Chapter 20: Familiar and the Pro

PAXTON'S POV
   

Narito ako ngayon sa rooftop, may natanggap kasi akong sulat na merong gustong kumausap sa ‘kin. Alam kong hindi basta-basta ang taong nagpadala ‘non kaya napagpasyahan kong pumunta. Wala namang mawawala sa ‘kin kapag sinubukan ko. Alam kong kaya naman ni Shea ang sarili niya.

Speaking of Shea, she is the weirdest girl I’ve ever met since I become a familiar. Lahat ng Mistress na dumaan sa ‘kin ay “Damsel in Distress” at kailangan ng knight in shining armor kuno upang iligtas at protektahan sila.

Unlike Shea, her actions acts like I-don't-need-a-stupid-familiar-because-I-can-live-without-them kind of thing.

“Pambihira. Ang sabi 5:30 daw pero hanggang ngayon wala pa rin,” bulong ko.

Ala-sais na wala parin siya? Buti sana kung chicks yung darating eh.

I looked up and noticed something strange. Hindi pwede akong magkamali, there's an intruder inside the academy.

Biglang bumukas ang pintuan ng rooftop at lumabas ang di pamilyar na lalaki. Mukhang nakalanghap ng kakaiba ‘to ah.

“Ikaw ba ang nagpadala ng sulat?” tanong ko.

He scoffed at tumawa na parang sira ulo. Mukhang high ito. May kinuha siya sa kanyang bulsa at pinakita sa akin ang naka underwear lamang na larawan ni Shea.

Tarantado ‘to ah. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.

“Oh? Aanhin ko ‘yan?”

“Girlfriend mo siya diba? Sundin mo ang gusto ko kung ayaw mong kumalat ‘to sa buong campus.” ngiti-ngiting sabi niya.

Looks like they underestimated me.
I conclude that this guy holds the ability of Thoughtography. It’s when an individual can take pictures on what they visualize on their mind.

“Edi ipagkalat mo. I won't mind.” sagot ko.

Halatang nagulat siya sa sagot ko. “Hindi mo ako pipigilan?”

“Bakit naman kita pipigilan?”

“Hahayaan mo lang ang girlfriend mong mabastos?”

I grinned. Sira ulo, “As what I’ve said, ipagkalat mo. I don't care and I don't mind. ‘Yan lang ba ang ipinunta mo?” At si Shea pa talaga ang kinalaban niya ha.

Nanggalaiti siyang tumingin sa ‘kin. Mukhang na-insulto ko yata. Biglang may pumitik sa puso ko. Napatingin ako sa parte ng campus kung saan mas madilim ang kalangitan doon kesa dito.

“Eh gago ka pala eh!” Susuntukin na niya sana ako ngunit simple ko lang siyang iniwasan. Bakla yata ‘to.

Tumakbo ako palabas ng rooftop upang puntahan ang aking reyna. Mukhang nasangkot na naman siya sa isang gulo.

Ngunit bago ako bumaba ng hagdan ay nag-iwan ako ng salita sa taong palihim na sumisilip kanina sa ‘kin mula sa likod ng pinto.

“The next time you set a trap on a mouse, make sure to use a cheese, not a trash.” sabi ko at umalis.

ELOINY'S POV
   

Tulala akong nakatingin kay Shea habang inilabas niya ang kanyang weapon accessory.

Ibang-iba ang paggalaw niya ngayon kompara sa Shea na palagi kong nakikita. It's like she's a different person wielding a strange sword. Parang pamilyar yung espada niya, saan ko nga ba nakita ‘yon?

“Aray ko shet.” daing ko nang kumirot ang sugat sa braso ko.

Ayan kasi Eloiny ang drama mo masyado, ayan tuloy napala mo. Eh malay ko bang may halimaw na biglang susulpot dito eh gusto ko lang naman mag unwind. Masyado akong na stress kay Shea kanina pero hindi ko parin siya kayang tiisin.

Hanggang ngayon hindi ko parin magets kung bakit niya sinabi ang mga iyon sa ‘kin. She is very mysterious pero sapat na sa ‘kin ang makita siyang may malasakit sa amin ni Cein. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit pilit niya kaming tinutulak palayo sa kanya.

Alam kong hindi ganyan noon si Shea. There must be something from her past that made her become like this.
Based on my observations, char, si Paxton lang ang nag-iisang tao na kahit sinusungitan na siya ni Shea ay hindi parin lumalayo. Mas lalo pa nga siyang dumidikit sa kanya. Ang swerte ni Shea pag ganon.

“Ay kabayong nalipad!” napasigaw ako when a sudden whoosh of wind passed me.

As in yung buhok ko napunta lahat sa mukha ko. Ano ba ‘yon? Masyado na ba ako naging mahangin?

“Ako na dyan. Tabi.”

Napukol agad ang tingin ko nang may narinig akong pamilyar na boses.

From a distance, I saw a guy standing behind Shea. White haired tapos ang gwapo ng likod my gosh! Yung likod niya ang sexy. Likod palang ‘yan. 6 ft. na yata ang tangkad niya at mukhang nag gi-gym kasi damang-dama ko ang biceps niya kahit ang layo.

OMG REN MALABS! Pero teka, saan siya nanggaling?

“Ouch! Ay tanga!” Nasampal ko kasi yung mukha kong may sugat. Tanga ko ‘no?

Pero pano napunta si fafa Ren doon? Saan siya dumaan?

“Let me do my first job to you as your familiar. I don't want to get my Mistress stained with the blood of a nonsense creature.” sabi niya.

A-ano daw? Familiar? Mistress?

“Kaya ko na ‘to. Tabi ka dyan.” Shea answered boredly. Si Shea ba talaga ‘yan?

“My lady, with all due respect, I would like to ask your permission to give me this one. Please don't take away my job from me.” sabi ni Paxton at bahagyang yumuko.

Is this true or am I just seeing things? The top 1 is bowing down from the last in class?

Parang walang halimaw sa harapan nila kung makipag-usap sila ah. Hindi ko alam but my zero-gravity power can't take effect on that demon. Plano ko sana siyang paluntangin para mawala ang composure then slice him up with my double-headed axe pero ako pa ang napuruhan.

Shea crossed her arms and looked down to Ren. Shea akin nalang siya kung ayaw mo sa kanya.

"K." she answered. Hay nako girl.

Tumingin siya sa ‘kin and signaled me to prepare. Pero di ko yata kayang tumakbo. “When I signal you to run, run. Remember what I've said to you.” A voice inside my head echoed. Was that Shea? I thought her ability is only enhanced agility?

Tumabi siya as Ren grabbed an arrow and pointed it to the demon in front of him. Ngayon ko lang napansing ngumingiti ito ng sobrang nakakakilabot na nagsitindigan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

The demon charged to attack Ren but before it happened, Ren released two consecutive arrows from his bow and it struck directly into the demon's eyes. OMGGGG OPPA WHY SO COOOL?!

“Aarrgghh! Raawwwrr!”

The demon roared in pain while covering both his eyes.

“Now!” Sigaw ni Shea sa utak ko.
Masakit man ang natamo kong sugat, I tried my best to run. The fear and adrenaline were already in me kaya nagawa kong tumakbo ng mabilis sa kabila ng mga sugat ko. Waaaaaaaa!

SHEA'S POV

I'm just watching my familiar as he tortured that poor soul. O wait, may kaluluwa nga ba sila?

“Sabihin mo sa ‘kin, bakit ka nandito?” tanong ni Paxton sa halimaw habang unti-unting tinutunaw ito ng acid niya. Paxton is an acid user.

“N-napag utusan lang ako.” naghihingalo niyang sagot.

Kumunot ang noo ko at bumaba sa punong kinauupuan ko kanina.

“Sinong nag-utos sayo? At bakit ka nga nandito?” tanong ko.

But instead of answering me, he let out a sly smile. “Walang duda, ikaw nga ang reyna.”

Napataas naman ako ng kilay, “Ano naman kung ganon?”

“My lady!” sita sa ‘kin ni Paxton.

“What?”

Sasagot na sana siya nang biglang tumawa ng malakas ang demon. The ground rumbles due to its vibration from his huge and deep voice.

“Papatayin namin kayo! Hahaha!” Tawa niya bago na siya tuluyang nawala dahil sa acid ni Paxton.

Napahinga ako ng malalim matapos ang nangyari. Paano ba siya nakapasok dito? If a creature from hell managed to enter the academy’s premesis, then there must be a possibility na may traydor dito at siyang pasimuno sa lahat ng ‘to.

Ano kayang ginagawa ni Eloiny ngayon? I let her see a part of me that at least she can conclude some reasons of why I don't want other people get in touch with my life.

“You.are.so.stupid.” He said emphasizing each word while glaring at me.

I looked at him pero sa malayo lang siya nakatingin.

“You kept your secret from the people around you for a long time and then you just told it to a demon? You just proved yourself that you are a real idiot. Congratulations.”

Kunot-noo ko siyang tinignan.
“Why is that such a big deal to you? Patay narin naman siya.”

Matalim niya akong tinignan. “Patay na nga siya pero hindi ka sigurado kung tayo-tayo lang ba ang nandito.”

Muli ko siyang tinignan. Una talagang nakakakuha ng atensyon ko ay yung mga mata niya. Mapupungay ito na parang may tinatago mula sa nakaraan. “Trust me. I know what I'm doing.” sagot ko.

“You haven't undergone proper training yet, have you?”

Naikuyom ko ang mga palad ko. “So what? I can handle myself.”

“No, you can't.” He sighed and started to walk. “Stop being immature and try to listen to other people.”

Bakit kung makapagsalita siya parang kilalang-kilala na niya ako? Our first meeting actually was a total disaster, and we treated each other as shit. I watched him walk away as his back disappear from my sight.

I sighed dramatically as the wind caressed my face. “You like what you're seeing, huh?” sabi ko sa taong kanina pa nanonood mula sa malayo.

Tumingin ako sa direksyon kung saan siya nagtatago at halatang nagulat siya. The branches move as he panically escaped from my sight. I grinned.
  

---
   

Nandito ako ngayon sa room as I'm listening eagerly to the teacher in front. Hindi ko ugaling matulog sa klase dahil hindi ‘yon magandang ugali. Buti walang nakapansin sa nangyari kahapon.

I am jotting down notes nang biglang may nagbato sa akin ng lukot na papel. Are they doing it again?

I opened the crumpled paper and noticed something written on it.

“Wait for me after class. Hahatid kita sa dorm mo. Mahirap na baka mapano ka na naman.
-Paxton”

I rolled my eyes as I finished reading it. Nilukot ko ulit ang papel at nilagay sa bulsa ng bag ko.

The bell rang at nagmamadaling nagsilabasan ang mga estudyante. Parang mga hayop na matagal ikinulong at ngayon lang pinakawalan.

Ugali ko nang magpahuling lumabas dahil ayokong makipagitgitan kagaya nila.

Napansin kong papalapit na sa ‘kin si Paxton but Alzena blocked his way.

“Ren!” she called.

“Oh?” Masungit niyang tugon.

“Practice daw tayo para sa pageant. Next week na kasi eh.” she said and clinged into his arms.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at tumayo. Looks like wala na akong kasama pauwi which is great. I don't need corny stuffs like that.

"W-wait Shea!"

I automatically stopped as he called my name. My heart skipped a beat as I took a deep breath. I don't know but he just did a sudden impact in me as he called my name. Hindi mistress, lady, nerd, stupid at kung ano pa.

"Why are you calling her? Mukhang uuwi na siya." singit ni Alzena.

"Ihahatid ko muna si Shea bago mag practice. Babalik din ako agad." I heard him said to her.

"The organizer wants us now. I'm sorry pero mukhang kailangan niyang umuwi mag-isa."

Whatever.

Humarap ako sa kanila as I'm fixing my glasses, "I'm okay. No need to escort me home." sabi ko at napunta ang mata ko sa nakakapit na kamay ni Alzena at Paxton.

Mukhang napansin agad ito ni Paxton kaya agad niyang tinanggal ang kamay ni Alzena sa braso niya. Mukhang nabigla naman yung babae.

Tumalikod na ako at lalabas na sana nang tawagin niya ako muli, "I know this sounds absurd but can you stay here for a while? Gusto kong panoorin mo kaming mag practice. Ayoko munang mawala ka sa paningin ko. Mahirap na, lampa ka pa naman." He smirked.

I rolled my eyes and face them. Tinignan naman ako ng masama ni Alzena. I know what you mean bitch. It's time for a little revenge. Wala naman kasing mga gawain sa school.

"Ok." maikli kong sagot.

He seems surprised and amused at the same time noong pumayag ako. Alam ko iba na naman ang iniisip nito. Halos malukot naman ang mukha ni Alzena.

Tahimik kaming naglalakad papunta sa theater room. Doon daw sila magpa-practice.

Naupo ako sa isa sa mga seats habang tinitignan sila. I can't deny the fact that they are both gorgeous lalo na kung rumampa si Paxton, parang sanay na sanay or is it just me na gwapo lang talaga siya?

Wait, anong sabi ko? Pagod na yata ako.

Alzena is gorgeous too but nah, I’m better.

Habang pinapanood ko sila ay may narinig akong iilang estudyante na nagtitilian sa labas but I decided na ‘wag nalang pansinin. Natural na yata ang pagiging malandi ng mga babae dito.

Hanggang pati ang iilang estudyante na dito sa loob ay napapatingin narin sa likod kung saan ang entrance ng theater room. Doon na ako naiirita nang maging si Alzena ay napatigil sa pagrarampa and Paxton's face suddenly turned into a beast-like expression.

Sino ba 'yun?

I turned my back, and there I saw a guy approaching my direction. It's like everything turned into slow motion as I saw him. His black, chinito eyes were looking straight at me. I don't know maybe I'm just assuming. Both of his hands were on his pocket and his hair is kind of messy na mas lalo pang na-attract ang atensyon ng karamihan. He wears a uniform just like the other boys in the academy ngunit bakit mas malaki ang impact at attraction na nadudulot nito? Para siyang model.

Muli na namang bumibilis ang tibok ng puso ko. I can't take my eyes off him. It's like I'm facing a god right now.

"Dito ka lang pala." Boses niya palang ay parang niyanig na ang pagkatao ko. Nakatingin pa ang dark and cold niyang mata sa ‘kin. Parang wala na akong pinagkaiba sa mga babaeng nagfa-fangirl rin sa kanya.
Teka, bakit niya ako kinakausap?

"Can I talk to you for a bit?" he asked.

W-what? He wants to talk to me? For what?

I can't believe this. Hindi lang siya isa sa mga Alpha. For he's the Pro Alpha.

You're right. Si Kiyan Hayashi nga 'to.

  
  
👑👑👑
 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top