Chapter 27: The Familiar of Light
Sumunod na akong umakyat ng platform at pareho kaming pumwesto sa magkabilang dulo. She's glaring at me the entire time.
I'm wearing an oversized t-shirt na kasya na yata kay papa na ininsert ko sa aking jogging pants paired with rubber shoes. My hair is tied up into a messy bun kaya kitang-kita ang sparkling and full of wrinkles na noo ko.
Samantalang kay Alzena ay halos maglaway na ang mga kalalakihan sa fitted niyang damit designed for battle and her hair was on ponytail. Labas pa ang cleavage nito na bumihag siguro sa mata ni Paxton that's why "I should go easy on her." duhh.
"Players ready,"
We positioned ourselves for attack. Sinummon na agad ni Alzena ang flare lancer niya while putting up an evil grin.
"Fight!"
As soon as the commentator announced, she shoots up a sound flare that created a high-pitched tone. Parang mababasag na naman ang tenga ko.
Tinakpan ko ang mga tenga ko at napapikit. So she made the first move.
Naramdaman kong papalapit na ang presensya niya sa 'kin, so I immediately used my agility para makaiwas. Patuloy niya akong hinahabol but I manage to dodge her every attack.
"You're good." she commented with a smirk.
We were like that for about a minute hanggang sa nawala na ang sound flare niya. I opened my eyes at saktong pabulusok na sa 'kin ang paa ni Alzena. Huli na nang mapansin ko ito until I feel it hit my face.
Tumilapon ako sa sahig and the audience laughed. Napahawak ako sa mukha and notice that my eyeglasses were missing. Ang sakit ng panga ko.
They must not see me without my glasses dahil medyo mahahalata nila ang disguise ko. I searched for it habang nakasalampak parin only to see that it is crushed by Alzena right in front of me. I bit my lip.
"Oh. Sorry for that." she said sarcastically.
Sinipa niya ito na umabot sa kabilang dulo. I stare at the pieces of glasses scattered on the floor as I get up. I look at her blankly.
"Ano, susuko ka na?"
Mabilis akong kumilos para kunin sa kabilang dulo ang glasses ko but she immediately caught up and punch me hard on the stomach. I spitted blood I can taste it.
But I regained my composure and punched her in her breast. She wasn't expecting it kaya hindi na siya nakaiwas. Ang sama ng tingin niya sa ‘kin. Habang wala pa siya sa focus ay tumakbo ako para kunin ang glasses ko na sira-sira na. Di bale nang sira basta masuot ko 'to upang hindi nila mahalata. As I pick it up, lumabas ang kwintas na binigay sa 'kin ni tita bago ako kumuha ng entrance exam.
"Here." may binigay sa ‘kin si auntie na necklace. Black ang pendant nito na shield ang itsura.
"Hindi ako mahilig sa accessories." sagot ko.
"Hindi naman 'to ordinaryo eh. Use it pag sa tingin mo ay kailangan mo."
I accepted it while giving her a confusing look.
Muli ko itong pinasok sa damit ko at sinuot ang aking glasses. Whatever it is, I'm sure that this has a purpose. I look at Alzena at nakatingin din siya sa 'kin. Her stares are mocking me na parang pinamumukha niya akong tanga sa harap ng maraming tao.
I charged to attack her but she is just blocking all of it. I need to find an opening and lock her down.
"Who taught you to fight?" she asked still dodging my attacks.
"
My father."
"Oh." she grinned and grab my left arm at pinilipit ito. I cussed dahil sa sakit ngunit ginamit ko ang isang kamay ko at binalibag siya sa sahig.
"Argh!" daing niya.
The audience boo-ed at me dahil hindi nila gusto ang ginawa ko kay Alzena. What? I'm just following the rules. It wasn't my fault that she underestimated me.
Besides, we're not still using any of our powers and abilities.
All of a sudden, bigla akong nabingi as I heard my heart created a loud thump. Bumilis din ang pag tibok nito and I feel that my head was like tearing into pieces. Ang sakit! May malalakas akong naririnig na beat na mas lalo pang nagpabaliw sa 'kin sabayan pa na parang kinukuryente ako ng mahina.
Vibration and Beat.
"AAAAHHHHHHH!"
Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko. All I know was I’m in pain. Parang kumakapos ang pag hinga ko at nanghihina ang tuhod ko. I knelt on the floor still covering my ears dahil sa nakakarinding beat na naririnig ko.
Something hard hit my face and I went flying on the opposite direction. Blood splatters everywhere as I feel it in my lips. Maging ang glasses ko ay tumilapon.
"I wonder kung pano ka nga ba nakaabot sa round na 'to? I mean look at you, you're helpless. I can't imagine myself being on the same stage with you. You're nothing compared to me. You're too low." bigla niya akong sinampal at umalingawngaw ito sa buong coliseum.
"And I also can't imagine Ren to be close to you. In our every rehearsal, he keeps talking about you. Ano bang ginawa mo sa kanya? You made him drink a love potion, didn't you? Witch."
Hindi ako sumagot at sinubukang tumayo pero nanghihina ang mga tuhod ko.
"Face reality Shea, you're nothing compared to us. Bakit pilit mong pinagsiksikan ang sarili mo sa hindi ka naman belong? Ano bang magagawa mo?"
Ganon ba talaga ka baba ang tingin niya sa 'kin? Didn't she observe how I fight my every opponent? Ganito ba talaga kataas ang tingin niya sa kanyang sarili?
I smirked, "I'm not doing anything wrong. I'm here to learn and enhance my powers and abilities. I don't care about you or how strong you are. I'm here to win."
I used my enhance agility upang lumayo sa kanya. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
"Hell fire." bulong ko as I summon fire from hell.
Naramdaman kong umangat ang mga matataas na apoy sa aking likuran. She laughed but it eventually faded hanggang sa napahawak siya sa mga tuhod niya.
This is her weakness. The weakness of every light specials here. They're scared of the dark. They are afraid to go to hell. And here I am, summoning the fire from hell that will burn every soul.
Muli siyang tumawa pero mukhang malaking enerhiya ang nabawas sa kanya, "I thought nerds are smart. Pero ikaw lang yata ang nerd na kilala kong bobo. Hahaha!"
She pointed her hands on me and I feel a strong energy coming out from my body. Parang hinahatak ako nito. I grinned.
"Go on, steal it. So I can replicate it." mas lalong lumapad ang ngiti ko habang siya ay napatigil sa kanyang ginagawa.
"Bitch!" she glared at me.
Nagtaka ako nang bigla siyang umatras ng ilang metro and a wide grin is plastered on her face.
"Switch on." she casted.
Bigla siyang sumigaw ng sobrang lakas. The soundwaves were almost visible as it comes out from her mouth and directly headed towards me.
Yumayanig ang buong coliseum at maging ang tinatapakan namin ay nag crack. Nagtakip ako ng tenga as the sound wave hits me. Ang sakit sa balat and anytime from now ay matatangay na ako nito sa labas ng platform.
I motioned my hand to control my fire and manipulated it in front of me. The fire slowly absorbs the soundwaves until it forms into a vortex. A tornado-like flames with a sound. Nagulat silang lahat. I even heard the audience gasp.
Our attack was combined. My fire, and her sound. Kung ibabalik ko 'to sa kanya, ano kaya ang magiging resulta?
"Shea!" napatingin ako sa sumigaw.
It was Paxton with a worried look. Natatakot ba siyang saktan ko si Alzena? Ano bang meron at nag-aalala siya? Compared to my previous battles, hindi naman siya concern sa mga kalaban ko.
"Don't do it." sabi niya.
Mas lalong kumunot ang noo ko. To think of it, the damage of this attack was nothing compared to all the things she did to me. Mentally, emotionally, and of course physically.
Tumingin ako kay Alzena at maging siya ay nagulat, "No way." bulong niya.
Bigla niyang kinuha ang kanyang weapon accessory. Nilagyan niya ito ng bala at tinutok sa 'kin.
"This is a special bullet. Kung sino ang tatamaan nito will eventually collapse. Its primary target is the heart." sabi niya sa 'kin.
Nanatili parin akong nakatayo habang ang nabuong vortex ay sa harapan ko.
"Why won't you release your weapon accessory? Natatakot ka ba? O baka kasing hina mo rin naman ang weapon mo? Hahaha!"
I stared at her, "If I summon it, you'll die."
Her eyes widen as I saw the excitement on her face.
"Heh. Isn't that fun?"
I smirked, "Then make me."
She released the bullet while I attack her with my vortex. It's no use. My fire will just melt her bullet.
Ngunit nanlaki ang mata ko sa sumunod na nangyari, her bullet passed right through the vortex and directly headed to me.
P-pano nangyari 'to? My fire can't melt it? Masyadong mabilis ito, hindi ko na kayang umiwas. Hindi nga ako mamamatay pag tinamaan ako ngunit magtataka sila kung bakit buhay pa ako. And later on they will find out that I'm immortal.
"Seraphina tama na!" I shouted at her habang hinahabol niya ako ng kanyang latigo. She's in a demon form and everytime her whip strikes me, it feels like my bones were torn into pieces.
"Sige! Subukan mong sabihin 'yan sa kalaban mo!" she then struck me again and I screamed in pain as it touches my skin.
The dimension began to shake.
"AAAAHHHH SERAPHINA! DON'T MAKE ME ANGRY!" naramdaman kong malapit na akong umapaw. My eyes were intense blue habang unti-unting gumuguho ang lugar na pinagsasanayan namin.
"Ano? Sisirain mo 'to? Magpapaagaw ka sa emosyon mo?!" muli niya akong hinampas ng kanyang latigo.
Pinigil kong huwag sumigaw. Nanginginig ang buong katawan ko. Pinipigilan kong lumabas ang kapangyarihan ko habang kinokontrol ko ang aking emosyon.
"Ano sa tingin mo ang gagawin mo kapag nasa desperado kang sitwasyon?"
Huminahon ang boses niya but she's still holding her whip. Ibang-ibang Seraphina ang nakikita ko ngayon. She looks like a badass demon with a very revealing outfit. Halos labas na ang kaluluwa sa suot nito paired with a dark make up.
Tumingin ako sa kanya. My eyes are still intense blue. What does she mean? If I'm in a desperate situation I must do something to get out of that situation without blowing up my cover. But how?
"Ano sa tingin mo ang ginawa mo noon?"
Ano ba ang ginawa ko noon? Have I been in a desperate situation before?
Seraphina raised her right hand holding a whip. Tatamaan na naman ako nito. Biglang may sumagi sa utak ko. Ito ba ang ibig sabihin nya?
Everything was on slowmo as I look at the bullet approaching. It will be too late to dodge it. Even to counter it. Tatamaan na ako kapag wala pa akong gagawin.
I hate to say this but Alzena did a great a job. I guess it's time.
"Sword of Destruction."
My ring lit up as a black light formed until I can already feel it in my hands. I immediately use it to block the bullet.
Now you've been summoned by your Mistress. I hope you'll cooperate.
The smoke vanished from our attacks. Alzena is on her knees and she looks very exhausted. Mukhang mas malaking enerhiya na ngayon ang nabawas sa kanya.
"Good job." sabi ko.
She looked at me habang humihingal pa. Napukol ang tingin niya sa espadang hawak ko habang nanlalaki ang mata.
Don't tell me she's familiar with my sword? That's a complete opposite reaction from what I expected from her.
"T-that sword... where did you get that goddamn sword?!" I was shocked of her sudden change of expression.
"Why? You familiar with this?" I asked.
Nandilim bigla ang mukha niya. Parang may nakikita siyang kakaiba sa espadang hawak ko.
Without hesitation, bigla niya akong sinugod. I can feel the anger in her right now. She's attacking me violently at parang wala na siya sa kanyang sarili. I am in total defense mode. Sigaw siya ng sigaw habang inaatake niya ako. She keeps on muttering something that I don't even understand. Ibang-ibang Alzena ang kaharap ko ngayon.
"Anong nangyayari kay Alzena? Bakit biglang nagbago ang kanyang pag atake?" the emcee commented. Kahit ang mga manonood ay nagtataka.
"I'm gonna kill you! I'm gonna kill you! I'm gonna kill you!" ‘yan lang ang klarong naririnig ko.
Looks like I know what's happening. She attacked me again with her vibration and beat pero hindi ganon kalakas kaya nagawa kong gumalaw at inatake siya.
This is so not her.
Ganon lang kami until I decided to counter. Natigil kami at ginamit ko ang agility ko upang lumayo sa kanya. Nanghihina siya. Ang bigat ng hininga niya compared sa 'kin. She again looked at my sword.
"Kaya pala sa umpisa pa lang mainit na agad ang dugo ko sa 'yo." sabi nya. We feel the same way?
"Who gave you that sword?"
Nanatili lang akong tahimik. So far hindi pa matindi ang damage ng weapon ko dahil hindi ko naisalin ang kapangyarihan ko dito.
"Ms. Valdemore I am asking you. Who gave you that sword?!" she shouted at me at kitang-kita ko ang panginginig niya.
Umatras muli siya. I changed my position at hinanda ang sarili ko sa susunod na mangyayari.
"Kung hindi ko siya napatay, ikaw ang papatayin ko. Wala akong pakialam kung laro lang ito, but I will make sure that you won't leave this place... ALIVE."
I don't know what just happened but everything went in silence. Biglang may mahinang beat ang tumunog. Hanggang sa lumakas ng lumakas pa ito. Sumasakit na naman ang dibdib ko.
"Even if I am only the familiar of the Master of Light, SISIGURADUHIN KONG AKO ANG TATAPOS SA BUHAY MO!"
The beat gathered in front of Alzena as she produced another soundwave. And I know that it's deadly. Makikita ang pulang kulay nito and it’s charging to attack me.
I knew it. Tama nga ang hinala ko. Siya nga ang familiar ng Master of Light and Creation. Siya ang familiar ni Kiyan.
"Sound beam." she casted and I heard a sudden boom.
Papalapit na ito sa 'kin. Kayang-kaya ko naman itong iwasan ngunit ang mga tao sa likod ko ang mapapahamak. If I take the damage and remain alive, magtataka sila. If I make her attack disappear, mas lalo silang magtataka. Wala akong choice. Kailangan ko ‘tong saluhin kesa may masaktan.
I close my eyes at bumulong sa espada ko. "Ikaw na ang bahala sa akin."
I tightened my grip on my sword habang nakaposition ito sa harapan ko upang gawing harang sa atake ni Alzena.
If only Paxton can protect me from this attack. Pero alam kong ayaw niyang saktan ang kapwa familiar niya kaya ganon na lamang siya mag-alala sa kanya kanina.
I know he can't protect me this time. That's why I have to handle this myself. Pero sana kahit dito lang, iligtas niya ako.
Isang napakalakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong coliseum.
Yun na ba 'yon? Did it hit me? I tried to move my arm but I feel fine. Walang kahit anong sakit pwera nalang sa pinasalang natamo ko kanina. Kung hindi dito ang pagsabog na 'yun, saan?
I open my eyes at bumungad sa kin ang makapal na usok sa side kung saan nakatayo si Alzena kanina.
My brows knitted into slits as I waited for the smoke to disappear. What just happened? Alam kong tatama na yun sa ‘kin eh.
Napuno ng bulong-bulongan ang buong lugar. Unti-unting nawawala ang usok and what I saw shocked me. Even the emcee and the audience were dumbfounded.
Alzena was lying unconscious on the floor. Severely damaged.
"I think this match is decided! The freshmen who will proceed to the semi-final round, SHEA ALYSIA VALDEMORE!"
--
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Akala ko tatamaan na talaga ako. I was suppose to be there lying on the floor unconscious. But instead siya ang nasaktan. Wala akong ginamit na kahit anong kapangyarihan. I didn't cheat or anything.
"Pano na 'yan? 2 days from now pageant na. Anong gagawin natin dyan?" napatigil ako nang may narinig akong boses sa loob ng clinic.
The door is slightly open kaya narinig ko. It wasn't my thing to stick my nose on other's business but this one caught my attention. Galing kasi akong cafeteria dahil bigla akong nagutom right after the match.
"Dahil sa matinding pinsala na natamo ni Alzena, di na siya makakasali ng pageant." I heard Paxton's voice. Pumunta kasi siya agad dito nang maisugod si Alzena.
"Ano? Eh sinong ipapalit natin sa kanya?" Probably our class president's voice.
Bigla silang tumahimik. A few seconds later, nagsalita na si Paxton na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Si Shea."
"Huh? Why her?"
"She did all this. She'll pay her debt. Siya ang isasali natin."
I sighed and left. Ano na naman bang pinaplano mo familiar? Akala ko ba nagbago ka na?
👑👑👑
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top