Chapter 11: The Alpha

Tinitingnan ko pa rin sila ngayon. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, lalo na pag tinitingnan ko yung lalaking nakaitim na tahimik na kumakain kasama pa ang ibang Alpha.

It feels like there is a strong force pulling me towards him kaya hindi ko matanggal ang pagkakatitig ko sa kanya.

Titig na titig din ang iba sa kanila, hindi nga lang pinahahalata. They are all beautiful and their aura screams elegance and power. Pito silang lahat, apat na lalaki at tatlong babae.

Yung isa, brownish yung buhok na medyo curly. Ang puti niya at mukhang siyang masayahin sa grupo. Siya kasi yung maingay sa table nila. Yung isang babae, mukhang simple lang. Her hair has a light color at ngumingit-ngiti lang. And the other one is just eating silently. The way she looks is intimidating. Itim yung buhok niya at sa kanilang lahat, siya yung pinakamaputi.

"Ang guwapo ng mga boys, 'no?" bulong sa 'kin ni El while eating her fries.

"See that guy over there na panay ang kulitan nila ni Ezra? That's Trevor. Ang wafu, no? Pero sayang, boylet din pala ang hanap niyan!" mahinang tawa ni Eloiny.

Napatingin ulit ako sa table nila habang kausap niya yung babaeng brownish ang buhok na Ezra pala ang pangalan. Sayang nga. Karamihan na kasi ng mga gwapo ngayon, eh gwapo rin ang hanap.

"And those two na nag-aaway sa ulam, that's Fire and Ice. Obviously, kambal sila. Ang cute nila, 'no? Hihihi!"

"El nee-chan!" muling sita na naman sa kanya ni Cein.

I looked at them. I must admit that they really look charming. Pero hindi ako interesado. They look very similar at ang palatandaan nalang ay ang buhok nila which is red. I think that's Fire, and blue, which is Ice.

"Nee-chan, hayaan mong ako naman ang magsalita. Ang dami mo na kasing nasabi kay Shea-chan, eh," Cein pouted.

Eloiny just rolled her eyes. Lumapit naman sa 'kin si Cein para bumulong.

"And see that cool guy with the all black get up, Shea-chan? Siya si Kiyan Hayashi. Handsome as always. Yun nga lang, tahimik siya at hindi namamansin pero okay lang. Mas gumagwapo pa siya in that way," she said dreamily while looking at him. Mukhang naimpluwensyahan na rin siya ni Eloiny.

I didn't talk the whole time pero nakikinig ako. Sanay na rin naman sila.

I stared at Kiyan. Hindi pa rin kumakalma ang sistema ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Ngayon ko lang siya nakita but there's something in him na nakukuha ang atensyon ko. I don't know, ngayon ko lang naramdaman 'to.

Mas lalong nagwala ang sistema ko nang maramdaman kong nagiging blue ang aking mga mata. I haven't worn my contact lens since I entered this academy dahil katulad ko rin ang mga nandito. But heck, parang may gustong kumawala sa katawan ko. I tried to control the colors changing in my eyes pero mas lalo pang nagwala yung sistema ko.

"Shea! Anong nangyayari? Okay ka lang ba?"

I can hear Eloiny's voice. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Nakapikit lang ako habang nakatungo. Ang init! Para akong sinusunog.

                   
ELOINY'S POV

Bigla akong kinabahan. Si Shea, bigla niya nalang natapon yung kinakain niya at bigla siyang sumigaw. What to do?! What to do?!

"Shea, anong nangyayari sa 'yo?" Nag simula na akong mag panic. Waaahh! 'Di pa naman ako marunong mag handle ng mga ganitong sitwasyon.

"Cein, anong nangyayari kay Shea?!"

"I-I don't know! Shea-chan! Hey, what's happening to you?!"

Nagsimula na ring mag bulungan ang mga estudyante dito and I swear, kung hindi lang ganito yung sitwasyon ni Shea ngayon, kanina ko pa sila pinalipad sa space! I'm dead serious! Ang sasama ng ugali!

"J-just get me out of here," mahinang sabi niya pero halatang nagpipigil na siyang sumigaw. I can see that she's suffering in pain. Pero tinatakpan niya pa rin yung mukha niya.

Even the Alpha ay sa 'min na rin ang atensyon. OMG! They noticed me! Shunga ka talaga, Eloiny. Hindi ngayon ang oras para lumandi!

I was about to use my zero gravity power para lumitaw nalang siya but damn, naagaw na naman ang atensyon ko ng isa na namang guwapo ang tumatakbo papasok dito. Haayyy... ang gwapo talaga ni Ren. Top 1 na nga, ang gwapo pa, matalino pa. Pero shet ang dami kong kaagaw! Ang lalandi niyong mga higad kayo! Napairap tuloy ako.

Nagulat kami ni Cein nang bigla siyang tumigil sa harapan namin at hinihingal pa.

Like O to the M to the G! Iz thiz true?

Ang sarap higupin ng hininga niya. Para kang sumisinghot ng isang dosenang mamahaling pabango with a touch of mint. Ang bango talaga! And his hair is kinda messy kaya mas lalong naging hot pa siya tingnan! How to be yours po? Kinikilig ako habang iniisip ko yun.

"Nee-chan!" bigla akong binatukan ni Cein.

Pambihira talagang babae 'to. Puro nalang El nee-chan ng El nee-chan, meron naman akong tiyan. K.

"Ano ba! Kitang pumapantasya pa yung tao, eh!"

Nakakainis naman kasi. Ngayon ko na nga lang makita si Ren nang malapitan, sisirain pa. Si Ren na yun, eh! The Ren Paxton Montero! The top 1! The heartthrob!

"Sira ka talaga! 'Di mo ba nakita? Bigla niyang binuhat si Shea-chan palabas dito."

Ha? Si Shea? Ay, oo nga pala si Shea! Hala oo nga kailangan na niyang madala sa healer.

"Ano pang ginagawa mo dyan, Cein? Dali na, dalhin na natin si Shea sa healer!"

Naman kasi. Bakit kasi ang daming wafu dito? Nakalimutan ko tuloy kaibigan ko. I'm such a bad friend huhuhu...

"Ewan ko sa 'yo," she pouted at nag-umpisang mag lakad palabas.

Ano raw?

"Sandali lang naman, teh, chill ka lang. Asan na pala si Ren ko—ah, este Ren? Parang nakita ko siyang buhat-buhat..."

Natigilan ako.

Wait...
                        
                              
                             

Processing...
                               
                  
                          
                            
Loading...
                                  
                           
                            

Complete!

"BINUHAT NI REN SI SHEA?!"

Oh my gosh! This can't be happening, Shea! Bakit ako kinikilig? Eh, nasa panganib na nga yung kaibigan namin?

"Nee-chan! Yung boses mo."

"Totoo ba, Cein? Binuhat siya ni Ren? Bakit? Saan siya dinala?"

OMG talaga, I can't believe this.

"Kaya nga pupunta tayo ngayon sa clinic, baka doon siya dinala ni Ren. Ikaw kasi, parang tanga ka dun na nakatulala lang, eh. Di mo nga napansin na binuhat na pala ni Ren si Shea," sermon na naman niya sa 'kin.

"Pero bakit niya raw binuhat? Sorna kasalanan ko bang weakness ko ang mga gwapong tulad niya?"

"Maging ako, nagulat nga, eh. Bigla-bigla niya nalang binuhat si Shea-chan. Hindi ko na napigilan," sabi ni Cein.

"Hmm... May alam ka ba kung anong meron kina Shea at Ren?" tanong ko.

Ang babae kasing yun, hindi mahilig mag kwento. Literal. Once in a blue moon lang magsalita kahit nasa dorm kami. Pero ramdam naman namin ni Cein na komportable siya sa'min.

"Wala eh. Di naman kasi madaldal yun."

Ano kayang nangyari kay Shea? I hope she's okay.

SHEA'S POV

My eyes were blurry. Pero may naaninag akong lalaking bumubuhat sa akin. I can feel that we're running. Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko dahil ang bigat nito. Ano na bang nangyayari?

Unti-unting bumibigat ang ang mga mata ko. Pero bago ako mawalan ng malay, narinig ko pa siyang nagsalita,

"Please hold on, my lady."

And then I drifted off to sleep.
               
                   
     
**

"Alysia..."

Nagising ako nang marinig ko ang pangalan ko. Nandito na naman ako? In this dark and cursed place? I know I'm in a dream again. At mukhang alam ko na kung anong sunod na mangyayari.

"Show yourself," my voice echoed.

From the shadow in front of me, she appeared once again. Beautiful as always. A beautiful yet terrifying existence.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan? How many times do I have to tell you—"

Bigla nyang pinutol ang sasabihin ko.

"He's here," she cut me off.

I frowned. "Who?"

"The Master of the opposite side."

Napatigil ako. No way.

"Please, Alysia, I'm begging you. Please accept the power bestowed upon you. The more you resist, the more it become stronger. I will help you. Together with your familiar."

Ganito nalang palagi. Mag mamakaawa siyang tanggapin kung anong nandito sa loob ng katawan ko.

"No," I answered sternly.

"If you still deny it, everytime you and the Master of the opposite side gets close, your soul will clash and you will die," seryoso niyang sabi.

"Sino ka ba talaga? Bakit palagi mo nalang ako ginaganito? Are you the first inheritor of this power?!"

Galit ako. Kung hindi dahil sa kanya, buhay pa ang bestfriend ko. Kung hindi dahil sa kanya, normal ang buhay ko ngayon. She destroyed everything! She changed my life.

"No, I am the familiar of the mistress before you. Inatasan niya akong gabayan ka. Hangga't hindi mo pa natatanggap kung sino ka talaga."

"You destroyed my life! How can I accept you?!" I shouted at her. Everytime na makikita ko siya, halo-halong emosyon ang nararandaman ko. Pain, anger, sadness, and regret. The power I have made me like this. And she's the reason behind it.

"I didn't destroyed your life. You chose it. Ever since you were a child, I already warned you. Accept the power within you and everything will be under control. Pero matigas ang ulo mo. Hindi ka nakinig sa 'kin. And look what happened. You killed your bestfriend."

Tama na! Tama na! Ayoko nang may marinig pa!

"Your familiar already found you Alysia. Pareho kayong mahihirapan kapag pilit ka paring magmamatigas. Remember, you're a queen. A Mistress."
                                      
                      
***

Napabangon ako. Biglang may nahulog na panyo mula sa noo ko. Nasan ba ako? Nilibot ko ang paningin ko at plain white lang ang interior ng room. Amoy lalaki rin.

What the---!

I was about to get out of the bed when the door suddenly opens. Niluwa naman nito ang taong pinaka huli sa listahan ng nais kong makita. He's wearing a school uniform.

What is he doing here? And what am I doing here?

Nakita kong nagulat din siya nang makita niya akong bumangon pero agad din siyang bumalik sa normal.

"Good thing you're awake. Akala ko, natuluyan ka na," he said in sarcasm.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya.

"How did I get here? And what am I doing here?" tanong ko.

Instead of answering me, nakatingin lang siya sa 'kin. May bago na naman siguro 'tong iniisip na kalokohan. May plano na naman siyang patayin ko?

Napahawak ako sa mukha ko at dun ko napansin na may kulang. Where's my glasses? That's the master piece of my disguise.

"Humiga ka nalang muna. Hindi pa maganda ang pakiramdam mo."

Napakunot ang noo ko with his sudden change of attitude towards me. He's acting strange and weird! Ano bang nangyayari sa mundo?

"Ano na naman ba 'to? May pinaplano ka na naman? Pagtitripan mo na naman ako hanggang sa malapit na akong mamatay? At anong ginagawa ko dito?"

"Wala akong pinaplanong masama. Huwag kang assuming, hindi ka maganda. Just lie down there and rest," sabi niya pero hindi nakatingin sa 'kin.

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Adik ka ba?"

Bigla siyang umiwas ng tingin. Woah, hindi siya gaganti? Baliw na ba 'to? Hindi ko talaga maintindihan ang ugali niya.

"Just shut up and thank me," matigas niyang sabi.

"Thank you for what? For almost killing me? Well, thank you, Mr. Montero, I really appreciate it," I said in sarcasm. I tried to stay calm but this guy is really getting into my nerves.

Nilapag niya ang dala niyang sopas sa bed side table at hindi ako pinansin.

"Papalitan ko muna yung tubig. Ang taas pa rin ng lagnat mo," sabi niya at kinuha yung lalagyan ng tubig.

May lagnat ako? I checked myself at oo nga, mainit nga ako. But why is he taking care of me? Prank na naman ba 'to?

"Your familiar already found you Alysia..."

Naalala ko ang sinabi sa'kin ng babaeng yun. My familiar? Don't tell me it's Paxton who will be my familiar? A familiar is the one who guides and protects his master or mistress. There's no way he will be one. Palagi nga niya akong nilalagay sa kapahamakan.

I looked at him nang lagyan niya ng bimpo ang noo ko. Nakahiga na rin kasi ako.

If I were just like the other girls out there? Malamang kikiligin din ako. But when I remember everything that he did to me, kumukulo na naman ang dugo ko.

He has crimson eyes that fits his bad boy-like personality. His eyebrows are thick na bumagay naman sa kanya. His white hair complements his skin color and his nose and lips are very attractive. Samahan pa ng magandang built ng pangangatawan at magaling pumorma. I admit that his physcal features are eye-catching but what matters most is manners. At wala siya 'non.

"When you're in school, don't go near the Alpha," sabi niya.

"Bakit?"

"Just don't."

"Eh ano bang pakialam mo?"

His eyebrows furrowed. "Just don't go near them," he said in a stern voice.

As if may plano naman akong lapitan sila. It's not in my personality to make friends. Puwera nalang kung sila ang unang mag approach sa 'kin which is too impossible to happen. At sino bang nag sabi na puwede niya akong utusan?

"Wala kang pake," matigas kong sagot.

He opened the door but before he left, I think I heard something. Mahina kasi yung pagkakasabi nya.

"I just saved your life. Idiot."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top