Chapter 25: Attack of the Demon Clan

ELOINY'S POV

It was past lunch time at nagpapahinga ang mga ibang estudyante kabilang na ang mga booth.

But one booth caught my attention dahil sa haba ng pila nito at kakaibang design. Parang nanindig ang balahibo ko sa exterior design pa lang.

The horror house of First year section 2. Tirik ang araw pero kung titignan sa loob at pagkakagawa parang napunta ako sa mundo ng kadiliman which is exactly fun and thrilling. No wonder ang haba ng pila ng mga guest nila. And I think I know kung sino ang may gawa nito.

Speaking of her, kailangan kong i-confirm kung totoo nga ang hinala ko. Since that day na inatake ako ng demon sa west wing kung saan ang malakagubatang part ng school, I think I have an idea of why she is pushing us away.

At mukhang tama rin ang hinala ko na palabas niya rin ang lahat.

Pumunta ako ng library at dumiretso sa history section. I really hate history-related subjects pero iba ang sitwasyon ngayon. I need to clear something which is bothering me for weeks.


"Let me do my first job to you as your familiar. I don't want to get my Mistress stained with the blood of a nonsense creature."

Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang sinabi ni Ren while begging for Shea to give him that demon. I don't want to jump into conclusion kaya nandito ako sa library para mag research.

"Aha!" sabi ko nang makita ang librong hinahanap ko.

Umupo ako as I started scanning the book. Napahinto ako sa isang page kung saan may naka-drawing na espada. At kaparehong-kapareho ito sa weapon accessory ni Shea.

"The Sword of Destruction is the only one whom the Mistress of Darkness and Destruction can hold. It has a very sharp piercing blade blessed by the Goddess of Destruction which is capable of wiping out and destroying all that exist in the entire universe and way beyond."

Tila nanginig ako sa aking nabasa. Hindi ako pwedeng magkamali. Ganitong-ganito ang espada ni Shea. Kitang-kita ko pa noong una kung pano niya sinummon ito mula sa kanyang singsing.

If she possesses this legendary sword, then that means...

Nagpatuloy ako sa pag scan ng libro hanggang muli akong napatigil sa isang page.

"The Mistress of Darkness and Destruction is also known as the Disciple of the Goddess. She is the Queen of the Underworld who rule and control everything within it's territory. The Mistress has countless powers and abilities bestowed upon her by the Goddess for her to train, to rule and lead everything under it. Studies believe that all her powers and abilities are all extremely dangerous for the word itself describes it---DESTRUCTION. They also believe that she has the power of immortality. The most powerful of all attributes who was also possesed by the Master of Creation."

I turn to the next page at patuloy na nagbasa.

"However, no matter how strong the Mistress is, she has her ultimate weakness---The Master of Light and Creation. When two opposing forces collide, the world will be in chaos and imbalance. So as the opposite sides can lose their immortality and die. Their only weakness is each other.

Then there came the creatures called "Familiars." They are sent by the God and Goddess to protect, guide and control their disciple to avoid each force to collide. Their job is to protect and serve their Master and Mistress."

I closed the book, left the library and went straight to the coliseum. I've read enough.

SHEA'S POV

Parang magigiba ang buong coliseum sa lakas ng sigaw ng mga nanonood. I'm in the middle of the fight and my opponent is beating me mercilessly.

"Die! Die! Die, you ugly duckling! Hahaha!"

Pinagtatadyakan niya ako while I'm paralyze because of his attack. Masyadong malakas ang static na nagpatigas ng katawan ko. Gutay-gutay na ang damit ko at marami na akong natamong sugat sa katawan. I feel like I'm experiencing hell right now. Oo nga pala, immune ako dun.

Napatingin ako sa gawi ni Paxton at nandidilim na ang paningin niyang nakatingin sa amin. I'm sorry if I'm doing this. Konting tiis nalang Paxton, konti nalang.

"Hiya! Hahaha!"

I can feel that some of my bones broke as he kick me hard on my stomach. I landed near the edge of the platform. Isang ikot nalang at mahuhulog na ako, and that would be my defeat.

"Ano? Nasan na ang angas mo? Di ba tinalo mo ang senior namin? O bakit anong nangyari?" he said mockingly habang lumalapit sa akin.

May eyepatch siya sa kanyang kanang mata at may malaking peklat sa kanyang kaliwang kilay. Nagmumukha siyang nakakatakot. From the looks of it, isang delinquent ang kalaban ko.

I tried to get up but I can't move. Matatalo na ba ako?


"If you win, you are free to choose. But if you don't, you have no choice but to join us. Deal?"

"Ako nalang ang lalaban para sa 'yo, ayokong mapahamak ka dito."

"You know me Paxton, hindi ako papayag sa gusto mo."

"But I'm only trying to protect you."

"Please Shea, join us. Be part of the Alpha."


"Get up, Shea."

Nagulat ako sa nagsalita and it was Eloiny. Nandito pala ako banda sa side nila and she is staring at me blankly.

"Fight. Reyna ka, at magpapatalo ka nalang basta-basta?"

Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Don't tell me...

"Hahaha! Tapos ka na!"

Kusang gumalaw ang mga kamay ko as I grabbed his feet. I slammed him to the ground. Napadaing siya sakit.

Dahan-dahan akong tumayo habang dumadaing pa ang kalaban. Mukhang nawala na ang bisa ng shock wave niya sa 'kin. Siya naman ngayon ang nakahandusay sa sahig.

Lahat sila ay nagulat kung pano ko nabuhat ang lalaking 'to at hinampas sa sahig. Well, I have my ways. But damn it, my whole body is aching.

I replicated his ability at lumapit sa kanya habang nagre-recover pa siya. Mukhang ang ulo niya talaga ang napuruhan. I touched his foot as the electricity travels to paralyze his whole body. His eyes were staring at me like he can't believe that he'll be defeated.

I grinned. "I forgive you. But I'm sorry for doing this."

Kinaladkad ko siya patungo sa dulo ng platform at doon inihulog.

The moment that he fell, victory was again on me. I won the match by using my own skills. And those words came from Eloiny, mukhang alam na niya.

Nanlalabo ang paningin ko. My energy was drained and my whole body is in pain.

"Shea!" May naaninag akong tumatakbo papalapit sa 'kin. Si Paxton ba 'to? Bakit ba siya tumatakbo?

All of a sudden, I felt something warm  embracing me. At parang may nagsasalita kaso hindi ko naman maintindihan. Naramdaman kong umangat ang paa ko na parang may bumbuhat sa 'kin.

Ang ganda sa pakiramdam. Ang init ng mga yakap niya, parang gusto ko matulog.

"Rest now, my lady. Nandito na ako, hindi kita pababayaan."

The moment that I heard those words, I felt comfort. I closed my eyes and fell asleep.

-----

"O-ouch! Be gentle you jerk!"

"Eh pano ka hindi masasaktan eh ang likot mo."

"Pano ako hindi maglilikot eh ang sakit!"

"Sa una nga lang ang masakit. Mawawala rin to pag nagtagal."

"A-aray! Ohh sht ang hapdi."

"Shut up. Kung may makarinig sa'tin baka iba isipin nila."

"What the---pervert! Aray!"

"That's what you get for not listening to me. Sabi ko sa 'yo ako nalang ang lalaban pero ayaw mo."

Nandito na naman ulit ako sa kwarto ni Paxton. I just woke up at ginagamot na niya ang natamo kong sugat. This jerk doesn't even know how to treat wounds. He's literally, totally brutal in doing things. Ang bigat kasi ng kamay.

"What am I an idiot---"

"Yes," putol niya sa sinabi ko.

"Shut up, familiar. You'll get all the fight tapos ikaw na naman ang mag ra-rank 1. If I know, you're just doing it to impress girls." Bigla niyang diniinan ang cotton sa sugat sa braso ko kaya napasigaw ako sa sakit.

"Just me give me that damn thing at gagamitin ko nalang ang kapangyarihan ko. This is a waste of time!"

Bigla siyang ngumiti ng pilyo sa 'kin. "There's no need for me to impress girls. Makikita pa lang nila ako, nabihag ko na ang puso nila."

I mentally rolled my eyes at napatingin sa labas ng bintana. Ito na naman siya sa kayabangan niya.

"I want to fight in your behalf. Ayokong makikita kang sinasaktan nila habang ako, tinitingnan ka lang." Bigla na lang siyang nagseryoso.

Napatingin ako sa kanya. Our eyes met at parang malulunod na ako pag matagal ko pang tititigan ang crimson niyang mga mata. Ako na ang unang umiwas.

"You know that you are my only priority. Wala na akong ibang iniisiip kundi ang kapakanan mo. If that wasn't a duel, that guy would be dead by now."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I suddenly felt uncomfortable dahil nakatitig pa rin siya sa 'kin.

Muli ko siyang tiningnan at biglang uminit ang pisngi ko. Yeah, I can feel it and this is so embarassing. I don't even know what's happening to me.

"Uhm... I-I'll just use my power to heal myself s-so---"

I stopped when he suddenly held my hand. I gulped.

"Don't. Magtataka sila kung bakit ang bilis gumaling ng sugat mo. Even the healers can't cure it without leaving bandages," sabi niya.

I stared at him with his eyes full of concern. Panigurado pag si Alzena yung nandito, sinunggaban na niya. And why am I even thinking of that girl?

"Akin na yan, ako na ang gagamot." kinuha niya sa 'kin ang mga gamot at muling ginamot ang mga sugat at pasa ko.

"Shea! Ayos ka lang?" hingal na hingal ang lalaking lumapit sa 'kin at may mga pasa rin siya sa mukha.

Mukhang kakatapos lang ng laban nya and he immediately headed straight to me. Papunta na kasi ulit ako ngayon sa coliseum para manood pa ng mga laban.

"Yeah, I'm fine."

"Salamat naman. I heard what happened on your fight with Gunther. Don't worry, ako nang bahala sa kanya. Ang lakas ng loob niyang saktan ka ng ganon." Nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa malayo.

My brows knitted into slits. "Bakit? Anong gagawin mo? That was a duel at natural lang na may masasaktan. I'm alive so you've got nothing to worry about," sabi ko.

"But I'm so worried about you that it kills me just to see you suffer because of that guy. You know that I like you, right?"

My mouth hangs open. Eto na naman tayo.

Napailing na lang ako at maglalakad na sana when Paxton suddenly inserted himself between us.

"Teka, teka lang. Anong sabi mo?" kunot-noo nyang tanong kay---I forgot the name.

"Gusto ko siya. Bakit may problema ba tayo dun pare?" tiningnan din siya nung nakalaban ko kahapon.

Nagsukatan sila ng tingin at wala akong pakialam kung ano pang gawin nila dyan. Nauna na akong maglakad.

That feeling that something bad might happen hasn't left me. Hindi ko alam pero malakas talaga ang kutob ko.

"Seraphina," I called her through telepathy.

"Yes?"

"May nangyayari ba dyan?"

Matagal siya bago sumagot.

"Hey. What's happening?"

"N-nothing. Everything's f-fine. Just be ready anytime, Aly. Remember what I taught you."

I tried to communicate but I can't reach her. I know something's happening down there.

Dumiretso ako sa loob at naupo kasama ang mga audience. Isang beses lang kasi ako lalaban sa isang araw. Isang Telekinetic at invisible guy ang naglalaban ngayon.

"Oh," may biglang humarang na isang bag ng popcorn sa harapan ko. Si Paxton pala ang may gawa. Wala talaga tong galang sa mistress niya kahit kailan.

"Thanks." Kinuha ko naman ito at tumabi siya sa 'kin.

"Hi Shea!" That guy once again appeared at umupo sa kabilang side ko.

"For you," he offered me a drink.

Gusto ko sanang tanggihan dahil hindi ako umiinom ng juice but I don't want to be rude.

"Err... thanks---"

"Hindi siya pwede niyan. She's allergic to pineapple," biglang sabi ni Paxton.

"Tumahimik ka dyan, hindi ikaw ang kinakausap ko." sagot nya.

"I'm just speaking in her behalf," kalmadong sabi naman ng isa.

"I'm talking to her, not you, gramps."

"Who you calling gramps?!"

"Sino pa ba ang may puting buhok dito?"

"So you're saying that I'm old?"

"Ano pa ba?"

At dito pa talaga sila nag-away. Imagine them quarelling like a kid and I'm in the middle.

"Isa pa---"

"Isa pa talaga at pag-uuntugin ko na kayong dalawa," singit ko. Natahimik naman silang dalawa.

Paxton continue to eat his popcorn while Christoper, I'm not sure about his name though, is drinking his juice. They behave like they were scolded by their mother.

"Anong nangyayari? Kanino kayang kapangyarihan ito at dumidilim ang buong lugar?"

Nabaling ang atensyon ko sa gitna nang magsalita ang commentator ng duel. The whole place was covered with black smoke pero sapat pa rin na makita ang nasa paligid.

Biglang uminit na naman ang pakiramdam ko at bumilis ang tibok ng puso ko. My hands are trembling habang nararamdaman kong nagbabago na naman ang kulay ng mga mata ko. This can't be.

"Your highness!" biglang pasok ni Seraphina sa utak ko. Hindi maganda ang kutob ko dito.

"Bakit? May nangyari ba?"

"A-ang Demon clan! Sasalakay sila sa academy! We tried to stop them but our powers are not enough without you! Evacuate the students immediately! Hurry!"

Napatayo ako sa aking kinauupuan habang pinipigilan ko ang pagbago ng kulay sa aking mata. Nakita ko ring napatayo si Kiyan sa kinauupuan niya.

"Paxton! Create a barrier for the audiences! This is not an ordinary smoke," utos ko at tumakbo sa gitna ng platform.

Mas bumibilis ang tibok ng puso ko. If they are going to make an appearance. Then their first target might be...

"Sh*t!"

Isang malakas na pagsabog ang naganap sakto lang na napasok ko ang dalawang naglalaban sa aking dark barrier.

A dust of smoke filled the whole platform and lasted for about 10 seconds.

"A-anong nangyayari?" tanong ng isa sa likuran ko.

"Don't move," I said.

As the smoke disappears, a horde of demons stands right into our eyes. Napapalibutan nila ang buong coliseum.

Their red skin, red eyes and sharp fangs were enough to send these people into fear. Dagdagan pa ng matutulis nilang sungay at nakakatakot na tingin.

Nakita ko rin si Kiyan sa itaas na binalot ng barrier ang Alpha kabilang na ang headmaster. So as Paxton followed my orders.

"Mukhang inaasahan niyo ang pagdating namin. May nagsabi ba sa inyo?"

Isang napakalalim at bilog na boses ang umalingawngaw sa buong lugar. Unti-unti siyang lumilitaw mula sa ilalim ng lupa habang may nakapintang nakakatakot na ngiti sa kanyang mga labi.

"Can we join?"

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top