SIYETE


(AFTER 2 MONTHS)

dismissal....

"Trevor tara na!!!!" Excited na sambit ni Kiel.

Tumayo na din ako at inayos ang gamit ko. Ganito ang naging routine namin simula nung sabihin ni Trevor na gusto niya tumulong sa pag aayos ng library. Lagi siyang hahatakin ni Kiel pag uwian na.

Nung una, ayaw kong pumayag na kasama ko siya dito. Dahil panigurado, isusumbat niya lang saakin 'to. Pero nag titiis nalang din ako. Hangga't maaari, ayaw ko ng gulo dito.

Hindi ko alam kung bakit siya nag insist na tumulong sa trabaho ko, when in fact, halata naman na ayaw namin sa isa't isa. Ang huling usap nga ata namin is nung pinigilan ko pa siyang tumulong sa trabaho ko t'wing uwian sa Library.


Pero wala din ako nagawa. Gusto siya isama ni Kiel. Pag sinasabi kong ayaw ko, nag tatanong si Kiel kung bakit. Kaya hindi nalang din ako sumagot.

Habang nag lalakad ako, narealize ko na malapit nanga pala matapos ang 1st semester at maaari kaming umuwi sa mga tahanan namin ng isang linggo. Napangiti ako sa naisip ko. Makikita ko na ulit sila mama.

"Why are you smiling? It's creepy." Biglang sambit ni Trevor na nakapamulsa habang nag lalakad kami papuntang library. Ngayon lang niya ata ulit ako kinausap ng lalaking 'to. Well as if naman gusto ko siya makausap.

"You don't care." Sagot ko at nauna nang pumasok sa Library. Agad naman ako lumapit sa taga bantay doon para kunin ang susi dahil uuwi na siya at kami ang mag la-lock nito after namin mag linis.

Agad naman kami nag simula sa kaniya kaniya naming trabaho pero lumapit saakin si Kiel.

"Jae, ano balak mong gawin sa sembreak?" Tanong nito saakin. Napatigil din naman si Trevor at tumingin saamin bago bumalik ulit sa ginagawa niyang pag sasalansan ng mga libro.

"Uuwi ako kila Mama. I'll spend my week there. Baka tumulong ako sakaniya sa tindahan or sa gawaing bahay." Nakangiting tugon ko. Iniisip ko palang na makikita ko sila mama, sobrang saya ko na. Miss na miss ko na sila.

Parang naging instant buddies kami ni Kiel. Siya yung lagi kong kasama kasi lagi din naman siyang nakadikit saakin. Nasanay nadin ako sa mga matang nanghuhusga saakin tuwing dadaan ako sa harap nila. Hindi ko nalang pinapansin. As long as wala naman silang ginagawang masama saakin, magtitiis ako.

"Tindahan? Ano ba pinag kakakitaan ng mama mo? Selling illegal drugs or kidnapping a kid and asking for a ranso-"

PAK!

Hindi ko na napigilan ang sarili kong sampalin si Trevor. Sobra na ata siya. Tanggap ko pa kung ako nilalait niya pero huwag na huwag niyang idadamay ang magulang ko.

"Hindi mo alam kung paano ako pinalaki ng magulang ko na may dignidad at respeto sa kapuwa. Anak mahirap ako pero marangal ang trabaho ng magulang ko. Ikaw, anak mayaman kanga pero mas masahol kapa sa mga mahihirap, dahil kami, marunong kami rumespeto. Iyon ang wala sainyo. Tatanggapin ko kung lalait-laitin mo ako pero wag ang nanay ko! Nakita ko kung paano siya kumayod para lamang masuportahan ang pangangailangan naming magkakapatid. Sorry ha? Kung andito ako. Kung apektado ka sa presence ko. Hindi ko naman sinabi na tulungan niyo ako dito. Sorry. Sorry kasi andito lang naman ako dahil gusto ko makapag tapos para makahanap ng trabaho at 'di na mahirapan si mama." Pagkatapos ko sabihin 'yon, sunod sunod na agos ng luha na ang lumabas sa mga mata ko.

Naalala ko ang hirap ng nanay ko dahil wala na kaming tatay. Pero patuloy padin niya kaming itinaguyod. Bilang panganay, nasaksihan ko lahat 'yon. Ramdam ko ang hirap niya. Kaya siguro sobrang sakit na marinig 'yung ganun sinasabi ni Trevor tungkol sakaniya. Hindi nila kilala ang mama ko para mag salita sila ng ganun. Kung para kay mama, lalaban talaga ako.

Sa loob ng halos dalawang buwan ko dito sa academy, tiniis ko yung mga naririnig kong masasakit na salita na naririnig kong binubulong ng iba t'wing dadaan ako. Tiniis ko yung mga matang nandidiri tuwing makakasabay ko sila. Tiniis ko lahat 'yon dahil ayaw ko ng gulo. Panigurado namang wala din akong laban dahil mayaman sila at eto lang ako. Tiniis ko yun kasi gusto ko makatapos.

Walang tigil ang pag patak ng luha ko habang si Kiel nasa likod ko pinapatahan ako.

"Puwede bang umalis na kayo? Please. Iwan niyo nalang ako. Ako na maglilinis at mag lalock dito. Just please, stay away from me." Sinabi ko ang huling mga kataga habang diretsong nakatingin kay Trevor.


Agad din naman siyang umalis. Si Kiel binigyan muna ako ng tubig at umalis nadin. Kung mayron man akong ipagpapasalamat, yun ay yung hindi ako sinukuan ni Kiel kahit sinusungitan ko siya noon. Ginusto padin niya ako maging kaibigan kahit ganito lang ako. Nakikita ko pa sa mga mata niya na gusto niya pa akong samahan pero nginitian ko na lang siya at tumango para sabihing magiging okay din ang lahat.





Ayoko na dito. Masiyado ng masakit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top