Chapter 21: Goodbye Paxton?

Author's note: Inspired ang chapter na 'to sa anime na Kamisama Kiss. Tomoe and Nanami ❤️ You can watch the episode (nakalimutan ko kung anong episode pero parang ep 2 yata) para mas feel niyo ang scene.
  
  
👑👑👑

Nakatingin parin ako sa kanya not knowing what should I reply to him. I'm facing the Pro Alpha right now, the strongest in the academy, and my ultimate rival. His stare pierced through me at hindi na naman gumaganda ang nararamdaman ko.

Magsasalita na sana ako nang may biglang umeksena.

"Bakit anong kailangan mo sa kanya?" tanong ni Paxton na nasa likuran ko na pala.

"I just want to talk to her." sagot ni Kiyan. Ang lalim ng boses niya.

Tinignan ko si Paxton at nanatili itong nakatayo na parang may hinihintay.

"...alone." dugtong ni Kiyan.

"I object." Paxton answered while glaring at the Pro.

Kinurot ko naman ang braso niya at ako na ang sumagot. "Sige. Saan mo po gustong mag-usap?" sabi ko with a tune of respect. After all, I'm just a nobody here and I'm facing the Pro right now.

Aangal pa sana si Paxton nang biglang sumingit si Alzena.

"Excuse me but you are interrupting our—oh, M-mas—I mean Sir." biglang yumuko si Alzena sa harap ng Pro.

"What can we do for you?"

"Gusto ko lang sanang kausapin 'tong kaibigan niyo pero mukhang may hindi gusto." kalmadong sabi ng Pro at tumingin kay Paxton.

"Hindi po. Pumapayag sya—”

"What?" naiiritang tumingin siya sa ‘kin.

"...na kausapin niyo ako dahil hindi naman siya involve dito."

"Hindi nga ako papayag."

Nakipagtitigan ako ng masama kay Paxton. How dare he disobey his mistress.

Nauna akong lumabas ng theater room at naramdaman kong sumunod sa ‘kin ang Pro. Bakit kailangan niya akong kausapin? Alam na ba niya na ako ang disciple ng goddess? To think of it, hindi ko pa alam kung sino ang familiar niya.

Napunta kami dito sa rooftop and luckily walang tao. Baka ano na naman kasi ang isipin ng iba at ako na naman ang kawawa.

Sumandal siya sa riles habang nakatingala sa langit. Ako nama'y nanatiling nakatayo sa harap niya. Pareho kaming tahimik.

"How are you?"

His chilling voice ran into my spine. Kung titignan, hindi halata na siya ang Master of Light and Creation dahil sa kilos at itsura niya. Pero bakit niya ginagawa ‘to? He led me all the way here just to ask me if how am I doing?

"I'm fine s-sir. Ano pong gusto niyong pag-usapan natin?"

Humarap sya sa ‘kin. His cold and blank stare have a resemblance to mine. Kung hindi nila alam na siya ang master, then ano ang pinapakitang ability and power niya?

"I want to offer you something."

Tumingin ako sa kanya.

"I want you to be part of the Alpha."

Napatigil ako habang ina-absorb ang sinabi niya. Did I just hear him right?

"Po?"

He grinned, "You have unique abilities and you're the only demon slayer here in the Academy. Malaki ang maitutulong mo sa amin. My colleagues likes you too."

Napakunot ang noo ko at napatingin sa malayo.

"I'm sorry sir pero mukhang di ko matatanggap ang offer niyo."

"Why?" he asked.

"I am not strong as you are. I'm just a nerd who was bullied by everyone. I am nothing special."

Natahimik kaming dalawa. A cold breeze blew while I am staring at his cold eyes. Ilang minuto rin kaming ganon hanggang sa napagdesisyonan kong ako na ang unang magsalita.

"Iyan lang po ba ang pag-uusapan natin?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot. I excused myself at aalis na sana nang bigla siyang muli nagsalita.

"How about we make a deal?" tumingin ako sa kanya at wala paring pagbabago ang kanyang ekspresyon.

"If you win the match, I let you decide for yourself. If your opponent wins, then you'll join us. Deal?"

Gusto niya talaga akong sumali sa Alpha? My, what a great tactician he is. He's really good at turning and twisting things just to fall in his hands. Well, I'm looking forward for our fight sa festival. Hindi bilang Shea kundi bilang Mistress. Ano kayang mangyayari if two disciples fight? The Creator vs. The Destructor? That sounds exciting.

"Sure. Deal."
   

*****
   

"O, anong pinag-usapan niyo?" bungad sa ‘kin ni Paxton pagkababa ko ng rooftop. Naabutan ko siyang nakasandal sa pader malapit sa hagdanan papuntang rooftop.

"Nothing important."

Sandaling katahimikan ang namayani sa amin. I don't mind talking to him anyway. Mukhang ihahatid nga niya ako sa dorm ko.

"You know what, I feel so useless." biglaang sabi niya.

Agad napukaw ang atensyon ko sa sinabi niya. Ano na naman ba 'tong pinagsasabi niya?

"Pakiramdam ko hindi ako familiar mo. You act so independent and strong. Familiars are supposed to guide and protect their Mistress no matter what happen pero mukhang ako lang yung halos walang ginawa. You keep on ignoring me as if I have no use to you. All I want is to protect you with all my life but you’re not even listening to me."

Napatigil ako sa paglalakad, "And it hurts my ego. Pakiramdam ko wala talaga akong kwenta." dugtong niya.

"Frantically speaking, you are stepping down my pride. I know I did a lot of inappropriate actions to you before but it's part of the test I had given to you. Kung karapat-dapat nga ba ako maging familiar mo. The truth is, I am not yet your full familiar. There's a contract that needs to be sealed so I can be yours until your last breath."

"Dahil dyan, ano mang oras, pwedeng-pwede kong tanggalin ang temporary seal na naka bind sa ating dalawa. I also miss the feeling of being a wild fox."

Bumigat ang pakiramdam ko pagkarinig ko ng lahat ng sinabi niya. Did I really treat him that way? Did I push him too much? I was raised as an independent woman, nasanay akong ako lang ang nagpo-protekta sa aking sarili. And then this man came and claimed to be my familiar and treated him as shit. Was that all my fault?

And him being my familiar is just temporary? So gusto niyang umalis bilang familiar ko? I don't know how to deal with this situation but I somewhat felt guilty.

Hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng dorm namin. Ni hindi ko siya nasagot sa mga sinabi niya kanina. I was speechless.

"Okay lang naman sayo na umalis ako di ‘ba? You can find a stray dog there and make him your familiar. I'll just rest for a bit." sabi niya.

Biglang umilaw ang singsing ko at kwintas na suot-suot niya ng sabay. Ngayon ko lang napansin na ang pendant niya at ang singsing ko ay magkapareho.

"Hey what are you doing?" I asked habang lumalaki ng lumalaki ang liwanag sa pagitan namin.

His white hair grew long na umabot sa kanyang bewang, may tumubong mga tenga katulad nang sa fox. May lumabas ding buntot sa kanyang likuran and his nails grew long. Pangalawang beses ko palang siya nakita sa ganitong anyo.

The light faded and he was fully transformed. He looks like an anime character na half human half fox. Ito pala ang itsura niya once he turned into a wild a fox. But he even became more attractive.

Author's note: Kunwari panget si Shea dyan. HAHAHA. For imaginary purposes only. From the anime Kamisama Kiss

  
Napatingin ako sa singsing ko at nabawasan na ang glow nito. It looks dull.

"Anong ginawa mo?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko but instead, he removed his necklace and gave it to me.

"Ibigay mo ‘yan sa susunod na familiar mo." he said in a cold tone.

W-wait. Did he just remove the contract of him being my familiar?! Why this jerk!

"Hey—”

Then he just disappeared in front of me. What the hell?! Did he just went into hell? Literally hell?

Ginulo ko ang sabog kong buhok at pumasok ng dorm. Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto sabay bagsak nito pagkasarado ko.

This is bullshit. Teka, eh bakit ba ako mura ng mura? If he's gone then good. Wala nang mang-iistorbo sa ‘kin, wala nang manti-trip sa ‘kin, wala nang pumipigil sa gusto kong gawin. Great. I'm free again. Malaya ko nang gawin ang mga gusto ko. No more Paxton, no more familiar, no more pain in the ass.

Tumingin ako sa paligid at wala na ang mga gamit nina El at Cein dito.
I bit my lip to control my frustration and my temper. Isa pa 'to.

I lay down on my bed and close my eyes. Magpapahinga muna ako at matulog.
                    
                
**30 minutes later**

"Hindi ako makatulog!" ang sabog kong buhok at mukha ay mas dumoble pa ang sabog ngayon. Parang hinagisan ng sampung bomba at kinalmot ng dalawang pusa.

You jerk! Binigyan mo pa ako ng problema!

Eh pano kasi sa tuwing pipikit ako mukha niya yung nakikita ko, his irrirating grin and smirk, kung gaano siya kayabang, kung paano niya ako asarin at pagtripan, kung paano niya ako pinoprotektahan from the bullies and the rest of this bullshit world, on how he cared for me when I was sick and until now that I've seen him disappeared.

I'll definitely kill you familiar.

"Seraphina!" I shouted. I'm totally out of my shell right now.

A black smoke suddenly appeared and form into a human-like creature revealing a beautiful woman in her black dress. I forgot to tell you, hindi nalang sa panaginip ko makikita si Seraphina ngayon. I can also summon her from the Underworld. Siya kasi ang in charge sa kaharian doon habang wala pa ako.

"Oh?" tugon niya.

"Where is Paxton?" agarang bungad ko.

"W-woah chill. Is that you Alysia?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nanlalaki pa ang kanyang mata.

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Where is Paxton?"

Her brows narrowed as she stared at me with confusion, "Bakit ako tinatanong mo? Ako ba ang Mistress?" note the sarcasm.

"Ayon nga. He just cut off our contract. Hindi ko na siya familiar."

Seraphina's jaw hang open as she heard my statement. Gulat na gulat siya at halatang hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

"Wait, what?" muling tanong niya.

"Come on! I need to get that jerk back! Selfish demon leaving his Mistress just for that reason." bulong ko.

"W-wala akong naintindihan ngayon sa mga nangyayari but I might know where he is."

My eyes gleamed with excitement. For a moment, I removed my mask as being a cold and emotionless nerd. For now, let me be Alysia even just this once.

"Take me there!"
                                           
                                                    
                                              
--
  
  

"Where the hell is this?" I asked as soon as we arrived to where she think Paxton is.

"My dear, this is not yet hell. This is called Ante-hell also known as Limbo." paliwanag ni Seraphina.

The place is covered with darkness and fog pero sakto lang na makikita ko parin ang paligid. Para siyang village with houses and whatever at doon nangagaling ang liwanag. The atmosphere is creepy pero wala akong pakialaman dahil teritoryo ko parin ‘to.

Nagkalat ang mga kaluluwa sa paligid and some creatures na ngayon ko lang nakita. Some of them were staring at us marahil ngayon lamang nila ako nakita dito.

And oh, I'm not wearing my disguise.

"Let's go." aya ni Seraphina.

"Are you sure that he's here?" tanong ko habang inililibot ko ang tingin sa paligid.

"Kilala ko siya. Dito siya madalas pumupunta kapag wala siyang magawa o na s-stress siya."

I nodded as what Seraphina said. Humanda ka talaga sa ‘king lalaki ka. Ang arte kasi mas maarte pa sa mga babaeng naghahabol sa kanya. Hindi ko alam kung bakit gusto ko rin siyang hanapin. Basta gusto ko lang talaga. Bahala na, he has two choices: it's either babalik siya o babalik siya. Simple as that.

"Hindi ko alam na pwede palang mapawalang bisa ang kontrata ng isang familiar sa kanyang Mistress. But why did he claim that he was my familiar?" tanong ko.

"The goddess chooses Ren to be your familiar pero hindi pa 'yun sealed or permanent. It's because the goddess wants her disciple to decide kung gusto nga ba niya ang familiar niya o hindi. She doesn’t want her disciple to be uncomfortable at maaapektuhan 'non ang trabaho niya as a Lady of Darkness."

"But did you know? Ren is the best and strongest familiar ever in history. He's too powerful and strong na ang mga previous mistress na sinilbihan niya ay wala nang halos ginawa. He almost did all the job." dagdag niya.

Kaya pala ganon na lamang siya mag react kanina. He feels useless dahil nasanay siyang siya lahat ang gumagawa ng trabaho. O well, mukhang mali ang pinili ng goddess para sa ‘kin but whatever, pababalikin ko parin siya.

"So if ever na gusto ko na siyang maging permanent familiar ko, what should I do?"

Seraphina grinned and spoke the worst line I've ever heard in my life. No way.
  

***
  

"Dito na tayo."

Nilibot ko ang paningin ko sa lugar kung saan kami tumigil.
May pangalang nakasulat na hindi ko naman maintindihan but it was covered with twinkling lights at may naka display din na beer and wine glass.

Is this... a bar? May bar sa impyerno?

Pagpasok namin, sumakit agad ang mata ko sa mga ilaw na paikot-ikot sa paligid. No difference from the human world. Ang pinagkaiba lang ay mga nilalang ang pumaparty dito. I never thought hell is like this. For sure people in here will go to my place.

And never in my mind that Paxton will go to a place like this.

Sinundan ko lang si Seraphina at mula sa malayo, natatanaw ko na ang asong sumira ng araw ko. Parang dito palang gusto ko na siyang patayin. Yeah, literally kill him while he was busy enjoying with girls around him with a drink sa isang table.

Seriously? Pinagpalit niya ang mistress niya sa mga nilalang na hindi maintindihan ang mukha? I'll kill him then bring him to Kiyan so he can bring his life back.

"Stay here." Seraphina said.

What am I, a dog?

Lumapit siya kay Paxton na busy sa pakikipag lampungan sa hindi ko alam na mga nilalang. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila pero mukhang nagulat siya sa kanyang narinig mula sa kasama ko.

Seraphina motioned to come over so I did. Papunta pa lang ako pero nag-aapoy na ang buong sistema ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

Napatayo siya nang makita niya akong papalapit. Natulak pa nga niya yung babaeng nilalang na nakakandong sa kanya kanina.

Halata sa mukha niya ang gulat nang makita niya ako plus I am not wearing my disguise. Now look at the face of your ex Mistress.

"B-bakit nandito 'yan?!" he asked.

"Sabi niya hahanapin ka raw niya eh."

"Dapat hindi siya nandito!" he shouted.

Nanginginig ang buong katawan ko as I took a deep breath. Pinasok ko ang kamay sa bulsa ko at kinuha ang kwintas niyang binigay sa ‘kin. Nakatingin din sa ‘kin ngayon ang mga babaeng kalampungan niya.

"Y-you jerk! Lamunin mo ‘yang kwintas mo!" binato ko sa mukha niya ang kwintas at mabilis na nag marcha paalis ng bar.

Hindi ko alam kung anong sinabi ko. Kusa nalang lumabas sa bibig ko 'yun. Ang tanga ko dun. Patuloy parin ako sa paglalakad not minding where my feet will bring me. Basta naiirita ako. Sobrang naiirita ako.

"M-magandang binibi, pwede mo ba akong tulungan?" napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses matanda na tumatawag sa ‘kin.

Lumingon ako at nakita ko ang matandang babae na naghihingalo while carrying a bundle of wood on her back. Kawawa naman siya. I may be cold and emotionless but it doesn't mean that I don't have a heart.

Ngayon ko lang napansin na sa kagubatang parte na pala ako. Teka, paano ako babalik? Bahala na nga basta matulungan ko ang matandang 'to.

I tried my best to carry her on my back dahil hindi na niya kayang maglakad. Her smell wasn't that good pero sige nalang.

"Okay lang po ba kayo?" tanong ko.

"Salamat at tinulungan mo ako. Napakabait mo talagang bata. Nasisiguro kong magiging masarap ka ring pagkain. Hahaha!" biglang nag-iba ang pagsasalita niya and before I knew it, sinasakal na niya ako.

"Aacckk!"

I struggled and use all self-defense I've known pero ang tibay at ang lakas ng matandang 'to. I even tried to summon my sword but to my surprise, it didn't work.

Now I'm struggling to death.

"Alysia!" Seraphina rushed to me and kicked the old hag's face causing her to lose her grip on my neck.

Seraphina immediately grabbed me and told me to run.

"Why can't I summon my sword? I can't even use any of my abilities or powers!"

"Any form of powers and abilities doesn't work here. Kaya tumakbo na tayo! Ikaw kasi kung saan saan ka nagpupupunta!"

Death is already chasing us and she still managed to lecture me. Whatever.

May nakita kaming napakalaki at napakataas na puno kaya dun kami umakyat. The stupid old hag is still chasing us with her creepy and irritating laugh.

"Hindi pwedeng makatakas ang pagkain ko! Kailangan ko siyang kainin upang bumata ako muli!" maging sa puno ay hinabol niya kami paakyat.

"Aly bilisan mo!"

You don't know the struggle Seraphina. I don't know how to climb trees. Malapit ko nang maabot ang kamay niya pero bigla namang nahawakan ng matanda ang paa ko.

"Huli ka!"

I mentally cursed habang pilit ko siyang sinisipa pero ang higpit ng pagkakahawak niya. Damn you Seraphina bakit mo ako iniwan?!

"Let go! You stupid monster old hag!"

Ilang sandali pa ay naramdaman kong may dumating at pumatong sa sangang kinakapitan ko.

It was Paxton with an evil smile.

"Tignan mo nga naman. I'd never seen you so helpless before." he smirked while looking down at me.

"You jerk! Tulungan mo ako dito!" I said while giving him a death glare.

"You told me before that you can handle yourself. So why don't you prove it?"

I swear that this guy will go to hell together with me.

"Kakainin na kita—”

Hindi ko na pinatapos ang sinabi ng bwisit na matanda. Dahil nakapatong si Paxton sa malaking sanga na kinakapitan ko, I grabbed his foot with all my strength at sabay kaming nahulog.

"N-nababaliw ka na ba?! Gusto mo talagang mamatay?!" his face was in panic. Mukhang hindi niya inasahan ang ginawa ko. Nauuna akong nahuhulog at sumusunod sya sa ‘kin.

"Hindi ako mamamatay." I grinned at him.

Without a word, I grabbed his neck, looked into his eyes and kissed him.

"Ang pagkain kooooooo!"

   
  
---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top