Chapter 35: He's gone

THIRD PERSON POV

Lahat ng bagay at nilalang sa mundo ay unti-unting nawawala. Nawawala which means they've been destroyed by the Queen.

Every being including the Alpha, the headmaster and Paxton had been destroyed. Nawala, namatay. The Mistress did her part, to make the world suffer darkness and destruction. Ganito siya kalakas.

If Kiyan can bring life, then she can bring death.

If Kiyan creates, she destroys.

If he's the light, she's darkness.

They are complete opposite. Light and dark, life and death.

Dahil sa pangyayaring ito, mas lumakas pa si Shea because the whole world is full of darkness.

Nakaluhod siya ngayon habang nakatusok ang espada niya sa lugar kung saan sila naglaban kanina ni Bliss. Binabalot ng itim na kapangyarihan ang kanyang espada while the stone in her sword is glowing.

Everything is lifeless, destroyed. Walang natira maliban kay Shea, Kiyan at Alzena. Yes, Alzena's alive because she is the familiar of light. Kiyan protected her.

"Go somewhere else Alzena. Kailangan muna naming mag-usap." sabi ni Kiyan nang nawala na lahat ng nilalang.

Can the King really restore everything which the Queen destroyed?

Alzena bowed down with respect at naglakad palayo sa kanila. Hindi niya alam kung saan siya pupunta because everything is dead. It looks like from green and blue, the earth turns into brown, red and black. Walang buhay.

Kiyan began to glow. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa kanya as something forms on his hand. It's a staff just like Shea. Pero imbis bungo ang nakaukit sa dulo nito, it's a leaf. A leaf that symbolizes life and creation.

Tumingin siya kay Shea na ngayon ay nanatiling nakaluhod at nakayuko hawak ang kanyang espada.

Just like Kiyan, nabalot rin siya ng liwanag, ngunit ito ay itim.

"Shea..." he called. This time, hindi na telepathically ang pag-uusap nila. Dahil kusa na siyang nagsalita.

Inangat ni Shea ang kanyang mukha revealing her intense blue eyes. Kiyan can't stop staring at her dahil sa ganda niya.

"What have I done?" muling tumulo ang luha ni Shea.

"You've done your part. There's nothing wrong with it." sagot ni Kiyan.

"No. Everything's wrong. From the very start, mali na ako. Masama ako, wala akong dinulot sa mundo kundi kasamaan. I'm evil."

"Wala kang ginawang masama. Maybe the power chooses the wrong person. You're too good to symbolize darkness. You can't even kill a low-life being without crying. Lahat iniiyakan mo, you become weak when you know that you'll hurt someone. You're full of light, not darkness."

Yumuko si Kiyan para makapantay nya si Shea. Pinunasan niya ang luha nito and he caressed her face.

"My Queen, the world needs to be balanced. That's why you're here. Humans must experience misery for them to get stronger and value the gift of life they have."

That must be the longest line he ever said after a long time. Nang nalaman niyang sa iisang paaralan lang sila nag-aaaral ng kapwa niya disciple, he once again experienced the thrill of living his life.

"You'll bring them back, won't you?" she asked while looking at him straight in the eye.

"Yes everything. And it's up to you wether you erase their memories or not."

Tumayo na si Kiyan as his staff glows. May mumunting halaman na tumubo sa kanyang paanan kung saan siya nakatayo.

"What will happen after the creation?"

"Everything will be back from where it stops. Lahat ay maaalala nila, including their disappearance on earth." paliwanag niya.

"Everything will be back to normal? Walang babalik sa umpisa? Like birth?"

Kiyan nodded while he’s still staring at the queen.

"Buburahin ko ang alaala nila kung saan sila namatay." she said.

Shea touched the ground as the earth and even the universe enveloped with a dark light. Ilang segundo lang itong nagtagal at nawala rin.

"Who ever set foot on this land will selectively lose their memory about the destruction."

Humarap siya kay Kiyan. Her sword lighted and it turns into a staff like Kiyan. Yun nga lang, bungo ang nakaukit dito which symbolizes death.

"I'll return to the Underworld and see if some of my people survived. I'll be back soon. I'm leaving everything to you."

For the first time ever, he smiled. Kiyan smiled dahilan para may maramdamang kakaiba ang reyna. Ngayon lang ulit siya ngumiti.

"I'll be waiting."
   
     
  
♚♚♚
  
   
 
6 MONTHS LATER

Shea's POV

"Your highness, gusto sana naming hingin ang permiso mong saniban at gambalain ang babaeng ito. Masyadong malakas ang negatibong enerhiya mula sa kanya at naaakit kami."

A ball of crystal was shown to me by a demon revealing the face of his victim. They are the demons whose job is to take over a human's soul. In short, possession.

"Do what you want. Just don't kill her." I said.

Another group of succubus and incubus also asked my permission for their victim. Makakatulong sila para paramihin muli ang lahi ng mga demonyo.

After the destruction, the demons who are here survived. They're not part of the earth anyway. But Helio and his squad went missing. I'm here in my kingdom. The Underworld.

Any demonic and evil activities ay dumadaan sa 'kin. I'm also the one who spreads negativity upon earth.

"So how is the queen doing?" biglang sulpot ni Seraphina sa gilid ko.

Kumunot ang noo ko nang tinignan ko siya. And now she's here.

"Where have you been? You've been missing for about six months." I said to her. Yes, she went missing for half a year and I have no idea where she's been.

Huminga siya ng malalim. Parang ang dami niyang gustong sabihin sa 'kin.

"What?" I asked again.

"You see… I was affected by your power. Half of me was destroyed. Buti nalang nakabalik agad ako rito. I've regenerated kaya wala kang makitang galos. That's why I left the underworld to return to my master."

"You mean my aunt."

"Yes. Tinulungan niya ako para mapabilis ang paggaling ko. Your power is really unmeasurable."

"What about Paxton?"

He's also been missing. Huli kong naaalala ay noong pageant night kung saan lumabas si Bliss. Speaking of Bliss, I didn't see her soul here kaya panatag ako na nasa mabuti na siyang kalagayan.

But I have no idea where Paxton is. Pakiramdam ko palaging may kulang and it's him who's missing. Nanghihina rin ako. Mukhang pati siya ay nadamay sa kapangyarihan ko.

But Kiyan promised me that he'll restore everything. Base on the scale of my power, even na siya dahil tiyak ko tapos na ang trabaho ni Kiyan sa taas. Good thing Seraphina's back dahil mukhang may alam siya kung nasaan ang familiar ko.

"Si Ren? Di ba kayo ang huling magkasama 'non?" kunot-noo niyang sagot.

"Di mo alam kung saan siya?"

"Hindi. I thought he's with you because a familiar can't live without her Mistress."

Bigla akong pinagpawisan ng malamig at binalot ng kaba. No, this can't be. Sana mali ang iniisip ko. Bakit ngayon ko lang naisip 'to?

"What do you mean?" I asked.

"Familiars can't live long when he's not in range with his Mistress. Dapat noon palang nakabalik na siya sayo. When you two sealed the contract, automatically half of his life depends on you. Sayo siya kumukuha ng lakas at kapag napalayo siya ng matagal, mauubos ang lakas niya and it can even lead to death."

Napatayo ako as fear enveloped my whole system.

"Then where is he?!" I exclaimed at napatingin pa sa 'kin ang ibang mga nilalang dito sa palasyo.

Natahimik si Seraphina ng ilang segundo at tila malalim ang iniisip. She must know something because she's also a familiar.

"Go. Find him before it's too late." she said in a very serious tone.

I changed my form into an ordinary human. I casted a spell which leads to the mortal world.

"Ikaw muna muli ang bahala dito. Hahanapin ko siya."

Seraphina bowed his head bago ako pumunta sa academy.
  
   
--
   
  
I opened my eyes at unang bumungad sa 'kin ay ang dorm ko. It's late in the afternoon at mukhang kakatapos lang ng klase. Students keep on staring at me pero wala akong pake. Di ko na kasi suot ang disguise ko.

Agad akong naglakad papasok at ang ibang estudyante na nakaupo sa lobby ay napatayo pa. I smirked at their reaction. Di ko binura ang alaala nila kung saan ako nag palit ng anyo sa harapan nila. Why should I?

"Miss!" a group of boys came running inside the dorm lobby at hinihingal pa. I thought men are not allowed here?

Napatigil sila nang hinarap ko silang lahat. Nasa anim yata sila ang nandito and we're already making a scene here. Kakabalik ko lang galing sa Underworld at ito agad ang unang bumungad sa 'kin.

Nairita ako nang tumayo lang sila sa harapan ko at tinitigan ako.

"What?"

Tila nagising naman sila at biglang nagtulakan. A guy from the very back was pushed forward by his friends. He's blushing.

"U-umm... Ang ganda mo..." he almost whispered.

"Hoy! Anong ginagawa niyo dito? Bawal lalaki dito!" A lady guard came running towards them at mukhang nag panic naman sila.

"B-bye Shea!" sabi nilang lahat at tumakbo palabas habang iniiwasan ang guard.

Napailing nalang ako. I was about to climb the stairs nang may makakasalubong akong pamilyar sa 'kin.

"Shea?"

Tinignan ko siya. It's Eloiny. Mukhang wala namang pinagbago sa kanya. Kiyan is really great. He truly kept his promise.

"OH MY GOSH SHEA BUMALIK KA!" I know she's crazy and literally she is. Tinalon ba naman ang hagdan papunta sa 'kin. It's a good thing that she can manipulate the gravity kaya lumutang siya.

Agad niya akong sinalubong ng yakap. Actually sila naman talaga ang pinunta ko dito sa dorm. I’m planning to check them if they're alright. I hugged her back.

"Kamusta ka na? Waaahh ang ganda mo na Shea! GUYS BESTFRIEND KO 'TO! BESTFRIEND KO 'TO!" nagulat ako nang bigla siya sumigaw kaya napatingin lahat ng mga tao sa dorm. Agad ko naman siyang hinila pataas.

"You don't need to tell everyone about that." sabi ko pagka akyat namin.

"I can't help it! I'm just so proud of you at para ipamukha sa mga bitches na nambully sayo kung gano sila kapanget kapag kaharap ka. Pero na-miss talaga kita." muli niya ulit akong niyakap.

"Okay I know that just stop with the hugging. How's Cein?"

"Nasa training ground. May practical exam kasi kami with weapon accessories kaya ayon nagsasanay. Anyway papasok ka na bukas? Yieeee excited na ako!"

I don't know kung paano siya na rescue sa Underworld pero thank goodness and she's also alive. May kinuha akong kwintas sa bulsa ko and handed it to her. It looks like an ordinary stone with fancy details on it.

"Hindi ako magtatagal dito. Give the other necklace to Cein. It's a stone from the Underworld and it will serve as your protection from the Demon clan. Dahil kaibigan niyo ako, you might be one of the primary targets of the clan kaya ang batong ‘yan ang po-protekta sa inyo. At least I know that both of you are safe. You must wear it if you don't want your soul in hell."

Tinanggap niya naman ito, "Ay grabe siya. Alam mo talaga na sa impyerno talaga kami pupunta no? Hahaha! Ayaw mo 'non, happy three friends. Hahaha!"

I left the dorm na panatag ang loob. Pupunta ako ngayon ng diretso sa dorm ng Alpha. I need to talk to Kiyan about his creation. Base on the surroundings, he wields his powers expertly at parehong-pareho ang kanyang pagkakalikha sa aking sinira. Most of the students are looking at me. Some were even whispering at yung iba ay tinangka pang bigyan ako ng bulaklak.

Pero di ko silang lahat pinansin at iisa lang ang pinunta ko dito. I need to find Paxton.

"And you are?" harang sa 'kin ng guard sa dorm ng Alpha. Of course, they must be highly secured dahil sila ang tinuturing na alas ng academy.

"Shea."

"Do you have an appointment here ma 'am?"

"Yes."

He scanned his record at kunot noo siyang humarap sa 'kin.

"I'm sorry po pero walang Shea na nakapangalan dito."

"Don't worry. She's with me."

Agad akong napatingin sa likod ko only to find out thpat he's an Alpha. Si Ice pala, yung kambal ni Fire na kulay asul ang buhok.

The guard gave way at unti-unting bumukas ang gate ng dorm nila. Nauna na akong pumasok at sumunod naman sya sa 'kin.

"Sorry for that. He's only doing his duties." he smiled at labas pa ang kanyang dalawang dimples.

"I need to speak with your Master."

He motioned his hands and lead the way. Parang isang napakalaking mansyon ang dorm nila with classic and antique designs. Umakyat kami sa spiral staircase at pagdating namin sa taas, ang daming pinto ang bumungad sa 'kin like we 're in a hotel.

"This way."

Sinundan ko naman siya at mukhang papunta kami sa pinakadulong pinto. Malayo palang ay rinig ko na ang ingay ng mga tao sa loob. This will be my first formal meeting with the Alpha as the Mistress.

Alam kong papatayin nila ako sa huli together with Kiyan, so who would imagine na kakausapin ko ang pinakamalakas na estudyante sa academy and the one who’s destined to kill me?

"Sandali lang ha, dito ka muna." sabi ni Ice at tumango naman ako.

Binuksan niya ng konti ang pinto enough para mag fit siya at para di ako makita sa labas.

"Guys!"

"Fafa Ice saan ka galing?" I know that's Trevor.

"Dyan lang sa labas. Nga pala, may bisita tayo. Guess who's here."

"We have a visitor?"

Unti-unti niyang binuksan ang pinto. Lahat ng mata nila ay nakatitig sa 'kin.

They were all in silence at halatang napatigil silang lahat sa kanilang mga gawain.

"Good day." I greeted them.

Ezra and Trevor are sitting on a couch at mukhang napatigil rin sa pagkain while staring at me. Vishna is glaring at me sa isang tabi habang si Fire naman ay nakatitig lang sa 'kin.

"Hey guys food is rea—woah..." a girl with a blonde hair suddenly stopped while holding a tray of food.

"Ang ganda..." agad namang binatukan ni Ice ang kambal niya na siyang nagsabi.

"Magtino ka nga!"

From the corner near the window, there I saw my target sitting while holding a book. Nakatingin rin siya sa 'kin pero agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

"Shea? Ikaw 'yan right?" tanong ni Ezra.

"Ay hindi. Ako 'yan girl. 'Yan ang totoong anyo ko at sasanib na ako sa totoo kong katawan right now."

"Tumigil ka dyan mukha ka lang paa." sabi ni Ezra kay Trevor.

"Paupuin niyo nga muna ang bisita natin." sabi ni Fire.

Umusod naman si Ezra at pinaupo ako sa tabi niya. It looks like we're in a forum at lahat sila ay nakatingin sa 'kin except Kiyan na binalik ang atensyon sa pagbabasa ng libro.

All of a sudden, naramdaman kong may kutsilyo nang papalapit sa 'kin. Simple ko itong pinigilan gamit ang aking kamay at binalik ko ito sa kanya. Agad naman siyang nakaiwas.

I looked at her and she smirked, "Tsk. Tsamba." sabi ni Vishna at inirapan ako. Siya ang nagbato sa 'kin ng kutsilyo.

The atmosphere suddenly becomes heavier inside the room.

"Anong kailangan mo Mistress?" Vishna arched an eyebrow. Our first meeting was not quite ideal also. She doesn't like me in the first place and I bet all of them does.

Alam na nga talaga nila na ako ang primary enemy at target nila. And here I am, invading their territory.

"I need to talk to your Master." tinignan ko si Kiyan pero nasa libro parin ang atensyon niya.

"Go on." mataray na sabi ng babaeng blonde ang buhok habang nilapag ang tray sa harap ko.

"Alone." dugtong ko.

"Bakit di mo nalang sabihin sa kanya habang dito kami?"

Tinignan ko silang lahat and all of them are staring at me waiting to say something.

"What do you need?" A cold shivering voice filled the room. Tinignan ko siya at nakatingin rin siya sa 'kin.

I guess it can't be helped.

"Where's my familiar?"

Napabuga ng hangin si Vishna habang ang isa ay napataas ng kilay.

"I don't know."

"You promised to restore everything. So where's my familiar?" kalmado kong tanong.

"Haven't I told you that I can restore everything except darkness? I expect that you got my point there."

"Fudge ang haba ng sinabi ni Kiyan kinikilig ako." Pag singit ni Trevor.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. He's right, bakit di ko 'to naisip noon pa? Sinira ko ang lahat pati si Paxton. Paxton is a demon and Kiyan can't bring him back.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. May pinatay na naman ako?

"Shit." Hindi ko napigilang hindi mag mura.

First I killed my bestfriend, now my familiar. Ang bobo ko. Ang tanga ko. Ano na naman ba 'tong ginawa ko?

"Y-you can't bring him back?"

"I can't." malamig niyang sagot.

"Ano bang pinag-uusapan niyo?" tanong ng babaeng blonde.

Walang sumagot sa kanya. Oo nga pala, binura ko nga pala ang alaala nila noong sinira ko ang lahat dito.

Ayaw pa mag sink-in sa akin ang sinabi niya. My familiar is gone? Wala na si Paxton? I'm a total shit.

"I-I'll do anything. Just bring him back."

I can't believe myself that I'm begging right now.

"I bet you are aware that our Master only brings light. And darkness is our mortal enemy. We can't do anything about it so you better leave us here and go to hell." sabi ni Vishna.

Tinignan ko siya at biglang nag iba ng kulay ang mata ko.

"S-Shea stop it!"

"You're killing her!"

"Master!"

I blinked.

Vishna gasped for air at hinabol ang hininga niya while holding her chest. Inalalayan naman siya ni Ezra at Trevor.

"Wala naman akong balak patayin siya. Sinubukan ko lang kung hanggang saan niya kayang pigilan ang hininga niya." I said sarcastically.

"I am aware of what you’re saying Miss. You're the one who must be aware of who you’re talking to." sabi ko sa kanya. I'm not a nerd anymore para kawawain nila.

I can't believe that I just begged seconds ago. It's not in my vocabulary to beg.

"If you can't help me, fine. I'll do this on my own." tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Bubuhayin ko ulit si Paxton no matter what.

"I can bring him back." napatigil ako when a cold voice suddenly entered the scenario.

"In one condition."

Tinignan ko siya at diretso syang nakatingin sa 'kin.

"Be part of the Alpha."

  
  
👑👑👑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top