Chapter 2: Disguise
I decided na hindi na pumasok pa. Dito nalang ako tatambay sa tabing-ilog habang hindi pa mainit. Siguradong kalat narin naman iyon sa buong campus ang ginawa kong confession. At for sure, ibu-bully na naman nila ako. Wala pa ako ngayon sa mood para sabayan ang trip nila.
Ibabato ko na sana sa ilog ang nadampot kong bato nang may sumilaw sa gilid ko. Natamaan siguro sa sikat ng araw.
Tinignan ko ito at isa itong singsing. It's a ring na pale blue ang kulay ng bato at parang mamahalin pa kasi ang ganda.
“Hi!” Someone greeted me mula sa taas. Mabilis kong kinuha ang singsing at binulsa ito.
Bigla siyang bumaba at tumabi sa ‘kin. Napakunot ang noo ko. Sino ba ‘to?
"Bakit ganyan ka makatingin?" He giggled. Yes, he's a guy.
Walang naglakas loob na kumausap sa 'kin dahil nga sa mukha ko. Isa nga raw akong halimaw. Pero bakit ito hindi yata takot sakin?
“I'm Drew by the way. From Wadeford Academy.” He then stretched his right hand for a handshake, perhaps?
Tinitigan ko lang ang kamay nito. Kaya pala kinakausap niya ako dahil hindi niya ako kilala. Pag nalaman niya kung sino ako, tiyak lalayuan niya rin ako. I don't need friends. I can live without them.
“Mukhang wala ka yatang balak makipag-usap sakin. Hehe...” sabi niya at napakamot sa batok na parang nahihiya.
Tatayo na sana ako nang bigla na naman siyang magsalita. “Bago lang kasi kaming lipat ng pamilya ko dito kaya wala pa akong kaibigan kahit isa. Nakita kita at naramdaman kong mabait ka kaya naisip kong pwede kita maging kaibigan.”
Kaibigan? Tsk.
“Nagkamali ka ng taong pinili na pwede maging kaibigan.” sabi ko at umalis na sakay ng aking bike.
“Shea!” Bigla siyang sumabay sa ‘kin sakay rin ng kanyang bike.
Kulit din ng lahi nito eh. Teka, paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Tigilan mo na ako."
Natahimik siya. Siguro ini-isip niya na ang pangit ko na nga ang sungit ko pa. Pero kailangan eh.
“Alam mo Shea maganda ka pala.” Nagulat ako sa sinabi niya. Ako maganda? Ini-insulto ba ako nito? Parang kumulo bigla ang dugo ko.
Tumigil ako sa pag pedal at hinarap siya.
“Alam mo kung wala ka namang magandang sasabihin tumigil ka na. Sawang-sawa na ako sa pangbu-bully niyong lahat.” mariin kong sabi at mabilis na umalis. Maganda? Tsk.
Dumiretso ako sa park at doon nalang tumambay. Nakakainis! Kung saan maganda na yung pwesto ko kanina saka pa may dumating.
Nilagay ko yung earphones ko at nakinig ng kanta. Music is my one way to escape myself from reality. Tinatamad pa akong umuwi ng bahay.
Habang nakikinig ako ng kanta ay biglang may ice cream na tumambad sa harapan ko. Tumingala ako at mukha na naman niya ang narito.
Kumunot ang noo ko. “Hindi ba sabi ko tigilan mo na ako?”
“P-pasensya na!” sabi niya at yumuko habang nakalahad sa ‘kin ang ice cream.
Mas lalong kumunot ang noo ko na puro wrinkles. Pasensya? Ngayon lang may nagsabi sa ‘kin niyan.
"H-hindi ko naman sinasadyang ma-offend ka. Hindi naman ako tumitingin sa panlabas na anyo eh. T-totoo ang sinasabi ko kanina Shea, maganda ka." sabi niya.
Mukhang seryoso naman siya. Hindi naman siguro ‘to isa sa mga pakana nina Katie.
Umusod ako sa bench senyales na pwede siyang tumabi. Parang nagliwanag naman ang mukha niya.
"S-salamat!" Masiglang sabi niya at umupo.
Hindi na ako nagsalita pa. Mahabang katahimikan ang namayani sa amin.
“Uhm... Ano...”
I know he feels awkward. Let's see kung hanggang saan ang kaya mo.
“T-tanggapin mo sana itong ice cream. Peace offering.” Nahihiyang sabi niya at muling nilahad sa ‘kin ang ice cream na tumutulo na sa kanyang kamay.
Tinanggap ko naman ito. What's with this guy? Desidido talaga siyang maging kaibigan ako kahit ganito ang itsura ko?
“Thanks!” sabi ko.
“A-ah! Walang anuman! Hehehe...”
“Wala ka bang pasok?” I asked. Hindi ako ganon kabilis magtiwala. Pero bakit ang gaan ng loob ko sa lalaking ‘to?
“Hehe wala tinatamad akong pumasok eh.” Sabi niya habang nakangiti. Ang ganda ng mga ngiti niya.
“Bakit?”
“Ang yayabang kasi ng mga estudyante doon. Akala mo kung sino.” naiinis niyang sabi.
“Ang pag-aaral hindi naman tungkol ‘yan sa kung ano ang nasa paligid mo eh. Nag-aaral ka para sa iyong sarili at sa iyong kinabukasan. Hindi sapat ang iyong dahilan para hindi ka pumasok dahil ayaw mo sa mga kaklase mo. Bakit sila ba ang mawawalan kung hindi ka papasok? Sila ba ang masisira ang future? Wala kang mapapala kung magpapa apekto ka sa kanila.” mahabang litanya ko.
Napatigil sya, “Mukhang ang lalim ng pinaghuhugutan mo ah.”
I looked away. After all those years of bullying sinong hindi mapapahugot ‘di ba?
“Binubully ka nila ‘no? Kaya ka ganyan.” Ngumiti siya, “Sabi mo ‘wag mag paapekto sa mga bagay na nasa paligid mo. Be who you are. Alam kong hindi ka ganyan dati pero bakit ka nagbago?” He asked.
Binabalik ba niya ang sinasabi ko sa kanya?
“Why do you even care? Kilala mo ba ako?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“Woah chill! Haha! Masyadong ka naman yatang hot. Hindi ka pa ba uuwi?” Pag-iiba niya ng topic.
Tss...
“Uuwi na.” Sabi ko at tumayo na. Dumiretso na ako sa aking bike. Nakakatamad makipag-usap.
“Hatid na kita. ‘Di ba magkaibigan na tayo?" nakangiting sabi niya at sumakay sa katabing bike ko. Bakit ba ang kulit nito?
“Bahala ka.” Nagsimula na akong mag pedal at sumabay siya. Kwento lang siya ng kwento at ako nakikinig lang. Hindi ko alam kung bakit ba magaan ang loob ko sa kanya.
Masaya siyang kasama ‘yun nga lang siya lang din ang nagsasalita. Naubusan na yata siya ng kwento kaya tumahimik na siya.
“Bakit ka nakikipag-usap sa 'kin? Di ka ba natatakot?” tanong ko.
Tumingin naman siya sakin at tumambad sakin ang nakangiti niyang mukha.
“Bakit naman ako matatakot?”
“Bulag ka ba o bulag ka lang talaga? Hindi mo ba nakikita ang itsura ko?”
“Bakit ano bang meron sa itsura mo? Wala naman akong nakikitang kakaiba ah.” Inosente niyang tanong.
Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pag pedal. Kakaiba talaga ‘to.
Huminto na ako nang makarating ako sa ‘min.
“Woah, ito ang bahay niyo? Ang yaman niyo pala.” Manghang sabi niya.
“Pasok na ako.”
“Sige ingat! Ang galing nga eh, sa sunod na kanto lang ang bahay namin.” sabi niya.
So sila pala ang bagong lipat dito noong nakaraang linggo.
“Una na ako.” Tumango ako at hinintay muna siyang makaalis bago pumasok sa loob.
“Anak sino yun? Boyfriend mo? Gwapo ah.” Salubong sa ‘kin ni mama.
Napailing ako, “Kaibigan ko lang ma.”
Halatang nabigla si mama sa sinabi ko. Ilang taon narin kasi akong hindi nagkwento sa kanya tungkol sa kaibigan. Nagtataka nga siya noon kung bakit wala akong dinadalang kaklase dito sa bahay.
Umakyat na ako sa aking kwarto at doon nag bihis. Napatingin ako sa itsura ko sa salamin. Ang pangit ko talaga sa ganitong anyo.
Umupo ako sa aking mirror cabinet na punong-puno ng mga cosmetics. Una kong tinanggal ang aking malaking salamin. Unti-unti ko ring tinanggal ang mga makakapal na pekeng kilay at muli kong nasilayan ang aking maayos at totoong kilay. Sunod ang pekeng ngipin na may braces at tumambad sa ‘kin ang maayos at mapuputing ngipin. Kumuha ako ng cotton at nilagyan ng make-up remover upang tanggalin ang makakapal na cosmetics sa aking mukha.
Na-miss ko ito. Na miss kong tignan ang totoong ako. Ang gaan sa pakiramdam at napaka-presko. Naligo muna ako at blinow dry at sinuklay ang kaninang sabog-sabog na buhok.
Muli akong tumingin sa salamin, “You really are a goddess Shea.” puri ko sa sarili ko.
Lastly, tinanggal ko ang aking suot na contacts at tumambad sa ‘kin ang kulay bughaw na mga mata na kasing ganda ng kalangitan. Bumagay naman ito sa mala perlas kong kutis. Siguradong magugulat si mama nito kapag nakita niyang nag-ayos ako.
Ewan ko kung ano ang sumapi sakin at nag-ayos ako. I disguised as a nerd for a reason. I want to prove something for myself.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top