Chapter 19: Her Past
After that incident, hindi na kami nagkausap pa ni Alzena. Siya na rin ang kusang lumipat ng upuan malayo sa akin. I don't care anyway. I'm in this academy to learn and not to mind other people's business.
Nandito ako ngayon sa dorm at nakahilata lang so as Cein and Eloiny. The gloomy atmosphere in our room have been here for almost a week. Hindi na sila nakikipag-usap sa ‘kin. Masakit but I have to stay away from them to protect them.
“S-Shea,” Nabigla ako nang tinawag ako ni Eloiny. Hindi ko sila pinansin at tumalikod ako sa gawi nila.
“Hindi mo ba talaga kami kakausapin?” dagdag niya.
“W-we already miss you, Shea-chan. I'm sorry if we did something wrong to you. We can talk about it.” sabi naman ni Cein.
Hindi ko pa rin sila pinapansin. Pero ang bigat-bigat na ng dibdib ko. That's why I hate staying in here when it's too early.
“Ano bang nangyari sayo? Bigla ka nalang nagkaganyan. Hindi ka naman ganyan noon, ah. At least talk to us!” pasigaw na sabi ni Eloiny. I guess napupuno na talaga sila.
“El nee-chan...”
“Magkaibigan na rin naman tayo 'di ba? I know you seldom talk to us dahil ganyan ka naman talaga, but we can feel it na komportable ka na sa amin. That's why I don't understand your sudden change of attitude!” dagdag pa ni Eloiny.
“I treated you as my bestfriend, Shea. Ayokong magkaganito tayo dahil sa 'di malamang dahilan.” narinig ko ang konting pag piyok niya. Umiiyak ba siya?
Go on Shea. Ignore them just how you ignore the world.
“S-Shea-chan bati na tayo please? We can't take this anymore. Or kahit kausapin mo manlang kami.” Cein said in a calm voice.
I'm sorry. But I have to do this.
Bumangon ako at kinuha ang earphones sa bag ko at sinaksak sa mp3 player ko. Muli akong humiga patalikod sa kanila.
I heard them sighed. Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang dibdib ko. I already treated them as friends. Napalapit na ako sa kanila. Parang ganito din yung naramdaman ko nung nawala si Bliss sa akin. She died because I killed her.
Kaya ngayon pa lang, kailangan ko nang lumayo kina Eloiny at Cein. I don't want to see my friends' death again dahil na naman sa kapangyarihang 'to. I don't want them to suffer.
“Ayoko na.” narinig ko ang padabog na pagtayo ni Eloiny. Hindi naman kasi naka-play ang music sa mp3 ko.
“El nee-chan saan ka pupunta?”
"Pagod na akong pilitin ang taong ayaw. Hindi ko alam kung tinrato ba niya talaga tayo bilang kaibigan niya. I've had enough. Bukas na bukas kakausapin ko ang dorm manager, lilipat na ako ng room. I'm sick of everything.” sabi niya at lumabas ng kwarto.
“El nee-chan!” Cein followed her.
“I know you can hear us Shea-chan. But whatever your reason is, it must be deep. Eloiny loves you that's why she's hurt. But we will always be here for you.” sabi ni Cein bago siya tuluyang lumabas ng room.
Naramdaman ko ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Itutulog ko nalang 'to. This will be over soon.
Bakit ako pa kasi? Bakit ako pa kasi ang biniyayaan ng ganitong kapangyarihan? I suffered much already. Sinakripisyo ko ang sariling kaligayahan ko para maprotektahan ang mga taong mahal ko. Kulang pa ba?
FLASHBACK
**10 years ago
“Aly! Aly! May bago akong toy tara laro tayo sa park.” Masayang sabi ng isang batang babae na may bitbit na laruang eroplano at remote.
Siya si Bliss. Ang bestfriend ni Shea at ang nag-iisang nakakaalam ng sekreto niya maliban sa parents niya. Mahilig kasi talaga ito sa laruang panlalaki.
“Hindi pwede Bliss. Magagalit sina mama kapag nalaman nilang lumabas ako.” sabi naman ng batang Shea habang nag babasa ng libro.
Walang ibang ginagawa si Shea kundi magbasa nalang ng magbasa. Hindi kasi siya pinapayagang lumabas ng parents niya dahil nga sa taglay niyang kakaibang kakayahan. Gustuhin man niya ay maraming mata ang nagmamasid sa kanya kaya wala pa rin siyang takas.
“Gamitin mo powers mo dali. Hihi. Maging invisible ka tapos lulusot tayo ng wall. Dali na madali lang naman 'to eh. Sige na please? Aly?”
Shea closed her book and looked at Bliss. “Have you seen John?” tanong niya. Si John ang buttler nila at ang tagabantay ni Shea.
“Nope.”
Pilyang ngumiti si Shea, “Let's go.”
Hinawakan niya si Bliss at sabay silang naging invisible. Shea have countless abilities at ang pagiging invisible ay isa lamang sa mga kakayahan niya. Which is whoever gets to touch her will be invisible as well.
They walked silently as they pass through the maids and guards inside the mansion. Shea also used her ability to pass through walls kaya tuluyan na silang nakalabas ng mansyon.
“It feels good outside those walls.” sabi niya as they walked to the park.
Masaya silang naglaro ni Bliss sa park. Shea even showed more of her abilities to Bliss. Mabuti nalang konti lang ang tao sa oras na ‘yon.
“Woah. You're really cooool!” Bliss exclaimed excitedly nang hawakan ni Shea ang isa sa mga bulaklak at namatay ito.
“You're not scared?” tanong niya sa bestfriend niya.
“Why would I? Ang cool kaya! Kung pwede nga lang magkapowers din ako eh. I want to be the next Avatar!”
Bahagyang natawa si Shea sa reaksyon ni Bliss. “You will be.”
Bliss gasped, “Really?” she asked excitedly.
Hindi pa nga nakapagsalita si Shea when a group of men in a black suit surrounded them. Malalaki ang katawan nila wearing sunglasses and a suit case. Agad tinago ni Shea si Bliss sa likod nito.
Nagpaputok ang isa sa kanila ng baril causing the other people to panic and run. Even Bliss was already crying but Shea is trying to comfort her while protecting her.
Parehong takot na ang dalawang bata but Shea chose to act brave.
An old man wearing a lab gown with long hair suddenly appeared. He must be a scientist.
“Sino sa inyo ang anak ni Vincent Valdemore?” He asked pertaining to the two kids.
Tinignan sila ng masama ni Shea. Si Bliss ay panay parin ang iyak sa likod niya.
“What do you want?” Shea asked bravely but her voice trembles.
“Just answer my question kid, are you his daughter?” Tumingin siya sa likod ni Shea and saw Bliss crying. An evil smile formed in his lips.
“Or maybe her?” He grinned while looking at Bliss.
Na alerto naman si Shea at hinawakan ang kamay ng kaibigan. Mas lalo pang naiyak si Bliss at humigpit ang kapit kay Shea.
“What do you want?” dumagundong ang boses ng batang babae habang nakatitig ng masama sa mga taong nakapaligid sa kanila.
The scientist was partly stunned but then again returned to his business. “So you must be Shea.” he smiled.
“Just come with me and I won't hurt you.” dagdag niya at nilahad ang kamay sa bata. Humigpit pa lalo ang kapit ni Bliss kay Shea causing the scientist to look at her.
“Get that girl out of my sight.” He ordered pertaining to Bliss.
“Don't make me angry.”
Napatigil silang lahat sa malalim at nakakatakot na boses ni Shea. Di sila makapaniwala sa kanilang nakita, they are looking to a girl whose eyes were glowing intense blue. They even felt a strong aura surrounding her kaya bahagya silang napaatras habang pinagpapawisan ng malamig.
The scientist laughed insanely like he was already out of his mind. “I told you that such a specimen exists. Hahaha! You will be my perfect expiremental subject kid. I can't wait to have that power of yours. Get them!”
Takot man ay sumugod parin ang mga lalaki sa dalawang bata. Nagsisigaw na si Bliss habang si Shea ay natataranta na sa kung anong gagawin.
One man grabbed Bliss while the other had Shea. Nagwawala na si Bliss and Shea can't take what's happening in front of her. Her heart was filled with anger and fear and that cause something to trigger.
“Ahhhh!” sigaw ng isa sa mga lalaking may hawak kay Shea.
His hands were burning and slowly turning into ashes. Paakyat ng paakyat ito hanggang sa tuluyan na siyang naging abo. Ganon din ang nangyari sa iba. They all turned into ashes and disappeared into the air.
This is one of her deadliest power: The Death Cremate.
Only 3 persons left. A man and woman in black and the scientist.
“M-mom? Dad?” Bliss cried habang nakatingin sa dalawang taong nasa harapan nila.
Unbelievable as it seems, but the two persons left was Bliss' parents at isa sa mga pasimuno sa pag atake.
Agad siyang tumakbo sa mga magulang niya and embraced them. Kahit sinong bata ganon ang gagawin kapag nasa panganib sila at nakita nila ang kanilang mga magulang.
Wala na sa kontrol si Shea and she is willing to kill anyone na gustong manakit sa kanila. They are in danger.
“Bliss! Get away from them!” sigaw sa kanya ni Shea. But she wouldn't listen.
“Poor girl. Wala ka nang kakampi. Even your bestfriend ay pumanig na sa amin. Just come with us para wala nang problema.” ngiting pang-asar sa kanya ng scientist.
“Sumama ka nalang para wala ka nang masaktan.”
Imbis na matakot ang bata ay nagulat ang scientist sa kanyang reaksyon.
She smiled. An evil smile na parang sinapian ng isang demonyo. Bigla silang nakaramdam ng takot.
Tinignan niya ang scientist with her intense blue eyes. Biglang nanikip ang hininga ng matanda hanggang sa napaluhod siya.
“Death stare.” the young girl uttered.
This is one of her most dangerous power, the death stare. And it will literally kill her target just by looking.
“Aly stop! Tama na!” Pag pigil ni Bliss pero parang wala siyang naririnig.
Nagsimulang manikip ang dibdib ng scientist habang unti-unting napaluhod. Ni hindi na siya nakapagbitaw ng salita bago tuluyang namatay.
“Aly…” Bliss called once again. She had known her for years at ngayon lang siya nakaramdam ng matinding takot sa kaibigan. Nanginging ang buong katawan niya.
“Let’s get out of here.” Bulong ng kanyang ama na halatang nanginginig narin. Pero bago pa man sila makatakbo ay dahan-dahang napunta ang tingin ni Shea sa kanila. And her eyes were still glowing.
“Bliss don’t look at her!”
Natatakot siya. Pero ayaw niyang nakikitang ganito ang kaibigan niya. Hindi makapaniwala ang magulang niya when she went in front and look her bestfriend in the eyes. “Alysia…”
A tear fell from her eye. Doon na tuluyang nagising si Shea. But it was too late. “Live…”
“Bliss!”
Her bestfriend collapsed in front of her. Tila unti-unting nawasak ang mundo niya as she saw her hit the ground, lifeless.
“N-No…”
-END OF FLASHBACK-
Shea's POV
Napatingin ako sa labas ng bintana at madilim na pala. Narinig kong kumulo ang tiyan ko. I’m starving.
Sinuot ko ang hoodie ko with a pair of jeans and vans at lumabas ng dorm. Maybe it's better na tuluyan nang umalis sina Eloiny at Cein dito. At least I can assure that they'll be safe.
As I stepped outside, may naramdaman akong kakaiba. Something's wrong with the atmosphere today. Napatingala ako at hindi normal ang pagkadilim ng kalangitan. It's cloudy but the darkness isn’t normal.
I enhanced my danger-sensing ability and hearing at the same time.
“Graawwrr!”
“Rawwwrr!”
“Wahhhh!”
“It's a demon! A demon!”
Agad akong napatakbo sa pinanggalingan ng sigaw. It's coming from the west kung saan nandon ang malakagubatan na lugar dito sa school.
A demon? Anong ginagawa ng demon dito?
Nagtago ako sa isang malaking puno medyo malayo sa location ng demon at ng isang babaeng nakatalikod. The girl is somewhat familiar pero hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya.
Napatakip ako ng bibig sa aking nakita. It's a demon from the Demon clan. Ang matinding kaaway ng dark kingdom which is my kingdom.
“Huwag kang humarang kung ayaw mong sumama sa ‘kin sa impyerno!” The demon shouted.
Nakakapanindig balahibo ang boses niya which is literally nanggaling pa nga sa ilalim ng lupa. It's huge fangs and teeth were enough to cut tons of bones in just a snap. His eyes can make your soul shivers. 10 meters is the estimated height of the demon. Ang tutulis ng mga sungay at ang tatalim ng mga kuko. Mabalahibo ang katawan nito na tulad ng isang gorilla.
“I will send you back to hell bago ka pa makapaminsala sa academy!” Sigaw ng babae.
Her voice... it's just like...
She carelessly jumped towards the demon at hinawakan ito, pero bago pa siya makalanding muli sa lupa, the demon reached her and its claws graze her face dahilan para mapasigaw siya sa sakit.
“F*ck.” I cursed.
Hindi nga ako nagkakamali.
“Eloiny!”
Tumakbo ako papunta sa kanya. Malaki ang natamo niyang sugat sa kanyang mukha at umabot pa ang kalmot sa kanyang braso.
“W-what are you doing here?” Binuhat ko siya at itinago sa likod ng malaking puno na pinagtataguan ko kanina. I secretly used one of my abilities which is invisibility para hindi mahalata ng demon. I also concealed my presence.
“Waaaaah! Shea b-bakit ka nandito? Get out of here!” she shouted at me with her eyes full of concern. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib by seeing her in this situation.
Napahinga ako ng malalim. I sacrificed myself, my own happiness to protect my loved ones and the people around me and this is what I get?
Don’t you dare piss me off.
I felt that my eyes turned into deep blue as I'm looking at the demon in front of me. He’s growling like he's looking for something.
Bumaling ako kay Eloiny at inaasahan ko na ngang gulat ang unang bubungad sa ‘kin.
“Shea? W-what happened to your eyes?” Nanginginig niyang tanong.
Yumuko ako para maging magkasing tangkad kami, “Eloiny, bago ako umalis dito I need you to promise me something.”
“W-what do you mean?”
“Just promise me!” pagsigaw ko.
Bahagya naman siyang nagulat, "Ano ‘yon?"
I heaved out a deep sigh at naramdaman kong mas naging dark blue pa ang mga mata ko.
“Promise me that you'll stay away from me after this. You and Cein, ayokong lumapit pa kayo sa ‘kin.”
“Ano?! Wait I don't—”
“Second, you must run after I give you the signal.”
“Shea—”
"And third, promise me, promise me Eloiny that you will never tell anyone about this. No matter what happen. Got it?”
Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko but I didn't look back. I ran towards the demon as I summoned my sword.
“Sword of Destruction.”
Once again, my ring lighted up as the sword appeared in my hand. This will be my first battle as a Mistress.
“Anong kailangan mo dito?” Napatigil siya as he saw me right in front of him. Napukol agad ang tingin niya sa espadang hawak ko.
“Sino ka? Bakit hawak mo ang espadang ‘yan?” he asked. His deep, terrifying voice ay nagpapatunay na isa nga siyang demon.
I grinned, “I don't know that demons are dumb. You can’t even recognize me?”
“Ano? Ano daw?” Mahina ba ang pandinig niya?
“Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” tanong ko muli.
“Meron lang akong kailangang tapusin. Balita ko,” he paused and gave me a grin na akala niya nama’y matatakot ako. “Nandito ang reyna namin." he said. Narinig ko pang tumili si Eloiny mula sa malayo.
“Ganon ba? Halika tutulungan kitang hanapin siya.” Nginitian ko rin siya habang pinaikot-ikot ang aking espada sa aking kamay. I'm waiting to use this sword of mine.
Pero nasan na ba si Paxton? He is my familiar tapos wala siya dito? Can’t he sense it that there’s something wrong going on here?
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top