PROLOGUE

"Dito ka suki! Halika sariwa ang mga gulay." Dinig kong sambit ni mama. Nag titinda kasi siya ng mga gulay at iba't ibang palamuti sa bahay at iilang alahas.

Andito ako ngayon sa bayan, kagagaling ko lang sa school dahil kinuha ko ang resulta ng huling pagsusulit namin.

Tapos na ako ng sekondarya.

Napatingin ako sa gawing kaliwa kung saan may mataas na bundok at kitang kita ang matayog na Draven Academy.

Iniangat ko ang kamay at kunwaring inaabot iyon.

Matic na saakin, pagkatapos ng sekondarya, marahil tutulong ako sa pagtitinda dito sa puwesto namin sa bayan o di kaya'y mamasukan bilang kasambahay sa ibang lugar. Ganun ang estado namin dito kapag hindi kami nakapagtapos ng Tertiary. 

At matic yun. Dahil hindi namin kayang tustusan ang pag aaral sa Draven Academy.

Napalingon saakin si mama kaya agad kong binaba ang aking kamay at inalis ang tanaw sa naturang paaralan.

Ngumiti naman ito saakin kaya sinuklian ko din siya ng ngiti.

"Ma, bukas po baka mag hanap na ako ng mapapasukan sa kabilang bayan. Baka hindi na po ako makadaan dito sa tindahan." Paalam ko.

"Huwag muna Jae, nahanapan na kita ng mapapasukan sa isang buwan." Nakangiting tugon nito saakin. Kaya tumango nalang din ako.

Tumalikod muna ako upang kunin ang resulta ng huling pag susulit ko at ipapakita ko iyon kay mama.

"How much is this one?" Narinig kong asik ng lalaki. Habang andito ako, hinahanap kung saan ko ba nalagay ang resulta na iyon. Hindi iyon pwede mawala.

"Ah, ano po--" di paman din tapos mag salita si mama e...

"Magkano kako ang isang 'to?" Tinagalog niya ang tanong.

Hinarap ko ito ngunit naka hoodie ang lalaki ngunit halata ang uniform na nakatago sa loob ng hoodie.

Draven.

Ganun ba talaga ang mga nag aaral dun? Tingin saamin bobo? Marahil hindi lang nakasagot ang nanay ko kasi nagulat siya o kaya naman ay di niya maaninag ang tinuturo ng lalaking to. Medyo malabo na kasi ang mata ni mama.

"My mother can fluently speak and can understand your language. Porque mayaman ka, mamaliitin mo ang mga taga bayan? Matapobre." Sambit ko kunwari sa sarili ko pero pinaparinggan ko siya. Malakas loob ko dahil nakatalikod naman ako sakaniya.

Wala naman akong narinig na sumagot  at maya maya'y kinalabit ako ng nanay ko.

"Ikaw talagang bata ka ang bibig mo walang preno. Masiyado malaki ang galit mo sa mga mayayaman anak, wala naman kasalanan sa'yo. Oh umalis na ang binatang iyon. Naku, ke gwapo gwapo panaman. Oh e ano ba iyan? Iyan naba ang marka mo?" Tanong ni mama at binigay ko nadin naman agad sakaniya.

May galit sa mayayaman?

Wala.

Napasulyap ulit ako sa pinapangarap kong paaralan.

If mabibigyan ako ng pagkakataon, magaaral ako jan.

I like the school but not their students.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top