SINGKO
"Eh ano ba kasing pangalan mo?"
"Huy"
"Yuhoo, Am I a ghost to you?"
Kanina pa nangungulit itong katabi ko. Tanong ng tanong ng pangalan ko. Hindi ko alam bat sa lahat ng estudyante ako ang napagtripan niya.
Nilingon ko naman siya at ayun, nakapout. Tsh. Ibang iba ang kilos niya. 3rd subject na namin ngayon pero nangungulit padin siya. Kung yung iba kung makatingin saakin e parang nilalait ako, siya naman 'tong dikit ng dikit at nangugulit.
"I'm Jae." Simpleng sagot ko sakaniya. Grabe, para siyang bata. Umaliwalas ang mukha niya ng narinig ang sagot ko.
"Whoa, nice name! I'm Kiel. Sabay tayo mag lunch mamaya? Saan ka galing? Ano hobbies mo? Do you like music?" Tuloy tuloy na tanong niya. Whoa, chill lang. Grabe. Kanina pangalan ko lang tinanong niya. Balak ata ako gawan ng bio-data nitong lalaking 'to e.
Hindi ko na siya sinagot dahil baka mas dumami ang tanong niya.
"Calling Ms. Jillian Andrea Enriquez, please proceed to the office." Galing iyon sa isang malaking speaker na rinig sa classroom. Bat naman kaya ako pinapatawag? May nagawa ba ako?
Tumayo naman ako at nagtaas ng kamay sa teacher upang iexcuse ang sarili. Tinignan lang ako ni Trevor kaya dineadma ko nadin siya.
"Wait, hey! Where are you going? Ma'am excuse me!" Sigaw nitong si Kiel daw at sumunod saakin palabas.
"I'm going to the office." Pag tataboy ko sakanya.
"Why? Ikaw ba yung pinapatawag? Sabi mo you are Jae! Hindi naman Jae ang narinig ko, it's Jillian!!!" Pangangatwiran niya. Wala ba talagang preno ang bibig niya? He's too noisy. At pinag titinginan kami ng ibang students na nakakasalubong namin sa hallway.
"Look, It's Jillian Andrea Enriquez. Kaya Jae. And can you please leave me alone? I'm here to study hindi para makipag laro. Don't you have other friends? Huwag naman ako ang pagtripan mo, hindi ako pwede bumagsak sa school na ito." Buntong hiningang talak ko sakaniya.
"Hey, wait. Sorry kung iniisip mong pinagtitripan kita. Yes I have other friends pero gumraduate na sila last school year. I just want to gain even one again." He calmly said. Parang hindi siya yung playful guy na nakilala ko kanina.
"Fine." Yun lang sinabi ko at umaliwalas nanaman ang mukha niya at sumunod saakin.
"I'll come with you!" Masiglang sambit niya saakin.
Pagpasok ko ng office nagulat ata yung nasa desk na makitang may kasama ako.
"You are Ms. Jillian?" Tanong nito kaya tumango naman ako. sabay tingin sa kasama ko. "Mr. Marcos, why are you here?"
"I insisted to come. She's my friend." Magalang na sagot niya.
"Okay Ms. Enriquez, kung hindi pa nasasabi ng parent mo sa'yo, we accepted you here but you need to help the work in our school's library to fullfill your tuition. Kalahati lang ang nabayad ng mom mo so we assumed that you'll start the work tomorrow?" Nakangiting sambit niya.
So nagbayad pala talaga si mama. Pero kalahati lang? Sabagay, okay na saakin yung ganito kesa mamasukan sa iba bilang kasambahay. Ang pinag tataka ko lang, paano napakiusapan ni mama na pumayag na ganun ang kondisyon kapalit ng pag aaral ko dito? Is that even possible? Kasi alam ko bawal.
"Yes, ofcourse. Mag iistart po ako bukas." Nakangiting tugon ko admin.
"Uhm, can I work with her?" Singit ni Kiel. Seriously? Wala ba siyang ibang mapag kaabalahan? Ako at ang trabaho ko ang inaabala niya.
"Why Mr. Marcos? You don't need to. You are fully paid until you graduated."
Whoa, napakayaman naman ata nitong katabi ko?
"Let me work with her. Hati kami sa trabaho. Para hindi siya mahirapan. She's a lady." Magalang pading sagot niya. Siniko ko na siya. I don't need someone to help me. Kaya ko ang sarili ko.
"If that's what you want. I'll inform the both of you tomorrow sa schedule niyo." After she said that, umalis na kami.
"Kiel, seriously, I don't need your help. Thank you pero kakakilala lang natin and you are offering too much." Sabi ko sakanya pag labas namin ng office. Totoo naman e, masiyado malaki yung inooffer niyang hahati sa trabaho ko para sa tuition ko. I mean yeah, ayaw ko ng may tumutulong saakin. I can handle myself.
"It's fine." Sabi niya. Para talaga siyang bata. Napaka jolly ng personality niya. Natutuwa ako pero slight lang.
"Jae, Ligawan kaya kita?" Biglang sambit niya.
ANO DAW? JUSKO, BIBIGYAN AKO NG SAKIT SA ULO NG LALAKING 'TO.
________
(EXO) Byun Baekhyun
as
Hezekiel "Kiel" Marcos
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top