Chapter 22: Advice
"In order to seal the contract permanently, you must kiss the demon you wish to be your familiar. Once you do, wala nang makakapaghiwalay sa inyo. As long as you're a disciple, that familiar will serve you until you until the very end."
‘Yan ang mga salitang binitawan ni Seraphina kanina and that's what I'm doing right now. As if I have a choice. Hindi ko 'to ginusto and will never be. Curse this guy. Nahuhulog pa rin kami at kitang-kita ko sa itsura ni Paxton na hindi makapaniwala sa aking ginawa. Ako na ang unang bumitaw. I just gave my first kiss to a demon. I never imagined myself doing this right now.
"Now, save me," sabi ko.
"Damn this!" he cursed as his whole body lit up at bumalik sa dati yung itsura niya. He’s now in a form of a human with a face who’s about to murder someone.
Hinablot niya ako and carried me as we landed slowly on the ground. Dahan-dahan niya akong ibinaba habang nakayuko. If I know, he was already cursing me to death.
"Hindi kayo makakatakas!" biglang nahulog ang matandang babae sa harapan ko kaya muntik na akong mapasigaw. Buti hindi siya nabalian. I remember what Paxton told me before. Itong gusto niya eh.
I looked at him and grin. "It's all yours," sabi ko.
Lumapit siya sa demonyong matanda na ngayo'y naglalaway habang nakatingin sa 'kin. Her face went pale as she saw the guy behind me.
"F-Falcon! Ikaw pala 'yan. Ahe-he-he." pekeng tawa ng matanda as he looked at Paxton na kung tumingin ay parang papatay na.
Kawawang matanda. Tsk tsk. But wait, did she call her Falcon? Akala ko Ren Paxton ang pangalan niya?
"Stupid old hag! Nang dahil sayo naging familiar na naman ako! Malaya na sana ako kung hindi dahil sayong gurang ka na pakielamera!"
Mukhang doon niya binuhos lahat ng hinanakit niya sa matanda at pinagsisipa at pinagmumura ito. Buti sana kung ordinaryong matanda 'to eh demonyo 'to. Nagmamakaawa siya ngunit parang walang naririnig si Paxton.
"Ayos ka lang?" lumapit sa ‘kin si Seraphina at hinawakan ang balikat ko.
"Yeah. Thanks for leaving me behind."
She chuckled, "It wasn't my fault that you don't know how to climb trees."
"But congratulations. Nakuha mo ulit siya. Take care of him okay?" nakangiting sabi ni Seraphina.
I looked at Paxton who is still busy torturing the demon. Seeing his face kung gaano siya nanggigigil makes me want to laugh. Nakasalubong ang mga kilay at nanlilisik ang mga mata. He's like a lion who just found its prey.
"Kasalanan ko bang gusto kong maging maganda ulit?!" sigaw ng matanda sa kanya.
"If you want to be as beautiful as shit, then take this." Paxton formed a ball of acid in his hands and throw it right into the demon's face.
"Aaaahhhhhh!" the demon released an agonizing scream while she is slowly melting.
"Thanks for ruining my life old hag."
Mukhang mahihirapan akong paamuhin ang fox na ito.
--
Nandito ako ngayon sa building papunta ng room namin and everyone were busy preparing for the festival. Hindi ko kasama si Paxton dahil maaga pa ang practice nila ni Alzena for the pageant. Paxton asked me to come with him pero humindi ako kasi inaantok pa ako kanina.
He somehow changed. Parang bumait siya ng konti and his concern was only me. I'm trying to control my attitude towards him. Even though that he's already my familiar, ayoko siyang abusuhin.
As I reached the third floor, I looked down and students were already busy training for the duel match on the field. Hindi na rin masyadong nagka-klase ang mga instructor namin dahil busy rin sila sa paghahanda at para narin makapag-handa ang mga estudyante.
While me? I just want to sleep. I don't care about anything.
Napahikab ako habang diretsong naglalakad sa hallway papuntang classroom when someone grabbed my bag from me.
They're at it again.
May mga tumatawang babae sa likod ko and when I looked at them, napakunot ang noo ko. Sino na naman ba ang mga 'to? Another batch of bullies?
"Eww, you make hawak it. I don't want my kamay to get dirty," maarteng sabi ng babaeng mukhang bibe sa mga alalay niya.
"You, Chloe, hold it. My gosh! This is so kadiri," sabi ng alalay sa isa pa niyang alalay.
I mentally rolled my eyes.
Tahimik lang akong nanonood sa kanila at kung paano nila pinag-pasahan ang aking bag.
That Chloe put up an evil smile at hinulog lahat ng mga gamit ko sa bag sa sahig. Nag tawanan naman sila, maging ang mga estudyanteng napapadaan sa hallway.
"Poor you. You're so pangit na nga. Cheap pa. Ewww."
Napayuko ako para kunin ang mga nahulog kong gamit pero bigla nila itong tinapakan at nagtawanan. Patuloy ko pa ring pinupulot ang mga gamit ko when someone harshly grabbed my hair. I secretly cussed dahil sa sakit.
"You nerd, tumigil ka na sa kakadikit kay Ren if you want us to spare your life. Ren is mine." Biglang nag-iba ang tono ng pananalita niya. She sounds like an obsessed whore.
"Hindi ako dumidikit sa kanya." I'm not a glue duhh.
Napataas ang kilay nilang apat, "Ows? Then anong rumor ang naririnig ko that kayo raw?"
"If I'm not wrong, rumors are statements that isn't true or not yet proven. Stop acting like you own him. He'll never be yours," diretsa kong sagot sa kanila. Their mouth hang open at para na silang mga tigre na gusto akong lapain.
"How dare you talk to me like that—”
"Anong kaguluhan 'to?"
Napatigil sila sa attempt nilang sabunutan sana ako when we heard a voice coming from behind.
Napalingon sila at nakita ko pang napalunok sila when they saw one of the member of the Alpha. Hindi ko alam kung sisigaw sila sa kilig o matatakot of what they did. Tsk.
"S-sir Ice! He-he-he."
Ice coldly looked at them at napunta din sa ‘kin. Dahan-dahan bumaba ang tingin niya sa mga gamit kong nakakalat sa sahig at madumi na.
"A-ah sir Ice! Hehe napabisita ka dito. Is there anything we can do for you?" she asked yet her voice was trembling.
Tinignan niya ako ng may pagbabanta na 'wag magsumbong kay Ice. I looked away. Wala akong pakialam kung anong gusto nilang gawin.
"Yeah," sagot ni Ice.
Naging alisto naman sila at parang tuwang-tuwa pa.
"W-what is it?" they asked excitedly.
Tiningnan ako ni Ice at sa mga nakakalat kong gamit. Mukhang alam ko na ang gagawin niya.
"Pulutin niyo ang kalat na ginawa niyo. I want it to be clean just like before as you return it to her." tumingin sa ‘kin si Ice.
They looked at me as if I'm the worst person in the world. Wala naman akong ginawa, ah. Sila nga 'tong nauna.
Unti-unti silang yumuko at nilinis ang mga gamit ko habang sinasauli nila sa aking bag. They're working in silence while Ice is still looking at them. Wrong timing naman kasi sila sa pangbu-bully sa 'kin.
Natapos sila and handed me my bag. Tinanggap ko naman ito. Alam ko naman na kanina pa nila ako pinapatay sa isip nila, eh.
"Now, apologize," muling sabi ni Ice.
"S-sorry," they said with hesitation at umalis.
"Ayos ka lang?" tanong niya sa 'kin pagkaaalis ng mga babae.
"Yes. Hindi mo na dapat ginawa 'yun." I stared into his blue eyes na parang nalulunod ka kapag tinitignan mo.
Ngumiti siya at lumantad sa 'kin ang perpekto niyang mga ngipin. Kung walang perpekto sa mundo, then they must be in the near-perfect stage.
"Normal lang 'yun na ganon din ang gawin ng ibang mga kasama ko kapag nakita ka nilang binubully. Those students must be disciplined. Bakit hindi ka kasi lumalaban?"
Besides Trevor, I think siya na ang pinakamadaldal.
"I can't," sagot ko.
"Why?"
"Because I'm weak."
Tiningnan niya ako as if I said something funny. Naglalakad kami ngayon patungo sa room ko. I don't even know why he's here.
"Really? Kiyan wants you to be part of us, right?" tanong niya muli. Alam rin pala nilang lahat.
"Oo. But I declined the offer."
"But you have a deal."
Tumigil kami sa tapat ng classroom ko. I faced him at nakangiti pa rin siya.
"Please, Shea, join us. I'm sure hindi ka magsisisi. You will be more powerful and be exposed to different missions once you became part of us. We are excited to have you," sabi niya.
"We'll know after the match. Thanks anyway." sabi ko at diretsang pumasok na ng classroom.
---
Natapos ang lahat ng walang interesting na nangyari. Mukhang busy buong araw si Paxton dahil hindi siya pumasok sa lahat ng subjects pati na rin si Alzena.
Natapos na ang last period ng klase namin. Nagsimula na akong ligpitin ang mga gamit ko nang pumunta sa harapan namin ang class president.
"Guys, wala munang uuwi pag-uusapan pa natin yung task natin para sa festival," anunsyo niya.
Halatang pagod na siya dahil sa itsura niya ngayon. Pinagpapawisan, at mukhang sabog na sa dami ng gawaing pasan niya ngayon. To think of it, hindi ko alam ang pangalan nilang lahat dito. Kilala ko ang mukha nila but I don't know their names.
Nagsi-upo ulit sila as they wait for the announcement of the president.
"Madali lang 'to, guys. Three days from now, festival na and still, wala pa rin tayong naisip na concept para sa booth natin. Meron ba kayong alam o suggestions na pwede nating gawin?" sabi niya. Mukhang dito siya na stress ng todo.
"What about kissing booth? Pagkatapos si Ren ang ipa-assign natin dun?" the girls from the back suggested habang kilig na kilig.
"Meron na."
"Jail booth," suggest ng isa pa.
"Meron na rin."
"Wedding booth?"
"Taken."
"Photo booth?"
"Taken."
"Hula-hula kaya?"
"Ikaw manghuhula?" sabat ng president. Natahimik naman ang nag suggest.
"Yung coffee chuchu kaya? Tapos mag cross dressing tayo?"
"Kinuha na 'yan ng kabilang section."
They all sighed nang mukhang wala na silang maisip na concept para sa gagawin nilang booth.
Nagtaas ako ng kamay. Napataas naman ang kilay ng president at mukhang walang tiwala sa sasabihin ko pero no choice na siya.
"Yes?"
"What about a horror house?"
Panandalian silang lahat natahimik. A few seconds later, they all burst out laughing.
"HAHAHAHAHA!"
"HAHAHAHA NICE SUGGESTION! TAPOS IKAW YUNG MULTO DUN. HAHAHA!"
"ANG TALINO MO TALAGA SHEA! SIGURADONG MATATAKOT NGA NAMAN SILA. HAHAHA!"
"TAMA GUYS! TIPID PA TAYO SA MAKE UP. HAHAHA!"
Napairap na lang ako sa naging reaksyon nila. Bahala sila kung ayaw nilang tanggapin. It's their loss, not mine.
"Tahimik!" sigaw ng president.
"Pwede yung suggestion ni Shea. Ang problema, meron ba tayong illusionist dito? Kasi kung bibili tayo ng mga materials, siguradong mahal ang gagastusin natin at baka di na tayo umabot sa takdang oras."
"Sabi ko sa inyo, si Shea na lang ang gagawin nating multo. Hahaha!" biglang singit ng kaklase ko from nowhere. Nagtawanan ulit sila.
"Shut up, Paul. Seryoso tayo dito. So ano na, guys? Anong masasabi niyo? Kasi pag wala tayong gawing booth, bagsak tayo sa lahat ng subjects natin."
Muli akong nagtaas ng kamay. This time, naramdaman kong sa 'kin na silang lahat nakatingin.
"Ako nang bahala. Just show me the place and I'll be the one to organize everything." Sisiguraduhin kong kakainin niyong lahat ang sinabi niyo sa ‘kin.
I'm the queen of the Underworld. Ang mga ganyang bagay ay simple lang sa ‘kin. I'll make sure that it will be very much realistic. I grinned at the thought.
"S-sigurado ka?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yeah. And for the information of everyone, I'm not taking anything of your stupid suggestions."
--
Pinakita sa 'kin ang naka-assign na pwesto para sa booth namin and it's perfect for what I have planned in mind.
Paxton asked me na hintayin ko raw siya. Nagkasalubong kasi kami kanina habang papunta ako sa venue ng magiging booth namin. May dala siyang snacks and drinks para sa dalawang tao. Para siguro kay Alzena.
He apologized dahil hindi niya ako nasamahan buong araw. Hindi raw siya kasi makawala dahil busy sa rehearsal nila. Wala namang problema sa 'kin yun.
Ang mas inaalala ko ay baka ano nang ginagawa sa kanya ni Alzena. I'm not jealous or anything, basta wala lang talaga akong tiwala sa babaeng 'yun.
"Seraphina," I called.
Nandito ako ngayon nakaupo sa malaking sanga ng puno sa kung saan nakalaban namin ang pangalawang demon na pumunta dito. Uwian na naman kasi, kaya wala nang gaanong estudyante.
A black smoke once again appeared until it formed into a human-like being. No one can see her unless sinadya niyang magpakita sa taong yun.
"Ano na naman? Don't tell me inaway mo na naman ang familiar mo?" bungad niya sa 'kin.
I glared at her at humalukipkip. "I want to ask you something."
"Baka nasa purgatoryo ulit," agad niyang sagot.
I sighed. "Could you please shut up for a bit? May ipapaliwanag lang ako."
Sinabi ko sa kanya ang mga detalye at kung anong dapat niyang gawin. At first, ayaw niya pero napilitan din siya because I threatened her.
"Ang daya mo talaga," reklamo niya.
"I gave you an option right? It's either you'll do it or you'll do it."
"Nasan ang option dun?!" singhal niya sa 'kin.
"Sinisigawan mo ang reyna?"
"Queen my ass," bulong niya.
"Nga pala, your training starts later at 12 midnight," dugtong pa ni Seraphina.
Kumunot ang noo ko. "Training? I told you I can handle myself. Kaya ko nang lumaban at kontrolin ang kapangyarihan ko," diretsa kong sagot.
"Talaga? Then why are you still here? Why are you still wearing your disguise?"
Natahimik ako sa naging tanong niya. Ano bang gusto niyang palabasin?
"That's one of your flaws, Alysia. Masyado kang tiwala sa iyong sarili that you won't listen to anyone but yourself. ‘Yan ang nagdulot nang muntik nang pagkawala ni Ren sayo at palagi mong ikinapapahamak. It doesn't mean that even you're the Mistress of Darkness ay ligtas ka na. Remember, maraming may gusto kung saan ka ngayon. So try to lower down your pride even just for a bit, okay?"
Tss. Nasermonan pa.
"And my last advice for you today, never fall inlove to a man of which is not ordinary. For it's either one of you shall die." Yan ang huling sinabi niya bago siya nawala sa aking harapan.
Pinagsasabi 'non? Tss. Stupid advice.
👑👑👑
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top