KUWATRO
This is our first official day. Kung kahapon kakaunti lang masiyado ang tao ang pagala gala sa paaralan, ibig sabihin dodoble pa ngayon na first day. Marahil kagabi o ngayon lang mag sisi-datingan ang mga ibang studyante galing bakasyon.
I wonder kung kelan pa andito si Maddison. Pagkarating ko kasi kahapon, andito na siya. Nagbakasyon ba siya?
Naideliver na kagabi ang uniform namin ni Maddison after ko mag dinner kasama ang mag PINSAN.
Pagkagising ko kanina ay naka bihis na si Maddison at nag aayos na ng sarili niya sa harap ng salamin. Sabi ko nanga ba, hindi siya basta basta simple. Magaling siya magdala ng kahit anong damit. Kahit uniform namin.
Bumangon nadin ako at naligo. tinitignan ko ang uniform ko. This is it. Hindi padin ako makapaniwala na mag aaral na ako dito. Sinuot ko na 'to sinuklayan ang sarili. Hindi ako marunong mag ayos kaya bahala na. Di naman ako pumasok dito para mag paganda. Hindi man ako ganun ka komportable sa uniform nila, well, masiyadong hapit sa katawan ang blouse nito at may royal blue coat na fitted din saakin. Ang royal blue skirt namin ay halos dalawang puldgada ang taas mula sa tuhod. May katerno din itong puting high socks at itim na sapatos. 'Di na ako nag taka, sa sobrang mahal ng bayarin sa paaralang ito, pati bag namin ay sagot nila.
May dalawang course na inooffer ang Academy, ito ay ang kredibilia at illumina.
Ang kredibilia ay ang mga estudyanteng nais hasain ang kanilang galing base sa skills nila, marahil ang pagluluto, oag kukumpuni, pagguhit at iba pa. Samantalang sa illumina naman ay yung mha estudyanteng utak ang puhunan.
At Illumina ang course ko.
Pag labas ko ng banyo wala na si Maddison pero may iniwan siya sa kama ko. Napangisi ako. Kahit ganun ugali niya, may halong kabaitan padin naman siguro sa puso niya.
Nagiwan siya ng maliit na guide para marating ko ang class room ko. Natural, bago palang ako dito hindi ko pa alam ang pasikot sikot sa laki ng paaralan na 'to.
Kinuha ko ang bag ko at lumabas na sa aming silid.
Habang nag naglalakad ako sa campus building, nakatuon ang atensiyon ko sa guide na binigay ni Maddison, ng biglang--
"Ops, sorry." Napalingon naman ako sa babaeng nag salita. Whoa, di ko maaninag ang mukha, ang kapal ng make up. Pinilit kong kumalma kahit muntik na ako madapa sa pag patid saakin ng clown na 'to.
Kalma, Jae.
Dun ko narealize na, Oo nga pala, hindi sila sanay sa kagaya ko. At dun ko din napansin na nagbabalik nanaman ang mga matang umuusig saakin.
Pumasok ako sa classroom ko ng hindi nililingon kahit isa sa magiging kaklase ko. Alam ko sa mata nila na nagtataka o nagtatanong kung bakit nila ako kaklase. Hindi ko nalang pinansin.
Umupo ako sa dulong upuan upang ilayo ang sarili sakanila.
"Tss." Napatingin naman sa nag sambit nun sa gilid ko. Si.. what the hell? Si Trevor? Kaklase ko?
"Kaklase kita?" Di makapaniwalang tugon ko.
"Obvious ba?" Pagsusungit niya. "Lumayo kanga saakin, I don't have time dealing with poor people."
Hindi naman kami close para mag biro siya diba? So I guess... Matapobre talaga.
Lilipat nalang ako ng 1 chair away sakaniya. Such a jerk.
"Uy, patabi ha." Sabi nung isang lalaki. Di paman din ako nakakasagot e umupo na siya. Bale napapagitnaan nila ako ni Trevor. Sabi ko lilipat ako e! Wala na.
"Uh, pwede ba tayo mag palit ng sea--" makikipag palit sana ako ng upuan pero..
"Goodmorning class."
Uh oh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top