DOS
Batid ko ang mga matang nakatingin saakin habang nag lalakad ako sa pasilyo ng girl's dorm. Sino nga naman ako upang umapak dito diba? Isa lamang akong hamak na taga bayan.
Tinuon ko nalang ang pansin sa numerong nakasulat sa susi ko. 304. Diretso lamang akong naglalakad hanggang marating ko ang magiging kwarto ko.
Isang malakas na buntong hininga muna ang binitiwan ko bago ako nagdesisyong pumasok sa loob.
Ngunit laking gulat ko ng mapagtantong hindi ko masosolo ang kwarto. Isang babaeng halos kaedad ko ang nakaupo sakaniyang kama habang nag titipa sakanyang mamahaling laptop. Napabaling naman ang tingin niya ng mapansin na nakatingin ako sakaniya. Is she even aware na magkakaroon siya ng bagong room mate?
Maganda siyang babae. Simple lang, o siguro kaya simple dahil nasa loob lang naman siya ng kwarto? I don't know.
"Who are you?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tsaka tinaasan ng kilay. Akala ko, magkakaroon ako ng mabait ng room mate gaya ng nababasa ko sa mga libro. Pero mukhang hindi.
"Jae." Simpleng sagot ko. Ayaw ko ng gulo sa paaralang ito. Kung hindi nila ako tanggap, edi huwag nila akong pansinin. Hindi naman sila ang dahilan ng pag punta ko dito.
Bumalik na ulit siya sa ginagawa at hinayaan akong mag ayos ng mga gamit sa puwesto ko. Balak kong mag pahinga ngayong araw at wala naman akong balak lumabas dahil ayaw ko sa presensiya nila at mukhang ganun din naman sila saakin.
Humiga nalang ako sa kama at hinayaan ang sarili kong lamunin ng antok...
"Hey, Jade."
"Hey."
"Bitch, wakeup."
"Whoever you are, wake up!"
Halos malaglag naman ako sa kama sa lakas ng sigaw nito. Ano banaman 'to? Bat ba ako pinapakialaman nito? Kala ko ba ayaw saakin?
"Ano ba'yon... ano nga palang pangalan mo?" Tinanong niya ako kung anong pangalan ko pero hindi ko pala natanong ang kaniya. Maigi nadin yung kahit papano may alam ako sa pagkatao ng roommate ko. Kahit pangalan lang.
"Whatever. I'm Maddison Ricanoa." Ricanoa? Kilala sa bayan ang pamilya. Anak ni Don Hugo. (Yugo) Pamilya ng mga Doctor.
"Oh, e bakit mo naman ako ginising?" Ano bang balak nito? Bored ba siya? Wala siya malait?
"It's Dinner Jade. I was tasked to go with you because you are a urrr newbie, yeah." Kita ko naman sakaniya na napipilitan lang siya. Kaya ko naman sarili ko.
"It's fine bababa nalang ako sa cafeteria. Nakakahiya dumikit sa'yo baka ano pa masabi ng ibang tao. Go and eat with your friends." Pilit ngiting sagot ko sakaniya.
"Uh, whatever? I don't do friendship shits. I don't have one. Just fix yourself and let's go." Sabi niya at humarap sa cabinet niya. Napatingin naman ako sa maleta na dala ko. Sabay tingin sa salamin. Uh, bawal ba 'tong suot ko?
But anyway, magpapalit ako. For the sake of this girl na halos mas mahal pabata sa tuition fee ang suot niya ngayon. Partida, it's just a skirt and crop top pero halatang sa ibang bansa pa nabili.
I can sense that she have a kind heart. Tho hindi mo 'yon mapapansin coz she have that bitchy attitude. But sana hindi ako nagkakamali, na kahit papano, may mabuti siyang puso.
-------------
(Redvelvet) Irene
as
Maddison Ricanoa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top