sa isang demonyo.
"May pinadala ka na bang anghel?" I asked.
Tumango naman siya at muli na namang nag scan sa librong nakapatong sa maliit na mesa sa harapan namin. Ayoko namang pakialaman 'yon dahil pagmamay-ari ng liwanag 'yon.
"Can you order the messenger of heaven to tell the guards of the gates of Dis to let a demon pass through? Tell him that it's an order from the Queen. Di na sila magtatanong niyan." sabi ko. Dis is a city in hell na matatagpuan sa gitna ng 5th at 6th circle. Before you can enter the 6th circle, you must first pass to the walls of Dis guarded by fallen angels.
"Done." tipid niyang sagot. Ang bilis niyang mag communicate samantalang ako medyo matagal pa.
"I’ve already sent a serpent to guide him to ante-hell. They took the shortcut."
"You sure they won't get caught?"
"Yes. I trust the serpent."
Kapag namatay kasi ang demon, wala silang physical form, nagiging apoy lang sila na palutang-lutang.
Tahimik lang kami sa loob ng kwarto ng ilang minuto. I don't want to talk either dahil hindi masyadong maganda ang nararamdaman ko. Ganon rin siguro siya. Of course, we're too close kaya nag c-clash yung kapangyarihan namin. If I wasn't used to silence, kanina pa siguro ako nabingi.
"I sensed him." biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"But he's too weak."
My brows furrowed at mukhang di maganda ang susunod niyang sasabihin.
"What do you mean?"
"He almost reached the time limit where he we were supposed to be burned but then he was saved."
Nairita ako bigla. Ayoko ng maraming paligoy-ligoy.
"Just go straight to the point. Anong problema?"
He sighed at ewan pero parang biglang lumamig ang paligid. Tumingin ako sa mga mata niya at bumalik na naman ang dating malamig at walang buhay niyang mga mata.
"I might bring him back. But without memories."
👑👑👑
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top